Kabanata 96

4 0 0
                                    

Sa Condo,

Hinahanap ni Kelly yung address ng condo ni Patrick "Hmm...napakalaki naman ng condominium na ito at mukhang elegante sigurado ang mamahal ng bawat unit dine jusmiyo mamumulubi ang bibili." Habang palinga linga siya "Sandali lang, hindi ba parang mali ang gagawin ko? Pupunta ako sa bahay ni Patrick ng ako lang? Hmmm...wag na kaya akong tumuloy?"
"Haist!!! Asar naman nakukunsesnsya naman ako dun sa mga sinabi ni Ms. Maricar. Tsk...hiyain na nga bahala na si batman." Habang kinakausap ang sarili may mga nakakita sa kaniya "Bakit ba may nakapasok na ganyan dito?"
"Oo nga dapat hindi nagpapasok ng kung sino sino dito sa condominium."
"Ano raw? Gusto ba nilang makatikim ng flying kick? Mga kala mo naman kung sino. Humph!" Ang sa isip isip ni Kelly at nag doorbell na siya kung nasaan ang condo ni Patrick "Oh? Bakit dun siya nag punta?"
"Oo nga hindi ba isa yung condo na yun sa pinaka exclusive?"
"Ano raw yon? Exclusive? Pang VIP?" Ang pabulong bulong na sabi ni Kelly.
"Hindi kaya isa sya sa may ari dito?"
"Hindi naman siguro wala naman sa itsura niya."
"Aba't! Talagang inuubos ng mga ito ang pasensya ko. Sandali nga!" Ang pabulong bulong na sabi ni Kelly susugod na sana siya doon sa nag tsitsismisang dalawang babae ng "Kelly?" Ang sabi ni Patrick pag bukas ng pintuan.
May naisip bigla si Kelly at bigla siyang naging clingy kay Patrick "Oh, kanina ka pa ba diyan? HO---NEY???"
Nagulat yung dalawang babae "Ho---honey????" Anila.
"Halika pumasok na tayo sa loob may mga tao kasi ditong mapang mata kala mo naman kung sinong mayayaman mga di naman maganda! Huh!" At pandalas na niyang hinila sa loob si Patrick at sinara ang pinto.
"A---ano raw?"
"Gusto niya ba ng away?
"At sino raw yung hindi maganda?"
"Aba't hinahamon niya ba tayo?"
"Bakit kasi ganyan ang suot mo mukha kang sugar mommy."
"Huh! Ako sugar mommy? Eh ano ka pa pala?"
"Ahhh...hinahamon mo ko?"
"Sige! Kung kaya mong manalo sakin." At nag sabunutan yung dalawang babaeng tsismosa ending sila ang nag away.

Sa loob ng condo,

Sinilip ni Kelly yung dalawang tsismosa "Ahahahaha..sige magsabunutan kayo! Inggit na inggit yung dalawang hukluban kala nila magpapatalo ako sa kanila makapanlait kala mo kung sinong mayayaman." Tawa ng tawa si Kelly samantala si Patrick namumula at nakatulala "Ho---Hoy! Anong nangyayare sayo?" Hinawakan niya si Patrick sa braso "Huy! A---ayos ka lang ba? Sorry kung nabigla kita nauma lang kasi ako doon sa dalawang babaeng tsismosa kaya ko na gawa yun pero sorry ha? Hindi ako nagsabi nadala lang kasi ako ng emosyon ko lam mo naman medyo hot temper ako eh sorry talaga ha?"
Ang sama ng tingin ni Patrick kay Kelly "Ah...eh...a—ano...ka---kasi...Haist....tsk...sige na nga oo na babawiin ko na yung sinabi ko sa dalawang yon. Humph...kala mo naman ang big deal...tsss..." Lalabas na sana si Kelly pero pinigilan siya ni Patrick mag bukas ng pinto "KA BANG!"nagulat si Kelly at habang nakatalikod siya "A----Ano? Alis diyan lalabas ako para ma clear ko yung name mo sa kanila." Humarap siya kay Patrick at sobrang lapit nila sa isa't-isa "O—oy!! Ano ba? Ba---bakit ayaw mong mag salita? Na pipe ka na ba? Tsaka lumayo ka nga ang lapit mo!" Inilagay naman ni Patrick yung isa niyang kamay sa likod rin ng pinto at nakulong na si Kelly sa mga bisig niya "Ho---Hoy!!! A—ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Nababaliw ka na ba? Lumayo ka!!!" Nung itutulak nya ito biglang nawalan ng malay si Patrick at napayakap sa kaniya "Huy!!! Sabing umalis ka diyan." At nung nahawakan niya si Patrick sobrang init nito "Patrick? Inaapoy ka ng lagnat."
"Mmm....mmm..."
"Huy!!! Gumising ka pambihira." Hindi niya makausap ng maayos si Patrick kaya inihatid niya ito sa kwarto "Anak nang! Ang bigat mo naman!" Ibinaba niya ng basta nalang si Patrick sa kama nito "Umayos ka naman ng higa. Sigh...bwiset!" At iniayos niya rin ng higa si Patrick "Jusme! Bakit kasi wala kang kasama dine? Paano pala kung di ako dumating? Tegibels ka na? Sigh...asar." Kinumutan niya si Patrick "Hmmm...ang tangos pala ng ilong ng tukmol na ito?" Napaatras siya "Ahhh...Kelly ano bang ginagawa mo? Bakit bigla mo nalang siya tinitigan? Nakakahiya." Sa isip-isip niya.
"Mmm...tubig!!!"
Kelly: Ha? Tubig? Si—sige ikukuha kita.
At pandalas namanh kumuha ng tubig si Kelly "Sandali lang grabe ang ganda ng condo niya napaka linis at ang laki tapos siya lang andine? Wow...ang mga appliances kabog." Tumingin tingin muna siya sa mga gamit ni Patrick "Ay!!! Ano ba Kelly yung tubig ni Patrick." Pandalas naman siyang kumuha ng tubig at bumalik sa kwarto ni Patrick "O—oy! Eto na yung tubig mo." Tinulungan niyang bumangon si Patrick pero lambot na lambot ito "Anak nang! Umayos ka nga ang bigat mo." Nahila siya ni Patrick at aksidente na yakap siya nito "Bitawan mo nga ko pervert!" at habang nagpupumiglas siya "Mmm...Kelly sorry pangako hindi na ko magpapakita sayo."
"Ano?" Napatingin siya kay Patrick at nakita niyang nagsasalita lang pala ito ng tulog "Sigh...mukhang kahit sa panaginip ang dami niya paring iniisip." At naramdaman niyang "Aw....aw...ang init mong lintek ka." Tumayo siya ka agad "Teka, ano bang gagawin ko sa kaniya? Ano bang ginagawa pag may lagnat? Haist...di talaga ko magaling sa ganire eh. Bwiset naman! Teka matawagan si kuya Kevin." Kinuha agad niya yung telepono niya at tumawag sa kuya niya "Sorry, the phone is currently out of coverage area please try again later."
Kelly: Anak nang! Bakit di ko ma-contact si kuya? Tsk....oo nga pala may duty yon sigurado nasa bag niya yung cp niya. Ano na sino ng tatawagan ko? Teka, si Dave naman nasa ospital sigurado ako si Mimay din si Vince kasama ng kuya niya baka di pa yun nakakauwi sa kanila. Hmmm...si  Harvey kaya? Ay baka busy yun SC member nga pala siya pambihira bakit kasi ang unti ng kaibigan ko?
"Sandale! Sila kuya kaya tawagan ko? Pero...magagalit yun pag nalaman nilang andine ako sa bahay ng lalaki nako wag na nga lang. Alam ko na si Prof. Mina oo nga sya nalang." At tinawagan niya nga si Mina at nakausap "Sige po Prof.iintayin ko po kayo dito at gagawin muna yung mga sinabi niyo.  Sige po salamat."
"Sigh...asar bakit kasi ako pa ang napag utusan sa bwiset na modules na yan tapos may sakit pa pala ireng taong ito. Pambihira!"

Nung bata ako tuwing nagkakasakit ako laging sila kuya ang nag aalaga sakin dahil lagi namang wala si Mama sa bahay dahil nasa Canada siya at nagtatarabaho. Isang araw nagkasakit si kuya Kim siguro mga pitong taong gulang palang ako noon kami lang nila kuya Kevin at kuya Kim ang nasa bahay that time tapos yun nga inaapoy ng lagnat noon si kuya Kim hindi pa noon ganap na nurse si kuya Kevin kaya di pa siya magkanda ugaga sa gagawin tapos nahimatay siya kasi nag dugo bigla ang ilong ni kuya Kim. "Kuya!!! Bakit? Gumising ka diyan!!" Ang sabi ko tapos si kuya Kim nagawa niya pang buhatin si kuya Kevin at inihiga sa sofa "Ku---kuya a---anong gagawin ko?" Nag papanic na ako noon kasi bata nga ako di ko alam ang gagawin pero kahit na nag dugo ang ilong ni kuya Kim kalmado lang siya pero ako umiiyak na "Wag kang mag alala baby sis okay lang ako at si kuya Kevin mo kaya wag ka ng umiyak okay? Sigurado naman akong pauwi na sila kuya dito at si Keith kaya tahan na okay?"
"Pero kuya!!! Yung ilong mo nag dudugo tapos si kuya Kevin hindi gumigising."
"Ayos lang siya takot kasi si Kevin sa dugo kaya nahimatay pero ikuha mo siya ng ammonia alam mo yun di ba tinuro sayo yun ni kuya Kian right?"
"Opo, sabi niya kasi in case of emergency."
"Sige kuhanin mo ha? Tapos kumuha ka na din ng bulak."
"Para san naman po yun sa ilong mo?"
Sa isip-isip ni Kim "Huh! Balak pa ata akong gawing bangkay ng batang ito at lalagyan ng bulak ang dalawang butas ng aking ilong lalo ata akong lalagnatin. Jusmiyo!"
"Ku---kuya? Ayos ka lang po ba bakit parang lalo ka pong namula?"
"Ha? Sige na kumuha ka na ng bulak at patakan mo ng konting ammonia hindi yun para sakin ha? Kay kuya Kevin mo tapos ipaamoy mo sa kaniya naiintindihan mo ba bunso?"
"Opo sige po pero paano po yung ilong niyo? Na dugo padin lagyan po kaya natin ng tape?"
"Jusmiyo kang bata ka!!!" Hindi niya na nakayan at nahimatay na rin si Kim ng tuluyan.
"KUYA!!!!"

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon