Kabanata 38

12 0 0
                                    

     Kinahapunan,

Nasa sala ang mga kuya ni Kelly at nanonood ng tv “AHHHHHHHHH...”
“Si Kelly?” Anila.
Kian: Nasan si Kelly?
Kevin: Bumaba siya eh.
Kim: Ah...nasa likod may kukunin raw siya eh.
Keith: Nakaw! Nakita niya siguro yung mga manok.
Kelly: KUYAAAA!!!!
Kian: Sigh...bilis guys.
“Okay.” Anila.

Sa Likod ng bahay nila,

“Anong nangyayare?”  Sambit ng mga kuya niya.
Nagtago naman ka agad si Kelly sa likuran ng mga kuya niya “Ba---bakit may manok at kambing diyan?” Aniya.
Keith: Sigh...bigay yan ng mga kuya ni Faith.
Kelly: Ha? Bakit naman ganyan bigla bigla nalang nalipad muntik pa akong maiputan ng manok tapos muntik ko pang mayapakan yung poops ng mga kambing. Hayssss.....Kainis! Papasok na nga ko ayoko ng mag walis ng kwarto ko.
Kevin: Aba! Ang dumi na ng kwarto mo maglinis ka.
Kelly: Kuya tignan mo nga ang daming ipot ng walis tambo!
Kian: Tsk...Keith linisan mo yan!
Keith: Oo na!
Kim: Gamitin mo yung vacuum na padala ni mama yun ang ipanglinis mo.
Kelly: Haysss...ayoko nun kuya ang bigat.
Kian: KELLY!!!!
Kelly: Tsk....Ere na nga oh aakyat na. Haysss....asar!
Kian: Ano?
Kelly: Wala ho! Papasok na ko. Humph...
Pagkaalis ni Kelly “Sabi ko naman kasi di na ko magdadala niyan pinilit lang ako ng mga kuya ni Faith.” Ani Keith.
Kim: Sus...pinilit o natakot ka na baka magalit sila sayo? Ang lalaki ng mga kuya ni Faith katakot.
Keith: Tsk...
Kian: Kevin, tulungan mo na nga si Kelly maglinis ng kwarto niya.
Kevin: Aba! Katatapos ko nga lang din maglinis ng kwarto ko eh yain mo na sya.
Kian: Kim!
Kim: Ha? May gagawin pa ko eh aayusin ko pa yung bahay ng mga bago kong alaga.
Keith: Oh, wag ako lilinisin ko pa ang kalat dine.
Kian: Tsss...sige ako na! Kevin pag dumating si Ethan sabihin mo nasa taas ako.
Kevin: Okay.

Sa Kwarto ni Kelly,

Nakahiga lang sa kama niya si Kelly “Ispiritu ng kasipagan sapian mo ako.”
“Haysss...tinamad na tuloy ako asar naman kasi walang tambo. Bayan!!!”
“Hmmm...sandali nga...”
Kinuha niya yung box sa ilalim ng kama niya “Ayos sabi na andito parin ito.”
Binuksan niya yung box “Huh! Edi no problem na automatic vacuum cleaner na ang maglilinis ng kwarto ko.”
“Pero, parang sira nga pala ito.”
Pinindot ni Kelly yung start button “Haysss....sira na nga! Kakakuma naman...”
“Sino ga ang kausap mo?” Bungad ni Kian.
Kelly: Kuya?
Kian: Sira na yang vacuum na yan ah nasasayo pala yan?
Kelly: Um...
Kian: Ahhh...nilagay nga pala yan diyan ni Keith gagawin niya raw gang ngayon pala di pa rin niya naayos.
Kelly: Eh bakit nasa ilalim ng kama ko?
Kian: Panu’y pinapatapon ko na yan alam niya kasing di ako madalas sa kwarto mo kaya dine niya tinago.
Kelly: Ahhh...oh eh bakit ka pala andine kuya?
Kian: Tutulungan kita maglinis ayaw mo?
Kelly: Weh???
Pinisil ni Kian ang pisnge ni Kelly “Aw...kuya naman.”
Kian: Bilisan mo na magsimula na tayo.
Kelly: Tsss...opo.

Kinagabihan,

Pagkababa ni Kian “Oh? Asan si Kelly?” Ani Kim.
Kevin: Mukhang naisahan ka na naman ni Kellang ah ikaw ang mas pagod eh.
Ethan: Oo nga may dumi ka pa sa buhok.
Kian: Heh! lintek na bata yan sabi ko tutulungan ko lang maglinis aba’y parang ako nalang ang naglinis ng naglinis eh. Ayun nakatulog na.
Keith: Ba’y di pa nakain ng hapunan eh.
Kian: Nakaluto na ba kayo? Wag niyong sabihing hindi pa masasampiga ko talaga kayo.
Kim: Ah...eh...
Kian: Lintek wag niyong sabihing....
Ethan: Kalma bro, nag order na ko.
Kevin: Oo bro, kaya chill lang.
Kian: Tsss...puro kayo order!
Iniwan sila ni Kian “Kuya, san ka pupunta?” Ani Kevin
Kian: Sa kusina iinom masama?
Kevin: ....
Keith: Mukhang pagod talaga sya ah highblood na ang lolo mo.
Ethan: Ahahaha....di niya lang talaga matiis si Kelly.
Kevin: Nga pala, nabanggit mo na rumoronda kayo sa mga University?
Ethan: Oo di mo ba alam di ka nainform ni Mina?
Kevin: Inform what?
Ethan: Lagi niyo ng ihahatid at susunduin si Kelly delikado may mga nawawalang kolehiyala sa DLRU may nakuha ng dalawa.
“ANO?” Anila.
Kim: Kevin! Bakit di mo yan nabanggit samin.
Kevin: Ah...eh...di ko rin alam di ba absent ako nung mga nakaraan nalimutan na rin siguro ni Mina na banggitin sakin busy kasi sila gumawa ng exam para sa darating na midterm.
Keith: Sandali lang bro may dalawa ng nawawala sa DLRU? Anong motibo nung nangingidnap? At mga kolehiyala? Ano yon manyak?
Ethan: Di pa malinaw ang motibo at bakit nila ginagawa yon yung dalawang nawawalang kolehiyala sa DLRU natagpuang wala sa sarili at pagala gala lang.
“ Ano kamo?” Ang bungad ni Kian.
Kevin: Ku----kuya.
Ethan: Ahh...eh...gaya nga ng narinig mo may mga suliranin ang mga Unibersidad ngayon lalo na ang mga kolehiyala kapag nakursunadahan nila kikidnapin nila tapos iiwan kung saan. Pero ngayon yung sa DLRU palang ang natatagpuan namin.
Kian: At di mo alam yon Kevin???
Kevin: Ah...kasi...
Kian: Jusko naman Kevin! Yan ang sinasabi ko eh puro nalang kayo lovelife paano na si Kelly???
Kevin: Pero kuya...
Ethan: Bro, kumalma ka muna wala rin naman talagang alam si Kevin.
Kim: Oo bro, di niya talaga alam dahil ilang araw na ring wala sa DLRU si Kevin.
Keith: Chill lang bro masyado kang highblood diyan eh.
Kian: TAHIMEK!!! Oras lang na may mangyareng masama kay Kelly baka malimutan kong nakababata ko kayong kapatid. Naiitindihan niyo ba???
“O---Oo kuya.” Anila.
Siniko ni Kevin si Ethan at bumulong “Bakit nakiki “OO” ka naman diyan? Kapatid ka ba namin?”
Ethan: Nakakatakot kasi si Kian.
Kevin: Paano ka naging pulis kung kay kuya lang takot ka na?
Ethan: HEH!
Kian: Gisingin niyo si Kelly ininit ko yung sinigang na bangus yun ang ipakin niyo sa kaniya. Naiintindihan niyo?!
“Oo kuya.”
Kian: Sige! Matutulog na ko.
Ethan: Malapit na dumating yung order na pagkain di ka ba muna kakain?
Kian: Hindi na! Nawalan na ko ng gana.
At umalis na nga si Kian “Kuya...” Ani Kevin.
Kim: Hayaan mo na mainit ang ulo.
Keith: Tsk...pano na yan?
Ethan: Anong pano yan?
Keith: Sigurado commute kami nire.
Kim: Pambihira! Ayoko pa namang nag bibiyahe.
Ethan: Ha? Di ko kayo maintindihan.
Kevin: Mga sira! Inisip niyo pa talaga yan ngayon? Alam naman nating si kuya Kian ang bumili ng sasakyan dito satin at nakikisakay lang tayo kaya wag na kayong mag reklamo kung mag bibiyahe tayo ngayon.
Keith: Kasalan mo bakit kasi di mo tinanong si Mina about sa case na yon.
Kevin: Anong ako? Kung di dahil sayo at kay Ms. Faith edi sana nakapasok ako kahapon.
Keith: ANO???!!! Gusto mong makatikem?
Kevin: Sige! Halika suntukan tayo matagal tagal na rin yung huli nating sparing eh. GAME!!!
Kim: Mag tigil na nga kayo! Kung ayaw niyong tawagan ko si Mama.
Ethan: Sigh...gaya parin kayo ng dati laging nag tuturuan.
“Pakainin niyo na si Kelly!!!” Sigaw ni Kian mula sa kwarto niya.
“O---Oo eto na kuya.” Anila.
Kim: Bilis, baka makababa pa yun dine lalo na tayong malilintikan.
Kevin: Ge ako na gigising kay Kelly.

Kinaumagahan,

Pagising ni Kelly bumaba agad siya “Eh? Bakit dine na sila natulog sa sala?”
“Magdamag silang naglaro ng board game gang sa ayan inumaga na sila natulog.” Bungad ni Kian.
Kelly: Nag away kayo?
Kian: Sigh...halika na nagluto ako ng pancake may strawberry syrup favorite mo.
Kelly: Sus...
Lumapit siya kay Kian at inakbayan “Alam ko yang mga galawan niyo pero dahil pinagluto mo ko ng paborito ko papalagpasin ko muna pero...wag niyo ng paabutin ng gabi kung hindi isusumbong ko kayo kay Daddy sasabihin ko multuhin kayo.
Pinisil ni Kian ang pisnge ni Kelly at sinabing “Sira! Walang wifi sa langit di ka niya marereach.”
Kelly: Hehe...lika na may whip cream kuya?
Kian: Oo naman kaya halika na bago pa sila magising lalo na si Kevin ubusan ka nun sige ka.
Kelly: Aba!
Kian: Kaya nga halika na.
Kelly: Okie.

Makalipas ang ilang oras,

Kelly: Aalis na muna ko mga kuy’s.
Kim: Saan ka pupunta? Delikado ang panahon ngayon.
Kevin: Oo nga nabanggit samin ni Ethan yung nangyare sa DLRU bakit wala kang nababanggit ha?
Kelly: Di naman masyadong importante.
Keith: Ano? Alam mo bang nagalit samin si kuya...
Kim: Keith!
Kelly: Sabi na eh dahil na naman sakin kaya kayo nag away apat.
“Saan ka pupunta?” Sambit ni Kian habang pababa ng hagdan.
Kelly: Eh kuya di ba nabanggit ko na sayo na lalabas ako ngayon.
Kian: Baket? Pinayagan na ba kita?
Kelly: Ha? Kuya naman!
Kian: Di ko rin naman sinabing di kita papayagan.
Kelly: So? Pumapayag ka na kuya?
Kian: Um...pero pakisabi sa mga kuya mo diyan na sumama.
Kelly: Sa---sama? Sila?
Kian: Um...kung di sila kasama wag mo ng pangaraping umalis pa ng bahay.
Kelly: Ano? Kuya naman...
Kevin: Game ako.
Kim: Ako rin.
Keith: Sige ako na riin.
Kelly: ANO??? KUYAAAAAAaaaa...

Sa Theme Park,

Naglalakad papasok ang magkakapatid “Sino ba ang kasama mo?” Sambit ni Kim.
“KELLY!!!” Pasigaw na sambit ni Patrick.
Kevin: Sandali lang, si Patrick ba yon?
Kelly: Siguro?
“Anak nang!” Anila.










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon