Kabanata 80

7 0 0
                                    

Sa bahay nila Kelly,

“Andito na ako.” Ang sabi ni Kelly at sinalubong naman siya ni Jacob.
Jacob: Tita Kelly!!! Eh?
“Hi, Siopao.” Ang sabi nung apat nila Vince.
Nagtago naman sa likod ni Kelly si Jacob “Ahm....baby, may papakilala ako sayo kilala mo naman na si tito Vince di ga?
Jacob: Um...
Vince: May lollipop ako ulit para sayo.
Kelly: Mamaya na papakilala ko muna sila Mimay,
Mimay: Hello cutiepie.
Kelly: Si Dave,
Dave: Sup baby.
Kelly: At si Class President si Harvey.
Harvey: Kamusta ka?
Kelly: Sila ang mga kaklase ko sa school baby mag hi ka.
Jacob: H---Hi po.
Mimay: Awww...ang cute...
Kelly: Hehehe...syempre cute ang tita eh.
Vince: Tsss...asa naman.
Kelly: Heh!
“Oh? Andine ka na pala bunso.” Ang bungad ni Kian.
“Hello po.” Ang sabi nung apat.
Kian: Aba’t may bisita ka pala.
Kelly: Ahh...oo kuya dito sila maghahapunan okay lang?
Kian: Oo naman sandale at maghahain ako ng mirienda nila Siopao halika tulungan mo si daddy.
Jacob: Okay po.
At umalis na nga yung dalawa “Ang cute naman nila.” Ang sabi ni Mimay.
Siniko ni Dave si Mimay “Sino ang cute yung anak o yung daddy?” Aniya.
Mimay: Both!
Dave: Ikaw!!!
Harvey: Huh! Dapat masanay ka na diyan lahat naman ng nakikta niyan na may itsura nagiging crush niya.
Mimay: Ano?!!!
Harvey: Bakit totoo naman di ba? Kelly? Vince?
“Aha...” Anila.
Mimay: Ano? Grabe kayo sakin ha!
Kelly: Ahahaha...tama na nga yan tara na sa sala dun muna kayo magbibihis lang ako.
Mimay: Tsk...sige na nga.
Kelly: Tara na guys.
Harvey: Sandale intay.
Mimay: Wag ka ngang maka tabi, tabi sakin.
Harvey: Asa ka naman. Bleeeh...
Kelly: Mga luko! Tara na dine.
Vince: Oo susunod na.
Siniko ni Vince si Dave “Aray!”
Vince: Bakit ba tulala ka diyan?
Dave: Ako? Hindi no!
Vince: Sus...wag ka masyadong magpa apekto dun sa dalawa sandyang ganyan na sila Mimay at Harvey they once bestfriend since they elementary days.
Dave: Bestfriend?
Vince: Oo sila ang una kong naging kaibigan well, si Kelly naman den pero pinsan ko naman siya eh kaso online education siya noon kaya silang dalawa noon ang kasama ko.
Dave: Ohhh...hindi yun na banggit sakin ni Mimay.
Vince: Nagtanong ka ba?
Dave: Hinde.
“Kayo diyan? Ano tatayo nalang kayo?” Ang pasigaw na sambit ni Mimay.
Vince: Oo andiyan na...tawag na tayo ng babe mo.
Dave: Ah?
Vince: Hindi pa ba kayo?
Dave: Hindi pa niya ko sinasagot.
Vince: Ohhh...wag kang mag-alala malapit na yan.
Dave: You think?
Vince: Yah...just wait and see.

Kinagabihan,

Hinatid na nila Kelly at ng mga kuya niya sila Vince sa labas,

Mimay: Salamat po sa masarap na hapunan.
Harvey: Opo pasensya na din po sa abala.
Kian: Wala yon bisita kayo madalas.
Vince: Ako bibista ako madalas kuy’s.
Kelly: Hindi ikaw sila!
Vince: Grabe ka.
Kim: Ahahaha...sige napagtitiisan ka pa naman.
Vince: Susumbong ko kayo kay ate at kuya inaapi niyo kong magkakapatid.
Kevin: Sira! Sabhin mo kay Alice na susundduin ko nalang sya bukas okay?
Vince: Um...sasabihin ko.
Kian: Anong meron?
Kelly: Ahhh...may reunion sila kuya Keith.
Kim: Oh? Bakit di mo na banggit samin Keith.
Keith: Eh...sasabihin ko palang talaga.
Kelly: Payagan niyo na wala ng social life yan eh.
Kevin: Ano?
Kelly: Ahahaha...talaga naman.
“Ang cute nilang tignan noh?” Ang pabulong bulong na sabi ni Mimay.
Dave: Oo sarap siguro ng feeling na may mga kapatid noh?
Mimay: Only child ka lang din ba?
Dave: Um...ikaw rin?
Mimay: What a coincidence only child lang din ako.
“Only child katumbas ka naman ng lima no!” Ang paningit na sabi ni Harvey.
Mimay: Ikaw!!!
Hinampas niya si Harvey “Aray! Nanakit ka na naman ha!”
Mimay: Epal ka kasi!
Dave: Ahem...
Harvey: Tsss...tantanan mo na nga ako.
Mimay: Kapal!
Samantala tinawag naman ni Vince si Jacob “Siopao, halika may ibibigay ako sayo.”
Jacob: Ano po yon?
Vince: Di ba sabi ko may lollipop akong ibibigay sayo?
Jacob: Ahhh...opo.
Kinuha ni Vince yung dalawang lollipop sa bulsa niya “Hep, akin yung isa.” Ang sabi ni Kelly at kinuha yung isang lollipop na hawak ni Vince.
Vince: Anak nang! Akin na yan ibibigay ko yan kay Jacob.
Kelly: Sorry pag nakuha ko na akin na.
Jacob: Sigh...hayaan niyo na po mahilig rin po kasi diyan si tita Kelly.
Vince: Tsk...napaka isip bata mo talaga.
Kelly: Edi shing.
Vince: Humph!
Jacob: Pwede ko na po bang makuha yang nag-iisang lollipop?
Vince: Ahhh...oo sige eto oh.
Jacob: Salamat po.
Kelly: Hayaan mo ibibili kita ng isang balot nire Siopao di yung pa dalawa dalawa lang.
Vince: Aba’t!
Jacob: No need tita Kelly di naman po ako mahilig sa ganire gusto ko lang pa minsan minsan.
Vince: Huh! Ano ka ngayon?
Kelly: Tsss...
“Honk...Honk...” Tunog ng sasakyan.
Mimay: Ah...guys si Daddy na yan.
Kelly: Oh? Nag pasundo ka?
Mimay: Oo may dinaan kasi siya sa malapit kaya nag pasundo na ko sasabay ko na rin sila.
Kian: Ohh...sige ingat kayo.
“Salamat po uli.” Anila.
Vince: Bye mga Pis.
Kelly: Sinong may sabing uuwi ka?
Vince: Ha?
Kelly: Dine ka lang.
Vince: Ha? Pero...
Hinila na siya ni Kelly papasok “Hoy...bitawan mo ko.”
Kelly: Bye guys sige mauna na kayo ingat.
Mimay: O---okay.
Kevin: Sigh...sige wag niyo na lang pansinin yung dalawa sige na baka gabihin kayo.
Mimay: O---okay po salamat.
“Mauuna na po kami.” Ang sabi nila Dave at Harvey at nagkatinginan sila at nagkaiwasan rin agad.
Mimay: Sige po.
At umalis na nga yung tatlo “Mukhang may na amoy si Kelly kakaiba kaya pinigilan niyang sumabay si Vince sa tatlong yon.” Ang sabi ni Kim.
“Yeah...” Anila Kian at Kevin.
Kian: Si Kelly talaga pasaway.
Jacob: Well, tita Kelly is the best, Daddy.
At pumasok na rin si Jacob “Yang anak mo nagiging mala Kelly na rin habang tumatagal.” Ang sabi ni Kevin.
Kian: Oo nga eh napaka pasaway pero sweet.
“Like Kelly.” Ang tugon ng dalawa.
Kian: Indeed.

Sa Kwarto ni Kelly,

Vince: Bakit ba? Gagabihin na ko eh.
Kelly: Sira ka talaga! Makiki epal ka pa doon sa tatlo hayaan mong makapag usap sila.
Vince: Ohh...so, nakaamoy na naman pala yang ilong mo.
Kelly: Yep, gusto ko lang din naman na tulungan si Mimay.
Vince: Well, your right mukhang nalilito parin si Mimay sa dalawa eh.
Kelly: Yeah....kaya nga pinaiwan kita dine.
Vince: Pero, daddy ni Mimay yung driver.
Kelly: You think?
Vince: Aba’y sino pa?
Kelly: No! I think nagsinungaling si Mimay di niya talaga daddy yung sumundo sa kanila.
Vince: Ha?
Kelly: Blue ang kotse nila Mimay at hindi red.
Vince: Aba’t nakita mo talaga yon?
Kelly: Syempre 20/20 ang vision ko no!
Vince: Sabagay color blind na kasi ako pag gabi.
Kelly: I know right!
Vince: Pero paano na ko? Paano ako uuwi ngayon?
“Wag kang mag-alala dito ka na matulog.” Ang sabi ng mga kuya ni Kelly.
Vince: Eh?

Samantala,

Habang nasa biyahe nasa likod sila Dave at Harvey at nasa unahan naman si Mimay “Pre, yan ba yung daddy niya? Bakit parang ang bata naman.” Ang pabulong na sabi ni Dave.
Harvey: Hindi ko nga rin alam pero di naman ito ang kotse nila Mimay.
Dave: Ha?
“Pinsan, baka gusto mo akong ipakilala sa kanila.”
“Pinsan?” Ang sabi nila Dave at Harvey.
Mimay: Sigh...bakit ba kasi ikaw ang sumundo at hindi si Daddy?
“Eh...hindi makaalis sa bahay eh dumating kasi sila tito Eric eh kaya ako na ang pinasundo sayo.”
Mimay: Sigh...Whatever...Ahm...guys, meet Shulie pinsan ko sa side ni daddy.
Shulie: Hello sa inyo I’m Shulien but they call me Shulie at sino ang boyfriend sa inyo ng little Mims namin?
Mimay: Hey!
Shulie: Bakit ba? Masama? Gusto ko lang malaman kung sino sa kanila ng makilatis naman namin.
Mimay: Baliw!
“Hello, my name is Harvey.”
Shulie: Sya ba? Mukhang familiar siya sakin sya yung kaklase mo nung elementary ah.
Havey: No, I’m not her boyfriend but yes we used to be best of friends before.
Shulie: Before?
Mimay: Sigh...
Shulie: Oh ikaw? Ikaw ba ang bf ni Mimay? Mr?
“Ah? A----ako si Dave pero...”
Shulie: Ohhh...so, hindi ka pa niya sinasagot?
Mimay: Hoy! Tumigil ka na nga isusumbong kita kay ate Lin.
Shulie: Ikaw naman di ka na mabiro.
Mimay: Heh! Mag drive ka na nga lang diyan.

Extra,

Kevin: Dine ka nalang muna matulog sa kwarto ni kuya Keith.
Vince: O---okay.
Kevin: Sige feel free inaantok na kasi ako.
Vince: Sige salamat.
Pagkaalis ni Kevin “Ibang klase ang dami namang gym equipment dine sa room ni kuya Keith.”
Nahiga na siya at may nakapa siya sa ilalim ng unan ni Keith “Ano ito? Usb?”
Bumangon at binuksan ni Vince yung tv “Oh...baka may movie dine sa pagkakalam ko mahilig si kuya Keith sa horror eh. Exicting.”
At tinignan nga ni Vince yung laman ng usb “Ano ba naman ireng mag title na toh? Inlove with my...”
“Anak ng! Ibang horror ata ire.”
Napalunok si Vince nung binuksan niya yung isang folder “Ahhh...ahh....” Sinara agad niya yung tv.
Author: Wag na nating ituloy mga readers hindi SPG ang content ng ating novel. I-enjoy nalang natin ang pagiging bungol ni Vince. Ahahahaha....
Vince: Oh...My...God! Sorry po.
“Jusmiyo! Ano ba reng pinagpapanood ni kuya Keith ang lalaswa.”
Author: Sus, para namang ang inusente mo.
Palinga-linga si Vince “Author? Ikaw ba yan?”
Author: So? Kung ako nga ano naman sayo?
Vince: Author, promise di ko naman sinasadyang buksan yung usb ni kuya Keith.
Author: Sus...ikaw pa!
Vince: Promise na curious lang ako.
Author: Anyways, hindi ba’t nangako ako sayo na bibigyan na kita ng lovelife?
Vince: Talaga po? Kailan? Sabi niyo nung isang araw paglabas ko ng pinto wala naman akong nakita eh.
Author: Oo meron nga bukas pagbukas mo ng gate nila Kelly may makikita kang babae.
Vince: Siya na po ba?
Author: Well, pag-iisipan ko.
Vince: Ha? Author naman ang bait bait ko sa recent chapter niyo eh baka naman.
Author: Wag kang mag-alala di ka mawawalan.
Vince: Talaga po?
Author: Oo di ka rin magkakaron.
Vince: AUTHOR NAMAN!!!











*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon