Kabanata 53

13 0 0
                                    

Sa Bahay nila Lola Nena,

Aliyah: Guys, nasan si Wayne?
Daniel: Hindi ko alam pero alam mo mag ja-jogging raw siya ngayong araw.
Chollo: Jogging? Mag 10am na wala pa sya?
James: Nako, baka naligaw? Ligawin pa naman ang bungol na yon.
“Sinong naligaw?” Ang bungad ni Lola Nena.
“Granny!!!” Anila.
Nilapitan naman ka agad siya ni Aliyah “San po kayo galing?” Aniya.
Lola Nena: Ah..sa Chapel nag simba lang saglit.
James: Lumabas po kayo? Bakit di niyo kami ginising?
Umupo sa gitna nila si Lola Nena “Tulog na tulog kayo eh tsaka exercise na rin yon yung lolo niyo naman hirap maglakad kaya di ko na sinama.”
Chollo: Pero Granny kahit na delikado po ang mag isa.
Lola Nena: Ayos lang sanay na ako doon ko nga nakilala si Kelly eh.
Chollo: Talaga po?
“Ay sus...” Ang tugon nung tatlo.
Lola Nena: Bakit ba parang interesadong interesado ka iho kay Kelly? May gusto ka ba sa kaniya?
Chollo: Ah...eh...kasi po.
Daniel: Yung isa rin po diyan yung pinsan naman ni Kelly ang gusto.
Aliyah: Di kaya...
James: Wala namang sinasabi kung sino guilty ka naman diyan ka agad.
Aliyah: Tsss...
Lola Nena: Iyah? May natitipuhan ka na?
Aliyah: Ahm...Opo?
Lola Nena: Ahahaha...naalala ko tuloy nung kabataan namin ng lolo niyo eh ganyan din kami nahihiyang umamin pero ending kita niyo naman ilang taon na kaming kasal ng lolo niyo.
Chollo: Granny, ano pong tingin niyo kay Kelly?
Lola Nena: So? You like Kelly?
Chollo: Ah...eh...Opo?
Lola Nena: Bakit may patanong? Di ka sigurado?
James: Paano po dami niyang chix.
Binato ni Chollo si James ng unan “Granny si Chollo oh.” Ang sambit ni James na animo’y nag papaawa.
Chollo: Tsss...
Lola Nena: Oh, tama na yan pero Chollo gusto mo ba talaga si Kelly?
Chollo: Opo Granny.
Lola Nena: Apo don’t get me wrong okay? Hindi ko naman sinasabing di mo deserve si Kelly pero...
Aliyah: Ahahahaha...Granny bakit po may pero? Wag niyong sabihing...hindi deserve ni Kelly si Chollo?
Danie: Parang feel ko ren.
James: Bingo!
Chollo: Heh!!! Go Granny ayos lang po kung anong sasabihin niyo hindi po ako magagalit.
Lola Nena: Sorry apo.
Chollo: Ho?
James: Ahahahaha...Mukhang mas pabor si Granny kay Kelly kaysa sayo Bro. Wahahahaha...
Daniel: I pity you Chollo.
Aliyah: See, I knew it ang bait kasi ni Kelly kaya sorry ka nalang tsong.
Chollo: Ang supportive niyo grabe.
Lola Nena: Wag kang mag-alala marami pa namang ibang babae diyan pero kung ako ang tatanungin mo wag na si Kelly mahihirapan ka at di kita matutulungan sa kaniya.
Chollo: Granny naman eh.
Lola Nena: Apo, hindi naman sa ayaw kita para kay Kelly pero kasi...iba si Kelly at sa tingin ko may iniibig na rin siya.
Chollo: Ho?

Sa Chapel,

Wayne: Akalain mo may Chapel pala dine sa loob ng subdivision?
Kelly: Ahh...oo nung una di ko rin alam nalaman ko lang din nung naligaw ako dine isang beses dito ko nga nakilala si Lola Nena eh.
Wayne: Si Granny?
Kelly: Oo sino pa ba?
Wayne: I mean paano? Nag pupunta siya dine?
Kelly: Oo madalas siya dito nakikita mo yang mga bulaklak sa altar galing yan kay lola Nena.
Wayne: Eh? Pero hindi namin siya pinalalabas delikado baka mamaya mapano siya sa labasan.
Kelly: Na banggit niya nga sakin pero okay lang naman para exercise na din kay Lola Nena kaya don’t worry everything is under her control.
Wayne: Okay, sabi mo eh.
Kelly: Nga pala, nasa bahay parin kayo ni lola Nena? Monday ngayon ah, wala kayong pasok?
Wayne: Oo wala kaya di na muna kami umuwi.
Kelly: Ohh...buti naman para may kasama sila lola at lolo niyo.
Wayne: Oo nga eh iniisip ko nga ring doon na tumira para may kasama sila.
Kelly: Oo nga kawawa naman sila.
Wayne: Salamat nga pala dahil binibisita mo ang lolo at lola namin.
Kelly: Wala yun ang bait din naman nila sakin para ko na silang lolo at lola.
Wayne: Ahm...pwede mag tanong?
Kelly: Sandali nga lang bakit parang ang daldal mo ngayon at himala wala kang dalang libro?
Wayne: Oo nga eh napansin ko rin dati-rati kahit saan ako mag punta ano man ang ginagawa ko may dala akong libro at hindi rin ako mahilig magsalita pero ewan ko ba pagkausap kita bigla akong nag iiba.
Kelly: Ahahahaha...ibigsabhin lang non you like me.
Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Wayne “A---ano?” Aniya.
Kelly: Oo you like me and I like you too.
Nag dugo bigla ang ilong ni Wayne “Hey!!! Your nose is bleeding...”
Wayne: Ha?
Hinawakan ni Wayne ang ilong niya at nakita niyang “May---may dugo nga.”
Kelly: Oo? Pero anong gagawin natin yung ilong mo.
Wayne: A---ayos lang ako.
At bigla siyang nahimatay at nag panic na nga si Kelly “Hu—huy!!! Wayne??? Hoy...gumising ka diyan...Ayokong makulong!!!!”
Nag mulat ang mga mata ni Wayne “Wa---wag kang mag—a---alala a---ayos lang ako.” Ang hinang-hinang tugon ni Wayne.
Kelly: Anong ayos? Umayos ka diyan wag kang mamatay ayokong makulong di pa nga ko nakaka graduate eh.
Wayne: Ta—tawagan mo si Aliyah pasundo ka.
At tuluyan na ngang nawalan ng malay si Wayne “Hoy!!! Gumising ka diyan!!! WAYNE!!!” Ang alalang alala na tugon ni  Kelly.
Nag mulat ulit ang mga mata ni Wayne “Hin---hindi ako binge pero sige na tawagan mo na si Aliyah.”
Kelly: O---oo sige pero wag ka munang mamatay okay?
Wayne: Baliw! Sige na bilisan mo.
Kelly: Oo eto na nga na nginginig pa.
Pandalas namang kinuha ni Kelly yung cellphone “Hindi sapat ang iyong load para ipagpatuloy ang iyong tawag.”
Kelly: Anak nang! Wala pala akong load ikaw ba?
Wayne: Jusmiyo! Meron, bilisan mo na nanghihina na ako dine.
Kelly: Oo eto na asan ba ang phone mo?
Wayne: Ere na bilis.
Kelly: Oo chill ka lang.
Sa isip-isip ni Wayne “Mamatay ako sa kunsumisyon dine kay Kelly hindi dahil nag nosebleed ako.”

Sa Bahay nila Kelly,

Tahimik lang ang apat at walang umiik ni isa “Ding...Dong...”
Kevin: Ako na ang magbubukas.
Pagbukas ni Kevin ng pinto “Tito!!!” Ang bungad ni Jacob na walang kasama.
Luminga-linga si Kevin “Ikaw lang?”
Jacob: Opo?
Kelly: Pero bakit ka humahangos?
Jacob: Si mommy po kasi aalis na nasan na po si Daddy?
Kevin: A---alis?
Jacob: Opo narinig ko po sila ni uncle Renzo na naguusap pupunta po si mommy ng Australia.
Kevin: Ha? Halika bilis sabihan natin ang tatay mo.
Bubuhatin sana niya si Jacob pero napansin niyang di niya kaya yung bata “Ahm...sige maglakad ka nalang.”
Jacob: Haysss...opo na mag da-diet na ko.
Kevin: Ang cute mo talagang bata ka pero bilisan na natin.
Jacob: Opo.

Kinahapunan,

Kelly: Sigh...nakauwi rin nakakaloka ang araw na ito...Jusme! Hindi pa nga pala ako nakakaligo.
“Kelly!!!”
Pabulong-bulong si Kelly at di nalingon “Ayoko ng lumingon baka problema na naman yan.”
“Kelly baby!!!”
Kelly: Pero nakakainis yung pagbigkas niya ng name ko bakit may baby pa? Feeling close!
At pag lingon niya “ANO BA???  Ma...Mama???”
Niyakap agad siya ng nanay niyang si Keilla at sinabing “Baby ko!!!”
Kelly: Ma? Mama? Kayo nga!!!
Keilla: Bakit ba di ka naman diyan makapaniwala oo ako nga ito si Mama mo. Sandali lang hapon na pero bakit amoy kama ka parin?
Kelly: A---amoy kama? Ako?
Keilla: Syempre joke lang masyado ka kasing seryoso diyan napansin ko kasing lutang ka eh bakit nga pala nasa labas ka?
Kelly: Ah...eh...Ma? Bakit po parang biglaan naman ang uwi niyo?
Keilla: Bakit ayaw mo ba? Surprise ko talaga ito sa inyo ng mga kuya mo pero dahil nasa labas ka bilis sila kuya mo nalang ang i-surprise natin.
Kelly: O---okay?
Keilla: Halika na bilis ay sandali lang yung mga gamit ko pala nasa taxi pa wait lang anak ha? Kukunin ko lang.
Kelly: O---Opo.
Pandalas naman si Kelly ng kuha ng cellphone at tinext ang mga kuya niya ng “Mga kuy’s Mudrakels Bell!”

Sa Mall,

Habang nakaupo yung apat at si Jacob naman ay nasa palaruan “Ka ching...” Sabay sabay na tunog ng cellphone nila.
“Si Kelly?” Anila.
Kevin: Nagtext rin siya sa inyo?
“Oo.” Anila.
Kevin: Bakit kaya?
At sabay-sabay nilang binuksan ang mensahe ni Kelly “Mga kuy’s Mudrakels Bell.”
“Hala! Si Mama dumating na?” Anila at napatingin sa kanila yung mga taong nakarinig.
Keith: He---he---he...so---sorry po.
Kevin: Anak nang! Paano na?
Kim: Bro?
Kian: Sigh...bilis kailangan na nating umuwi.
“Oo.” Anila.
Kevin: Teka si Jacob.
Kian; Ay...oo nga pala... Keith?
Keith: Oo sagot ko na.
Nililis ni Keith ang mga manggas ng polo nya at pandalas ng binuhat si Jacob “Woah...ang lakas talaga ni kuya Keith ang bigat ni Jacob eh.”
Kian: Sige na sa kotse.
“Roger.” Anila.
Jacob: Ahm...Tito? Ano pong nangyayare?
Keith: Humawak ka lang kay tito okay?
Jacob: O---okay?
“Si---Sir...sandali lang yung sapatos po nung bata.” Ang pahabol na sambit nung crew na babae.
Habang nagmamadali sumagot si Kim “No need, keep the change.”
Crew: Ha? Keep the ano daw? Change? Mga pogi sana kaso mga wirdo! Sayang sila...Tsk...










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon