Kabanata 73

8 0 0
                                    

“Bakit di ka magsalita? Sino yung babaeng yun sayo???” Ang sabi nung isang babae at tumugon naman yung karamihan ng “Oo nga sino yon?” Anila.
Patrick: Sino siya? Siya lang naman yung babaeng tanggap ako kahit sino ako di gaya niyo na nalaman niyo lang na anak ako ng isang mayamang negosyante hala sige papansin sakin baket? Dahil alam niyong may kaya ako sa buhay? Bakit dati ni hindi niyo nga ako makilala bilang Patrick oo kilala ako ng iba pero saan? Sa pangalan? Sa mukha? Huh! Wag na kayong umasang...
Huminto si Patrick sa pagsasalita dahil nagulat siyang inakbayan siya ni Kelly “Sino ba sila? Inaaway ka ba nila? Hoy! Kayo!”
Napaatras yung mga kababaihan “Kung ayaw niyong makatim ng sipa” Dagdag pa ni Kelly at umakmang sisipa kaya nagtakbuhan ang mga ito.
Kelly: Ano? Bumalik kayo mga duwag!!!
Hinawakan ni Patrick ang kamay ni Kelly “Tama na yan tara na sa loob gamutin natin yang sugat sa pisnge mo.”
Kelly: Ah? Nako di na malayo sa bituka sino ba mga yon? Bakit ka nila iniistorbo?
Patrick: Ah...eh...ano...
“Baby girl ang astig mo!!!” Ang bungad ni Mimay kaya di na naituloy ni Patrick ang sasabihin niya sumunod na rin naman sakaniya yung tatlo.
Vince: Syempre si Kelly pa ba?
Kelly: Maliit na bagay syempre ayokong naagrabyado ang boyfriend ko.
“Bo---Boyfriend ko???” Anila Mimay pwera lang kay Patrick na nagulat.
Kelly: Oo, boy na friend parang ikaw Mimay girlfriend ko girl na friend.
“Ah...Ha—ha---ha...Yun pala.” Anila at napatingin yung apat kay Patrick.
Patrick: Ahem...masyado kasi kayong ano diyan.
Mimay: Sus...umasa ka rin eh.
Kelly: Ano yon?
Vince: Wala, yang galos mo sa pisnge linisin yan baka madumi yung kuko nung babaeng naka galos sayo delikado ako malalagot sa mga kuya mo.
Kelly: Tsk...oo na pero wala si kuya sa Clinic kailangan kasi siya sa DLRH kaya paano?
Harvey: Don’t worry may dala akong first aid kit.
Kelly: Oh? Napaka ready naman ng aming class pres.
Vince: Sige na palinis mo na yan.
Kelly: Okay po uncle. Tsss...
Harvey: Tara sa loob nasa bag ko kasi yung kit eh.
Kelly: Okay, oh? Kayo di pa kayo papasok?
Dave: Ahhh...mamaya na Master mauna na kayo ni class pres. baka may bumalik pang mga student eh.
Kelly: Kayo bahala.
At pumasok na nga yung dalawa sa loob “Pffft...ahahahaha....boyfriend daw.” Ang sabi ni Mimay.
Vince: Ahahahaha...pigil na pigil rin yung tawa ko sa reaction ni Patrick. Pffft...Ahahahahaha...
Dave: Yeah...yung reaction talaga eh. Ahahahaha...
Patrick: Tsss...ewan ko sa inyo.
Vince: Ayos lang yan mukhang nas geting to know each other palang kayo.
Patrick: What do you mean?
Vince: Kilala ko yang si Kelly pinapalagay niya muna nag loob niya sa isang tao pag okay sa kaniya i-bubully ka muna niyan.
Dave: Ohhh...kaya pala lagi niya kaming binubully.
Mimay: Oo ako rin nung una pero ngayon hindi na.
Vince: Oo ganyan si Kelly bata palang kami ibu-bully niya muna tapos tsaka niya kakaibiganin sa stage ni Patrick sa tingin ko nasa stage ka na ng “Magbiro ka na sa lasing wag lang sa kaibigan ko.”
Patrick: Di ko gets.
Dave: Dude, slow ka rin talaga minsan eh.
Mimay: Gaya ng nakita mo yun na yon kaya ka ipinagtanggol ni Kelly sa mga fans mong war freak.
Vince: Yep, at sa tingin ko close ka na nga sa kaniya di ka nalang basta classmate o stranger para kay Kelly isa ka na ring importanteng tao para sa kaniya.
Napatingin at napangiti si Patrick kay Kelly na nasa loob “Importanteng tao para kay Kelly? Ako?” Aniya.
Mimay: Yes, kaya wag mong sayangin ang tiwala niya sayo kaming mga babae ayaw namin ng sumisira ng tiwala ngayong closed ka na kay Kelly panatilihin mo ang ganyang vibes mo.
Dave: Pero paano kung gang kaibigan nalang pala ang tingin ni Master kay Patrick?
Vince: Sabagay, may point ka naman sabi niya kasi kanina boyfriend as in boy na friend. So, sa ganyang pananaw di ko na masasagot yan.
Mimay: But I have an idea.
“Ano yon?” Anila.
Mimay: Akong bahala.

Samantala,

Kelly: Anong ginagawa nila? Bakit di pa sila pumasok?
Inaayos na ni Harvey yung medicine kit niya at nilagyan na rin niya ng band aid si Kelly “Ba’y malay ko.”
Kelly: Anyways, salamat sa pa band aid.
Harvey: Welcome.
Kelly: Nga pala, nabanggit sakin ni Mimay na may bago ka ng nililigawan?
Harvey: Sinabi niya sayo?
Kelly: Ay hinde, joke lang malamang oo! Paano ko naman malalaman yun? Aber?
Harvey: Ikaw naman ang init agad ng ulo. Oo si Bella pero di naman talaga literal na ligaw parang were getting to know each other palang parang sila ni Dave.
Kelly: Pero babe na ang tawag ni Dave sa kaniya.
Harvey: Di ko alam di naman ako kinakausap ni Mimay eh.
Kelly: Oh? Gang ngayon?
Harvey: Ayos lang nakikita ko namang masaya siya kay Dave kaya masaya na rin ako para sa kanilang dalawa.
Kelly: Oh? Di ka na hurt?
Harvey: Sira! Syempre na hurt nililigawan ko siya ng mahigit ng isang taon tapos ganyan? Sino ba namang di masasaktan doon?
Bineltukan siya ni Kelly at sinabing “Eh bungol ka’y ikaw ang inaatay niya tapos inaatay mo rin naman pala siya? Ano kayo terminal ng bus? Ayan ending ngangey kayo olats.”
Harvey: Tsk...aba malay ko rin ba? Lagi naman akong nagpapahiwatig bakit kasi ang slow ng kaibigan mo?
Kelly: So, ano kasalanan kong slow si Mimay? Sapakin kaya kita di yan gusto mo?
Harvey: Oh, easy.
Kelly: Pero tapatin mo ko wala ka na bang gusto kay Mimay? Sa tingin ko naman may pagtingin pa rin siya sayo.
Harvey: You think? Ano niya si Dave? Rebound?
Kelly: Di naman sa ganon pero ramdam ko kasing di siya ganoong ka saya kay Dave para kasing may kulang.
Harvey: Kulang? Baka kasi di pa nga sinasagot ni Mimay si Dave kaya kala mo may kulang baka yung matamis na oo lang ni Mimay ang kulang.
Kelly: Sigh...ewan ko sayo! Ang labo nyo! Di yan ka na nga at ako’y babalik na sa upuan ko.
Harvey: Ano nga Kelly? Sabihin mo.
Kelly: Bahala ka diyan wala na ko sa mood.
Harvey: Kelly naman!
Kelly: Heh!

Kinatanghalian,

Kelly: Kuya? Andine na ko.
Naupo si Kelly at binaba ang bag niya “Kuya? Asan ka ga?”
Kevin: Sandali nga nasa c.r ako nagpapalit ako ng damit.
Kelly: Ahh..okay.
Kinuha niya ang cellphone niya at naglaro “Okay na, tumulong kasi ako mag opera kay doc Paulo ako ang nag assist kaya ngayon lang ako kumain ka na ba?” Ang sabi ni Kevin.
“Ba’y hindi pa sabi mo kasi sabay tayo eh gutom na nga ako.” Ang sagot ni Kelly na di nakatingin sa kuya niya dahil busy sa kalalaro sa telepono nya.
Kevin: Oh, eh ano pang inaatay mo di yan halika na at kakain na tayo.
Kelly: Okay.
Habang inaayos ni Kevin yung baon nila “Kuya si kuya Keith ba ihahatid ni kuya Kian? Paano si Siopao?”
Kevin: Ah...kasama syempre bay walang mag baban...
“Anong? Anong nangyare sa mukha mo?” Ang pagulat na sabi ni Kevin pagkakita sa mukha ni Kelly.
Kelly: Wala, kumalma ka nga galos lang yan.
Kevin: Anak nang! Ano na naman bang ginawa mong bata ka? Nilinisan mo na ba yan? Sino na naman bang nakaaway mo?
Kelly: Tsk...ang daming tanong ayos nga lang ako tsaka wala akong nakaaway grabe naman.
Kevin: Sandali nga linisin natin yang sugat mo.
Kelly: Wag na nalinis na ni class pres.yan kaya okay na wag mo ng galawin.
Kevin: Tsk...ah...basta! Para sure tayo pagkakain lilinisin ko ulit yan.
Kelly: Bahala ka sabi ng malinis na eh.
Kevin: Bakit nga kasi nagka galos ka? Aminin mo di naman kita isusumbong kila kuya eh.
Kelly: Ang kulit naman gawa lang yan ng kuko nung babaeng estudyante na di magkandamayaw doon sa labas ng classroom namin.
Kevin: Ano? Anong babaeng di magkamayaw? Ayusin mo nga yang kwento mo.
Kelly: Di ko rin alam pero kaninang umaga ang daming kababaihan sa labas ng classroom namin tapos ayun hirap na hirap kami ni Mimay pumasok sa sarili naming classroom kaya ayun nadali ata ako ng di ko alam kaya ending ayan may galos ako sa pisnge.
Kevin: Sigh...maging alerto ka naman kasi. Pero bakit maraming student sa labas ng classroom niyo? May away ba? O artista na dumating?
Kelly: Ba’y wala pero pumasok ngayon si Patrick.
Kevin: Ahhh...kaya naman pala.
Kelly: Ha?
Kevin: Hindi mo pa ba alam? Si Patrick ang taga pag mana ng mag Santos yung may-ari ng SM tatay niya pala yon kaya pala parang familiar yung surname niya sakin noon pa. Nilihim niya ang tunay niyang identity kahit ang mga prof.niyo hindi yun alam at kahit ako na banggit laang sakin ni Mina. Don’t tell me di mo rin alam?
Kelly: Um...
Kevin: Eh? Hindi ba’t kaklase at kaibigan mo siya?
Kelly: Um...
Kevin: Ay teka hindi ba’t doon ka nag OJT sa SM? Wala ba siya doon?
Kelly: Andun pero bilang General Manager lang sya noon at di niya rin naman nabanggit na sila ang may-ari nun at anak siya.
Kevin: Ohhh...bakit kaya ano? Ang yaman yaman pala ng pamilya niya tapos di niya ipinaalam na taga pag mana siya sobrang low profile naman niya. Well, kung sa iba nga yon ipagyayabang na sigurado sa buong mundo siguro may reason si Patrick kaya di niya sinabi kung sino talaga siya.
Kelly: Siguro.
Kevin: Tama na nga yan kumain na tayo.
Kelly: Ikaw naman kasi itong daldal ng daldal paubos na nga yung sakin.
Kevin: Ha? Ang daya mo.
Kelly: Mas marami ka pang alam kesa sakin na kaklase niya.
Kevin: Aba’y nabanggit laang din naman yun sakin ni Mina at syempre naririnig ko sa mga estudyante narinig ko nga na nito lang daw umuwi sa kanila si Patrick.
Sa isip-isip ni Kelly “Oo nga noh, laging sabay si Patrick at Dave noon at nung nagpunta kami sa bahay ni Dave andoon rin si Patrick. Pero bakit di siya nauwi sa kanila?”










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon