Kabanata 84

17 0 0
                                    

11:45 pm last night,

Kevin: Guys, kailangan ko ng umuwi.
Ethan: Mamaya na nag kakasayahan pa eh.
Kevin: Hindi pwede may lakad pa kami nila Kelly bukas.
Ethan: Saan?
Kevin: Birthday kasi ni daddy bukas kaya mag ce-celebrate kami.
Ethan: Ahhh...oo nga sorry nalimutan ko.
Kevin: Ayos lang pero kailangan ko na talagang umuwi dahil magagalit sakin si Kelly.
Ethan: Um...sige.
Kevin: Teka! Si Alice nasaan?
Ethan: Ayun oh nasa stage.
Kevin: Ha? Anong ginagawa niya doon?
Ethan: Hindi ba’t may dance number pa sila.
Kevin: Tsk...paano yan? Late na masyado naka motor lang ako.
Ethan: Sige ako nalang maghahatid kay Alice naka kotse naman ako ngayon eh.
Kevin: Talaga?
Ethan: Oo ako ng bahala sa kaniya.
Kevin: Okay, sige itext mo ko pag nakauwi na kayo ha?
Ethan: Oo sige.
Kevin: Ingatan mo yung pinsan ko lagot ka sakin.
Ethan: Oo na lumakad ka na.
Kevin: Oh siya sige.
Ethan: Um...ingat ka.
Kevin: Okay.

Makalipas ang isang oras,

Medyo nakainom si Alice “Eh? Nasaan si Kevin?” Aniya.
“Baka nag c.r” Ang sabi nung kasama niyang babae.
Alice: Ha? Pero...
Napatid siya at sakto namang nasalo siya ni Ethan “Ikaw?” Aniya.
Ethan: Um...ako nga kilala mo pa ba kung sino ako?
Alice: Huh! syempre naman ikaw lang naman yung matagal ko ng karibal.
Ethan: Karibal?
“Mukhang lasing na si Alice.” Ang sabi nung babae niyang kasama.
Ethan: Mukha nga.
Alice: Sinong lashing? Walang lashing dine.
Tinulak niya si Ethan pero hindi niya na nagawang maglakad ng ayos kaya natumba siya kay Ethan “Sigh...sige ako ng bahala sa babaeng ito.”
“Saan kayo pupunta?”Ang sabi ng mga kaklase nila.
Ethan: Lasing na si Alice ihahatid ko na siya sa kanila.
“Wag na gamitin mo nalang ang libreng room dine sa hotel”
Ethan: Libreng room?
“Oo may kasamang 3 free rooms ang venue natin ako ng bahala eto yung key card gamitin mo doon mo nalang siya  patulugin.”
Kinuha naman ni Ethan yun key card “Si---sige salamat.”
At binuat na nga niya si Alice “Pre, anong libreng room yung sinasabi mo?” Sabi nung isang lalaki.
“Wala niloloko ko lang si Ethan para maging akin si Alice.” Ang sabi nung isang lalaki.
“Aba, mukhang may binabalak ka.”
“Matagal ko ng gusto si Alice at nung highschool tayo di niya ko pinapansin lagi niyang pinapansin yang si Ethan.”
“Iba ka Pre totoo ngang pag may alak may balak.”
“Huh! Ngayon iintayin ko lang na ihatid ni Ethan ang prey ko tsaka ako aatake.”
“Salbahe ka talaga pre.”
“Huh! Ako pa?”
Habang buhat buhat ni Ethan si Alice “Mmm...inum pa tayo!!!”
Ethan: Haist...tung babaeng ito iinom inom di naman pala kaya.
“Ring....ring....”
Ethan: Tsk...sino naman kaya ang natawag.
Ibinaba niya muna si Alice at sinagot ang telepono niya “Hello? Sino ito?”
“Wag ka ng magtanong yang key card na hawak mo wag mong iiwang mag-isa si Alice sa kwarto.”
Ethan: Ano? Hello? Sino ka???
“Tut....tut...tut...”
Ethan: Sino ba yon? Binabaan lang ako? Pero bakit kaya? Haist...kainis naman dapat ata di nalang ako pumayag na ako ang maghahatid dine kay Alice.
Makalipas ang ilang minuto “Alice, my love andito na ko.” Ang sabi nung lalaking may tangkang masama kay Alice.
Nakita niya si Alice na tulog na tulog “Napaka ganda mo talaga walang kakupas kupas ang kagandahan mo sayang lang at di ka matitikman ng Ethan mo.”
Nagtatago naman si Ethan sa may likod ng kurtina “Anong gagawin niya kay Alice?” Ang pabulong niyang sambit.
At hinubad na nung lalaki yung coat niya at lumapit kay Alice na nagtatangkang halikan ito pero “HOY!!!! Ano sa tingin mo ang gagawin mo?” Manyak ka!” Ang sabi ni Ethan.
“E—Ethan?”
Ethan: Oo ako nga anong gagawin mo sa kaniya Gilbert?
“Wala ka na doon! Sakin lang sya!”
Ethan: Oh? Sayo? Kapal mo rin.
Susugod si Gilbert pero naunahan na siya ni Ethan kaya na iposas kaagad niya ang mga kamay nito “Anong?! Pakawalan mo ko!!!”
Ethan: Sorry ka nalang dahil ako ang kinalaban mo.
Gilbert: Bwiset! Kahit kailan talaga epal ka ETHAN!!!
“Sir, sorry were late.” Ang sabi ng mga security guard.
Ethan: Ayos lang ilabas niyo na siya tumawag na rin ako ng pulis parating na sila bantayan niyong mabuti yan
“Roger that Sir.” Anila.
Girlbert: Bitawan niyo ko! Ethan!!!!
Ethan: Sorry ka nalang sa kulungan ka nalang mag happy happy Dude.
Girlbert: Sabi pakawalan niyo ko!!!
Hinila na siya ng mga security guard papalabas “Sigh...natapos rin.” Ang sabi ni Ethan.
“Mmm...bakit ang ingay...” Ang sabi ni Alice.
Lumapit naman si Ethan “Gising ka na ba?”
Pero walang sumasagot sa kaniya kundi ang pag hilik ni Alice “Sigh...tulog parin pala.”
Kinumutan niya si Alice “Sweet dreams Alice.”
Bigla namang lumikot si Alice kaya nahila niya si Ethan “A---alice?”
Lalo naman siyang niyakap ni Alice “Mmm...wag kang maingay Mr.Hotdog.”
Ethan: Alice? Alice?
At wala na naman sakaniyang sumagot kundi ang pag halik ni Alice “Ano ba naman yan?!”
“Sigh...pambihira.”
Tinangka niyang kumawala sa pagkakayakap sa kaniya ni Alice pero di nya magawa dahil ayaw naman niyang magising ito “Haist...pagod na ko lintek naman Alice saan ka ba pinaglihe? May pag ka tuko ka ba?”
“Tsk....Yaina na nga inaantok na ko bahala na si Batman bukas.”

Kinaumagahan,

“OH GOD!!!!” Ang sabi ni Alice pag bangon niya.
Alice: Aw....ang sakit ng puson ko.
Paglingon niya “AAAAHHHHHHHHHH....” Ang reaksyon niya nagising naman si Ethan.
Ethan: Saan? Saan may sunog?
Sinampal siya ni Alice “A---anong anong ginagawa mo sa kwarto ko?”
Sa isip-isip ni Ethan “Kung patulan ko na kaya ang babaeng tukong ito?”
Luminga linga si Alice “Eh? Nasan ako? Hindi ito ang kwarto ko!” Aniya.
Ethan: Tsk...malamang! Nasa hotel pa rin tayo.
Lumayo si Alice ng bahagya “A---anong anong ginawa mo sakin???”
Ethan: Tse! Wala kong ginawa sayo no, ikaw nga ireng di bumibitaw sakin minulestya mo na ko.
Alice: A----ako?
Ethan: Baket? Wala ka bang maalala?
Nag-isip si Alice at may naalala siya kakaunti “Du----DUGO!!!!” Ang sabi ni Ethan.
Alice: Dugo?
Tinuro ni Ethan yung kama “Ba---bakit may dugo? Ayos ka lang ba?”
Sa isip-isip ni Alice “Sh*t! Ngayon pa ko nagkaroon kaya pala ang sakit ng puson ko.”
Ethan: Ano? A---ayos ka lang ba? Promise wala naman akong ginawang masama sayo.
Alice: Tsk...
Kumaripas na siya ng takbo sa c.r “A---Alice!!!”
“Knock...knock...”
Ethan: Alice!!! Bakit? Ano bang nangyayare? Buksan mo ang pinto.
Alice: Sigh....
Ethan: Alice!!! Buksan mo ang pinto pag-usapan natin ito wala talaga akong ginawa sayo kahit ipakulong mo pa ako.
Alice: Tsk...OO NA TAWAGAN MO NALANG SI KEVIN!!
Ethan: Ha? Bakit?
Alice: BASTA!!! DI AKO MAKAKALABAS DITO HANGGA’T WALA SI KEVIN.
Ethan: O---okay...Sige tatawagan ko na si Kevin.
Alice: SUNDUIN MO NA!
Ethan: O---Oo sige pero ayos ka lang dyan?
Alice: OO NA! BILISAN MO NA PAPUNTAHIN MO NA SI KEVIN DITO!!!
Ethan: O—Oo sige diyan ka lang.
Alice: OO NGA!!!
“Paano naman ako makakaaliis dine? Kung may period ako? Di ko na rin alam kung nasaan ba ang dala kong bag pambihira.” Ang pabulong buong niyang sambit samantala nag madali naman na si Ethan sa pag alis.
Habang pababa siya “Ay lintek! Nalimutan ko yung susi ko doon sa side table.” Ang sabi ni Ethan.
“Tsk...bahala na nga!”
“Kailangan ko ng mag madali.”

Sa Kasalukuyan,

“Morning...” Ang sabi ni Kelly.
Kian: Halika na mag almusal ka na nakatapos na kami.
Kelly: Um...okay.
Kim: Yung dadalhin mo ba naayos mo na?
Kelly: Ano bang dadalhin ko?
Kim: Ano? Wag mong sabihing di ka nag pagawa ng bulaklak?
Kelly: Ah...oo nga pala kukunin nalang natin doon sa flowershop sa kanto oa nireng si kuya.
Kim: Mabuti na yung sigurado.
Kelly: Sandale, asan si Jacob? Tsaka si kuya Kevin? Di ko ata nakikita.
Kian: Ahhh...si Jacob nandoon sa bahay nila.
Kelly: Eh? Baket?
Kim: Dumating na kasi ang uncle Renzo niya.
Kelly: Oohhh...I see eh si kuya Kevin?
Kian: Eh...ayun pauwi na rin daw may inasikaso lang.
Kelly: Ahhh...sila kuya Keith at Mama ba mag vi-video call nalang mamaya?
“Yep.” Anila na busy sa pag aayos ng dadalhin.
Kelly: Kailangan niyo ba ng tulong? Bakit parang ang dami ata nating dadalhin?
Kian: Eh...syempre.
Kim: May mga bisita tayo.
Kelly: Bisita?
“Ding...Dong...”
“Baka sila na yan.” Anila Kim at Kian.
Kelly: Sila?
Kim: Ako na ang magbubukas ng pinto.
Kian: Okay sige.
Kelly: Kuya sino ang bisita?
Kian: Malalaman mo rin kumain ka na nga lang diyan mag suklay ka naman nakakahiya.
Kelly: Imporante ba?
Sinaklob ni Kian yung hood kay Kelly “Oo importante para kila kuya mo.”
Kelly: Eh? Don’t tell me sila Prof.Mina at Ms. Yannah yon?
“Morning Kelly.” Ang sabi nila Mina at Yannah.
Kian: I guess you’re right.
Kelly: Ha---ha---ha...galing naman.
Kim: Maupo muna kayo nag almusal na ba kayo?
Yannah: Oo maaga kami nag ayos may dala nga pala kaming cake.
Mima: Um...ube flavor yan like what you’ve said.
Kian: Salamat sa effort niyo balita ko kayong dalawa ang nag bake niyan.
“Ah...eh...” Nahihiyang reaction nung dalawa.
Mina: Sana magustuhan niyo...Ahm...si Kevin?
Kim: Ahhh...may inasikaso lang pero pabalik na rin yon.
Kian: Teka hindi ba’t kaklase mo si Kevin nung highschool?
Mina: Um...
Kian: Di ka ba umattend ng reunion niyo?
Yannah: Di na po siya nakaattend kasi gawa ng cake na binake namin.
Kian: Nako, sorry.
Mina: Ayos lang po yun nasabihan ko na rin naman si Kevin at yung iba naming kaklase.
Kim: Ahhh...buti naman nakakahiya.
Yannah: Ayos lang yun kasalanan din naman namin naka ilang ulit kasi kami ng gawa ng cake madalas kasi palpak. Hehehe...
“Tapos na po kong kumain.” Ang sabi ni Kelly na wari’y wala sa mood at umalis.
Yannah: Ayos lang ba siya?
Kim: Oo ayos lang yun kagigising niya lang kasi di namin na banggit sa kaniya na may ibang bibisita sa tatay namin.
Kian: Oo hindi rin kasi sanay yun na may ibang tao sa bahay lalo’t kagigising niya lang.
“Ahhhh....” Ang reaksyon nung dalawa.
Kim: Sandale ikukuha ko kayo ng gatas.
Kian: Sunduin ko lang din si Jacob.









*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon