Kabanata 75

23 0 0
                                    

Sa Sala,

Nakaupo ang magkakapatid at si Jacob habang kausap sa laptop via video call si Keith “Baliw ka talaga kuya Keith!!!” Ang sabi ni Kelly.
Keith: Ahahaha...sorry na di ko kasi alam kung saan ko ilalagay yan gusto ko lang naman na di niyo ko ma-miss.
Kian: Bungol ka!
Kevin: Irit na si Kelly eh kala naman namin ni kuya Kim kung ano na sira ka talaga.
Kim: Kaya nga madapa-dapa na ko sa pag punta sa kwarto ni Kelly tukmol na ito! Lagot ka sakin pag uwi mo.
Keith: Ahahahaha...sayang at di ko nakita ang mga reaksyon niyo. Pero ang brave naman ng Siopao namin.
Jacob: Syempre naman po.
Keith: Good Job ka! May pasalubong ka kay tito pag uwi.
Jacob: Salamat po pero kahit wag nalang.
Keith: Bakit naman?
Jacob: Tsss...kung kayo po ang magbibigay di nalang po.
Kelly: Ahahaha...see, kahit yung bata di mo maloloko baka mamaya mag uwi ka na naman ng manok at kambing dine.
Keith: Aba, ang mga lintek na ito investment yun kita mo nga may mga itlog na tayong nahaharvest sa manok diyan.
Kian: Ang kalat naman lagi sa likod sino na ang maglilinis nun ngayon? Aber?
Keith: Aba’y, kayo-kayo na muna kayo naman makikinabang diyan eh.
Kim: Pag wala na kaming pambili ng ulam uulamin na namin mga yon.
Keith: Hoy! Sige subukan niyo lang malilintikan talaga kayo sakin.
Kevin: Tsss...talaga lang ha?! Umuwi ka nga.
Keith: Ewan!
Kian: Oh? Eh, bakit ikaw lang nasan si Faith?
Kelly: Oo nga si ate Faith gusto kong makita.
Keith: Aba’t ako hinde?
Kelly: Pag-iisipan ko.
Keith: Tsk...ewan...Honey, tawag ka ni Kelly.
“Oo sandali lang.” Ang sabi ni Faith sa likod.
Kelly: Ate Faith!!!
“Hello, sa inyo...” Ang bungad ni Faith.
Kelly: Kamusta ka na?
Kevin: Oo nga anong gender ni baby?
Kian: Nalaman niyo na ba?
Keith: Wala pa excited kayo diyan bukas pa kami matutuloy sa OB niya.
Jacob: Sana po boy para may kalaro na ko.
Kim: Oo nga sana kasing lusog din ni Siopao.
Kelly: Kahit ano basta healthy.
“Yeah...” Reaksyon ng lahat.
Faith: Salamat sa inyo. Ingat kayo diyan kami ng bahala kay Keith.
Kian: Ayos lang pahirapan niyo yan.
“Oo nga.” Anila Kelly maliban kay Jacob.
Keith: Mga bwiset talaga kayo kahit kailan buti pa si Siopao.
Jacob: Ho? Di lang po ako nakisabay pero tita Faith ayos lang po turuan niyo ng gawaing bahay yang si tito Keith.
“Ahahahaha...” At nag tawanan silang lahat.
Keith: Ikaw!!!
Kian: Hahahaha...tama na nga yan tawagan mo na rin si Mama mamaya sabihin mo nakarating ka ng maayos sa Bulacan.
Keith: Oo sige, bye na sa inyo wag niyo kong ma-miss.
“Hindi talaga!” Anila.
Keith: Ewan ko sa inyo.
Kelly: Bye ate Faith ingat ka po palagi.
Faith: Salamat kayo rin diyan.
Kim: Sabihan niyo kami pag may kailangan kayo.
Kevin: Oo nga ate Faith.
Faith: Sige salamat sa inyo.
Jacob: Bye tita Faith.
Faith: Bye little boy.
Keith: Hoy! Andine din kaya ako.
Kelly: Ahahaha...sige na bye na rin kuya love you both.
Keith: Sus! Love you all.
Kian: Sige na mag pahinga na kayo.
Keith: Um...sige ingat kayo diyan.
Kian: Okay, ikaw na mag end ng call.
Keith: Um.
Kelly: By ekuya.
Keith: Bye.
At nag end na nga sila ng video call “Sigh...” Ang pabuntong hininga nilang reaskyon lahat.
Tumayo sa unahan si Jacob “Ayos lang po yan happy po si tito Keith kaya dapat happy din tayo para sa kaniya.” Aniya.
Kim: Nga naman uuwi rin naman si Keith.
Kian: Ano Kelly? Ayos ka lang?
Kelly: Ha? Oo naman kuya.
Kevin: Sus...
Kim: Nga pala kanina nung dumating kayong dalawa ang sama ng mood niyo anong problema niyo?
Nagkatinginan yung dalawa at sinabing “Wala lang yon kuya.” Anila.
Kian: Kevin? Ano yon?
Kelly: Wala lang yon kuya si kuya Kevin kasi nang aasar na naman. Yun lang yon di ba kuya?
Kevin: Ha? O—oo yun lang yon inaasar ko lang sya kasi nga malungkot na agad kaalis lang ni kuya Keith eh ang oa ka ko.
Kelly: Oo yun lang yon kuya...Ah...nga pala may kailagan pa akong gawin tataas na muna ako. Siopao sama ka?
Jacob: Opo.
Kian: Hep!
Kelly: Bakit kuya?
Kian: Jacob, hindi ka matutulog sa tabi ng tita mo okay?
“Sigh...kala ko naman kung ano na.” Ang pabulong-bulong na sabi ni Kelly.
Jacob: Tsk...opo.
Kian: Siya sige na Kelly wag kayo mag puyat may pasok ka pa bukas.
Kelly: Okay, hatid ko nalang si Siopao sa kwarto niyo.
Kian: Sige.
Kelly: Lika na baby.
Jacob: Opo.
Pagtaas nung dalawa “Kevin!” Ang sabi ni Kian at Kim.
Sa isip-isip ni Kevin “Kala ko makakalusot na ko di pa rin pala. Sigh...sorry Kellang! Pero mahal ko pa ang buhay ko.”

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon