Kabanata 72

9 0 0
                                    

Kinaumagahan,

Nasa iisang tent ang magkakapatid nasa gilid si Kelly katabi si Jacob naunang nagising si Kian at Keith “Oh? Mamaya pa namang tanghali ang alis mo bakit nagising ka na?” Ang sabi ni Kian.
Keith: Nakasanayan lang.
Kian: Sabagay teacher tayo eh anyways, ako na ang maghahatid sayo mamaya ihahatid ko muna sila Kelly, Kim at si Kevin paki bantayan mo nalang muna si Jacob.
Keith: No problem.
Kian: Sige magluluto na muna ako matulog ka pa maaga pa naman.
Keith: Hindi na di na rin naman ako inaantok tutulong nalang ako sa pagluluto.
Kian: Sige, ikaw bahala.

Samantala,

Sa kwarto ni Dave,

“Ring...ring....” Tunog ng cellphone ni Dave.
Dave: Mmm...sino ba ito agang aga eh istorbo.
Kinuha ang cellphone at sinagot ng di tinitignan kung sino ang tumatawag “He...Hello?”
“DAVE!!!”
Dave: Ano? Makasigaw ka wagas.
Bumangon si Dave at tinignan kung sino ang kausap niya “A---te Ma---y???”
“DAVE!!!”
Dave: Ate May???
May: Oo nga ako! Sino pa ba?
Dave: Ba—bakit po?
May: Si Patrick nasa inyo ba?
Dave: Ho?
May: Wala siya sa bahay.
Dave: Sandali lang po.
Pandalas na si Dave ng labas ng kwarto niya at nagtungo ka agad sa dining area “Dude, morning.” Ang bungad ni Patrick.
“Hello? Dave? Andiyan ka pa ba?” Ang sabi May na nasa telepono.
Dave: A---Ah...Opo ate andine po siya balitaan ko nalang po kayo.
May: Sige sabihin mo umuwi na okay?
Dave: O---opo.
Patrick: Sino kausap mo?
Naupo si Dave “Bakit ka nandito?” Aniya.
Patrick: Bakit bawal na ba ako dine?
“Oh? Gising ka na rin pala anak.” Ang bungad naman ni Denis na may dala-dalang kape at tinapay.
Dave: Opo, nasan po si Nay?
Denis: Ahh...maaga kasi siya kaya ako na muna ang mag aasikaso sa inyo.
Dave: Ohhh...pero Dude! Bakit andine ka na naman tumawag si ate May sakin galit na galit umuwi ka na raw.
Patrick: Hayaan mo siya.
Dave: Bakit na naman ba? Ako ang matatalakan nun eh.
Patrick: Aba, kailangan ko rin namang mag day off kaya ngayon papasok ako ng DLRU.
Dave: Pa—pasok?
Denis: Bakit? Ayos lang yan nak, dapat mag aral rin si Patrick para sa kaniyang kinabukasan.
Sa isip-isip ni Dave “Kinabukasan? Eh secure na secre na nga po ang kinabukasan niyan ang yaman yaman nila kaya nga nilang bilhin ang buong DLRU kung gugustuhin nila.”
Dave: Sigh...bahala ka na nga basta umuwi ka sa inyo naiitindihan mo?
Patrick: Oo na!
Dave: Tawagan mo si ate May.
Patrick: Oo nga! Bayan.

Sa Kusina ng mga Dela Cruz,

Habang nagluluto “Bro, wag na kaya muna ako umalis?” Ang sabi ni Keith.
Kian: Ha?
Keith: Si Kelly kasi.
Kian: Bakit napansin mo?
Keith: Oo hyper na hyper siya kagabi at alam naman nating ayaw na ayaw niyang may aalis sa bahay ng sobrang tagal dahil sobrang malulungkot siya.
Kian: Wag mo na lang intindihin kami ng bahala sa kaniya kaya ituloy mo ang pag alis kailangan ka ni Faith ilang buwan nalang manganganak na siya.
Keith: Pero, nag aalala ako kay Kelly.
“Wag mo na akong alalahanin kuya.” Ang bungad ni Kelly.
Pag lingon nung dalawa “Ke---lly...” Anila.
Kelly: Di na ako bata na magmamaktol at mag kukulong sa kwarto kapag iniwan dalaga na ako kaya wag ka na ngang madrama diyan kuya Keith. Dahil di bagay nakakasuka.
Keith: Huh! Baliw ka na talaga.
Kelly: Bleeeh...
Kian: Sigh...
Kelly: Pero kuya pwede bang i-piggy back mo ko?
Keith: Piggy back?
Kelly: Um...sige na aalis ka naman na mmaya eh.
Keith: Sabi mo di ka na bata eh bakit umaasta kang bata ngayon?
Kelly: Humph....edi wag! Bleeeh...
Lumapit si Keith sa kaniya “Oh, sige na hanggang sa kwarto mo lang ha?’
Kelly: Talaga kuya?
Keith: Bilisan mo na baka gumaya pa sayo si Siopao ang bigat nun.
Kelly: Okay.
At sumampa na nga si Kelly sa likod ni Keith “Hiyahhh...let’s go my slave.”
Keith: Roger that your highness.
Kelly: Hiyahh...
At umalis na yung dalawa “Hoy, dahan dahan lang kayo Kelly kumapit ka Keith tignan mo yung nilalakaran mo.” Ang sabi ni Kian.
“Yeah...” Anila.
Kian: Sigh...ang kukulit.
“Anong ginagawa ng dalawang yon?” Ang bungad nila Kim at Kevin.
Kian: Andiyan na pala kayo nako, ayun na uto na naman ni Kelly si Keith.
Kevin: Kaya pala tuwang tuwa si Kelly.
Kim: Nauto na naman si Keith ng bunso niyang kapatid.
“Yeah...” Anila.
Kian: Si Jacob? Gising na?
Kevin: Andoon humahagok pa.
Kian: Hayaan niyo na muna sige na mag-ayos na kayo at baka ma late pa kayo matatapos na rin ako dine sa niluluto ko.
“Okay...” Anila.
Kim: Nga pala bro, wag mo na ko ipag baon kakain kami ni Yannah sa labas.
Kevin: Woah...himala gagastos ka?
Kim: Syempre weeksary namin.
Kevin: Sus...kala mo ikaw lang ha? Kami rin ni Mina sa isang linggo.
Kian: HuH! Magsi layas nga kayo sa harapan ko puro ka talandian ang alam ng mga lintek na ire.
“Pfft...hahaha...maghanap ka na rin kasi ng sayo.” Anila.
Kian: KEVIN, KIM!!!!
“O---Oo ere aalis na nga...Tsk...” Anila Kim at Kevin at kumaripas ng takbo.
Kian: Mga kumag nare eh ano naman kung wala akong lovelife? Tsss...Nonsense. Humph!
“Daddy? Sinong kausap niyo?” Ang bungad naman ni Jacob.
Kian: Ah? Ha---ha---ha...wa---wala bakit nagising ka na?
Jacob: Ang ingay po nung mga kambing gutom na rin po ata.
Kian: Ah...ganun ba ikaw gutom ka na rin?
Jacob: Opo, pero maliligo na po muna ako.
Kian: Ha? Saan ka pupunta?
Jacob: Sasama po sa paghatid kila tita Kelly di ba sabi niyo?
Kian: Sinabi ko ba yon? Parang wala akong maalala.
Jacob: Sige po and daddy nga pala kung may gusto kayong ligawan ayos lang sakin pero kung love niyo pa rin si Mommy matutulungan kita diyan. Basta sabihan niyo ako okay? Pero bilisan niyo na mag-isip para di kayo magsisi sa huli.
Kian: O---okay?
Jacob: Sige po tataas na ako.
At iniwan na nga siya ni Jacob “Limang taon lang ba talaga siya? Bakit pakiramdam ko nagkatawang bata lang siya? At 50years old na talaga siya? Sigh...mga kabataan talaga ngayon hirap espelengen.” Ang nasabi ni Kian pag alis ni Jacob.

Makalipas ang isang oras,

Kelly: Bye mga kuy’s and sayo rin Siopao behave ka lang kay daddy okay? Baka masapak ka nan sige.
Kian: Kelly!
Kelly: Hahahaha...sige na una na ko sa inyo.
Jacob: Bye tita Kelly love you.
Hinalikan ni Kelly si Jacob sa noo at sinabing “Love you more.”
Kevin: Sige na pumasok ka na mamaya nalang tayo magkita okay? Kailangan pa ako sa DLRH eh.
Kelly: Um...ingat kayo byie...Love you guys.
“Love you more.” Anila.
Habang papasok si Kelly “Baby girl!” Ang bungad ni Mimay.
Kelly: Oh? Ngayon ka lang?
Mimay: Ah...oo si daddy kasi may dinaanan pa. Ikaw nakita ko hinatid ka rin ng mga kuya mo at sino yung bata? Yun ba yung anak ng kuya mo raw?
Kelly: Ahh...oo si Siopao.
Mimay: Siopao? Yun ang name niya?
Kelly: Ah...hahaha...hinde yun ang tawag namin sa kaniya ang tabachingching kasi pero Jacob Ezekiel ang name niya.
Mimay: Ohhh...ang layo sa name ha? Pero cute Siopao.
Kelly: Oo ang taba kasi ng pisnge hayaan mo papakilala kita sa kaniya.
Mimay: Sige.

Sa Classroom nila,

Vince: So, pwede ka naman palang may day off at pumasok?
Dave: Sus...ngayon lang yan kasi tumakas siya sa ate niya.
Patrick: Okay lang yan masyado ka kasing tense.
Dave: Malamang ako naman ang kawawa sa ate mo.
Patrick: Oo na pagkatapos ng klase natin ngayong araw pupunta na ako ng office.
Dave: Tsss...bahala ka na nga.
Ang daming babae sa labas ng classroom nila at di magkamayaw “Anong meron? Bakit ang daming estudyanteng babae sa labas?” Ang sabi ni Harvey pagkarating niya.
Vince: Buti nakalusot ka pa.
Patrick: Morning.
Harvey: I---ikaw? Akala ko...
Dave: Sigh...oo dahil sa kaniya kaya ang daming kababaihan diyan sa labas ng classroom natin.
Harvey: Ha? Bakit?
Bumulong si Patrick kay Dave “Dude, ayos na kayo ni class pres?”
Dave: Oo bakit naman? May bago na siyang nililigawan.
Patrick: Oh? Aba parang ang dami na palang nangyare nung nawala ako.
Dave: Oo pero please lang wag ka ng pumasok ulit tignan mo yang mga babaeng yan sa labas.
Patrick: Pakialam ko naman sa kanila.
“Patrick!!! My love.” Ang sabi nung ilang kababaihan.
Vince: Ang ingay naman ng mga fans mo.
Harvey: Bakit ba sila nagkakagulo?
Dave: Kasi nga alam na ng lahat na anak si Patrick ng may-ari ng SM at alam naman nating di lang iyon ang business ng mga Santos kaya ayan nagkakagulo sila gusto nilang mapalapit kay Patrick.
Patrick: Tsss...di ako interesado sa kanila sa isang tao lang ako interesado.
“KELLY!!!” Anila Vince at nung dalawa.
Samantala si Patrick natulala habang papasok si Kelly at Mimay sa pintuan “Ano bang!? Bakit ang daming tao sa labas?” Ang sabi ni Mimay.
Kelly: Kaya nga ano ba yan? Muntik na akong mapagyapakan eh.
Mimay: Kaya nga, sandali lang yung pisnge mo nadugo.
Kelly: Ha?
Lumapit naman ka agad si Patrick “Ano? Anong nangyare sayo?”
“Pa—Patrick?” Ang pagulat na sambit nung dalawa.
Mimay: Ba---bakit????
Hinila ni Dave si Mimay at sinabing “Babe, dito ka na muna..”
Mimay: Sandali lang.
Vince: Hayaan mo na muna sila.
Harvey: Sigh...
Samantala pinaupo ni Patrick si Kelly “Anong? Bakit ka nandito?” Ang sabi ni Kelly.
Patrick: Sandali lang, yung pisnge mo nadugo.
Kelly: Hayaan mo na galos lang yan nadali siguro ako ng kuko nung mga babae sa labas bakit ba kasi sila nandito?
Biglang nagbago ang mood ni Patrick na animo’y galit “Sandali lang wag kang aalis diyan inatyin mo ako. Okay?.”
Kelly: O---okay sige.
At iniwanan sya ni Patrick nagtungo sa may pintuan “Waaahhh.....Patrick my love.” Ang sabi ng mga kababaihan pero ang sama ng tingin niya sa mga ito at sinabing “UMALIS NA KAYO DITO!!!!”
“Pero, gusto ka naming makausap.” Sabi nung isang babae at nag sunod-sunod na ang mga nagsalitang babae.
“At sino yung babaeng feeling close sayo?”
“Girlfriend mo ba siya?”
“Patrick!!!”










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon