Kabanata 129

1 0 0
                                    

Kinahapunan,

Nagising na sila Kelly at Jacob "Eh? Asa kwarto na ko?"

"Aba, at dine na din pala nila pinatulog si Siopao sa kwarto ko. Sandali lang ilang araw lang kami sa Batangas pero bakit parang naging higanteng siopao na muka nireng batang ito?"

Pinindot pindot ni Kelly ang pisnge ng kaniyang pamangkin "Mmmm....tita Kelly?"

"Oh? Sowie nagising ba kita?"

"Ahm...opo?"

"Ahahaha...Ang taba kasi lalo ng pisnge mukhang nag enjoy sila tiya Vina na pakainin ka ng pakainin eh."

"Ah? Opo nga feeling ko nga po bloated ako eh."

"Eh? Alam mo yun? Napaka talino mo talagang bata ka."

"Syempre naman po bloated laang po eh."

"Well, halika gusto mo mag bike?"

"Bike? Meron po ba tayo dine?"

"Oo meron ako sa likod kaso wala ka palang bike."

"Ah? Meron po andun samin."

"Oh? Marunong ka?"

"Opo tinuruan ako ni Uncle Renzo."

"Ohhh...I see ano bike tayo? Mukhang maaga pa naman bago lumubog ang araw ikot lang tayo dine sa subdivision."

"Sige po tita uuwi lang po ako samin para kuhanin ang bike ko."

"Sige pero sasamahan na kita."

"Um...sige po tara na? Paalam tayo kila daddy."

"Ha? Hindi tatakas tayo."

"Po? Pero..."

"Ayos lang yan mukhang tulog din naman ang mga yun pagod sa biyahe kanina kaya tara na dahan dahan tayong bababa ng hagdan."

"Pe---pero tiya Kelly."

"Ayos lang yan wag kang mag alala akong bahala."

Pabulong bulong naman si Jacob "Siya daw bahala pero ako ang kawawa mamaya. Sigh...ang hirap talagang maging matanda sana di na ko tumanda."

"Ano yun? May sinasabi ka?"

"Ah? Wa---wala po tita."

"Siya kung ganoon halika na."

"O---opo."

At dahang dahan ngang lumbas ng kwarto yung dalawa "Shhh...wag kang maingay ha? Dahan dahan tayong bababa."

"Opo."

"Okay sundan mo lang ako ha?"

"Um..."

At pagka baba nung dalawa wala ngang tao kaya nag punta muna sila sa kusina para kumuha ng tubig nila. "Oh, hawakan mo muna ang tubig natin baby kukuha lang ako ng biscuit para di ka magutom."

"Ako po talaga?"

"Oo naman baka mamayat ka eh."

"Tita Kelly naman kaya nga tayo mag ba-bike eh para mabawasan ako ng timbang."

"Eh ayaw mo talaga? May cup cakes pa naman sa ref."

"Ho? Sige po bukas nalang ako mag da-diet."

"Tsss...Silly sige na kukunin ko na kukuha lang ako ng maliit na eco bag para dun natin ilalagay."

"Um...sige po."

    Makalipas ang ilang minuto,

"Okay, kaya mo talagang mag bike ha."

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon