Kabanata 19

16 0 0
                                    

     Sa Van habang nasa biyahe,

Magkatabi si Vince at Kelly nasa may likod naman sila Patrick at Dave “Naiwas ka ba kay Ethan?”Ang sabi n Vince.
Kelly: Hinde bakit na naman?
Vince: Sus...wag ako.
Kelly: Tsk...oo na nakita kasi niya ko ng di man lang nakakasuklay kanina di ko naman kasi alam na dun siya natulog samin.
Vince: Ha?
Kelly: Ah basta nga pala tayong lang apat? Nasan sila Mimay at Harvey? Tsaka si Prof.Mina di kasama?
Vince: Dadaanan pa natin yung dalawa si Prof.Mina kasabay ng ibang Prof.
Kelly: Oh...I see.
Dumungaw naman si Dave sa kinauupuan nila “Master, wala ka bang kapatid na babae?”Aniya.
Kelly: May nakita ka? Tsaka sabi ng wag mo kong tawaging master sasapakin kita.
Dave: Eh...master naman.
Kelly: Tsk...ewan...pero oo wala akong kapatid na babae ako lang mag isa na babae samin.
Dave: Ohhh...ang astig mo pala one of the boys ka.
Vince: Kaya nga ayan ang resulta.
Kelly: Edi wow...may chips ka ba diyan? Gutom na ko eh.
Vince: Bakit kasi di ka kumain muna eh sandali lang hahanap ako sa bag ko.
Inabot naman ni Patrick ang isang box ng eggpie “Eh? May dala ka pala niyan dude?” Ang sabi ni Dave.
Patrick: Ahem...Oh, yan ang kainin mo wag junk foods.
Kelly: Magkano?
Natameme bigla si Patrick at natatawa si Dave at Vince pero pinipigilan “Mag---magkano?”
Kelly: Oo, bakit bday mo ba? Kaya namimigay ka ng eggpie?
Patrick: Ha?
Sa isip-isip ni Patrick “Ano raw magkano? Anong tingin niya sakin nagtitinda? Ang anak ng may-ari ng Santos Mall magbebenta ng EGGPIE?”
Kelly: Hello? Say it magkano ang eggpie?
Patrick: DAVE!!!
Pinipigilan ni Dave ang pagtawa “Pfft...Sige ako ng bahala.”Aniya at binigay ni Patrick yung box ng eggpie sakaniya.
At naupo na si Patrick “Anyare don?”Ang sabi ni Kelly.
Dave: Sigh...Master, una sa lahat hindi niya bday at pangalawa hindi siya nag titinda ng eggpie.
Kelly: Eh bakit niya ko binibigyan ng eggpie?
Kinuha ni Vince ang eggpie “Ha---ha---ha...sige ako ng bahala bumalik ka na sa kinauupuan mo.
Dave: Sige...ge master enjoy ka sa eggpie.
Kelly: Ha? Magkano nga?
Siniko ni Vince si Kelly “Tumigil ka na nga sa kakamagkano mo!”
Kelly: Eh bakit ba? Bibilhin ko naman eh may dala naman akong pera eh.
Vince: Ewan ko sayo di ko alam kung manhid ka o “BUNGOL” ka lang talaga eh.
Kelly: Tsk...ewan bahala nga kayo akina nga yang eggpie wag kang hihingi ah..
Kinuha niya kaagad kay Vince yung eggpie “Sigh...bahala ka na!” Tugon ni Vince.
Kelly: Humph...

Makalipas ang dalawang oras,

Tulog na tulog si Kelly habang nakasandal sa may bintana ng Van “Pis, andine na tayo gising na.”Ang sabi ni Vince habang inaayos ang mga kalat ni Kelly.
Tumayo na rin naman sila Dave at Patrick “Nakatulog si Master? Eh ang aga aga pa.”Ang sabi ni Dave.
Vince:  Nako, ganyan yan pag nasa biyahe walang pinipiling oras lalo na’t busog naubos niya kasi ang isang box na eggpie na bigay ni Patrick.
Dave: Eh? Lakas pala ni Master sa eggpie?
Patrick: Favorite niya eh.
Nagkatinginan yung dalawa “Alam mo?”Anila.
Patrick: Ahem...sige mauna na ako sa inyong bumaba.
Dave: Hoy intayin mo ko Dude.
At nauna na ngang bumaba yung dalawa “Kellang, aba gising na andine na tayo.” Ang sabi ni Vince habang inaalog si Kelly.
Kelly: Mmm...kakain na ba?
Vince: Anong kakain na? Andine na tayo sa Orphanage.
Kelly: Eh? Bakit ang bilis.
Vince: Anong ang bilis eh naka dalawang oras na nga tayo sa biyahe tulog ka diyan ng tulog eh.
Kelly: Tsss...nasan nga pala si Mimay at Harvey? Nakababa na?
Vince: Tamo, di mo alam kasi tulog ka nauna na sila sinabay na sila nila Prof.Mina.
Kelly: Oh ano pang inaantay natin dine? Tara na din sa loob.
Vince: Sigh...oo na buti nga ginising pa kita. Tsk...
Kelly: Bilisan mo na.

Sa loob ng Orphanage,

Mina: Mimay, Harvey, paki tignan niyo nga kung dumating na sila Kelly para matulungan niyo sa pag baba ng mga goods.
“Yes Prof.” Anila at lumabas.
Mimay: Dat kasi talaga kila Kelly nalang ako sumabay eh.
Harvey: Sus...parang di naman kayo magkikita.
Mimay: Tsss...ewan ko sayo panira ka talaga ng araw.
Harvey: Bakit na naman?
Mimay: Bakit kasi dinaanan mo pa ako sila Vince na nga daw eh ayan di ko tuloy nakasabay sila Kelly.
Harvey: Ang arte mo kung di lang ako inutusan ni Prof.Mina na sunduin ka na sainyo di kita susunduin.
MImay: Wow...parang kasalanan ko pa pala bakit kasi iniwan mo sakin yung pera ng cafe?
Harvey: Nalimutan ko masama? Bakit ba parang lagi kang galit na galit sakin? Ha?
MImay: Alam mo may mga tao talagang kahit wala namang ginagawang masama sayo makita mo lang pagmumukha naiirita ka na. Gets mo?
Harvey: Alam mo rin ba na may mga tao din talagang ang sama ng bunganga.
Mimay: ANO???
Harvey: Bakit tinamaan ka?
MImay: IKAW!!!
“Yow...”Ang bungad na sambit ni Dave.
Patrick: Nag aaway ba kayo?
“Humph..” Ang reaksyon nung dalawa.
Mimay: Anyways, si Kelly girl?
“I’m here.” Ang pasigaw ni Kelly habang papalapit.
Harvey: Di talaga mawawala sa damit ni Kelly ang hood niya.
Mimay: Oh? Eh ano naman sayo?
Harvey: Tsss...
Vince: Kanina pa ba kayo?
Harvey: Di naman sakto lang nga pala yung mga goods naibaba na ba?
Mimay: Oo pinapatulong nga kami sa inyo ni Prof.Mina.
Vince: Ah...may mga kumuha na mga staff ng orphanage.
Harvey: Ohhh...ganun pala, tara na sa loob.
“Okay...”Anila.
Habang naglalakad papasok “Ang ganda naman ng bahay ampunan na ito labas palang para ng paradise.” Ang sabi ni Vince.
Dave: Ang ganda mag photoshoot dine pwedeng location pang pre-nup.
Patrick: Pre nup talaga?
Harvey: Sabagay kung di ko alam na orphanage ito iisipin kong isa itong bahay bakasyunan.
Mimay: Sandali lang nasan si Kelly?
Lumingon ang lahat “Kelly??? Di ba nasa likod lang natin siya kanina?”Ang sabi Vince.
Patrick: Anak ng! Bilisan niyo hanapin natin siya di natin kabisado ang lugar na ito baka naliligaw na yon.
“Oo sige.” Anila at naghiwa-hiwalay sila ng direksyon.
“KELLY!!!! KELLY!!!”

Samantala,

Kumukuha lang ng mga larawan si Kelly sa mga bulaklak “Woah...astig ang ganda naman dine ang daming bulaklak makakarami ako ng IG post nire.” Aniya.
“Tsk...sayang di ko nahiram ang camera ni kuya Keith.”
“Sandali lang, Vince? Mimay? Nasan kayo?”
Luminga-linga si Kelly “Takte! Iniwan na ata ako ng mga tukmol na yon.”
“Sir? Naliligaw po ba kayo?” Sabi ng isang babaeng nakabistidang puti.
Paglingon ni Kelly “Sir? Ako?”Aniya.
“Ay...sorry Ms. I thought you’re a boy kasi yung...”
Hinubad ni Kelly yung hood niya “Ahhh...okay lang madalas naman talaga kong napagkakamalang lalaki dahil sa hood ko.”
“Ohh...sorry ulit anyways, ako nga pala si Marie.”
Kelly: Marie? As in yung Marie na biscuit?
Marie: O—Oo? Bakit?
Kelly: Wala lang kasi ang name ko eh Kelly Ann Marie.
Marie: Ay katukayo pala eh.
Kelly: Pero they used to call me Kelly ewan ko ba sa mga magulang ko haba haba pa ng name ko Kelly o Kellang naman tawag sakin. Sigh...
Marie: Hehehe...Kelly pala.
Kelly: Yes Kelly is the name photography is my game.
Marie: I like your sense of humor.
Kelly: Hehehe..Salamat pero nasaan na pala ako? Kasama pa rin ba ito sa Orphanage?
Marie: Um...isa ka rin ba sa mga student ng DLRU?
Kelly: Oo kaso mukhang naiwan na nila ako nawili kasi ako mag picture dine.
Marie: Ahh...halika ihahatid na kita sa kanila.
Kelly: Sandali lang, mahilig kasi ako kumuha ng mga litrato can I make you my model? Please?
Marie: Ako? Pero di ako marunong.
Kelly: Madali lang teh awra awra kalang diyan ano game ka?
Marie: O---okay?
Kelly: Alright! Let’s do this.

Makalipas ang ilang minuto,

Patrick: Ano? Nakita niyo na ba si Kelly?
Dave: Di ko siya nakita dude.
“Ako rin.”Ang sambit nila Mimay at Harvey.
Vince: Bwiset! Lagot ako nire sa mga kuya niya bungol pa naman yon sa direksyon.
Patrick: Dave, tawagan mo si Ms. Maricar sabihin mo mag padala dito ng tauhan ni daddy.
Dave: O---Oo sige.
Vince: Sandali lang, di ba parang makaka agaw atensyon pa tayo sa gagawin mo?
Patrick: Ano? Ilang minuto na tayong naghahanap kay Kelly baka mamaya kung ano nangyare sa kaniya.
Dave: Pero dude maliit lang naman ang lugar na ito baka mamaya kung nasan lang siya baka magkagulo pa dito.
Bumulong si Mimay kay Harvey “Anong nangyayare?”Aniya.
Harvey: Di ko rin alam yayamin ba ireng si Patrick? At may pa tauhan ang daddy niya?
Mimay: Oo nga eh at may pa Ms. Maricar ano yun secretary?
Harvey: Di ko nga alam!
Mimay: Humph...
A biglang lumabas si Kelly out of nowhere “Kelly?” Ang sabi ni Patrick at lumapit sila kaagad
“KELLY!!!” Anila.
Busy si Kelly tumingin ng mga picture sa cellphone niya “Oh? Andiyan pala kayo.”Aniya.
Niyakap agad siya ni Mimay at sinabing “Saan ka ba nang galing?”
Kelly: Ha? Dun lang sa flower field ang ganda kanyo.
Patrick: BAKIT HINDI KA MAN LANG NAGTEXT?!
Kelly: Ano?
Vince: Sigh...Kellang naman alam mo bang kanina pa kami nag-aalala sayo?
Dave: Guys, kalma lang.











*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon