Kabanata 39

12 0 0
                                    

     Sa Theme Park,

Magkausap sila Kim, Kevin at Keith habang nakaupo at naguusap rin sa may gilid sila Kelly at Patrick “ANO??? INLOVE NA SI KELLY???!!!” Sabi ni Keith at tinakpan naman kaagad ni Kim ang bibig nito.
Kim: Wag kang maingay.
Keith: Mmmm....
Kevin: Sa tingin namin di niya pala alam na nafall na siya sa isang guy.
Inalis ni Kim yung kamay niya kay Keith “Bro, ang baho naman ng kamay mo. Bwiset ka!.”
Inamoy yung kamay “Ha? Oo nga ay napahawak kasi ako sa bakal kanina may alcohol ka ba Kevin?” Tugon ni Kim.
Kevin: Ah...oo ere.
Inabot kay Kim yung alcohol “Paano niyo nga pala nalaman?” Ani Keith.
Kim: Di naman naglilihim satin si Kellang kaya ayun sinabi niya samin nasa Bulacan ka kasi kaya di mo alam.
Kevin: Ang buong akala niya kaya nabilis ang tibok ng puso niya dahil may sakit siya.
Keith: Huh! Ahahahahaha...napaka immature talaga ng batang yan. Pero sa tingin niyo si Patrick yung guy?
Kim: Ngayon di pa namin alam kung lalaki nga ba o babae.
Keith: Ha? What do you mean?
Kevin: Sabi niya lang kasi samin kaklase niya yung nakita niyang nag pabilis ng tibok ng puso niya di na namin na itanong kung boy ba o girl.
Keith: Eh ano ng plano nyo?
Napatingin sila kila Kelly at Patrick “Kuya...tara na..” Ani Kelly.
Kim: Oo andiyan na.
Kevin: Ngayon pinasara muna ni kuya Kian yung wifi at pinatanggal ang mga bistida na bigay ni mama at ni tita Karla kay Kelly.
Keith: Ohhh...kaya pala wala akong masagap na wifi kahapon kala ko naputulan na tayo.
“ Kuya...tara na.” Ani Kelly.
Kevin: Tara na nga para di ako natutuwang ang kasama lang ni Kelly ay iyang si Patrick.
“Me either.” Anila.
Habang papalapit yung tatlo “Ahm...bakit mo naman sila sinama?” Ani Patrick.
Kelly: Pinasama sila ni kuya Kian at bakit ba dine pa tayo nag meet? Anong feeling mo date ito? Huh! Asa ka.
Patrick: Oo yun na nga.
Kelly: Da----date??? Ta----tayo???
Namula na naman ang pisnge ni Kelly “Baby? Ayos ka lang? Bakit namumula ka?” Bungad ni Kim.
Kelly: Ha? Ah...eh....ma----mainit lang.
Napatingin ng masama yung tatlo kay Patrick “Wa---wala po akong ginagawang masama.
Kelly: Tsk...tara na nga po gusto kong pumunta sa horror house.
Tinulak niya yung mga kuya niya “Ikaw! Bilisan mo! Were watching you!” Ani Keith na nakatingin kay Patrick.
Patrick: O----opo...
Pabuong bulong siya “Hayss...Hassle! Paano ko naman masosolo nire si Kelly kung andiyan ang mga kuya niya? Buset!”
Kelly: Ano? Diyan ka na laang ba?
Patrick: Oo papunta na.
Habang papunta ng horror house “Baby, bakit nga pala kayo nagkita ng tukmol nayan at bakit kayo lang?” Ani Kim.
Kelly: A---ano kasi.
Kevin: Ano date?
Todo tanggi si Kelly “Nako, hindi kuya binabayaran ko lang yung pinusta ko sa kaniya natalo kasi ako eh.:
“ What do you mean?” Anila.
Kelly: Eyy...basta mahabang istorya..
Keith: Di naman kaya nanliligaw na siya sayo?
Kelly: Ha? Hin----hinde...
Napakamot ng ilong si Kelly nagkatinginan tuloy yung mga kuya niya “Talaga????” Anila.
Kelly: O---oo nga...bahala nga kayo diyan!
At iniwan sila ni Kelly pumasok na sa horror house “Bunso!!!” Anila.
Keith: Mukhang nagsisinungaling si Kelly.
Kevin: Napansin ko rin ganun siya kapag napapakamot siya sa ilong niya.
Kim: Yeah...
“Na saan po si Kelly?” Bungad ni Patrick.
Paglingon nung tatlo ang sama agad ng tingin hinila siya sa isang gilid “Mag tapat ka nga! Nanliligaw ka ba sa kapatid namin?” Anila.
Patrick: Ahm...ano po kasi...OPO GUSTO KO PO ANG KAPATID NIYO!!!
Napalakas ang pag sigaw ni Patrick kaya napag tinginan sila “Anong meron doon?” Sabi nung isang babaeng nakarinig.
Napangiti nalang yung apat “Wow...ang gugwapo nila...” Sabi nung isa ring babae at naging center of attraction na sila.
Kim: Ahm...sa tingin ko kailangan na nating umalis dito.
Kevin: Tingin ko nga parang dumadami ang tao.
Sa isip-isip ni Patrick “Kahit kailan talaga problema ang maging pogi.”
Keith: Sandali lang, si Kelly nga pala nasa loob na ng horror house.

Sa Horror House,

Kelly: Humph! Kakainis bakit kasi sumama pa sila kuya tapos kung ano, ano pa mga sinasabi. Kainis!
Nasa loob na si Kelly at dedma lang siya sa mga nanakot sa kaniya “Tsk...bayan, wala namang thrill dine sayang lang binayad ko walang nakakatakot.”
“WAHHHH...honey...nakakatakot lumabas na tayo.” Sabi nung babaeng kasama yung jowa niya.
“Kalma ka lang andito ako kapit ka lang.” Tugon naman nung lalaki.
Narinig iyon ni Kelly pabulong bulong sya “Tsss...Arte, ano naman kaya ang nakakatakot dine? Puro naman fake! Hayyy.....nako! Makalabas na nga...”
Habang naglalakad si Kelly papalabas may kumulbit sa kaniya pero paglingon niya wala namang tao “Eh? Sino yan?” Aniya.
Pag harap niya “Hi!” Sabi nung isang lalaki.
Kelly: Ay palakang kokak.
“Ahahahaha...grabe ka naman ako palaka?”
Kelly: Who are you? Masyadong madilim di kita maaninag.
“Ha? Ah...okay...”
Binuksan yung flashlight “Oh? Okay na? Kilala mo na ko?”
Kelly: Hinde sino ka ba? Kasama ka ba dito sa mga nanakot?
“Si Renzo, yung bagong kapitbahay niyo.”
Kelly: Renzo?
Renzo: Oo yung nagbigay ng yema cake sayo.
Kelly: Ahhhh...the yema cake boy.
Renzo: Huh! “The Yema Cake Boy???”
Kelly: Ummm...di ko kasi naalala mga name pag di ko gustong alalahanin.
Sa isip-isip ni Renzo “Napaka straight forward niya grabe.”
Renzo: Anyways, bakit ikaw lang wala kang kasama?
Kelly: As you can see ako lang kung may nakikita ka pang iba ba’y ewan ko na laang sayo.
Pabulong bulong si Renzo “Ang prangka grabe.”
Kelly: Ano yon?
Renzo: Ah...wala....ay end na pala ito ng horror house.
Kelly: Yes....nakalabas din.
Renzo: Saan ka na ngayon?
Kelly: Ha? Nasa labasan ng horror house? Saan pa ba?
Renzo: Ha---ha---ha...Nga naman.
Sa isip-isip ni Renzo “Ang pilosopa nakakairita!”
Kelly: Sige! Maiwan na kita kakain na muna ako.
Renzo: Ah...Oo sige.
Kelly: Bye, see you around.
Iniwan nga siya ni Kelly “Huh! Iniwanan niya lang talaga ako? Di man lang niya ako niyayang kumain? Grabe!”
Hinabol niya si Kelly “Hey!” Aniya.
Kelly: Oh? Ikaw ulit?
Renzo: If you don’t mind can I join you? Gutom na rin ako eh.
Kelly: Ohhh...sige pero stall lang tayo ha? Di ko keri resto ngayon eh walang pasok kaya walang baon lam mo na student problem.
Renzo: Oo naman no problemo mi amor.
Kelly: Ano yon?
Renzo: Ha----ha----ha...wala tara na.
Kelly: Okay!

Samantala,

Kim: Ano? Nakita niyo na si Kelly?
Kevin: Hindi wala sa loob ng horror house.
Keith: Wala rin sa ladies room.
Kim: Ikaw Partick? Nakita mo?
Patrick: Di rin po Sir.
Kim: Lintek! Hanapin niyo kung ayaw niyong mawalan ng mata!!!
“Yes...Sir.” Anila.

Makalipas ang ilang oras,

Nagkakasalisi ang mga kuya ni Kelly sa mga pinupuntahan nito kaya di sila nag papanagpo “Ano? Nakita niyo na?” Sambit ni Kim.
“ Hindi parin.” Anila.
Patrick: Sandale,  mga Sir si Kelly yun di ba?
“Saan?”
Patrick: Doon ho sa linya ng Ferris Wheel.
Kim: Sino yung kasama niya?
Patrick: Bilisan na ho natin pasakay na sila.
“Sige!” Anila.
Pasakay naman na yung dalawa ni Kelly at Renzo kaya di na nila naabutan “KELLY!!!!” Pahabol nilang sambit.
Napalingon si Kelly “Eh? Tawag mo ba ko?” Ani Kelly habang papataas na yung sinasakyan nila.
Renzo: Hinde?
Kelly: Hmmm...guni-guni ko lang siguro.
Renzo: Nga pala, wala ka ba talagang kasama?
Kelly: Ah...meron sila kuya tsaka yung isang kong kaklaseng lalaki.
Renzo: One of the boy’s ka pala ano?
Kelly: Um...lima kaming magkakapatid at ako ang bunso tas ako lang isang babae samin sabi ng iba ang cool daw nun pero kung ako ang tatanungin? Naku po! Walang cool doon.
Renzo: Bakit naman? Alam mo kabaliktaran ng sitwasyon mo ang sa akin.
Kelly: Wait, don’t tell me ikaw lang ang lalaki tapos mga kapatid mo babae? That’s pretty cool!
Renzo: Well, yes kaso may mga asawa na sila kaya ayun madalang nalang kaming mag kita kitang magkakapatid. Ay, di pala lahat may isa pa akong kapatid na walang asawa si ate Rica.
Kelly: Ohhh...I see ilan naman kayong magkakapatid?
Renzo: Were 6 siblings.
Kelly: Oh, lamang lang pala kayo ng isa samin.
Renzo: Yeah...sigurado over protective ang mga kuya mo sayo ano?
Kelly: Oo sinabi mo pa nakakasakal na nga minsan. No, madalas pala.
Renzo: But a girl like you dapat talagang inaalagaan.
Nagulat si Kelly “Anyways, bakit ka nga pala nandito? Wala ka rin bang kasama?” Aniya.
Renzo: Ha?

Sa magkaparehong oras,

“Ano tol, nakita mo na si Boss?” Si Jio isa sa mga kaibigan ni Renzo na lagi niyang kasama.
“Nakita mo ngang wala akong kasama eh malamang hindi pa!” Si Bruno isa ring kaibigan ni Renzo na lagi niyang kasa-kasama.
Jio: Tinakasan na naman tayo nun.
Bruno: Nakita niya na siguro si Ms. Kelly.
Jio: Pambihira, kinalimutan na tayo ka agad.
Bruno: Kaya nga! Gutom na ko eh kumain na nga muna tayo.
Jio: May pera ka?
Bruno: Wala nga eh.
Jio: Pwes, mag tiis ka!
Bruno: Haysss...nasan na ba kasi si boss Renzo.
Jio: Bilis hanapin na natin ng makakain na rin tayo.
Bruno: Hayyyyy...bwiset!









*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon