Kabanata 6

39 0 0
                                    

Habang nakain si Kelly “Ate Maan...”
Pagligon ni Maan “Pat-pat...”
Nagulat si Kelly na si Patrick yung sumulpot “Siya na naman?”Aniya.
Maan: Posturang postura tayo ah...
Patrick: Ahh..nako wala po ito may OJT lang.
Maan: Oh? Si...Ay ineng ano nga ang ngalan mo?
Patrick: Kelly po.
Sa isip-isip ni Kelly “Sya na pala ako ngayon. Ang epal talaga nire kahit kailan.”
Maan: Magkakilala kayo?
Sabay sumagot yung dalawa pero makasalungat “Hindi po” kay Kelly at “Opo” naman kay Patrick.
Maan: Ha?
Patrick: Nga po pala bumili na po ba si auntie sa inyo?
Pumasok na uli sa loob ng bakeshop si Maan at sinabing “Ah, hindi pa umalis siya eh may pupuntahan ata naka kotse eh.”
Patrick: Ohhh...baka po may bibilin lang sa supermarket.
Pabulong-bulong si Kelly “Sino daw? Tsaka andito pa kaya ako.”
Maan: Ay sorry Kelly tama?
Kelly: Opo.
Maan: Isang box ng eggpie tama?
Kelly: O---opo...he—he—he...
Patrick: Sakin 2box po gaya ng dati.
Pabulong bulong si Kelly “Tsss...takaw.”Aniya.
Patrick: May sinasabi ka?
Kelly: Ha?
Maan: Sige sandali lang ah kukuha lang ako sa likod ng box.
“Okay po.”Anila.
At habang nakuha ng box sa likod si Maan nagkakahiyaan yung dalawa at walang nakibo “Ahem...mahilig ka rin sa eggpie?”Sabi ni Patrick.
Kelly: Eh ano naman?
Patrick: Alam mo ba the best ang eggpie nila ate Maan dito?
Kelly: Yeah...
Patrick: Umm...
Kelly: Sigh...ang banas.
Hinubad ni Kelly ang coat niya at nagulat si Patrick “Ahem...ang init nga.”Hinubad niya rin yung coat niya.
Sa isip-isip ni Kelly “Gaya-gaya...tsss.”
Patrick: Ahem...yung...yung kanina promise di ko talaga sinasadya.
Kelly: Tsss...
Maan: Here you go Kelly, isang box at para sayo Pat-pat 2box.
Kinuha ni Kelly ang kaniya at ganoon rin kay Patrick “Magkano po?”Sabi ni Kelly.
Patrick: Ako na.
Napatingin si Maan sa dalawa at napangiti “No need I can pay may pera ako Mr. GM.”
Patrick: No I insist ako na.
Ang sama ng tingin ni Kelly kay Patrick “Ate magkano po? Babayaran ko po ang binili ko!”Aniya.
Maan: Ah...eh...150 lang.
Kumuha si Kelly ng pera at binigay kay Maan “Salamat po sige alis na po ako.” Aniya at iniwan si Patrick.
Patrick: Ms.Delacruz!!!
Maan: Wag mo kasing pilitin.
Patrick: Ho?
Maan: Cute si Kelly like mo?
Namula ang mukha ni Patrick “Hi---hindi po ah! Pasaway po yun at may pagkatibo alam niyo ba laging naka hood yun mantakin niyo ultimo yung pang P.E t-shirt niya pinagawan ng hood ngayon nga lang yan di na ka hood eh.”
Napangiti si Maan “Ohh...I see so di mo talaga siya like?”Aniya.
Patrick: Ate Maan naman!
Maan: Hahaha...sige...sige sabi mo eh. Ahahaha...

     Kinagabihan,

Kelly: Andito na po ako.
“Andito kami sa sala.” Sabi ni Kevin.
Nagtungo naman si Kelly “Mga kuy’s may pasalubong ako pero may bawas na nga lang. Hehehe...”
Wala sa mood ang mga kuya niya “Anong meron? Bakit di maipinta ang mga mukha niyo?”Aniya.
Kian: Kumain ka na ba?
Kelly: O---opo nanlibre kasi si Vince.
Kian: Ganun ba, sige magbihis ka na muna.
Kelly: May problema ba?
Kevin: Magbihis ka na muna baka matuyuan ka ng pawis.
Kelly: KUYA!!! HINDI NA AKO BATA!!!
Natameme ang mga kuya niya “Si---sige maupo ka.”Ang sabi ni Kian.
Keith: Bro, ayos lang ba na nandito si Kelly?
Kian: Ginusto mo yan di ba? Ngayon mahihiya ka?
Kelly: Sandali lang ano po bang nangyayare? Di ko kayo magets.
Kim: Paano nakabuntis ang kuya Keith mo.
Keith: BRO!!!
Kelly: Ano? Pa---paano? I mean ikaw? Na gym is love makakabuntis?
Keith: See, even our babysis yun din ang iniisip kaya sigurado akong di ko yun anak.
Binato siya ng unan ni Kian “Bro!!!”Aniya.
Kian: Tumigil ka nga, ssusumbong talaga kita kay mama.
Lumuhod naman kaagad si Keith sa harapan ni Kian “Bro, parang awa mo na wag muna hangga’t di pa ako nakakasigurado.”
Kim: Pero Bro tama si Keith paano nga kung di naman sa kaniya yung bata?
Kevin: Well, may point gaya nga ng sabi ni Kellang gym is love yang si kuya Keith.
Keith: Kaya nga gusto ko na munang makasigurado.
Kian: Sige nga paano? Ano iintayin mo munang manganak yung babae para sa DNA test? Paano naman yung babae di mo gagabayan sa pagbubuntis niya?
Keith: Di naman ako ganoong kasamang tao syempre magbibigay ako ng mga pangangailangan niya habang nagbubuntis siya.
Kian: Bunso!
Kelly: Po?
Kevin: Ngayong kasali ka na sa usapan bakit nakatulala ka diyan?
Kim: Sabi ko naman sa inyo wag na natin siyang isali eh.
Kelly: Hindi naman sa ganun nag-iisip kasi ako ng gagawin.
“Gagawin?”Anila.
Kelly: Yes mga dear brother.
Tumayo siya sa unahan nila at nag explain “A---ano? Papatirahin natin siya dito?”Anila.
Kelly: Yes you heard it right guys.
Keith: Pero babysis di pa natin siya kilala kahit ako di ko siya ganoong ka kilala.
Kelly: Well, hindi naman ako tumulala ng wala lang syempre naisip ko na yan kuya kailangan ko lang ng approval niyo.
Kevin: Hmmm...sakin ayos lang tsaka puro naman tayo mga boys dine except Kellang kaya tingin ko okay lang naman.
Kim: May point naman si Kelly dahil babae yun mahihiya siya satin tsaka di pa naman natin sigurado kung papayag nga yung babae na manirahan dine.
Kelly: Kuya Kian what do you think?
Kian: Di ko alam pero I think we need to do some background check to that girl to make it sure na safe siya na tumira kasama natin. Kahit naman babae siya marami parin naman ang mga babaeng nakakagawa ng kasalanan at nakukulong right?
“Yeah...”Reaksyon nila Kelly maliban kay Keith.
Keith: Okay! Ako ng bahala sa part na yon pero sigurado ba kayong ayos lang sa inyo na patirahin natin siya dito?
Kelly: Bakit kuya? Ayaw mo?
Keith: Hindi naman sa ayaw ko kaso...
“Kaso...”Anila.
Kim: Wait...don’t tell me di ka gusto nung babae?
Kelly: Eh? Kuya anong ginawa mo ba? Ni rape mo ba siya?
Keith: Baliw! Di pa ako adik para gawin yun tsaka isang aksidente lang naman ang lahat.
Kian: Aksidente?
Keith: Gaya ng sinabi ko kanina nung wala pa si Kelly nasabi lang sakin ni Lino ang mga bagay na iyon.
Kevin: So, you mean di mo mahal yung babae? At balak mo pang takasan?
Keith: Hindi naman sa ganun...pero...
Umalis bigla si Kelly “Saan ka pupunta?”Ang sabi ni Kian.
Kelly: Sa kwarto...mukhang wala ng patutunguhan ang usapang ito.
Keith: Babysis...
Kim: Hayaan mo nalang muna...ikaw kasi eh!
Kevin: So, bro di mo talaga balak panagutan yung babae?
Habang papataas ng hagdan si Kelly “KUYA KEITH!!! ISA KANG MALAKING DUWAG! PERVERT!” at kumaripas sya papasok ng kwarto niya at nagulat ang mga kuya niya.
Keith: A---ano daw???
“Sigh...”Reaksyon nung tatlo.

     Kinaumagahan,

Wala pa rin sa mood si Kelly “Morning babysis.”Ang bati ni Keith pero di siya pinansin nito at naupo nalang habang naguumagahan naman ang iba pa niyang kuya.
Kian: Kumain ka na nga lang!
Kevin: Bunso, may OJT ka?
Kelly: Um.
Keith: Gusto mo ba hatid kita?
Kim: Ng motor? Habang naka corporate attire siya?
Keith: Ah...eh...
Tumayo na si Kelly “Mauna na po ako.”Aniya.
Kian: Intayin mo na kami hahatid ka na namin.
Kim: Oo nga maaga pa naman.
Kelly: Hindi na po kasabay ko naman si Vince eh.
“Honk...honk...”Busina ng sasakyan.
Kelly: Sige po baka si Vince na yan.
Kian: Si---sige ingat kayo.
Kelly: Kayo rin ingat.
At umalis na siya “Baby...girl.”Ang nasabi ni Keith.
Kian: Kasalanan mo yan eh tignan mo ni halos wala siyang kibo satin.
Keith: Sorry...
Kim: Sigh...ikaw naman kasi alam mo namang ayaw na ayaw ni Kelly na binabastos ang kapwa niya babae kaya nga bata palang siya gusto niya ng mag pulis pero di natin siya pinayagan dahil sa nangyare kay daddy.
Keith: Oo na...
Kevin: Ano ng gagawin mo?
Keith: Napag isip-isip ko na tama kayo lalo na si Kelly dapat di ako maging duwag.
Kian: Paano na?
Keith: Susuyuin ko si Faith.
Kevin: Ohhh...Faith pala yung name ng future ate namin ni Kelly.
Kim: Hmmm...ano bang itsura? May pic ka?
Keith: WALA!!!
Kian: Kailan mo balak sabihin kay mama?
Keith: Wag muna ngayon ako ng bahala pwede ba?
Kian: Ikaw bahala, sabihan mo nalang kami kung kailangan mo ng tulong namin.
Kevin: Ba! Ayoko ngang madamay diyan.
Binato siya ni Keith ng tinapay “Ano???? Ayaw mo kong tulungan? Walang kang pakinabang ah.”
Kevin: Nyieee...
Kim: Eh ano bang gagawin mo? Close ka ba doon kay Faith?
Keith: Yun na nga eh dalwang beses ko palang siya nakikita.
“ANO???”Anila.

     Sa magkaparehong oras,

Naglalakad si Kelly palabas ng kalye nila “Bwiset, kala ko pa naman si Vince na yung bumusina sa kabilang bahay pala.”
“Bakit ba kasi wala dineng tricycle man lang?”
“Bundok ba ang kinatitirikan ng bahay namin?”
“Asar...kakapagod na.”
“Honk...honk...”May bumusina uling sasakyan.
Paglingon ni Kelly “Huh? White na van? Alam ko owner naman ang sasakyan nila Vince ah...”
“Sandali lang di kaya mangunguha ito ng bata? Gaya ng sabi sa mga tsismis?”
At kumaripas na ng takbo si Kelly at pagbukas ng bintana ng sasakyan “Bakit nagtatakbo yon?” Ang sabi ni Vince.










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*🤗

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon