Kabanata 31

14 0 0
                                    

“ANO???”
Kevin: You mean you try to scare Kelly kase kala mo babae siya ni kuya Kim?
Yanah: Ah, eh parang ganun na nga tapos ayun na nga nakita kami ni Kelly sa kwarto ni Kim na misinterpret niya ako as a boy.
Kim: But were really sorry especially to you baby girl.
Kelly: Sigh...Sige akyat na ko gusto ko ng magpahinga.
At umalis na nga si Kelly “Kelly!” Pahabol na sambit ni Kim at sinenyasan siya ni Kian at umiling.
Kian: Hayaan mo na muna bro gabi na rin naman na pagod na yung bata.
Kim: Pero kuya...
Keith: Tsk...bakit naman kasi di mo agad sinabi kay Kelly?
Yanah: Sorry ako talaga ang may kasalanan kung sana di ako nag panggap na di ko mahal si Kim edi sana di na aabot sa ganito.
Kim: Wait, mahal mo ko?
Yanah: Ah...eh ewan...uuwi na ko.
Kim: Ha? Sandali lang.
Yanah: Mauna na ako sa inyong lahat at patawarin niyo sana ko.
At umalis na nga si Yanah “Yanah...” Tugon ni Kim at hinabol nya ito.
Kevin: Sigh...ang kumplikado naman ng dalawang yun tomboy si Yanah pero mahal niya si kuya Kim?
Keith: Minsan talaga slow ka eh noh? Malamang sa alamang matagal ng nililigawan ni kuya si Yanah kaso dahil nga sa kalagayan nya di siya matanggap nito pero siguro natauhan rin si Yanah kaya ayan umamin na rin siya mahal na niya si Brother.
Kian: Tumahik na nga kayo! Kevin, dalhan mo ng pagkain si Kelly sa kwarto niya sigurado akong di pa yun naghahapunan.
Kevin: Oo kuya.
Kian: Ikaw naman Keith, ayusin mo ang problema niyo ni Faith kung ayaw mong malintikan kay mama.
Keith: Tsss...okay na nga kami.
Kevin: Sus...yung totoo?
Keith: OO NA!!! Hindi kami okay masaya ka na?
Kain: ENOUGH!!! Pag kayo di pa kumilos malilintikan na kayong dalawa sakin.
“O----Oo kuya.” Anila.
Kian: BILISAN NYO!!!!
“Ye---yes boss.” Anila at kumaripas ng takbo.
Kian: Sigh...mga kurimaw na ito kung di ko lang kayo kapatid baka di ko kayo matantsa.

Kinabukasan,

Sa DLRU,

Mimay: Morning guys.
“Morning.” Anila Vince at Harvey.
Mimay: Oh? Wala pa si Kelly?
Vince: Ahhh...baka malapit na rin yon di ka pa na sanay sa babaeng yon lagi namang late.
Mimay: Well...
Harvey: Nga pala, pano yung pustahan nila ni Patrick?
Mimay: Ah...oo nga noh! Natalo si Kelly sa pustahan nila ni Patrick.
Vince: Nako, bahala siya sinabihan ko ng wag ng ituloy pumusta parin kay Patrick. Sigh...
“Morning pipsy...” Ang bungad naman ni Dave kasama si Patrick.
Mimay: Ba, ang aga niyo ata.
Dave: Aga? Eh konting minuto nalang late na nga kami.
Patrick: Vince, si Kelly?
Vince: Ahhh...malapit na rin siguro yun baket sisingilin mo na ba sya sa pustahan niyo?
Mimay: Grabe naman wag muna ah ang aga aga eh babadtripin mo na agad si Kelly.
Patrick: Wala naman akong sinasabi hinahanap ko lang sya masama ba?
Harvey: Mga galawan mo.
Patrick: Tsss...bahala nga kayo Dave tara na nga.
Dave: Saan?
Patrick: Saan pa? Malamang sa upuan natin.
Dave: Ge mauna ka na iintayin ko si master.
Patrick: ISA!!!
Dave: May sasabihin lang ako kay master.
Patrick: Dalawa!!!
Dave: Baka naman parating na saglit lang.
Patrick: TATLO!!!
Dave: Sigh...oo na!
At nagtungo na nga yung dalawa sa likuran “Di talaga mapaghiwalay ang dalawang yun ano?” Ang sabi ni Harvey.
Mimay: Oo nga eh di kaya mag jowa sila?
Vince: Sira! Mag review na nga lang kayo.
Mimay: Oo nga bakit kasi may long test pa eh nextweek naman midterm narin. Pahirap!
Harvey: Kaya ang baba ng nakukuha mo lagi eh tamad ka mag review.
Mimay: ANO????!!!
Vince: Tumahimik nga kayong dalawa diyan paguuntugin ko na kayo.
“Humph...” Reaksyon nila.

Kinatanghalian,

“Class Dismiss, nga pala Vince pakisabi kay Kelly pumunta nalang sa teacher’s office dun ko nalang sya bibigyan ng long test okay?” Ang sabi ni Prof. Arnie na isa rin sa kanilang mga guro.
Vince: Sige po Prof.
Pagkaalis ni Prof. Arnie “Bakit ba daw di nakapasok agad si Kelly?” Ang sabi ni Mimay.
Harvey: Binge ka ba? May emergency nga daw kaya ganun.
Mimay: Tsss...ano nga yon???
Vince: HEH! Di ko rin alam pero wala namang nababanggit sakin si Kelly sigurado ko na late lang yun ng gising.
Mimay: Weh? Malay mo may emergency talaga puntahan kaya natin mamaya pa namang ala-una ang sunod nating longtest eh.
Vince: Okay lang naman sakin. Ikaw pre?
Harvey: Umm, di ako makakasama may meeting kasi ang SC eh para sa darating na intramurals.
Vince: Ohhh...sige kami nalang ni Mimay.
Mimay: Tara G na!
“Saan kayo pupunta?” Bungad ni Dave.
Mimay: Ay kabayo! Bakit ba kung san-san ka nalang na sulpot?
Vince: Pupuntahan namin si Kelly nag-aalala kasi kami eh.
Dave: Oo nga ano kayang emergency ni Master sama ko.
“Ako rin.” Ang biglang sulpot at sambit ni Patrick.
Mimay: Ayos, the more the merrier matutuwa si Kelly.
Sa isip-isip ni Vince “Kala mo lang yon knowing Kelly na ayaw magpapapunta sa bahay nila. Sigh...”

Sa kwarto ni Kelly,

Habang inaayos ang mga gamit niya “Tsk...nalate tuloy ako ng gising buti nalang pumayag sila kuya na di ako pumasok nung umaga.” Aniya.
“Knock...knock...”
Kim: Bunso, pwede bang pumasok?
Kelly: Okay..
Pumasok si Kim na may dalang eggpie at juice “Oh, mag mirienda ka muna.” Ani Kim.
Kelly: Salamat kuya, pero lunch na mag mimirienda pa?
Kim: Ah...oo di pa kasi masyadong in-in yung niluto kong kanin baka ka ko nagugutom ka na eh.
Kelly: Ahh...salamat.
Kim: Ahm...naayos mo na ang gamit mo?
Kelly: Um...
Kim: Naka pag review ka ba may long test raw kayo.
Kelly: Um...
Kim: Ahm...yung uniform mo ba plantsado na?
Kelly: Um...
Naupo si Kim sa may upuan malapit kay Kelly at sinabing “Ah., eh...ano...”
Kelly: Sigh...kuya diretsuhin muna ko ano bang sasabihin mo?
Kim: Okay! Sorry...di ko naman talaga alam na...
Kelly: Hep! Ayos na kuya gets ko na...Kasalanan ko rin naman na nag judge agad ako ng tao alam ko namang tinuruan niyo akong wag maging mapang husga pero ginawa ko pa rin kaya...Sorry din kuya lalo na kay ate Yanah.
Kim: Ahhhh...ang sweet naman talaga ng bunsuang yan.
Lumapit siya at niyakap si Kelly “Aww...kuya di na ko makahinga.”
Kim: Ay sorry...nadala lang ng emosyon.
Kelly: Ahm...So ano na? Kayo na ni ate Yanah?
Kim: Um....ang saya-saya ko babysis.
Kelly: Kitang kita naman pero iba rin ang taste mo kuya ha wild.
Kim: Hehehe...oo nga na wiwirduhan ka na ba kay kuya?
Kelly: Well, not really sanay naman na kami mga alaga mo nga kakaiba eh kaya okay lang kahit sino pa maging jowawers mo mahalaga mahal ka niya at mahal mo siya. Suportahan ta ka!
Niyakap ulit siya ni Kim “Kuya...ang higpit na naman sasakalin mo na ba ko?”
Kim: Ay, sorry ikaw kasi eh pinasaya mo ang puso ko.
Kelly: Sus...overwhelmed ka naman dyan masyado nga pala speaking of mga alaga mo yung kaklase ko yung tatay business eh yung gross na mga ipis you want ba daw?
Kim: Oh? Mga anong klase ng ipis raw?
Kelly: Iww...parang ayoko ng kumain tuloy.
Kim: Sorry na pero kung maganda yung klase ng ipis ayos yun Bunso yung binibilhan ko kasi nagsara na umuwi kasi ng probinsya nila eh kaya wala ko mahanapan na pwede mabilan.
Kelly: Tsk...okay sa Sabado tignan natin sasabihin ko nalang mamaya kay Dave.
Kim: Okay sige...oh sya dyan ka na muna mag bihis ka na at mamaya kakain na tayo.
Kelly: Sandali lang kuya magaling ka na ba?
Kim: Umm...medyo okay na ko kaso di ko pa kaya pumasok kaya nag file nalang ako ng leave of absence.
Kelly: Ohhh...I see...ge baba ako pag kabihis ko tulungan kita.
Kim: Sige.
“Ding...dong...”
Kelly: Oh? May bisita ka kuya?
Kim: Ha? Wala, sandali tignan ko muna mag bihis ka na ha?
Kelly: Opo.

Sa labas ng bahay nila Kelly,

MImay: Bakit wala atang tao?
Vince: Meron tinanung ko kay nurse Kevin eh.
Dave: Pindutin mo nalang ulit yung doorbell.
“Ka ching...” Tunog ng bukas na pinto.
Patrick: Wag na mukhang may nag bukas na ng pintuan.
Pag bukas ni Kim ng gate “Oh! Kayo pala.” Aniya.
“Hello po.” Anila.
Kim: Napadalaw ata kayo wala bang klase? Papasok pa naman sana si Kelly.
Vince: Ahhh..nako meron nag-alala lang po kami kay Kelly kasi di siya pumasok kaninang umaga.
Mimay: Opo nga kaya walang patumpik tumpik pumunta po kami dine.
Kim: Ahhh...ganun ba sige pasok kayo nag reready na rin naman si Kelly.
“ Okay po.” Anila.
Dave: Sir, kayo po ba yung mahilig sa tarantulas?
Siniko ni Patrick si Dave at bumulong “Ano bang pinagsasabi mo diyan?”
Kim: Ah...oo bakit ikaw ba yung nag aalaga ng ipis?
“IPIS???” Ani Vince at Mimay.
Dave: Ahhh...hindi po ako yun yung tatay ko po yun pero mahilig rin po ako sa mga iilang insekto.
Kim: Ohhh...sige pasok kayo at doon na tayo sa loob mag kwentuhan.
At habang papasok na nga sila bumulong si Patrick kay Dave “Tsss...Insekto! Ano na naman yang binabalak mo ha?”
Dave: Wala! Tara na nga.
Patrick: Hoy!!!










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon