Kabanata 3

93 0 0
                                    

     Sa kasalukuyan,

Nakauwi na ng bahay ang magkakapatid “Andito na tayo.”Sabi ni Kian.
Kelly: Ayos...kanina pa ako na ccr eh.
Nagpasabog ng di kaaya-ayang amoy si Kelly sa kotse at pandalas naman ito ng karipas ng takbo “KELLANG!!!?” Ang sambit ng mga kuya niya na wari’y nauuma.
Kelly: Sorry...di ko na napigilan.
Pandalas rin naman ng labas ang mga ito sa sasakyan “Bwiset na! Si Kelly talaga...Sigh...”Ang sabi ni Kim.
Kian: Ano na naman bang kinain non ha Kevin? At mukhang sira na naman ang tiyan.
Kevin: Ahem...ahem...aba’y hindi ko alam paglabas ko sa clinic nasa labas na siya ng DLRU.
Keith: Ang bantot eh amoy bulok na itlog eh.
Kian: Nako! Kumain na naman yan ng street food sigurado at bakit nauna siya ng labas sayo?
Kevin: Oo may inasikaso pa kasi ako sa clinic maaga natapos ang klase nila eh.
Kian: Nag comp.shop na naman siya?
Kevin: Eh? Alam niyo?
Keith: Dati pa!
Kevin: Pa---paano?
Kim: Kaibigan ko ang may ari ng comp.shop kung saan laging naglalaro sila Kelly at Vince na malapit sa DLRU.
Kevin: Ha? Ah...eh...mga kuy’s let me explain.
Kian: No need alam naman naming pinagtatakpan mo yang batang iyan.
Keith: Yeah...
Kim: Pero wag kang mag-alala mabait naman yung kaibigan ko kaya binabantayan niya si Kelly.
Kevin: Eh? Ayos lang sa inyo?
Kian: Gaya nga ng sabi ni Kim binabantayan si Kelly ng may-ari ng comp.shop.
Keith: At alam rin naman naming di mo matitiis si Kelly kaya di mo masabi sabi samin.
Kim: At higit sa lahat di rin naman papapigil yang si Kellang lalong pinagbabawalan lalong nagpupumiglas.
“Yeah...”Ang reaksyon nila.
Lumabas si Kelly “Oh? Ano pang ginagawa niyo diyan? Bakit di pa kayo napasok?” Aniya.
“Sigh...Opo kamahalan.”Anila.
Kian: Sige magsipasok na kayo baka magwala pa iyang mahal nating prinsesa igagarahe ko na muna areng kotse.
“Sige Bro.” Anila,

Kinabukasan,

Mimay: Morning guys, ang aga ah.
Vince: Ahh...sinabay kasi ako ni ate kaya ayun ang aga ko.
Harvey: Ako naman maaga talaga kasi may meeting kaming mga student council member.
Mimay: About saan? Sa darating na Valentines Day?
Harvey: Oo yun nga.
Vince: Siya! Me ganoon na naman?
Harvey: Nga eh, kailangan tuloy nating mag participate kasi mga 4th year na tayo.
Vince: Paanong participate?
Mimay: That means kailangan nating gumawa ng booth, Right?
Harvey: Yeah...
Vince: ANO???
Mimay: Wow...nakaka excite naman matagal ko ng ininntay na magkabooth tayo.
Vince: Ano namang nakaka excite doon? Kakatamad kamo at sigurado akong ayaw ni Kelly ng ganyan.

Sa Kotse,

Keith: Nga pala, malapit na ang Valentines day may mga ka date kayo?
“WALA!” Anila maliban kay Kelly na tulog.
Keith: Okay...okay...relax...buti pa ako meron.
Kian: Baket? May syota kana?
Keith: Wala pero may binigay saking chix si Lino.
Kim: Tsss...ang saya mo naman.
Kevin: Speaking of Valentine’s day may event sa DLRU nun baka gusto niyong mag punta.
Kian: Ahh...yun din ang anniversary ng school niyo di ba?
Kevin: Oo at ang lahat ay welcome.
Keith: Ahhh...oo may mga pa booth ang bawat department di ba?
Kim: Si Kelly ba kasali?
Kevin: Uhmmm...alam ko makakasali na sila dahil 4th year na sila.
Kian: Alam niya?
Napatingin sila kay Kelly “Mukhang hinde!” Anila.
“Sigh...”Reaksyon naman.

Makalipas ang ilang oras,

“Love Cafe?” Anila.
Prof Mina: Yes, were hosting Love Cafe this coming Feb. 14 at naka maid and butler costume kayo.
“Woah...”Reaksyon ng iba.
Pabulong bulong si Kelly “Wtf! No way hinding hindi ako mag susuot ng mga ganyang costume.”Aniya.
Vince: Shhh...manahimik ka nga diyan mamaya eh marinig ka ni Prof.lagi ka kasing late ayan di mo alam mga bagay-bagay dine.
Kelly: Tsk...ewan.
Mina: And by the way, guys mag imbita kayo ng mga friends, family o kahit sinong kakilala niyo para manalo ang department natin.
Harvey: Tama si Prof.Mina may reward ang maraming magiging costumer.
Tumaas si Mimay ng kamay “Yes Mimay? Ano yon?” Ang sabi ni Prof.Mina.
Mimay: Ano po ang reward? Trip to Disneyland po ba?
Nagtawanan ang mga kaklase nila “Hinde, simpleng karangalan lang pero alam niyo bang makakatulong tayo sa mga bata sa bahay ampunan? Tama ba ako Class President?”
Harvey: Ah? O---opo dahil kada anniversary ng ating mahal na paaralan nag dodonate ito sa mga bahay ampunan para na rin sa pasasalamat sa bagong taon. Hindi ba at masayang makatulong sa ating kapwa?
Mimay: Oooh....I see yun rin po ba ang magiging donation natin para sa orphanage? Or hindi po?
Mina: Ahhh...yun naman ay mapupunta na sa inyo.
“Wooohh...ayos...”Ang hiyawan ng karamihan.
Pabulong bulong si Kelly “Tsss...mga mukhang pera din ang mga ito eh..”
Vince: Shhh...Kelly!
Mina: Pero...
“Pero???” Anila.
Mina: Yes, may pero...Dahil nasasainyo naman iyon kung kukuhanin niyo ang parte niyo o idodonate niyo nalang sa mga bata sa ampunan. Pero ayos lang naman kung hindi pero di ba may kasabihan nga tayo “It’s better to give than to receive”
Harvey: Pero hindi naman ito sa pilitan kaya kayo parin ang mag dedecide.
Tumaas ng kamay si Kelly “Huy...anong ginagawa mo?” Ang pabulong na sabi ni Vince.
Mina: Yes? Kelly?
Kelly: Ahem...what if? Kung 50/50 po?
Mimay: Yes, Prof.  Kelly is right 50% is for orphanage and the other 50% is for us nakatulong na kami may laman pa ang wallet namin. Di ba guys?
“Yeah...” Ang reaksyon ng lahat.
Mina: Is that what you think Kelly?
Kelly: Ah? O---opo.
Mina: Okay, mag botohan tayo kapag marami ang ayon kay Kelly at Mimay na suggestion sige yun ang buong desisyon ng klase natin.
Harvey: Okay. Who’s in favour for Kelly and Mimay?
Tumaas ang karamihan ng kamay pero may dalawang hinde “How about you Patrick and Dave?” Ang sabi ni Mina.
Bumulong si Kelly kay Vince “Eh? Sino yung dalawang yan?”
Bineltukan siya ni Vince “Buang ka ba? Malamg kaklase natin.”
Kelly: Eh? Bakit ngayon ko lang sila nakita?
Vince: Malamang, sige nga kilala mo bang lahat ng kaklase natin?
Kelly: Ha? Sye---syempre naman kaklase natin sila ng apat na taon eh.
Vince: Tsss...Don’t me brad! Alam kong kami lang nila Mimay at Harvey ang lagi mong kinakausap sa pilitan pa nga minsan dun sa dalawa. Dahil introvert ka!
Kelly: Tsss...edi wow...
Tumayo yung Patrick “Hindi po kami tumaas ng kamay dahil parang unfair.” Aniya.
Mina: Unfair? But we’re talking about 50/50 so why did you feel your classmate is not fair enough?
“Dahil, paano naman po kung hindi naman lahat ng buong klase ang mag participate sa Love Cafe? 50/50 parin po ba ang hatian noon?” Si Patrick, ang laging tahimik at pa mystery guy effect.
Mina: You mean, paano kung hindi sumali ang lahat?
Patrick: Yes Prof. I was saying paano po kung hindi naman nag hirap sa Love Cafe ang lahat? Paano po mangyayare ang 50/50 na hatian? Di ba po parang ang unfair naman po noon sa mga taong nag todo effort.
Napaisip ang lahat at umayon ang iba kay Patrick pero ang sama ng tingin ni Kelly dito kaya napatayo rin siya at nagsalita “So? You mean mga tamad kami?”Aniya.
Hinihila ni Vince si Kelly at bumulong “Ano ga yang pinagsasabi mo? Maupo ka nga!”
Patrick: Huh! Bakit Ms.Dela Cruz? Tinamaan ka ba?”
Kelly: Huh! Ako? Bakit? Paano mo naman nasabi na tamad ako eh ni hindi nga kita nakikita sa silid aralang ito? So I think ikaw ang tamad dahil di ka na pasok.
Natawa lang si Patrick “Ahahaha...are you kidding? Ako hindi na pasok? Oh, ikaw kamo ang tamad at ang hindi nakakakilala sa mga kaklase mo.”
Kelly: ANO?!!!
Pinigilan siya ni Vince “Kelly!”
Patrick: Bakit Ms. Dela Cruz? Mali ba ako? Sigurado ako na nagulat ka na nag eexist ako dito sa likod. Right Mr.Hernandez?
Vince: Huh? A---ano...kasi...
Kelly: Okay! Sabihin na nating...Ahem...tama ka...
Medyo nauma ang mga kaklase niya “Sandale!!! Bago niyo ako kaumahan dahil sa hindi ko pagkakakilala sa inyo sana i-consider niyo naman ang pagiging introvert ko dahil buong buhay ko si Vince at ang mga kuya ko lang ang lagi kong nakakasama. Kasalanan ko bang sa mismong kaarawan ko nabaril ang tatay namin? Kaya naging ganito ako? Kasalanan ko ba???? Sana bago kayo manghusga alamin niyo muna ang buong istorya.”
At natahimik ang lahat at kumaripas nalang ng takbo palabas si Kelly “Pis...”Ang sabi ni Vince.
Mina: Sigh...Sige Vince, pakisundan naman si Kelly.
Vince: Opo.
At sinundan nga ni Vince si Kelly “Class dismiss...And for you Mr. Santos sumama ka sakin sa office.”
Patrick: O---opo...Prof.

Sa Canteen,

Kumakain si Kelly ng eggpie “Bwiset! Kala mo naman kung sino bakit kilala niya ba lahat ng tao sa mundo?”
“Oh, bakit ikaw ba kilala mo rin? Ang sabi ni Vince.
Kelly: Bakit ka nandito?
Umupo si Vince malapit kay Kelly “Bakit? Nandito ka?”
Kinuha niya yung isang slice ng eggie “Akin nalang toh ha?”
Kelly: Nakuha mo na eh. Tsss...bakit ka ba nandito?
Habang na nguya “Dahil alam kong dito ka pupunta bukod sa clinic.”
Kelly: Edi shing!
Vince: Di ba sabi ko wag ng mangialam oh ano ngayon? Iiyak iyak ka diyan.
Kelly: Ewan sayo! Umalis ka na nga lang.







*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*🤗

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon