Kabanata 130

3 0 0
                                    

"Tita Kelly?"

Nakatulala lang si Kelly at tinapik siya ni Jacob at sinagawan siya sa tenga nito "TITA KELLY!!!!!"

"'ANAK KA NANG!!!!" Ang pagalit na sabi ni Kelly.

"Oh...tita pamangkin ako."

"Ah? Hahaha...silly."

"Bakit po ba kasi kayo natulala bigla?"

"Um? A---ako?"

"Hindi po ako nalang...Sigh...opo nga kayo! Ako yung nag tanong eh bakit ba bigla nalang kayong naging lutang di'yan nung sinabi kong anong meron sa inyo ni tito Patrick."

Tinakpan naman ka agad ni Kelly ang bibig ni Jacob "Shhhh...wag kang maingay baby!!!"

"Mmmm?"

"Baka kasi may makarinig sayo ma-misinterpret yung mga sinasabi mo!"

"Mmm..."

At tinanggal naman ka agad ni Kelly ang kamay niya kay Jacob "Sigh...wag na wag mo yang mababanggit sa harapan nila kuya ha? Naiintindihan mo baby?"

"Um...sorry po tita."

"Ayos lang pero walang namamagitan samin ng tito Patrick mo were friends lang okay?"

"Opo pero bakit ganyan nalang kayo maka react? Wagas."

"Ah? A---ano kasi..."

"Kelly?"

Sabay na lumingon yung dalawa ni Kelly at Jacob "Daniel?"

"Kilala mo tita?"

"Um...anong ginagawa mo dito?"

"Ah? Nag ba-bike? Masama ba?"

"Hindi naman nakakagulat lang kasi na napapadpad ka pala sa ganitong lugar. Sige maiwan ka na namin...Baby lika na."

"Opo."

"Sandale!"

"Ha? May kailangan ka?"

"A---ahm...nag babike rin kasi ako."

"Oo nakikita ko naman tapos?"

Sa isip-isip ni Daniel "Haist....ang pilosopa niya!!! Ano bang nakita dine nila Wayne at Chollo? Tsss..."

"Yow!?"

"A---ahm...pwedeng makisabay pabalik?"

"Ahhh...okay lang naman di ba baby?"

"Ho? Ah...eh...okay po."

"Okay tara na."

Sa isip-isip ni Jacob "Sino na naman kaya ang tukmol na ire? Bakit ba parang ang daming friends ni tita Kelly na boys? Sigh...ang hirap niyang bantayan well, ang ganda rin naman kasi ni tita ko di ko naman masisisi  yung mga tukmol na ito kung feeling close sila kay tita Kelly. Tsk..dapat gumawa ako ng paraan para hindi na maging sagabal ang isang ito."

"Baby?"

"Ho?"

"Halika na aalis na tayo."

"Ah? O—opo."

"Ahm...kung mag lakad nalang tayo?" Ang sabi ni Kelly."

"Eh?" Ang reaksyon nung dalawa ni Daniel at Jacob.

"Para masaya malapit ng lumubog ang araw oh."

"Ohhhh..." Ang sabay na namang reaksyon nung dalawa at nag katinginan sila Daniel at Jacob.

"Tsss..." Ang reaksyon ni Jacob at lumapit kay Kelly.

"Aba't! Lintek na na bata ito." Ang pabulong bulong naman na tugon ni Daniel.

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon