Kabanata 60

19 0 0
                                    

Extra,

Nakaupo at nakatingin sa labas si Vince “Walanjong yan kanina ang dami ko pang kasama ngayon ako nalang mag-isa ang nagkakape. Author beke nemen may chix kang ibibigay sakin ako nalang walang partner dine sa istoryang ito eh.
Author: Mag intay ka lang may plano ako para sayo.
Luminga-linga si Vince “Si---sino yung nagsasalita?”
May bumato sa kaniya galing taas “Luh! May multo ata dine sa coffee shop na ito.” Pandalas na siya ng takbo palabas.
Author: Pagpasensyahan niyo na si Vince masyadong praning pero wag kayong mag-alala para sa kaniya dahil malapit na maubos ang pasensya niya. Ahahaha...biro lang malapit na yung time niya intay lang tayo.
Vince: ANG TAGAL!
Author: Heh! Ako ng single eh nag-iintay kaya magtiis ka ren!

Balik tayo sa kwento,

Kanahapunan,

“Andito na po kami.” Ang sabi nila Kian.
Jacob: Daddy, mga tito welcome back.
Niyakap niya ang mga ito isa-isa “Asan ang lola at ang tita mo?” Ang sabi ni Kevin.
Jacob: Si Mamsie po nasa likod.
“Sa likod???” Anila.
Keith: Tsk...lagot na! Baka kung ano na ang ginawa ni Mama dun sa mga kambing at manok ko.
Kim: Haysss....bilisan mo na.
Keith: Ehhh...samanahn niyo ko.
Jacob: Sama po ako.
Kian: Halika na baby baliw kasi yang tito mo.
At pandalas na nga yung apat kasama si Jacob “Ma wag!!!” Anila pero nagulat silang pinapakain lang naman ni Keilla ang mga alaga ni Keith.
“Eh?” Reaksyon nila.
Keilla: Ano ga at ang ingay ingay niyo di’yan?
Jacob: Kala po kasi nila kung ano na ang ginawa niyo sa alaga ni tito Keith.
Keilla; Tsss....okay nga ito kaniyo at may libangan naman ako dine sa bahay kanino palang idea ang mag lagay ng mini farm dine sa likod?
“Kay Kelly po.” Anila
Keilla: Kay bunso? Eh di ba ayaw niya sa mga ganireng alagain?
Kevin: Ahhh...dahil galing kay ate Faith yan pumayag na rin siya nung naglaon.
“Yeah...” Sumegundo naman yung tatlo.
Keilla: Ohh...mukhang gustong gusto ni Kelly yang sinasabi niyon si Faith. Keith!
Keith: Ma?
Keilla: Ano? Di mo parin pa ipapakilala yang mapapangasawa mo sakin?
Keith: Ah...eh...Ma kasi...
Keilla: Sus...kilala ko yang mga ganyan ganyan mo di mo pa nasabi kay Faith ano?
“Exactly Ma.” Sumegundo naman muli sila Kian.
Keilla: Okay, dahil andine naman na ako sige pormal tayong mamanhikan sa kanila sa Bulacan.
Keith: Ho?
Keilla: Bakit ayaw mo?
Keith: Di po naman sa ayaw baka po kasi nabibigla lang kayo.
Bineltukan siya ni Keilla “Engot ka talaga kahit kailan basta sa Friday mag bibiyahe na tayo para naman linggo makauwi na tayo.”
Kim: Ayos yon ma para makapasyal na rin po kayo.
Kian: Opo nga para may bonding na rin kami ni Jacob.
Jacob: Game po ako.
Kevin: Ayos...Deal na yan.
Keilla: Oh? Eh bakit di ka naman diyan magsalita ha Keith?
Keith: Ah...eh...kasi po nahihiya ako sa inyo eh.
Keilla: At bakit naman?
Bineltukan ni Kian si Keith “Aray...Ma oh si kuya.”
Keilla: Dapat lang yan sayo masyado ka kasing nag-iisip ng kung ano-ano wag kayong mag-alala di naman ako galit sa inyo lalo na sa inyo ni Kian alam kong alam niyo naman na ang tama at ang mali nasa hustong edad na rin naman kayo para mag-asawa ang hiling ko lang ay maging responsable kayo at syempre wag niyong kakalimutan ang pagiging kuya niyo kay Kelly pag nagka-asawa na kayong lahat.
Niyakap ni Keith at ni Kian si Keilla at sinabing “Opo Ma, salamat.”
Kevin: Aba, Sali rin kami ni kuya Kim diyan.
Kim: Oo nga.
At niyakap rin nung dalawa si Keilla samantala kinuhanan naman sila ng picture ni Jacob “Tabachingching, halika dine! Bakit kuha ka lang ng kuha ng pictre ha?” Ang sabi ni Keith.
Jacob: Good memories po kasi eh para ipapakita ko kay tita Kelly pagdating niya.
Kian: That’s my boy.
Kevin: Sandali lang Ma nasan nga pala si Kelly?
Keilla: Ah...nag paalam may pupuntahan raw sila nila Vince eh may bibilhin atang kailangan sa school.
“SINO PONG KASAMA???” Anila Kian.
Keilla: Kailangan sumigaw?
“Sorry po.” Anila.
Kim: Baka po kasi kung sino ang kasama niya eh mahirap na.
Kian: Opo Ma di ba nga po na kwento na namin sa inyo na may na pupusuan na si Kellang.
Kevin: Opo Ma, dapat di kayo pumayag kaya naman namin na kami nalang bumili ng kailangan ni Kelly sa school eh.
Keith: Opo, mahirap ng masalisihan tayo Ma.
Keilla: Ah...eh....kasi kasama naman niyan daw si Vince eh kaya pumayag na ako.
“Pero Ma!” Anila.
Jacob: Don’t worry po everything is under my control.
Kian: Baby? Ano yung sinasabi mo?
Jacob: Alam niyo po techie na ang mundo kaya marami ng gadgets ang pwedeng magamit sa mga ginagawa natin sa pang araw-araw.
Kevin: Like?
Jacob: Nilagyan ko po ng camera ang suot na kwintas ni tita Kelly.
“WHAT????” Anila.
Kian: Anak, di ka namin magets ano ba ang mga sinasabi mo?
Kim: Wait, don’t tell me you really did that Jacob?
Jacob: Exactly! Uncle Kim.
Kevin: At age of five? You can do that?
Jacob: Tito Kevin, sa panahon po ngayon wala ng imposible pagdating sa google searching.
Keith: Sandali nga lang kuya Kian ire bang anak mo eh isang hacker na rin?
Jacob: Yes po kahapon na hack ko po yung wifi password nung kapitbahay natin at ang lakas po
Kian: Anak!
Tinakpan ka agad niya ang bibig ng anak “Sigh...ayan kakasama niya yan kay Kelly eh.” Ang sabi ni Kevin.
Keilla: Tama na yan mag binake akong vanilla cake na sa ref halina kayo.
“Okay po.” Anila at nahuhuli yung mag-ama.
Kian: Son, did tita Kelly teaches you how to use gadgets?
Jacob: Konti lang po pero mas marami po si Google.
Sa isip-isip ni Kian “Sigh...kakaiba na talaga ang bagong henerasyon.”

Sa labas.

Habang naglalakad sila Kelly at Vince sa subdivision “Pis, anong itsura pala ni Jacob? Cute ba? Doon sa mga post mo sa IG parang ang fluffy niya eh sarap pisil pisilin siguro ng pisnge nun ang cute eh ang taba.” Ang sabi ni Vince habang di naman nakibo si Kelly.
“Sarap siguro ng feeling na may pamangkin na ano?”
“Nga pala si Tita gang kailan ang bakasyon?”
“Kelly?”
“Huy!”
Kelly: Ano?
Vince: Bakit ba parang balisa ka diyan?
Kelly: Wa---wala na.
Vince: Sus...ano nga? Kanina ka pa ganyan bakit nga pala di mo na kasama si Patrick nung tinawagan mo ako? Alam mo ba busy yung tao na yon pero dahil sayo tumakas siya sa office.
Kelly: ......
Vince: Kung ako naman tatanungin okay naman siya yung Wayne medyo okay rin naman ayoko lang dun sa Chollo ang angas kasi ng datingan.
Kelly: Ano yon? May sinasabi ka?
Vince: Ewan ko sayo Kelly!

Samantala,

Nasa isang karaoke bar sila Dave at Mimay sila lang doon sa isang kwarto “Hoy babae, ano? Dine nalang ba tayo? Uminom naman tayo kung ayaw mong kumain gutom na kamo ako.” Ang sabi ni Dave.
Bigla namang lumuha si Mimay at sinabing “BAKET??? ANO BANG WALA AKO NA MERON YUNG BELLA NA YON??? Dahil ba maganda siya? Maganda rin naman ako sabi ng nanay at tatay ko.”
Sa isip-isip ni Dave “Wow ha? Edi ikaw na.”
Mimay: Baket??? Sabi niya sakin iintayin niya ko pag ready na ako eh ngayon ready na ako sya naman ireng nakahanap na agad? Ang bilis naman....Boohooo...
Inabot ni Dave yung panyo niya at kinuha naman ito ni Mimay at siningahan “Ho---hoy...ipahid mo lang sana sa luha mo bakit may freebies pang sipon?”
Tiniklop naman ni Mimay at iniabot kay Dave “Oh! Ayan sayo na.”
Dave: Iwww...kadiri!
Mimay: Alam mo kayong mga lalaki wala kayong puso!
Dave: Ano?
Mimay: Mga wala kayong pag-iintay! Gusto nyo laging instant ano pag crush niyo kaming mga babae bawal mag pakipot?
Dave: Ah...eh...a—yos lang naman.
Mimay: Masyado kayong marurupok!
Dave: Hoy! Di naman lahat.
Mimay: Ewan ko sa inyo!
Tumayo at aalis na sana si Mimay ngunit na tisod siyang bigla kaya bumagsak siya kay Dave “Ang clumsy mo naman!”
Mimay: Bitawan mo nga ko manyak!
Dave: Ano? Sinong manyak?
Itinulak niya si Mimay at napaupo ito sa lapag at umiyak ng malakas “Waaahhhh...Booohoooo....”
Dave: Hu---Huy!!! Hin---hindi ko naman sinasadya.
Mimay: Ang saket!!!
Dave: Sorry na ikaw naman kasi.
Tinulungan niyang tumayo si Dave pero hinila siya nito “Ikaw!!!”
Mimay: Ahaha...Lampa!
Dave: ANO??? Ikaw itong...sigh...ewan pagbibigyan kita ngayon dahil broken ka. Nako!
Mimay: May gusto ka ba sakin?
Dave: A---Ako? May.....may gus---gusto sayo??? Huh!
Mimay: Kiss me!
Dave: Ha?
Mimay: I said kiss me!!!
Dave: Hoy! Kababae mong tao kung ano-ano yang pinagsasabi mo! Di ka naman lasing pero daig mo pa nakainom.
Mimay: Booohooo...bakit kase??? Ano bang ayaw niyo sakin??? Bakit ayaw niyo sakin???
Tinitigan ni Dave si Mimay at napaisip siyang “Bakit ba sinamahan ko pa ang baliw na babaeng ito dito?”
“Si Kelly naman ang gusto ko at hindi siya.”
“Pero bakit nasasaktan akong nakikita siyang ganyan?”
“Di kaya...”
Hinila niya si Mimay at hinalikan pero sinampal siya nito at tumakbo papalayo “Mimay!!!” Pahabol na sambit ni Dave.











*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon