Kabanata 99

4 0 0
                                    

Kinagabihan,

Sa Ospital,

"Aw...sorry po." Ang sabi ni Dave dahil may nakabungguan siyang isang babae "Ayos lang...Wait, Dave?"
"Eh? Ate May?"
May: Bakit andito ka? Bibisitahin mo ba si Patrick?
Dave: Po?
May: Oo hindi ba nabanggit sayo ni Precious na dinala niya si Patrick dito?
Dave: Hin---Hindi po.
May: Pero bakit andito ka kung hindi mo alam?
Dave: Ah...si nanay po kasi nag ka dengue kaya andito po ako.
May: Oh? Nasan sya? Halika samahan mo ko ng makadalaw.
Dave: Si---sige po.
At nag tungo nga sila sa ward kung nasan ang nanay ni Dave "Oh, andito ka na pala anak...eh? May?" Ang sabi ni Denis.
May: Hello po nabalitaan ko po kasi kay Dave na nandito rin sa ospital si tita. Kamusta po kayo?
Devine: Medyo okay naman na kaso may lagnat pa rin eh.
Dave: Nasan po si Precious?
Denis: Ahh...inutusan kong bumili ng tubig.
Dave: May dala po akong hapunan niyo.
Devine: Salamat nak.
Denis: Halika May maupo ka kamusta na si Ricardo?
May: Uhm...umaayos naman na po ang mga vital sign niya sabi kanina ni mommy medyo gumalaw raw po ang daliri ni daddy.
Denis: Talaga? Buti kung ganun.
Dave: Pero si Patrick po? Nasan?
May: Ahhh...yung lukong yun kasi masyadong pinapagod ang sarili ayan nagkasakit tuloy pero okay naman na sya ngayon bukas makakauwi na siya.
"Bakit? Anong nangyare kay Patrick?" Ang sabi nila Denis at Devine.
May: Nilagnat po nag over fatigue po kasi kaya ayun buti nga po dumalaw roon si Precious kagabi.
"Si Precious?" Anila maliban kay Dave.
"Who's calling my name?" Bungad ni Precious na may dalang tubig at prutas.
Precious: Kuya, andito ka na...Ate May?
May: Hi!!!
Dave: Pwede po ba akong pumunta muna kay Patrick?
Devine: Sige dalawin mo muna siya.
Denis: Sabihin mo pupunta ako doon sa kaniya mamaya.
Dave: Sige po ate May maiwan ko po muna kayo dito?
May: Sige okay lang nasa room number...
Dave: Okay lang po sasamahan nalang ako ni Precious.
Precious: Ha? Pero...
Bumulong si Dave "Sasamahan mo ko! Mag uusap tayo!"
Precious: Si---sige po sasamahan ko lang si kuya.
Dave: Sige po alis muna kami.
"Okay..."Anila at hinila na ni Dave si Precious palabas "Aw...kuya naman!"
Dave: Bakit di mo sinabi sakin na nag punta ka kagabi kay Patrick?
Precious: Ehh...kasi kala ko alam mo na.
Dave: Tsss...makakatikim ka sakin eh.
Precious: Sorry na kuya sabi lang din naman sakin ni Patrick na wag kong ipagsabi na nasa ospital siya.
Pinitik ni Dave ang noo ni Precious "Anong Patrick?? Kuya Patrick!!"
Precious: Tsss...buwan lang naman ang tanda niyo sakin ni Patrick eh kaya bakit kailangan ko pa syang tawaging kuya?
Dave: Ahhh...Sige kung yan ang gusto mo wag mo na rin akong tawagin pang kuya!
Bigla namang naging clingy si Precious "Sus...tampo agad oo na po kuya Patrick na. Tsss.."
Dave: Tsk...Pasaway ka! Tara na ituro mo na kung nasan ang kwarto ni Patrick.
Precious: Okay kuya! Tsss..
Dave: Gusto mong mapingot sa tenga?
Precious: Kuya naman!
Dave: Behave!
Precious: Oo na po. Humph.

Sa Sala ng mga Dela Cruz,

Jacob: Tito bakit di ako pwedeng lumapit kay tita Kelly? Miss ko na po siya.
Kevin: Halika bilis tabi ka sakin.
Jacob: Um...
At lumapit nga siya sa tito niya "Siopao, gaano mo ka love si tita Kelly?"
Jacob: Syempre po love na love best of friends po kami eh.
Kevin: Ohhh...pero ngayon hindi ka muna pwedeng lumapit kay tita kasi may sakit siya kaya distansya amigo muna okay?
Jacob: Ganun po? Sana gumaling na po siya pero ano po yung sakit ni tita Kelly?
Kevin: Ahhh...nilalagnat lang naman siya trangkaso ganun.
"Kala ko naman kung ano ng sakit ni tita Kelly. Sigh..." Ang pabulong bulong na sabi ni Jacob.
Kevin: Ano yon Siopao?
Jacob: Po?
Kevin: May sinasabi ka?
Jacob: Wa—wala naman po sabi ko sana po gumaling na si tita Kelly.
Kevin: Ahhh...oo gagaling na rin si Kelly agad malakas naman ang pangangatawan ng tita mong yun.
"Kevin!!!" Ang sigaw ni Rica.
Jacob: Mommy?
Kevin: Bakit ate?
Rica: Nag dugo ang ilong ni Kelly!
Kevin: Ha?
Jacob: Tito ano pong nangyayare?
Kevin: Ganito ibibigay ko ang cp ko sayo tawagan mo ang daddy at ang tito Kim mo okay?
Jacob: Si---sige po pero ano pong sasabihin ko?
Kevin: Sabihin mo kailangan ng dalhin sa ospital si Kelly.
Jacob: O---ospital? Kala ko po ba...
Kevin: Baby, makinig ka magiging okay si tita Kelly kaya sige na sundin mo nalang ang sinabi ni tito okay?
Jacob: O---opo.
At pandalas ng umakyat papuntang kwarto ni Kelly si Kevin "A---anong gagawin natin Kevin?" Ang sabi naman ni Rica habang pinupunanasan si Kelly.
Kevin: Paki ayos nalang po ang mga damit ni Kelly kailangan niya pong madala na sa ospital.
Rica: Si---sige ako ng bahala.

Sa ospital,

"Ano? Andoon si Master sa condo ni Patrick??" Ang sabi ni Dave habang nasa labas ng kwarto ni Patrick.
Precious: Oo nga! Binge ka na ba ngayon kuya?
Dave: Pero, bakit andoon si Master?
Precious: Teka nga sino ba yung Master mo si Kelly?
Dave: Wag ka ng madaming tanong! Sagutin mo nalang ang tanong ko sayo.
Precious: Oo na andoon si Kelly kasi napag utusan daw siya ng Prof. niyo na mag dala ng modules kay Patrick.
Dave: Tapos? Anong nangare? Anong ginawa mo sakaniya?
Precious: Wala! Ano namang sa tingin mo ang gagawin ko sa kaniya? Baliw!
Dave: Sigh...salamat naman.
Precious: Pero kuya grabe kamukhang kamukha nga siya ni Paula ano?
Dave: Oo pero bakit nga pala nag punta ka doon sa condo ni Patrick. Precious ha! Ano na naman ang binabalak mo?
Precious: Wala! Humingi lang siya sakin ng tulong para sa SM.
Dave: Ano namang klaseng tulong?
Precious: Kung pwede raw akong maging model ng isa nilang boutique tapos ayon pumayag naman ako tapos ayun na nga di ko naman alam na may sakit noon si Patrick buti na nga lanag andun si Kelly eh siya yung nag bigay ng first aid sa kaniya.
Dave: Eh? Si Master?
Precious: Oo nga!
"Hoy! Kayo diyan papasok ba kayo o mag tsitsismisan nalang?" Ang sabi ni Patrick na nasa loob ng kwarto.
Dave: Ah...eh...oo dude.
Precious: Nga pala kuya hindi ko pa na sabi kay Patrick na pumunta sa condo niya si Kelly.
Dave: Ha? Sige ako ng bahala.
Precious: Okay.
"Hoy!"
Dave: Oo andiyan na dude.
Pag pasok nung dalawa binato ni Patrick ka agad si Dave ng unan "Dude naman!"
Patrick: Ano bang pinaguusapan nyo sa labas at nagising ako? Mga kumag na ito!
Preciuos: Si kuya kasi ang binge.
Dave: Ano?!
Precious: Tsss...
Patrick: Oh, wala kayong dala?
Dave: Ay....sorry dude di ko kasi alam na nadito ka eh ang dala ko lang na food para kay nanay.
Patrick: Ahhh...ayos lang binibiro lang naman kita ang dami ng dala ni ate.
Paglingon nung dalawa sa likod "Whoa....kala ba ni ate May dine ka na titira?" Ang sabi ni Dave.
Precious: Wow...may cake pa buksan na natin bro.
Dave: Hey! Kala ko ba diet ka?
Precious: Ayos lang yan cheat day ko ngayon kuya Patrick sige na buksan na natin.
Patrick: Sigh...manang mana ka talaga sa kuya mo pag may kailangan nag iiba bigla ang awra.
Dave: Di naman dude.
Patrick: Tsss...ewan.
Precious: Hehe..slice ko na ah?
Patrick: Bahala ka di naman ako mahilig sa cake.
Precious: Talaga? Amin nalang ni kuya.
Dave: Precious!
Precious: Sus...kunware ka pa.
Patrick: Yeah...
Dave: Anyways, kamusta ka na?
Patrick: Ayos naman na pakiramdam ko di ko lang mawari ang sakit ng likod at ng mukha ko pakiramdam ko may bumugbog sakin eh.
Dave: Ha?
Patrick: Ewan ko pag gising ko nakita ko may pasa ako sa mukha buti nalang medyo nag fade na nilagyan nung nurse ng cold compress.
Precious: Pero ayos naman ang x-ray mo kaya don't worry baka nahulog ka lang sa kama mo.
Patrick: Ewan ko ba.
Sa isip-isip ni Dave "Di kaya may ginawa sa kaniya si Master?"
Patrick: Dude? Huy!
Dave: Ha? Ano yon?
Patrick: Wala! Bakit lutang ka ata?
Dave: Wala ka bang maalala?
Patrick: Maalala? Na ano?
Nag madali naman si Precious na lumapit habang nakain ng cake "Hindi mo maalala? Si Kelly ang nag alaga sayo." Aniya at sa gulat ni Dave yung dalang cake ni Precious sinupalpal niya dito.
Precious: Mmm...kuya!!!
Patrcik: A---ano yung sabi niya?
Dave: Ah---ano kasi..
Patrick: Ano totoo ba yung sinabi ni Precious? SUMAGOT KA!!!!
Dave: Ah...eh...O---oo dude.
Biglang napahawak sa ulo niya si Patrick "Du---dude ayos ka lang ba? Gusto mong tumawag ako ng nurse?"
Patrick: Ayos lang ako. Hahahahahaha...ayos lang ako...hahahaha...
Nagkatinginan yung magkapatid habang may cake pa sa mukha si Precious "A---anong nangyayare sa kaniya?" Anila.
Natawa lang si Patrick yung dalawa naman napaatras sa may gilid at nag bubulungan "Kuya, baliw na ba yang bff mo? Bakit bigla nalang syang tumawa?
Dave: Hindi ko sya kilala! Sino ba siya?
Nilagyan naman ni Precious ng cake ang mukha ni Dave "Parehas kayong baliw!"
Dave: Precious!!!!

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon