Kabanata 47

17 0 0
                                    

Sa may Hallway,

Vince: Jusme ano ba ireng bahay na ito maze? Kanina c.r hinahanap ko nung nahanap ko na hindi ko na alam ang daan palabas lintek.
Palinga linga si Vince ng makita siya ni Aliyah “Vince?” Aniya.
Lumingon si Vince “I---ikaw pala...”
Aliyah: Anong ginagawa mo dito?
Vince: Ah...eh...nag c.r kasi ako hindi ko na makita ang daan palabas pati si Kelly nawala na rin.
Aliyah: Ahhh...ganun ba tara sumunod ka lang sakin.
Vince: Um...salamat.
Aliyah: Nabanggit mo si Kelly kasama mo rin ba siya?
Vince: Ah...oo kasi kanina parehas kasi kami naghahanap ng c.r ang gulo ng bahay niyo kaya ending nagkanda ligaw-ligaw na kami.
Aliyah: Hehehe...pasensya na hayaan mo sasabihin ko kay Granny na lagyan ng sign board ang bawat likuan dine sa bahay nila.
Vince: Silly, sign board talaga? Nag bibiro lang naman ako ang laki kasi ng bahay ng lola mo siguro ganreng kadami rin ng pasikot sikot ang mayroroon sa bahay niyo ano? Iba talaga pag mayaman eh nakain na sila ng umagahan ikaw nag lalakad parin papunta ng dining area.
Aliyah: Ahahahaha...para ka palang si Kelly mahilig rin mag joke.
Vince: Oo nasa lahi na namin yon. Hehe
Aliyah: Ngayon ko lang din nalaman na pinsan ka pala ni Kelly?
Vince: Ah...oo sigurado nung una mo kaming nakita kala mo mag jowa kami ano?
Aliyah: Parang ganun na nga siguro sanay na rin kayo ano?
Vince: Oo minsan mga kuya niya ang napagkakamalang boyfriend niya.
Aliyah: Galing naman gaya ko one of the boys rin si Kelly.
Vince: Wala ka bang kapatid? Hindi ba’t mga pinsan mo yung apat nila Chollo?
Aliyah: Oo, pero may kapatid ako nasa Australia si ate Sab tapos mga magulang naman naming lima nila Chollo kung hindi busy nasa ibang bansa.
Vince: Ohhh...I see so I guess yung mga magulang niyo nila Chollo wala sa Pinas? Kasi parang kayo lang kasama ng lola mo dine sa kaarawan niya.
Aliyah: Ahhh...pero sila mama at papa nasa Palawan lang may inaasikaso.
Vince: Wow...Palawan maganda dun bakit di ka sumama?
Aliyah: Ayoko di na nga sila makakapunta sa bday ni Granny tapos sasama pa ako?
Vince: Well...
Aliyah: Andito na tayo diretsuhin mo lang yan tapos ayun na makakalabas ka na uli kung nasaan mga kasama mo.
Vince: Salamat, ikaw di ka ba lalabas?
Aliyah: Ayoko inaantok na ko eh.
Vince: Inaantok o boring?
Aliyah: Hehe..You got me di kasi ako sanay sa mga maramihang tao gusto ko nalang matulog kesa makihalubilo.
Vince: Ahm...may board game kayo dito?
Aliyah: Meron? Bakit?
Vince: Tutal parang ayoko na rin namang bumalik sa party gusto mo maglaro nalang tayo ng board game?
Aliyah: G!
Vince: Nice tara.

Samantala,

Nag-aantay parin sila Kian kila Kelly at Vince “Aba, anong oras na bakit di na ata lumabas sila Vince at Kelly sa loob?” Ang sabi ni Kim.
Kian: Tsk...Kevin hanapin niyo na nga ni Keith.
Keith: Baka naligaw na sila.
Kevin: Siya sige tara na Bro.
Kevin: Okay.
At umalis na nga yung dalawa “He---hello po.” Ang bungad ni Chollo.
Kian: Hi? Who are you?
Naupo si Chollo “Ahm...isa po ako sa apo ng may birthday at kaibigan ko rin po si Kelly.” Aniya.
Nagkatinginan sila Kim at Kian “So? Is there something you need to us?” Tugon ni Kim.
Chollo: Ahm...ano po kasi...
Kian: Kim, let’s go.
Chollo: Ho? San---sandali lang san kayo pupunta?
Kian: Mag c-cr sasama ka?
Kim: Bro, naliliitan ata satin.
Kian: Huh!
Chollo: So---sorry po.
Kian: Tsss...
At iniwanan nga sya nung dalawa “So? Anyare bro?” Bungad ni James na kasama naman si Daniel.
Daniel: I guess di sila basta-basta makakausap mukhang nakaamoy na agad na may paghanga ka sa kapatid nila.
James: Mukhang mahihirapan ka sa kanila bro.
Chollo: Kilala niyo ko di ako yung tipo ng tao na hindi nakukuha ang ninanais ko.
“Well, you’re such a freak man.” Anila.
Chollo: Sandali nga nasan sila Aliyah at Wayne? Bakit di kasama doon sa unahan nila Granny at Grandpa?
“Ma at Pa.” Anila.
Chollo: Ano yon?
“Malay at Pakialam namin.” Anila.
Chollo: Bungol!

Sa may balkunahe,

Nakatayo yung dalawa ni Kelly at Wayne habang pinagmamasdan ang kalangitan “Mahilig ka sa stars?” Sambit ni Wayne.
Kelly: Di masyado pero mahilig akong tumingin sa kalangitan at mag wish.
Wayne: Like what?
Kelly: Bakit ko naman sasabihin sayo kung ano yun? Wish nga eh.
Wayne: Ikaw bahala.
Kelly: Ang ganda naman dine kitang kita ang buong subdivision nasa attic na ba tayo?
Wayne: Yep...ito ang paborito kong lugar sa bahay nila Granny.
Kelly: Oh...I guess sayo rin ang mga libro sa loob?
Wayne: Um...halos lahat yung iba kila Granny na mga cookbook.
Kelly: Anyways, kaya ba HRM kinuha niyo dahil isa ring cook si lola Nena?
Wayne: Actually, hinde hobby lang talaga ni Granny ang pagluluto pero isa siyang pastry chef nung panahon nila ni Grandpa.
Kelly: Ohh... I see.
Wayne: Pansin ko puro ka tanong about samin di kaya magnanakaw ka talaga?
Bineltukan siya ni Kelly “Aww...Bakit mo ginawa yon?”
Kelly: Buti nga di kita sinapak! Kilala mo ba kung sino ang tatay ko?
Wayne: I don’t care.
Kelly: Tsss...Yabang!
Wayne: Ahem....nabanggit ni Granny na taga dito ka rin sa subdivision?
Kelly: Aha! Ano naman sayo? Ang daldal mo ata ngayon?
Wayne: Ahem...Hin---hindi naman kaya tsaka ano bang pake mo? Nasa teritoryo ka namin tandaan mo.
Kelly: So? Edi meow....Humph...makaalis na nga.
Wayne: Wag!
Kelly: Kala ko ba ayaw mo sa maingay?
Namula si Wayne “Ah...eh...gusto mo ng chocolates?” Aniya.
Kelly: Ano suhol lang?
Hinila siya ni Wayne “Basta sumunod ka nalang sakin.”
May binuksan pang isang pinto si Wayne at bumungad sa kanila ang isang mini kitchen “Woah...paanong?” Ang pagulat na sambit ni Kelly.
May kinuha si Wayne na chocolate sa mini ref “Here, milk chocolate lang meron ako dito eh.”
Kinuha ni Kelly “Salamat, pero ang galing ano ito secret hide out mo?”
Wayne: Halika maupo ka.
Kelly: Um...
Wayne: Kahit sila Chollo hindi ito alam ikaw lang at sila Granny at Granpa ang nakakalam nito.
Binuksan at kinain na ni Kelly yung chocolate “Oh? Bakit mo ko sinama dine?”
Wayne: Ahm...di ko rin alam anyways di ka naman taga rito kaya I guess okay lang?
Kelly: Well, if that’s what you think.
Wayne: Ahm...gusto mo pa?
Kelly: Ayoko na pagnalaman nila kuya na napadami ako sa chocolate malilintikan ako sa mga yun.
Wayne: Bakit naman?
Kelly: Bawal kasi sakin chocolate eh manganagti ako pag nasobrahan kaya pag inallergy ako ikaw sisihin ko.
Wayne: Ano?
Kinuha niya agad ang chocolate kay Kelly “Hoy! Bakit mo naman kinuha?”
Wayne: Ayokong maging sanhi ng kamatayan mo.
Kelly: Sira! Binibiro lang naman kita grabe. Humph...sayo na nga yan.
Wayne: Nga pala, yung mga kasama mo sa baba mga kuya mo talaga sila?
Kelly: Ah..oo pwera lang kay Vince pinsan ko lang yon.
Wayne: Ohhh...
Natahimik bigla ang atmosphere “Ahem...si---sige aalis na ko baka magwala na sila kuya.” Ani Kelly.
Wayne: Ah...eh...O---Oo sige hatid na kita.
Kelly: Si---sige.
Wayne: Ahm...can I add you in your social media?
Kelly: Okay lang ikaw bahala.
Wayne: Sige.
Kelly: Tara na?
Wayne: Um...

Makalipas ang ilang oras,

Pasan-pasan na ni Kevin si Kelly na kasalukuyang tulog na “Salamat po sa pag punta.” Ang sabi ni Chollo.
Aliyah: Sana’y nag enjoy po kayo pasensya na po di na kayo naihatid dito sa labas nila Granny at Grandpa inaantok na rin po kasi sila napagod po.
Kian: Wala yon sige aalis na rin kami salamat sa inyo.
Chollo: Bye po.
Inisnab lang nila Kian si Chollo “Bye Iyah.” Sambit naman ni Vince at napangiti naman si Aliyah.
Kian: Vince, tara na.
Vince: Okay...bye sa inyo.
At umalis na nga sila “Ey...ang saya-saya ng isa diyan.” Ang sabi ni Daniel.
James: Oo nga parang ang sarap isumbong kay Ate Sab.
Aliyah: Wag nga kayo diyan na bored lang kami ni Vince kaya naglaro kami ng board games.
Wayne: Rhyme.
Aliyah: Oo nga noh, bored kami kaya naglaro kami ng board games.
“HEH!!!” Tugon na pagalit nial Daniel at James.
Aliyah: Tsss...Kj!
James: ANO? Chollo si Iyah oh pasabihan mo nga.
Aliyah: Wala naman akong ginagawang masama ah.
Chollo: Tumigil na nga kayo pumasok na tayo sa loob.
Aliyah: Nga pala, parang di ko naman kayo nakita ni Kelly na nagkausap.
Chollo: Bantay sarado ang mga kuya niya.
Danie: Mukhang...mas nakasama pa ng matagal ni Wayne ang mahal mong Prinsesa.
Chollo: Sino?
Biglang palihim na nag panic si Wayne “Oo nakita ko nga si Wayne na siya ang kasama ni Kelly kanina palabas.” Ang sabi ni James.
Daniel: Aba! Anong ginawa niyo sa loob ha?
Wayne: Wa---wala! Naligaw kasi siya kaya nag magandang loob akong ihatid siya sa labas bahala nga kayo diyan.
At umalis si Wayne “Hoy! Saan ka pupunta?” Ang sabi ni Aliyah.
“Matutulog!” Sigaw ni Wayne habang papasok sa loob ng bahay.
Chollo: Sabihin niyo kailan niyo nakitang walang dalang libro si Wayne?
“Oo nga noh! Wala siyang dala ngayon.” Anila.
Chollo: JOHN WAYNE BENEDICTO!!!
Aliyah: Chollo...











*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon