Kabanata 85

22 1 0
                                    

Sa kwarto ni Kelly,

Nakahiga siya “Gosh! Nakakahiya kila Prof.Mina at Ms. Yannah buset naman kasi itong sila kuya sana sinabihan nila akong darating sila.”
“Tsk...teka, bakit ba ako umalis doon.”
“Hala, baka kung anong isipin nila sakin baka akalain nila ang suplada ko. Haist...kanis naman kasi sila kuya.”
Inamoy ni Kelly ang sarili “Teka nga, makaligo na muna nakakahiya amoy higaan pa ako.”
“Knock...knock...”
Kelly: Eh?
Mina: Kelly? Pwede ba kaming pumasok?
Kelly: Sila Prof.?
Binuksan ni Kelly yung pinto at sumilip lang siya “Ah...eh...sorry kung naabala ka namin sa pagkain mo ng breakfast.” Ang sabi ni Yannah.
Mina: Oo nga pasensya na di namin sinasadya napaaaga ata ang dating namin.
Kelly: Nako, wala po yun ayos lang po nagulat lang po kasi ako na may bisita po kami pero di po ako galit sa inyo.
Yannah: Talaga? Pwede ba kaming pumasok tutulungan ka naming mag ayos ng kwarto mo.
Mina: Oo nga.
Sa isip-isip ni Kelly “Ha---ha---ha...kwarto raw? Jusme hindi pa ako nakakapaglinis ng kwarto ko si Siopao ang kalat dine na naman siya kumain ng snacks niya nakakahiya.”
“Kelly?” Anila.
Kelly: Ah...eh...hindi na po maliligo lang po ako tapos bababa na rin po ako wag niyo na akong alalahanin.
“O---okay...” Anila.
Kelly: Si---sige po ah?
At sinarado na niya yung pinto “Ayos lang kaya talaga siya?” Anila.
“Hello po? Sino po kayo?” Ang sabi ni Jacob.
Paglingon nung dalawa “Aw...Ang cute!!!” Anila.
Napaatras naman si Jacob “Daddy!!!”
Pandalas namang lumapit si Kian “Bakit anak? Anong nangyare?”
Nagtago naman ka agad si Jacob sa likod ng daddy niya “Ah...eh...sorry kuya mukhang natakot ata namin siya.” Ang sabi ni Mina.
Yannah: Oo nga sorry.
Kian: Ah...hahaha...Jacob, sila si tita Mina ang girlfriend ni tito Kevin.
Mina: He---Hello baby Jacob.
Kian: At siya naman si tita Yannah ang girlfriend ni tito Kim mo.
Yannah: Sorry kung nagulat ka namin.
Kian: Hehe...gaya kasi siya ni Kelly medyo mahiyain sa una pero pag nakilala na kayo makakavibes na rin niya kayo.
“Hello sayo.” Anila.
Kian: Hello daw, anong sasabihin mo?
Jacob: H---Hi po?
“Ahhhh...ang cute...” Anila.
Kian: He---he---he...sige papaliguan ko lang siya maaari kayong maupo doon sa sala pasensya na kung magaantay kayo.
“Wala po yun.” Anila.
Kian: Sige ha? Baby ba-bye ka na.
Jacob: Um...bye po.
“Eiii...ang cute mo.” Anila.
Kian: Sige ha?
“Okay po.” Anila at pumasok na yung mag-ama sa kwarto nila.
Mina: Ang cute niya noh? Yung pisnge mamula mula pa sarap pisil pisilin.
Yannah: Kaya nga eh.
Mina: Sige tara na muna sa baba tumulong tayo kay kuya Kim.
Yannah: Ay oo nga sige tara.

Samantala,

Sa labas ng hotel,

Nagkakahiyan yung dalawa ni Ethan at Alice “Ahm...paano? Una na ko?” Ang sabi ni Ethan.
Alice: O—oo sige.
At sabay silang tumalikod sa isa’t isa lumipas ang ilang minuto nakita ni Ethan si Alice na naglalakad habang siya sakay ng kotse niya “Si Alice ba yon?”
“Bakit siya naglalakad?”
“Honk...honk...” Binusinahan niya ito.
“Ay kalabaw!” Ang pagulat na reaksyon ni Alice.
Ethan: Bakit ka naglalakad?
Alice: I—ikaw? Na naman?
Ethan: Halika sumakay ka na ihahatid na kita sa inyo.
Alice: Ha? Nako, hindi na salamat na lang. Bye.
At nagpandalas naman si Alice sa paglakad niya “Tung babaeng ito talaga!” Ang sabi ni Ethan at bumaba siya ng kotse at hinabol si Alice.
“Stop!” Aniya.
Alice: Eh? Ikaw na naman? Sabi ko na ngang ayokong sumabay sayo!
Ethan: Sigh...
Lumapit siya kay Alice “A---anong? Anong gagawin mo?” Ani Alice.
Binuhat siya ni Ethan “AHHHH...san mo ko dadalhin? Ibaba mo ko!”
Binuksan ni Ethan ang kotse niya at binaba si Alice “Wag ka ng pumalag kung ayaw mong magkagulo dito.” Ang sabi ni Ethan at sinara yung pinto ng kotse ng medyo may kalakasan kaya tumahimik si Alice.
Pagkasakay ni Ethan “Humph!” Ang reaskyon ni Alice.
Sa isip-isip ni Ethan “Jusmiyo, kanina pa talaga ko nagtitimpi masasapak ko na ang babaeng ito eh kung di lang talaga siya babae nako!!!”
Alice: Ibaba mo nalang ako sa may terminal ng bus Mr. Yabang!
Ethan: ANO???! Sigh...
Napansin niyang di naka seat belt si Alice “Yung strap!”
Alice: Ano? Anong strap ang sinasabi mo?!!!
Lumapit si Ethan at kinabahan naman si Alice dahil sobrang lapit nito kaya napapikit siya “Ayan, okay na.” Ang sabi ni Ethan.
Alice: Eh?
Napatingin siya “Ahh..seat belt pala!”
Ethan: Pffft...baket? Anong akala mo? Hahalikan kita?
Namula si Alice “A---Ang kapal mo! Sino naman ang gugustuhing halikan ka? Wag kang mag assume hinding hindi ako magkakagusto sa mga pulis na gaya mo!”
“Talagang! Inuubos ng babaeng ito ang pasensya ko!” Ang pabulong bulong niyang sambit kaya di na siya naka pagpigil hinalikan niya si Alice.
Nahiya naman bigla si Ethan “Ahem...ang ingay mo kasi.”
Samantala si Alice gulat na gulat at ang pula ng mukha na walang kibo “Sigh...sige ihahatid na kita sa inyo.”
Napangiti si Ethan at sa isip-isip niya “Ang cute nya pala pag tahimik siya.” At tinitigan niya si Alice.
Alice: Ho---Hoy! Tumingin ka nga sa daan!
Ethan: Ay, oo sorry madam.
Napangiti naman si Alice sa pagkakataong iyon “Mag drive ka na nga lang diyan! Asar!”
Ethan: Happy to serve you madam.
Alice: Heh!

Silipin naman natin si Patrick,

Sa Opisina niya,

Maricar: Sir, sorry talaga di ko naman alam na dumating na si Sir Richmond kahapon.
Patrick: ....
Maricar: Sir, wag niyo po akong i-fire.
Patrick: Sigh...Ms. Maricar alam ko namang matagal mo ng crush si kuya pero ako ang boss mo pambihira.
Maricar: Sorry po talaga Sir promise magiging alerto na po ako.
Patrick: Sige na lumabas ka na.
Maricar: Sir!!!
Patrick: Lumabas ka na yung kape ko!
Maricar: Ay...yun po ba? Kala ko papatalsikin niyo na ko eh.
Patrick: Sigh...Oo gagawin ko yun pag wala parin ang kape ko dine within 10mins.
Maricar: Ye---yes Sir gagawin ko na po salamat.
Patrick: ALIS NA!!!
Maricar: Sir, Yes Sir.
At kumaripas na ng takbo si Maricar palabas “Silly!” Ang nasabi ni Patrick.
“Knock...knock...”
Patrick: Eh? Ang bilis mo namang magtimpla ng kape.
“Dude!!!” Ang bungad naman ni Dave.
Patrick: Ikaw?
Dave: Yes, yes yow your one and only best of friend.
Binato siya ni Patrick ng libro pero nakailag ito “Wala akong panahon sayo layas!!!”
Dave: Grabe ka naman sakin buti nga tinulungan kita kahapon.
Patrick: Tsss...tulong raw! As if naman libre yon alam kong binigyan ka ni ate ng motor. Kaya wag ako!
Naupo si Dave “Ito naman syempre reward yun kaya tinaggap ko.”
Binato uli siya ni Patrick ng libro at sa pagkakataong ito di na siya naka ilag “Aray naman!”
Patrick: So, anong sinabi mo kay Kelly?
Dave: Tsss...talagang mananakit ka muna eh noh?
Patrick: Magsasalita ka ba o ibabato kong lahat ng libro dine sayo?
Dave: Okay, kalma!
Nahihiya si Patrick “Ahm...Si Kelly? Kamusta siya?”
“Tsss...basta pagdating sa mahal niya nag babago agad ang awra niya nakakasuka!” Ang pabulong bulong na sambit ni Dave.
Patrick: DAVE!!!!
Dave: Chill Bro! Ayos lang sya ako ang naputakan kagabi.
Partrick: Ano ba kasing sinabi mo sa kaniya paano mo siya napapunta dine kahapon?
Dave: Ah...yon sinabi ko lang na uulit siya ng ojt niya dito gawa mo kaya ayun galit na galit na nag punta dine.
Patrick: Nice trick.
Dave: Ahm...hinatid ko pala dine gamit yung bago kong motor grabe dude ang ganda.
Patrick: Ni Kelly? Oo naman.
Sa isip-isip ni Dave “Ano raw? Hibang na talaga siya.”
Dave: By the way, ano palang nangyare dine nung dumating si Kelly? Umalis na rin kasi ako agad eh alam mo na kailangan kong iligtas nag sarili ko.
Patrick: Ewan! Paano umuwi si Kelly?
Dave: Edi nag biyahe.
Patrick: Sigh...panigurado galit na galit na naman yun sakin.
Dave: Ano bang kaganapan dine nga kahapon?
Patrick: Eh ayun syempre gulat na gulat ang lahat lalong lalo na si kuya Rich.
Dave: Oh? Sigurado akong makalaglag panga yon kain nun eh kamukhang kamukha ni Kelly si Paula.
Patrick: Yeah...
Dave: Eh si Kelly? Anong ginawa?
Patrick: Wala.
Dave: Ha?
Patrick: Nagulat lang din syempre.
Dave: I mean paano? Edi nalaman niya na kamukha niya yung bunso niyong kapatid na si Paula?
Patrick: Oo ganun na nga.

Ang kaganapan kahapon sa opisina ni Patrick,

Pagbukas ng pinto ni Kelly “PATRICK!!!”  nakita niyang nag aaway yung dalawa.
Patrick: Kelly?
Richmond: Pau---Paula?
Kelly: Ano? Ano ho? Sinong Paula ang sinasabi niyo Sir?
Tumayo naman ka agad si Patrick at humarang kay Kelly “Kuya, hindi siya si Paula wag mo na siyang idamay sa away natin.”
“Hoy, ano bang pinagsasabi mo diyan? At ano yung sinasabi ni Dave about sa OJT ko?” Ang pabulong na sabi ni Kelly.
Richmond: Tahimek!!!
Patrick: Kelly, lumabas ka na muna ako ng bahala dito.
Kelly: Ha? Ano ba kasing nangyayare tsaka yang mukha mo bakit naging mukhang pasa ka na natinubuan ng mukha?
Patrick: Sigh...Kelly hindi ito ang oras para mag biro lumabas ka na.
Tinulak ni Richmond si Patrick at lumapit kay Kelly “Paula? Ikaw ba yan?”
Kelly: Sir? Excuse me po ano? Pero sino ba kayo? Tsaka sinong Paula ang pinagsasabi niyo?
Niyakap siya ni Richmond at nagulat si Kelly “Kuya!!!” Ang sabi ni Patrick dumating rin naman si May at sinabing “Kuya bitawan mo siya!”
Richmond: Paula, miss na miss ka na ni kuya.
Nagalit na si Kelly kaya sinikmuraan niya si Richmond at sinabi niyang “SABING HINDI AKO SI PAULA!!!”
Richmond: Ahem...ahem...
Lumapit naman ka agad si Patrick kay Kelly “Ayos ka lang?” Aniya.
Kelly: Are you for real? Siya yung sinuntok ko ako yung tatanungin mo kung nasaktan ako? Huh!
May: Sigh...
Tinulungan ni May si Richmond “Sabi ko naman sayo layuan mo siya.” Aniya pero tinulak siya ni Richmond.
Richmond: Layuan mo nga ko!
Medyo nasaktan si May kaya nagalit si Kelly “Ikaw!!!” Ang sabi niya kaya sinapak niyang muli si Richmond at napalakas ito kaya nawalan ito ng malay.
Kelly: Hindi sinasaktan ang mga babae!!
Nilapitan naman ni Patrick si Richmond “Kuya? Kuya...ayos ka lang?”
Kelly: Ku---Kuya?








*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon