Kabanata 119

3 0 0
                                    

Mahabang mesa ang inihanda ng pamilya Dela Cruz para sa piging na iyon bukod kasi sa kaarawan ni Vince get together na rin yun ng kanilang pamilya pero hindi naman kumpleto ang pamilya Dela Cruz yung mga naroroon lang ay ibang kamag anak nila Kelly dahil yung iba ay nasa iba't ibang lugar dahil sa kani-kanila nilang trabaho. Samantala nasa tabi naman ng lolo at lola nila sila Kelly at Vince at ang mga kapatid nito at nasa dulo naman ng mesa si Patrick at ang tropa halos di na sila mag katanawan sa haba ng mesa. Well, not sobrang haba dahil maraming mga bibig na nakain kaya hindi na nila makita ang isa't isa.
"Hey! Dude, can you pass me some of litson?" Ang sabi ni Dave na nakaupo dahil sa kaniyang natamong sugat at sakit ng katawan pero hindi naman siya pinapansin ni Patrick kasi busy siyang tignan si Kelly na busy rin naman sa kaniyang pagkain.
"DUDE!!!" Ang sigaw ni Dave na nakaagaw atensyon naman.
"Ha----ha---ha...wala po ito sige po kumain lang po kayo wag niyo kaming pansinin dine." Ang sabi ni Patrick at sinupalpalan niya ng litson ang bibig ni Dave.
"Mmm...mmm..."
"Ang ingay mo kasi! Hindi ka makaintay diyan!"
Tinanggal naman ni Dave yung litson na sinupalpal sa kaniya ni Patrick "Ba naman yan dude gusto mo ba akong patayin? Bakit kasi hindi mo ako pinapansin at sino bang tinitignan mo?"
"Alam mo na nga kung sino kailangan mo pa talagang itanong sabihan mo nalang kasi ako kung ano gusto mo." Ang sabi naman ni Mimay na ipinaghimay pa niya ng litson si Dave.
"Anong gusto ko?"
"Um...para maikuha kita."
"Ikaw pwede?"
Sinupalpalan naman siya ni Mimay ng kanin "Ayan kumain ka ng marami lintek ka!"
"Mmm...mmm...Mimay..." Habang nag sasalita tumatalsik yung kanin sa bibig niya.
"Ahahaha...ayan dumada moves ka pa kasi." Ang sabi naman ni Harvey.
"Tsk..."
"Guys, bakit ba dito tayo pumuwesto? Ang layo naman natin kay Kelly eh." Ang sabi ni Patrick.
"Ba'y san mo naman gusto sa tabi nila? Stranger tayo dine pre." Ang sabi ni Mimay.
"Tsk...ang akin lang naman dapat sa bandang gitna tayo bisita eh."
"Shhh...wag ka ngang maingay dude baka marinig ka nila oh." Ang sabi ni Dave.
"Oo nga ere lang sila sa tabi natin." Ang sabi ni Harvey.
"Ang hihina naman ng boses natin wag na nga kayong ano diyan tsaka naka bukod nga tayo ng mesa oh dinikit lang nila pero bukod." Ang sabi ni Patrick.
"Eh...syempre pamilya Dela Cruz ka ba?" Anila.
"Tsss...balang araw."
"Talaga lang ha?!" Anila.

Samantala,

Sa may bandang unahan ng mesa kung nasaan sila Kelly nakain "Apo, sino doon sa mga kaklase niyo ni Vince ang boyfriend mo?" Ang sabi ni Lolo Arman sinamid naman bigla ang mga kuya ni Kelly.
"Ahem...lolo naman wala pa po akong bf tsaka tignan niyo naman ang reaksyon ng mga nakatatanda kong kapatid nasamid mamatay matay na sa pag kakasamid."
"Ay si'ya ayos laang ba kayo mga apo?"
"Ahem...ahem....lolo naman wag kayong basta-basta nag sasalita ng mga bad words." Ang sabi ni Kian bineltukan naman siya ni lola Sareng at sinabi nitong "Lintek na bata a're ano naman kung itanong ng lolo mo kung may kasintahan na a'reng si Kellang? Ay nasa tamang edad naman na iyang kapatid ninyo." Nasamid naman muli ang mga kuya ni Kelly ngayon naman dahil nainum sila ng tubig.
"Mukhang tatandang dalaga ang ating Kellang lolo, lola bantay sarado ang mga kuya." Ang sabi naman ni Vince.
"Ba'y hinde ako papayag sayang ang lahi." Ang sabi ni Lolo Arman.
Lalo namang sinamid ang mga kuya ni Kelly at sinabing "LOLO NAMAN!"
"Ahahaha...mukhang tutol ang mga kuya mo Kellang kaawa awa ang mga magiging manliligaw mo ang daming pader na dadaanan." Ang sabi ni Alice.
"Tatanda na nga lang po akong dalaga pag nagkataon kaya Lo, La wag na kayong umasa na magkaroon ng apo sakin kila kuya palang hindi na magkakatalo ang mag tatangkang manligaw sakin mag mamadre nalang ho ako."
"OO GANON...MADRE? HINDE!" Ang sabi ng mga kuya niya.
"Hahaha...alam niyo mga tol wag kayong masyadong mahigpit kay Kellang sige kayo mamaya mag pumiglas yan."Ang sabi ni Elmer.
Napatingin naman sila Kian kay Kelly habang nakain at nakiki pag kulitan kay Vince "Sigh..."Ang reaksyon nila.
"Okay, kantahan naman natin ng happy birthday ang birthday boy natin." Ang sabi ni Alice at kinantahan naman nila ng happy birthday ito at nilabas naman ni Aliyah ang cake at kinagulat ito ni Vince "Happy birthday Vince."
"A---Aliyah???"
Siniko naman ni Kelly si Vince at bumulong "You like my birthday gift my dear kawsin?"
"Ho---how did you do that kawsin?"
"Of course, malakas ka sakin pero yung baboy na ni litson palitan mo yon!"
"Ha---ha---ha...kawsin naman pagbigyan mo na ko bday ko naman."
"Tsss...pasalamat ka masaya ako ngayon."
"Bakit? Something good has happened?"
"Just mind your own business kawsin! Blow your candle natutunaw na baka mangalay na rin yang future sister in law kong "kawsin"
"Tsss...Silly."
"Make a wish birthday boy." Ang sabi ni Aliyah.
"Okay...Thankyou."
"No worries."
Pagkatapos ng masarap na kainan ipinakilala nila Kelly at Vince sa pamilya nila si Aliyah "May beloved relatives may sasabihin po ang birthday boy." Ang sabi ni Kelly bumulong naman si Vince "Bakit kailangan mo pang i-announce? Nakakahiya!"
"Wag ka na ngang maarte diyan para hindi na isa isa ang pag papakilala natin kay Alyah nakakatamd yun!"
"Tsss...kahit kailangan ka talaga."
"Apo, girlfriend mo na ba yan?" Ang sabi ni Lolo Arman.
"Oo nga pakilala mo naman samin." Ang sabi naman ng ilan nilang kamag anak.
"Ah...eh...lo, la, tiyo, tiya mga kawsin ko ipinakikilala ko nga pala si Aliyah...ang...ang..."
"Ang?" Anila.
"Girlfriend niya po." Ang sabi ni Kelly.
"KELLY!" Ang pagalit na sabi ni Vince.
"Yes, girlfriend niya po si Aliyah right girl?"
"Ah? Gi---girlfriend?? A---ako ni Vi—Vince?"
"Sigh...pambihira ka Kelly!" Ang sabi ni Vince at hinawakan niya naman ang kamay ni Aliyah at itinaaas "Sigh...Opo girlfriend ko siya as in GIRL na FRIEND."
"Ahhhhhh..." Ang reaskyon ng pamilya nila pati narin nila Patrick.
"Pero..."
"Pero???" Anila.
"Balak ko po siyang ligawwan!" Ang sigaw ni Vince na kinagulat naman iyon ni Aliyah "Li---ligaw?" Aniya.
"Oo gusto ko sanang pormal na manligaw sayo kaya sana "PUMAYAG KA!!!"
Siniko naman ni Kelly si Aliyah na para bang nanunukso "Yiiie...girl I told you my kawsin likes you." Ang bulong niya.
"Wha---what is "kawsin?"
"Cousin! Kawsin kasi asa probinsya tayo yun lang yon."
"Ohhh...I get it..."
"Sige na pumayag ka na mabait naman yang si kawsin Vince di yan na ngangagat."
"Pffft...sige na nga."
"Aliyah?" Ang sabi ni Vince.
"Oo pumupayag ako."
"Talaga? Ayos! Ma, Pa pumayag na siya!!!!"
"Yeah...keep it up kid." Anila.
"Ay si'ya bilis bilisan mo panliligaw ng ako eh magkaroon na ng apo ule." Ang sabi ni Lolo Arman.
"Itay naman liligawan pa lang ni Vincey si Aliyah apo naman ang hinihingi niyo di'yan." Ang sabi ni Ada at nag tawanan silang lahat.

Makalipas ang mahabang usapan,

Nag punta ang tropa sa may fishpond nila Kelly at doon nag kwentuhan kasama si Aliyah "So Aliyah, ibigsabihin dapat sasabay ka samin papunta dine?" Ang sabi Mimay.
"Um....kaso alam niyo naman ang kulit nila Chollo."
"Wait, don't tell me kasama mo sila dito?"Ang sabi ni Vince.
"Ah...eh..."
"KELLY MY PRINCESSSssss!!!!!" Ang sigaw ni Chollo kasama pa yung tatlo nila Wayne.
"Anak nang!" Ang sabi ni Patrick.
"Dude, mukhang kailangan mo ng mag madali dumadagsa na mga karibal mo." Ang pabulong na sabi ni Dave.
"Oh? Ako lang ba dapat? Tignan mo yung bulaklak mo may gustong dumapong bubuyog."
At nakita ni Dave na lumapit si James kay Mimay "Aba't! Dude tulungan mo kong tumayo! Dude!" Pag lingon niya wala na si Patrick sa tabi niya "Dude? Nasan ka? Dude?"
"Ayun na bantay sarado na kay Kelly." Ang sabi ni Harvey at napatingin naman si Dave "Tignan mo itong lintek na ito iniwanan talaga ang bestfriend niya."
"Ganun talaga bakit priority ka ba?"
"Tsss...sandali nga tulungan mo kong tumayo pre bilis baka kung anong gawin niyang si James kay Mimay."
"No need tignan mo ni hindi nga siya makalapit kay Mimay pati yang si Chollo kay Kelly."
Nakita nilang nakaharang si Aliyah sa dalawa "Buti nalang nasa panig natin yung pinsan nilang si Aliyah."
"Yeah...pero ayos ka lang ba talaga? Baka gusto mo ng pumunta tayo sa ospital?"
"Di na maliit lang ito bukas lang eh magaling na ito."
"Sigurado ka?"
"Bay oo naman mas masakit pa ang palo ng nanay ko dine eh."
"Hahaha...sabagay ramdam kita diyan pre."
"Excuse me sabi kasi ni Vincey kayo ang nag hatid kay Gidiyap nakita niyo ba yung anklet niya?" Ang sabi ni Shai at para namang na bighani sa kaniya si Harvey "Ha?"
Siniko siya ni Dave at bumulong kay Harvey "Pre, baka pasukan ng langaw yang bibig mo." at itinaas ang bibig ni Harvey.
"Ayos lang ba siya?" Ani Shai.
"Ah? O---oo ayos lang yan minsan talaga nag la-lock jaw yan eh."
"Ah...ga---ganun ba pero wala ba kayong nakitang anklet kay Gidiyap?"
"Wala kaming napansin eh bilang kinaladkad niya ko.. He...he...he..."
"Ah..,nako sorry minsan kasi ayaw niyang kinukulit siya sige mauna na ko sa inyo ha? Hahanpin ko muna yung anklet niya."
"Gusto mo tulungan ka namin?"
"Ayos lang? Akin kasi talaga yung anklet na yun pinahiram ko muna kay Gidiyap eh nalimutan ko kasi kuhanin galing pa kasi yun sa daddy ko."
"Ohh...ganun pala sige tutulungan ka niya." Ang sabi ni Dave at tinulak si Harvey kay Shai "Pre!!"
"Tulungan mo siyang maghanap ng anklet." Sabi ni Dave at sumenyas kay Harvey "Si---sige tulungan kita."
"Talaga? Salamat."
"Pre galingan mo."
"Gung gong!"

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon