Kabanata 40

22 0 0
                                    

     Pagkababa nila Kelly at Renzo sa Ferris Wheel nakaabang na ang mga kuya niya at si Patrick na wari’y galit na galit “Mga Kuy’s???” Aniya.
Renzo: Hello po! I’m Re...
Hinila ni Kim si Kelly “Halika na! Uuwi na tayo!” Aniya.
Kelly: Aw...kuya dahan dahan naman.
Renzo: Sir, nasasaktan na po ata si Kelly.
Kim: Mind your own business!
Binuhat ni Kim si Kelly “Kuyaaaa....baba mo ko.”
Kim: Heh! Manahimik ka diyan uuwi na tayo.
At umalis na nga si Kim habang dala-dala si Kelly “Ke---Kelly...” Pahabol na sambit ni Renzo.
Kevin: Wag kang susunod!
Keith: Kung ayaw mong madungisan yang pagmumukha mo wag kang susunod! Naiintindihan mo?!!!
Renzo: O---opo...Pero...
Di na pinansin nung dalawa si Renzo at umalis na naiwan lang si Patrick “Sino ka? Anong motibo mo kay Kelly?” Aniya.
Renzo: ....
Hindi siya sinagot ni Renzo at iniwanan lang siya “Hoy!!! Bumalik ka dito!!!”

Sa Kotse,

Nasa unahan sila Kim at Keith sa likod naman si Kevin at si Kelly “May cellphone ka di ba?!!! Bakit di ka man lang nagtext o tumawag?! Alam mo bang kanina pa kami naghahanap sayo?! Tapos makikita ka nalang namin na may kasamang iba? Sino yon? Bakit di ka magsalita diyan? KELLY!!!” Ang sabi ni Kim na wari’y galit na galit.
Kevin: Ah...eh...kuya sunod sunod kasi ang tanong mo di na makasingit si Kelly.
Kim: Heh! Ano? Di ka parin magsasalita?
Kelly: Sorry na mga kuy’s nalimutan ko pala yung cellphone ko sa bahay kaya di ko kayo natawagan.
Keith: Sino yung lalaki mong kasama?
Kelly: Bago nating kapitbahay.
Kevin: Kapitbahay? May bago tayong kapitbahay.
Kelly: Opo, yun yung  nagbigay ng yema cake satin kahapon.
Keith: Bagong kapitbahay pero closed na agad kayo? Ano ba naman Kelly! Mag-ingat ka naman delikado ang panahon ngayon tapos kung kani-kaninong random person ka lang sumasama? Di ba ang laging bilin sayo ni mama at daddy noon wag na wag makikipag-usap sa di mo kilala di ba?
Kelly: Pero kilala ko na siya.
Kim: Huh! At nasagot ka na ngayon samin? At anong kilala? Kahapon mo lang nalaman ang name KILALA NA AGAD? Malilintikan ka talaga sakin eh!
Kelly: Kuya sorry...
Kevin: Sigh...tara umuwi na tayo baka hinahanap na rin tayo ni kuya Kian.
Kim: Hindi pa tayo tapos Kelly!
Kelly: Opo...

Samantala,

Nagkita na sila Renzo at yung dalawa “BOSS!!!!” Anila.
Renzo: Kala ko umuwi na kayo?
Bruno: Boss naman eh iniwan mo kami at wala kaming ka pera pera paano naman kami uuwi?
Renzo: Ano gutom na kayo?
“Oo boss..” Anila.
Renzo: Tara kakain tayo.
Nagkatinginan yung dalawa “Boss, parang good mood ka ah?” Anila.
Renzo: Buset tara na.
“Ayos! Kainan na.”Anila.

Sa Coffee Shop,

Dave: Dude, andito na ko bakit ba?
Patrick: Maupo ka inorder ko yung paborito mong cheesecake.
Dave: Sus...anong kailangan mo?
Patrick: Wala! Maupo ka na nga lang.
Dave: Okay basta ba libre mo eh.
Patrick: Ano dumating na si ate Cheska?
Dave: Oo pero dumaan muna sa kaibigan niya may kukunin lang daw kaya nakaalis ako agad.
Patrick: Ohhh...
Dave: Nga pala, kala ko kasama mo si Kelly?
Patrick: Epic failed.
Dave: Baket?
Patrick: Baket? Di ka ba masaya?
Dave: A---anong ibig mong sabihin.
Patrick: Tapatin mo nga ko may gusto ka na rin kay Kelly tama?
Dave: Wa---wala!
Patrick: Wag ka ng magsinungaling di naman ako magagalit.
Dave: Sorry dude!
Bineltukan siya ni Patrick “Bungol!” Aniya.
Dave: Di ko naman sinasadya promise CRUSH lang naman. Ayoko namang agawan ka sa kaniya alam ko namang gusto mo siya kaya di na ko magbabalak na ligawan pa siya tsaka master and apprentice lang ang relasyon namin at alam kong hanggang doon lang yon.
Patrick: Thankyou but no thanks.
Dave: Ano?
Patrick: Sa tingin ko di talaga mag wowork out ang ganireng relasyon namin ni Kelly sa mga kuya niya palang di na ko makakalusot sa ugali pa kaya niya?
Dave: Ano? Sumusuko ka na?
Patrick: Di naman sa ganon pero naisip ko na baka di naman talaga kami para sa isa’t isa pareho kasi kaming ma-Pride na tao. Kaya parang di talaga kami magkakasundo.
Dave: So, sumusuko ka na nga?
Patrick: Kung yun yung paliwanag doon eh baka nga?
Sinapak siya ni Dave “Ba---bakit mo ginawa yon!” Aniya.
Dave: Para matuhan ka baliw!
At iniwanan siya ni Dave “Hoy!!! Bumalik ka dito...gaganti pa ako sayo!!!”
Crew: Sir? May problema po ba?
Patrick: WALA!!!
Kumuha ng pera si Patrick at iniwan sa mesa at umalis “Si---Sir...sobra po ang bayad niyo.” Pahabol na sambit nung crew.
Patrick: KEEP THE CHANGE!!!!
Crew: Mga kabataan talaga ngayon ang hilig mag aksaya.

Sa bahay nila Kelly,

Kevin: Andito na kami.
Umakyat ka agad si Kelly sa kwarto niya “KELLY!!!!” Ang sabi ni Kim sinalubong naman sila ni Kian.
Kian: Anong nangyare doon?
Keith: Mahabang salaysayin bro.

Sa Sala,

Kinuwento nila kay Kian ang mga nangyare “Kaya ayon napagalitan namin siya tapos ayan di na kami pinansin at kinibo.” Ang sabi ni Kevin.
Kian: Yung Patrick? Yun ba yung kaklase ni Kelly na naka punta na dine?
Kim: Oo.
Kian: At yung Renzo raw yung bago nating kapitbahay?
Keith: Yun nga mismo.
Kian: Na nagbigay ng yema cake satin?
Kevin: Oo kuya.
Kian: At ang kasama niya buong ilang oras na hinahanap niyo siya?
Kevin: Oo.
Kian: SAWA NA BA KAYO SA BUHAY NIYO????
Kim: Br---Bro...so---sorry promise di na mauulit di ba guys?
“O—Oo.” Tugon nila Kevin at Keith.
Galit na galit na si Kian “KELLY!!!!”
Kevin: Kuya....kumalma ka muna.
Keith: Oo nga napagsabihan naman namin si Kelly.
Kim: Oo at di na raw niya uulitin yun.
Kian: Ewan ko sa inyo!
Sumugod si Kian sa kwarto ni Kelly “Ku---kuya...” Sambit ni Kevin.
Kim: Bilis, sundan natin.
“Sige.” Anila.

Sa Kwarto ni Kelly,

“Knock...knock...”
Kian: Kelly! Bukasan mo ang pinto! Alam kong gising ka pa!
Nakahiga si Kelly sa kama niya at di pinapansin ang pagtawag sa kaniya ng kuya niya nag taklob lang ito ng kumot “Kelly!!! Bubuksan mo ba ang pinto o sisirain ko ito?”
Kim: Bro, kumalma ka muna.
Kian: Kasalanan niyo yan di ba kaya ko kayo pinasama sa kaniya para bantayan siya? Eh anong nangyare? Nawala siya sa paningin niyo! Paano kung di niyo siya nakita? Anong sasabihin natin kay Mama?
Pabulong bulong si Keith “Edi sana sumama ka ikaw ang nag bantay sa kaniya.”
Kian: Anong sabi mo?!
Keith: Bakit totoo naman di ba? Edi sana sumama ka kanina ng malaman mo kung ano talaga ang nangyare!
Kian: At talagang!!!
Sinapak ni Kian si Keith “Kuya!!!” Ang sambit ni Kevin at inawat niya ito si Kim naman kay Keith.
Keith: Ano? Masaya ka na? Gusto mo kasi ikaw lagi ang masusunod!
Kian: ANO???
Kim: Tigilan niyo na nga yan.
Keith: Bitawan mo ko bro!
Kian: Sige bitawan mo yan gumanti ka gang gusto mo!
Kevin: Bro, pwede bang huminahon muna kayo!
Kian: Isa ka pa! Bitawan mo ko.
“ANO? TAPOS NA KAYO?” Ang sigaw ni Kelly na bad mood na rin.
“Bun---Bunso!!!” Anila.
Naiyak si Kelly bigla “Di ba? Nangako tayo kay daddy na di mag-aaway away? Ano yang ginagawa niyo?”
“Opo may kasalanan ako pero bakit ganyan? Dinadaan niyo na naman kasi sa init ng ulo!”
“Nakakasawa na po ang laging ganre!”
Pinagsarhan ni Kelly ng pinto ang mga kuya niya “Ke---Kelly!!!” Anila.
Kelly: Matutulog na po ako! Pag di pa kayo umalis diyan ako ang aalis sa bahay na ito!
Kevin: Bunso!
Kelly: Pag bilang ko ng tatlo at binuksan ko ang pintong ito at nandiyan pa kayo isusumbong ko na kayo kay Mama.
Kian: Babysis, makinig ka muna samin.
Kelly: ISA!!!
Kim: Kellang, buksan mo ang pinto at magusap tayo.
Kelly: Ayoko! DALAWA!!!
Keith: Kahit ako nalang kausapin mo ge na baby.
Kevin: Asa ka pa! Ako kakausapin niyan Kelly...si kuya Kevin toh sige na.
Kelly: DALAWA’T KALAHATE! Di talaga ako nagbibiro tatawagan ko na si Mama. Bubuksan ko na ang pinto!
“Babysis...” Anila.
Kelly: TATLO!!!!
Pandalas na yung apat sa pagbaba “Bilis, bilisan niyo!!!” Ang sabi ni Kian.
Kevin: Aray, wag nio naman akong itulak,
Pero di tinuloy ni Kelly ang agbukas ng pinto at nahiga nalang sa kama “Haysss...sila kuya talaga pasaway.”Aniya.

Kinabukasan,

Kevin: KUYAAAAaaa!!!!
Pandalas naman yung tatlo sa pagpunta sa kwarto ni Kevin “Nasan ka?” Anila.
Kevin: Dito sa kwarto ni Kelly.
Kian: Bakit ba? Agang aga eh.
Kim: Bakit ba andine ka?
Keith: Oo nga nasan si Kelly?
Kevin: Wala siya dito!!!
“ANO???” Anila.
Kevin: Binista ko kasi agad siya pagkagising ko tapos di ko na siya makita dine sa kwarto niya.
Kim: Tsk....baka nagtampo na yon!
Keith: Sandale, sa cr niya wala? Sa kabinet?
“Kabinet?” Anila.
Keith: Eh di ba? Nung bata sya dun siya lagi nagtatago pag napapagalitan natin siya.
Kevin: Oo nga.
Binuksan naman kaagad ni Kevin ang kabinet at doon nga nila nakita si Kelly na tulog na tulog pa “See, I told you guys gang ngayon kasya parin siya sa kabinet niya.” Tugon ni Keith.
“Haysss...” Reaksyon nila.
Kelly: Mmm...Mmm...Daddy...I...Miss...You...BOOHOO...
“Kelly...” Anila.










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon