Kabanata 133

2 0 0
                                    

Kinabukasan,

Sa DLRU,

"Yow, mornin' guys." Ang bungad ni Mimay.

"Mornin'." Ang sabi naman nila Vince.

"Si Kelly wala pa?"

"May nakikita ka bang anino ni Kelly dine?" Ang sabi ni Harvey at nabeltukan siya ni Mimay.

"Buset ka!"

"Ahahaha...pero wala pa talaga si Kelly dine." Ang sabi ni Vince.

"Oo nga bakit kaya wala pa si Master?" Ang sabi naman ni Dave.

"Huy! Patrick!!!!" Ang sabi ni Mimay dahil nakatulala sa kawalan si Patrick.

"Dave! Nyare don?" Dagdag pa ni Mimay dahil hindi siya pinansin ni Patrick.

"Ahhh...busted kasi."

"Busted?" Anila.

"Um...pinalayas siya ni Master sa bahay nila kagabi."

"Ano?" Anila.

"Wait, paanong pinalayas? Anong pinagsasabi mo? Bakit wala akong alam?" Ang sabi ni Vince.

"Ahhh..syempre naman paano mo naman malalaman yun eh wala ka naman sa bahay nila Master kagabi."

Bineltukan siya ni Mimay "Gung gong! Malamang nga pero ano ngang nangyare?? Sasampigahin kita'y pa suspense ka pa'y!"

"So---sorry naman."

"Ano nga ang nangyare??" Anila.

"Haist...eto na na nga."

"ANO NGA?!!!!" Ang gigil na gigil nilang tugon.

"Umakyat kasi ng ligaw si Dude kay Master kagabi."

"ANO???" Anila.

"Um...at eto pa ang malupet bad timing naman kasi may kasabay si Dude na manligaw kay Master."

"SINO?" Anila.

"Si Chollo at yung si Miggy."

"SI MIGGY?" Anila.

"Oo...sandali nga bakit ba laging chorus ang mga sagot niyo nasa simbahan ba tayo choir na ba kayo?"

"HINDE!!!!" Ang pagalit nilang tugon kay Dave.

"Okay, okay, kalma ako lang ito."

"HEH!" Ang reaksyon nung tatlo.

"Pero nag punta si Miggy kila Kelly?" Ang sabi ni Harvey.

"Um...at petmalu hindi takot sa mga kuya ni Master."

"Ahhh...wala ng bago dun." Anila.

"Eh? Ahhhh...sabagay magkababata nga pala kayong lima nila Master."

"Tapos anong nangyare?" Ang sabi ni Mimay.

"Oo nga bakit hindi na ikwento sakin ito ni Kellang?" Ang sabi ni Vince.

"Sa tingin ko dahil badtrip si Master."

"Oh...speaking of badtrip ayan na si Kelly guys mukhang wala nga sa mood." Ang sabi ni Harvey.

Sinalubong naman ka agad nila Mimay si Kelly at sinabing "Kelly!!!" At narinig naman iyon ni Patrick pero hindi siya lumapit sa kanila.

"Morning baby girl." Ang sabi ni Mimay.

"Mornin'." Ang tugon naman ni Kelly na animo'y tamad na tamad kaya umupo ka agad siya sa upuan niya.

"Kawsin, ayos ka lang ba? Bakit parang wala kang tulog?" Ang sabi naman ni Vince.

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon