Kabanata 74

11 0 0
                                    

“Bye kuya...” Ang sabi ni Kelly papalabas ng Clinic.
Kevin: Um...mag-aral ng mabuti sabay tayo sa uwian.
Kelly: Okay...
Habang naglalakad “Bakit nga kaya nilihim ni Patrick kung sino siya?” Ang sa isip-isip ni Kelly at sa di inaasahan may nakabanggaan siya.
“Are you blind??” Sabi nung isang lalaki.
Kelly: Sorry, pero nagmamadali kasi ako eh bye...
“Hoy!!! Sandali lang!!!!”
Kelly: I need to go I might be late in my class I’m very sorry.
“Ke---Kelly?”
Paglingon ni Kelly “Sigh...I said sorry why calling my name pa? Eh? Cho---Chollo?”
“Yep, it’s me Chollo your knight and shining armour.”
“Really? Huh?” Ang pabulong bulong na sabi ni Kelly at lumapit sa kaniya si Chollo.
Chollo: Long time nosy my princess.
Kelly: Tsk...ano bang kailangan mo? Nagmamadali ako nag sorry naman na ako kaya can I go na?
Hinawakan ni Chollo ang pisnge ni Kelly “I just want...you....”
She interrupt him “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Aniya at hinawakan niya yung kamay ni Chollo at pinilipit.
Chollo: Aw...aw...Ang sakit my Princess bitawan mo ko.
Kelly: If you do that again I will crash you into pieces understand?
At binitawan niya ng pagalit yung kamay ni Chollo “Okay, okay I won’t touched you again na miss lang naman kita eh.” Ang sabi ni Chollo habang hawa-hawak yung isang kamay niya na pinilipit ni Kelly.
Kelly: As if I care sige diyan ka na may klase pa ko.
At iniwanan na nga siya ni Kelly “My Princess, mag date naman tayo.” Ang pahabol na sambit ni Chollo.
Kelly: Date my ass bitch!
Chollo: My Princess!!!
Kelly: Ewan!!!
“Bro?  Sinong kausap mo?” Ang bungad ni Aliyah.
Hawak-hawak pa rin niya yung kamay niya “Si Kelly.” Tugon ni Chollo.
Hinanap si Kelly “Nasan?”
Chollo: Nilayasan na nga ako.
Aliyah: Ahhh...baka naman kasi hinarass mo na naman.
Chollo: Di ah!
Aliyah: Sus...eh ano yan? Bakit hawak-hawak mo yang kamay mo? Sure akong may ginawa ka na naman sa kaniya kaya ka niya iniwanan.
Chollo: Tsss...ewan ko sayo tara na nga may klase pa tayo.
Aliyah: Ano nga? Ano naman ang ginawa mo sa kaniya?
Chollo: HEH!

Kinahapunan,

Uwian na at napagutusan sila Kelly at Patrick na dalhin ang test paper nila sa teacher’s office at habang naglalakad nagkakahiyaan yung dalawa at walang gustong magsalita “Ahem...ahem...” Ang papansing reaksyon ni Patrick.
Kelly: Ano ba? May ubo ka ba? Takpan mo naman yang bibig mo mahawa mo pa ako sayo mahirap magkasakit ngayon noh!
Patrick: Ha? Ay sorry...
Kelly: Ahm...pwede bang magtanong?
Patrick: Sige kahit ano basta ikaw.
Kelly: Baliw!
Patrick: Tungkol sakin? Tama ba?
Kelly: Ah...eh...hin—hindi naman sa tsismosa ako pero....
Patrick: Ayos lang gusto ko rin naman talaga itong sabihin sayo alam ko galit ka na ikaw ang huling nakaalam sa tropa about sakin ako rin naman ang nag request sa kanila na wag munang sabihin sayo gusto ko kasi ako ang mag kwento sayo kung sino ba talaga ako.
Kelly: Bakit ka ba ganyan?
Patrick: Anong ibig mong sabihin?
Huminto si Kelly at sinabing “Ano ba ako sayo? Bakit lagi ka nalang concern sakin kahit na lagi kitang tinataboy. Hindi sapat ang gusto mo lang ako dahil di mo ako deserve kaya wag ka ng ganyang umasta nahihirapan na ko.”
Patrick: Bakit di natin subukang baliktarin ang tanong mo?
Kelly: Ano?
Unti unting lumalapit si Patrick kay Kelly “Ikaw? Ano...ba...ako...sayo???” Aniya hangga’t sa nagkalapit sila.
Umatras naman si Kelly “Ang lapit mo!!! Lumayo ka nga!” Aniya.
Patrick: Bakit? Ano bang pakiramdam mo pag ang lapit ko sayo?
Umaatras ng umaatras si Kelly at lumalapit naman sa kaniya si Patrick “Sabi ng layuan mo ko!!!”
Patrick: Paano kung ayoko? Gusto kong dumikit sayo habang buhay.
Kelly: Bwiset! Ano ka linta?
Umaatras pa rin si Kelly hanggang sa napatid siya sa isang bato “Woah....” Ang reaction ni Kelly at nagkalat ang mga papel niyang hawak pero sinalo naman siya ni Patrick.
Nakapikit si Kelly “Eh? Anyare? Di ako lumagapak?”
Habang hawak si Kelly sa bewang at ang lapit nila sa isa’t isa “Syempre hindi ko hahayaang mahulog ka sa iba gusto ko sakin ka lang mafall.” Ang tugon ni Patrick at minulat ni Kelly ang mga mata niya.
Namula ang mukha ni Kelly at bumilis ang tibok ng puso nya “I---ikaw?” Ang sambit ni Kelly.
Sa isip-isip ni Patrick “Dahil ang lapit namin sa isa’t-isa rinig na rinig ko ang bawat paghinga niya at ang bilis ng tibok ng puso nya.”
Kelly: Hoy!!! A----anong ginagawa mo? Bitawan mo nga ko!
Patrick: Ang pula ng pisnge mo ayos ka lang ba?
“KELLY!!!!” Ang bungad ni Kevin na wari’y galit na galit kaya binitawan naman ka agad ni Patrck si Kelly sa sobrang nerbyos.
At lumagapak nga si Kelly sa sahig “Awww...bakit mo naman ako binitawan ng walang pasabi??” Aniya.
Patrick: So---sorry...
Tutulungan niya sana si Kelly pero hinarangnan naman kaagad siya ni Kevin na ang sama ng tingin at sinabing “Mind your own business.”
Kelly: Kuya...
Kevin: Kaya mo bang tumayo?
Kelly: Siguro?
Kevin: Halika na bubuhatin nalang kita.
Kelly: Ha? Wag na kuya nakakahiya may mga estudyante pa dito.
Kevin: Eh ano naman? Kapatid kita at wala na silang pakialam doon.
Kelly: Pero yung mga test papers.
Binuhat na ni Kevin si Kelly at sinabing “Hoy, ikaw diyan ikaw na ang pumulot ng mga yan dadalhin ko lang sa clinic si Kelly.”
Patrick: O---opo.
Kevin: Humph....
Kelly: Ikaw na munang bahala.
Patrick: Oo sige.
At umalis na nga yung magkapatid “Sigh...palpak na nman ako. Tsk...” Ang pabulong bulong na sambit ni Patrick habang pinupulot ang mga papel.
“Huh! Masyado ka kasing mapapel gaya ng mga hawak mo.” Ang bungad nung isang lalaki.
Patrick: Sino ka naman?
“Oh, by the way I’m Wayne I’m Kelly’s friend.”
Tumayo si Patrick at nakipagkamay “Really? You’re Kelly’s friend but I haven’t seen you bro.” Aniya.
Kumalas sa pakikipagkamay si Wayne “Don’t call me bro, were not brothers.”
Patrick: Ohh...my bad.
Sa isip-isip ni Patrick “Sapakin ko na kaya ito.”
Pumulot ng isang papel si Wayne “Kelly’s hand writing is good.”
Hinablot naman ka agad ni Patrick yung papel kay Wayne “If I remember we don’t have Wayne in our list of classmates so you better not to look Kelly’s answer sheet. Mr. Wayne!”
Wayne: Huh! Whatever.
At umalis na rin ito “Wag ka ng magpaakita sakin!!!” Ang sabi ni Patrick.
Wayne: Don’t talk nonsense idiot.
Patrick: Ano???!!!
“Patrick!!!” Ang bungad ni Vince.
Patrck: Oh? Ikaw pala.
Vince: Ano bang nangyare? Bakit ang tagal niyo ni Kelly? Oh? Asan pala si Kelly? Tsaka ano ba yan bakit nagkalat yang mga papel?
At tinulungan na nga ni Vince si Patrick “Kilala mo ba yung lalaki kanina?”
Inabot ni Vince kay Patrick yung ilang papel pang nahulog “Ahh...si Wayne oo pinsan siya ni Chollo at Aliyah.”
Patrick: Pinsan? Bakit ngayon ko lang yun nakita?
Vince: Alam mo para kang si Kelly kinakalimutan niyo yung mga mukha ng mga di niyo masayadong vibes.
Patrick: Well...
Vince: Pero baka nga di mo pa sya nakikita nakilala ko lang din yun doon sa birthday party nung lola nila.
Patrick: Party? Birthday?
Vince: Oo basta mahabang kwento asan ba si Kelly?
Patrick: Nasa Clinic sinama ng kuya niya.
Vince: Eh?? Bakit? Kala ko ba kayo mag bibigay ng mga papel na yan bakit iniwan ka niya?
Patrick: Mahabang istorya rin.
Vince: Huh! Okay.

5pm,

“Andito na kami.” Ang sambit nung dalawa ni Kelly at Kevin na di nagpapansinan.
“Buti’t dumating na kayo nakapagluto na rin ako magbihis na muna kayo at kakain na tayo ng hapunan.” Ang bungad na sabi ni Kim.
“Wala pa sila kuya Kian at Siopao?” Ang sabay na tugon nung dalawa at nag iwasan.
“Humph!” Dagdag pa nila
Kelly: Magbibihis na muna ako kuya Kim.
Kevin: Tsss...Ako rin.
“Humph!” Dagdag pa nung dalawa at parehas nag tungo sa silid nila.
“Ka Bang!” Ang tunog pagbagsak ng pintuan nila.
Kim: Ano bang nangyayare sa dalawang yon?
“AHHHHHHH...” Ang pasigaw na sambit ni Kelly.
“KELLY???” Anila Kim at Kevin.
At kumaripas na si Kevin at Kim “Anong nangyayare????” Ang sabi ni Kevin.
Kelly: May...May...tao sa c.r ko.
“Ano? Bakit ka sumigaw Kelly?” Ang humahangos namang sabi ni Kim.
Kevin: May tao raw sa c.r niya.
Kim: Tao?
Kelly:  Oo may nakita akong tao.
Kim: Okay, diyan ka lang Kevin tignan mo na.
Kevin: Ha? Bakit ako?
Kim: Aba, ako mag babantay kay Kelly.
Kevin: Ang daya mo naman eh.
Kim: Baka may tao pa ditong iba mabuti ng sure tayo.
Kevin: Palusot ka rin eh.
Kelly: Tsk...tignan niyo na lang kasi susunod nalang ako sa likod niyo.
“Okay, sige.” Anila.
At kumuha yung dalawa ng mga bagay na matigas na pwedeng ipang depensa “Okay, let’s go.” Anila.
Kelly: Sige, dito lang ako sa likod niyo.
“Okay.” Anila.
At dahan-dahan lumapit yung tatlo sa c.r “Ikaw na mag bukas bro.” Ang sabi ni Kim.
Kevin: Ikaw na!
Kim: Ikaw na ikaw na ang malapit sa doorknob eh.
Kelly: Ano ba naman? Ako na nga lang!
At hinawakan nga ni Kelly yung doorknob at dahan-dahan niya itong inikot “Bunso, mag ingat ka.” Anila at sila na ang nagtatago sa likod ni Kelly.
Kelly: Coward!
At ang tahimik ng tatlo na sobrang kabado lalo na yung dalawa nila Kevin at Kim “TITA KELLY!!!!” Ang bungad naman ni Jacob na galing sa labas.
“Ay kabayo!” Ang tugon ng tatlo na gulat na gulat.
Kian: Anong ginagawa niyong tatlo? Bakit may mga hawak pa kayong ganyan Kim at Kevin?
Lumapit naman ka agad yung tatlo kay Kian “Kuya, may tao sa c.r ko.” Ang sabi ni Kelly.
Kian: Tao?
Jacob: Talaga po?
At binuksan ni Jacob yung c.r “JACOB!!!!” Ang sabi nung apat.
Jacob: Eh? Standee lang naman po ire ni tito Keith eh.
“STANDEE???” Anila.
A kinuha ni Jacob yung standee sa loob ng c.r “Nakakaloka si kuya Keith! Aatakihin na kaming tatlo standee lang pala nya.” Ang sabi ni Kelly.
Kevin: Baliw talaga ang isang yon.
Kim: Buang eh!









*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon