Kabanata 4

69 0 0
                                    

Sa Teaher’s Office,

Hindi pa napasok si Patrick sa loob “Dude, ikaw na mauna.”Aniya.
“Ano? Bakit ako? Ikaw naman ang pinapatawag.” Si Dave ang laging kasama ni Patrick.
Patrick: Ehhh...Dude, di ko naman kasalanan di ba?
Dave: Ewan ko sayo, ang daldal mo rin kasi minsan. Sigh...
“Mr. Santos, Ikaw na ba yan? Pumasok ka na.”Ang sabi ni Prof.Mina.
Patrick: O---opo Prof.
Dave: Intayin nalang kita dine.
Patrick: Tsk...
At pumasok na nga si Patrick “Halika maupo ka dine.”
Patrick: O---opo.
Mina: Tatapatin na kita hindi ko na gustuhan ang ginawa mo kanina.
Patrick: Sorry po Prof.
Mina: Hindi ka sakin dapat mag sorry kundi kay Kelly dahil siya ang napahiya.
Patrick: O---opo pangako mag so-sorry po ako sa kaniya.
Mina: Hindi lang yon may gusto sana akong hilingin sayo.
Patrick: Kahit ano po Prof.
Mina: Gusto ko sanang tulungan mo si Kelly na mag open ng feeling niya towards sa inyong mga kaklase.
Patrick: Ho?
Mina: Alam mo matagal ko ng kilala si Kelly at ngayon ko lang sya narinig na magsalita ng ganoong kahaba at nilabas niya talaga ang totoo niyang nararamdaman.
Patrick: Hindi ko po kayo maintindihan.
Mina: Gusto kong makipag kaibigan ka sa kaniya.
Patrick: ANO??? Ay...so---sorry po ang ibigsabihin ko po bakit? Bakit po ako?
Mina: Dahil gusto kong maging masaya si Kelly bago man lang sana sya grumaduate.
Pabulong-bulong si Kelly “Edi sana clown po ang i-hire niyo.”
Mina: May sinasabi ka Mr. Santos?
Patrick: Wa---wala po pero di ko po atang kayang gawin ang hinihiling niyo dahil sa tingin ko galit na galit siya sakin ngayon.
Mina: Oh? Sayang naman gusto ko pa naman sanang bigyan ka ng extra lesson para sa subject ko.
Patrick: Ho?
Mina: Alam ko at alam na alam mo rin na tanging sa subject ko lang ikaw mahina kaya gusto kong tulungan mo ako na maging extrovert si Kelly at tutulungan naman kita sa mga lesson ko.
Patrick: Bakit? Bakit niyo po ito ginagawa para kay Kelly?
Mina: Ha? Ah...eh...
Patrick: Huwag niyo na pong sagutin pero ayoko pong gawin ang hinihiling niyo sakin dahil di ko po kayang ipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin. Kaya sana kayo rin.
Mina: Ha?
Patrick: Sige po aalis na ako.
Mina: O---Oo si---sige.

Sa Hardin,

Habang nakahiga sa damuhan “Baka naman gusto mo ng tumayo namimitig na ang mga hita ko.” Ang sabi ni Vince.
Kelly: Ang arte mo!
Bumangon at naupo naman siya ka agad “Ang bigat ng ulo mo wagas.”
Kelly: Tsss...gawa yan ng hood...Ahahaha...
Vince: Ewan!
Kelly: Pis, sobra na ba akong oa sa pagiging introvert ko?
Vince: Bakit mo naman na itanong?
Kelly: Kasi habang nagsasalita ako kanina feeling ko ang sama-sama ko sa di ko pag acknowledge sa mga kakalase natin.
Bineltukan siya ni Vince “Aray...”
Vince: Di bagay sayo mag drama.
Kelly: Panira ka talaga nag momoment ako dine eh.
Vince: Alam mo sanay naman na kami sayo mantakin mo apat na taon mo na kaming kaklase pero di mo pa rin kilala ang iba nating kaklase? Bungol ka talaga!
Kelly: Sigh...eh...kasi naman alam mo namang di ako sanay makihalubilo sa iba eh. Anong gagawin ko?
Vince: Ewan ko ba naman sayo nung unang taon natin nagpapakilala ang bawat isa pero anong ginagawa mo dedma ka lang tapos ngayon mo pa gugustuhin makilala sila? Ewan sayo!
Kelly: Ang supportive mo talagang pinsan!
Vince: Ikaw naman kasi eh okay lang maging introvert pero katangahan na kung masosobrahan.
Kelly: Grabe ka naman sa katangahan.
Vince: Oo eh bakit? Oo mahiyain ka nga pero jusko naman Kellang try mo rin namang makipagusap sa iba. Paano nalang kung wala kami ng mga kuya mo? O nila Mimay at Harvey?
Kelly: Edi...
Vince: Edi shing? O edi wow? Sigh...yan kamo ang ayoko sayo ayaw mong mag seryoso kapag kausap ka ng seryoso ang sarap mong sampigahin.
Kelly: Sige subukan mo.
Vince: Tsss...alam mo namang di ako nanalo sayo eh. Sigh...basta pagbalik natin sa classroom humingi ka ng tawad sa kanila.
Kelly: Ano? Bakit ako? Ako na nga ang naagrabyado eh.
Vince: Ahhh...ayaw mo? Sige susumbong kita kay kuya Kevin nag softdrinks ka.
Kelly: Ba naman yan!!!
Vince: Ano? Mag so-sorry ka o isusumbing kita?
Kelly: Tsk...oo na! Asar! Humph...
Vince: Oh tara na.
Kelly: Saan?
Vince: Malamang babalik na tayo may klase pa tayo bungol.
Kelly: Ay...oo nga pala. He---he---he...
Tumayo na si Vince “Tsss...ewan! Bilisan mo na diyan.
Kelly: Oo na!
Vince: Ang bagal eh.
Kelly: Mauna ka na kung gusto mo!
Vince: Aba! Sumasagot ka na ha!
Habang nagkukulitan yung dalawa “Dude, magkaano ano nga yang dalawang yan?” Ang sabi ni Dave habang nasa likod sila ng mga puno.
Patrick: Mag pinsan raw.
Dave: Oh? Pero bakit sobra silang close?
Patrick: Ano namang pake ko? At bakit ba tayo nandine?
Dave: Aba, malay ko sayo hinila mo ko bigla dine eh.
Napakamot sa ilong si Patrick “Ha? A---ako?”
Dave: Don’t me dude kapag kinakabahan ka hinihimas mo yang ilong mo.
Pandalas naman ng pamulsa si Patrick “Sino? Ako? Hindi noh!”
Dave: Sige...pagpatuloy mo lang yan...bahala ka nga diyan babalik na ako sa classroom.
Iniwan siya ni Dave “Hoy!”
Dave: Kumag!

Sa Classroom,

Mimay: Bakit wala pa sila Kelly?
Harvey: Aba, anong malay ko kita mo ngang kanina pa ako naririne eh.
Mimay: Tsss...
“Excuse me...” Sabi ng isang babae na may kasamang ibang estudyante.
Mimay: Huy...si SC President nasa pinto hinahanap ka ata.
Harvey: Ha?
“Harvey, halika.”
Lumapit naman ka agad si Harvey “S---SC Pres. bakit po?”
“Bakit wala pa kayong ginagawa sa classroom niyo?” Si Lailla De Guzman ang SC Pres. o ang Student Council President at isa ring top student sa DLRU.
Harvey: Ah...eh...kasi...
“Bakit? Wag niyong sabihing dine-decline niyo na yung Love Cafe niyo?” Si Xane Hernandez ang pinsan rin ni Vince na isang SC Vice President na may kayabangan at isang Com.Sci student.
“Sino namang may sabi sayong aatras kami?” Ang bungad ni Vince.
Kelly: Kuya Xane bakit ka nandito?
Lailla: Kilala mo sila Xane?
Xane: Ha? A---ano...
Vince: Hindi namin siya kilala at kaano ano.
Kelly: Ano? Pero...
Vince: Kelly halika na!!!
Kelly: O---oo andiyan na.
At pumasok na nga sila “Sige Harvey, may klase na ata kayo basta yung booth niyo okay?” Ang sabi ni Lailla.
Harvey: Opo SC Pres.
Lailla: Sige aalis na kami.
Pero di pa na iingle si Xane “SC Vice!”
Xane: Ha? Oo...
Habang nasa loob “Kilala niyo si SC Vice?” Ang sabi ka agad ni Harvey.
Kelly: Oo dahil...
Vince: KELLY!
Kelly: Bakit ba? Kainis.
Mimay: Oo nga bakit ba parang bigla kang nagbago ng attitude nung nakita si SC Vice.
Vince: Basta!
Pabulong bulong si Kelly “Baliw!
Vince: ANO???
Kelly: Wala...Humph...
At bigla namang sumulpot sila Dave at Patrick “Hi...” Ang sabi ni Dave.
Mimay: He---hello.
Siniko siya ni Kelly “Ang arte mo noh?” Pabulong niya.
Mimay: Eiii...kasi crush ko si Dave.
Kelly: Tsss...
Vince: Anong ginagawa niyo dito?
Harvey: Guys, relax lang wag maiinit ang mga ulo.
Patrick: Ahem...So---sorry...
Bumulong si Mimay “Besh...sorry daw.”
Kelly: Tsss...
Dave: Patawarin mo na sana si Patrick minsan kasi talaga bungol yan eh.
Kelly: Pffft...
Siniko ni Patrick si Dave at bumulong “Kakampi ka ba talaga o kaaway?”
Dave: Ang bagal mo kasi.
Vince: Kelly!
Kelly: Oh?
Vince: Sorry raw di ba may sasabihin ka rin sakanila?
Kelly: Asar...
Pumunta nga sa unahan si Kelly at tumungo nagulat naman ang mga kaklase niya lalong lalo na si Patrick “Sorry...kung hindi ko kayo kilalang lahat pero pangako simula ngayon kikilalanin ko na kayo kaya sana...pwede bang maglagay muna kayo ng name tag?” Aniya.
At nagtawanan sila lumapit naman sakaniya si Mimay “Ano ka ba? Ayos lang sanay naman na kaming ganyan ka di ba mga classmate?”
“Oo...”Anila.
“Pero wag kang mag-alala maglalagay kami ng name tag para sayo ah nga pala ako si Carlo.”
Kelly: He---Hello.
At isa-isa na nga silang nagpakilala kay Kelly “Sigh...sa wakas nagawa rin niya.” Ang sabi ni Vince.
Harvey: Tinuruan mo siya?
Vince: Ah...may kaunting takutan lang na naganap. Hehehe...
Samanatala sa isang tabi “Dude, baka matunaw.” Ang sabi ni Dave kay Patrick na nakatulala habang nakatingin kay Kelly.
Patrick: A---ano??? Tara na nga.
Dave: Saan? May klase pa tayo eh.
Patrick: Para kasing gusto kong kumain ng eggpie.
Dave: Ano?
Patrick: Ayaw mo? Lilibre pa naman sana kita.
Dave: Ahhh...bilis ano pang inaatay mo diyan?
Patrick: Tsss...ang bilis pag libre eh noh?
Dave: Bilisan mo na baka dumating na bigla si Prof.
Nauna na si Dave pero may pahabol na tingin pa si Patrick kay Kelly “Mabait naman pala siya.”
Dave: Patrick!!!
Patrick: Oo na, gutom na gutom???

Sa Clinic,

Mina: Kevin? Andito ka ba?
Kevin: Oo andito ko pasok.
Mina: Wala si Dr.Leo?
Kevin: Bakit? May nasakit ba sayo?
Mina: Ah? Wala naman namiss lang kita.
Kevin: Asus...anong kailangan mo?
Mina: Wala, may tatanong lang sana ako.
Kevin: Sige ano yon?
Mina: May gusto ka pa ba sakin?
Kevin: A---Ano?










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*🤗

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon