Kabanata 42

14 0 0
                                    

Sa HRM Department,

Nakaupo si Kelly at nakatali ang mga paa at kamay “Ano bang kailangan niyo sakin????” Sambit ni Kelly habang pinagkukumpulan ng ilang mga lalaki.
Sa ibang side ng classroom “Sino siya at bakit pinagtitripan siya nila Chollo?” Ang sabi nung isang babae.
“Balita ko ang angas raw nun at Kelly ang name isang I.T student.”
“PAKAWALAN NIYO KO!!!” Ang sigaw ni Kelly.
“Pre, mukhang kakaiba ang babae ito sa inaakala ko.” Si James isa sa mga tropa ni Chollo.
Chollo: Yes and I like the way she pretend to be though.
Kelly: ANO??? MGA BALIW BA KAYO???? Hoy! Ikaw pakawalan mo ko mukhang mabait ka naman.
“Si---Sino? Ako?” Tugon ni Daniel isa rin sa mga tropa ni Chollo.
Chollo: Mukhang napagkamalang inusnete ka na naman bro bakit kasi nerdie nerdie ka diyan sabi ko naman sayo may butas ka na ng tenga.
Daniel: Alam niyo di nakikita doon ang angas mga pre mas gusto ng chix ang innocent look.
Kelly: Huh! Innocent look? Tukmol kamo.
Daniel: IKAW!!! Sinong tukmol?
Kelly: Alangan naman ako? Pakawalan niyo na nga lang ako kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa kuya ko.
Daniel: Pake namen? Di naman kami ang may kailangan sayo.
Kelly: Bwiset!!! Pakawalan niyo ko!!!!
“Lagyan niyo nga ng tape ang bibig niyan nakakairita!” Si Wayne ang tahimik sa tropa nila Chollo.
Kelly: Pakawalan niyo na lang kasi ako!!!
Chollo: James, lagyan mo nga ng tape ang bibig niyan.
James: Okay.
Kumuha nga ng tape si James at nilgayan ang bibig ni Kelly “Mmmm....Mmmm...Mmm...”
Wayne: Ano bang pinaplano mo sa babaeng yan tol?
Chollo: Huh! Yan babae? Saan?
Kelly: Mmm...Mmmm...
Chollo: Tuturuan ko lang siya ng leksyon masyadong siga eh.
James: Sandale, anong nangyare sa mukha mo? Don’t tell me siya may gawa niyan.
Tumango si Kelly “Mmm...Mmmm...”
Daniel: Mukhang siya nga.
Chollo: Heh! Nga pala nasan si Aliyah? Bakit ang tagal naman niya.
Wayne: Nasa canteen bibili raw ng chocolate.
Chollo: Bakit may red alert ba siya?
Daniel: Yeah...masakit raw puson niya eh.
Sa isip-isip ni Kelly “Red alert? Yun din...yung ano ko kila kuya ah...sino ba talaga sila????”

Sa I.T Department,

Vince: Ano nakita niyo na ba si Kelly?
Mimay: Hindi nga eh nilibot ko na ang lahat ng ladies room dito sa DLRU at wala siya roon.
Harvey: Wala rin sa library.
Dumating yung dalawa “Anong meron?” Sambit nii Dave.
Patrick: Oo nga bakit parang di kayo mapakali? Si Kelly nasan?
Mimay: Di rin namin alam kaya hinahanap namin siya dito sa DLRU.
“NAWAWALA SI KELLY???” Anila.
Patrick: Sinabi niyo na ba sa mga Prof.natin?
Dave: Oo nga sinabi niyo na ba kay nurse Kevin?
Vince: Kumalma nga kayo wala si kuya Kevin sa DLRU nasa DLRH siya ngayon at naitanong ko na rin kay manong guard kung nakitang lumabas si Kelly at hindi naman raw kaya sure akong nasa loob lang siya ng University.
Patrick: Pero...alam niyo namang delikado ang panahon ngayon nalibot niyo na ba ang bawat department na memeroon dito?
Harvey: Hindi pa namin nalibot ang lahat pero kung gagawin natin yon makaka instorbo tayo sa mga nag eexam.
Mimay: Tama si Harvey ngayon ang simula ng midterm exam at mamaya lang magsisimula na rin ang sa atin.
Dave: Eh paano? Anong gagawin natin?
Vince: Ganito mag hiwa-hiwalay tayo at pa simpleng sumilip sa bawat building ng mga courses dine sa DLRU okay?
“ Copy.” Anila.
Patrick: Sa mga likod rin ng mga department pumunta kayo okay?
“Noted.”

Samantala,

Nabaliktad na ang mga pangyayare yung apat na nila Chollo ang mga nakatali at si Kelly ay katabi na ni Aliyah “Sabi ko hanapin niyo siya at di ko SINABING IGAPOS NIYO SIYA PAGKATAPOS!!!”
Chollo: Eh, kasi nga pumapalag siya malay ba namin na gusto lang pala siyang imbitahan ni lola sa kaarawan niya.
Daniel: Oo nga di mo naman sinabi.
James: Tsaka, malakas naman siyang babae kaya okay lang yan.
Wayne: Wala akong kinalaman diyan Iyah bakit pati ako eh ginapos mo?
Bumulong si Kelly “Ah...oo di niya ako inaway pero rude siya sinigawan niya ko at pinalagyan niya ko ng tape sa bibig.”
Nanggagalaiti na sa galit si Aliyah “QUIET!!!” Sigaw niya.
Kelly: So---sorry...
Aliyah: Ay nako, hindi ikaw ireng mga pinsan kong bugok!
Kelly: Mga pinsan mo sila?
Aliyah: Unfortunately yes...Sigh...
“IYAH!!!” Sambit nung apat.
Aliyah: Kelly sandali lang ano? Dun ka muna sa isang gilid makipagusap ka muna sa mga kaklase namin.
Kelly: Ah...O---Okay.
Sinunod nga ni Kelly ang sinabi ni Aliyah “Mukhang masesermunan naman ni Aliyah mga pinsan niya.” Sabi nung isang babaeng nasa isang gilid rin kung saan nandoon si Kelly.
“Oo nga alam naman natin pag nagalit si Iyah para siyang dragon.” Tugon nung isang kaklaseng babae.
Kelly: Ahm...excuse me lang ano?
“Yes?” Anila.
Kelly: Can I ask something? Mga kaklase nila kayo di ba?
“Um...” Tugon nila.
Kelly: Bakit hinahayaan niyo silang gawin ang ganito sa classroom niyo? Hindi ba’t midterm exam ngayon hindi ba kayo nagagalit sa kanila imbes na nakakapag review kayo eto kayo sa isang gilid lahat na wari’y natatakot.
Student 1: Ahh...yun ba? Hindi naman sa natatakot kami ayaw lang namin mapasama sa away nila mahirap silang kalaban.
Kelly: What do you mean by that?
Student 2: Kung kilala mo si Chollo isa siyang sikat na vlogger.
Sa isip-isip ni Kelly “Vlog---ger? Sino yung tukmol na yon?”
Student 3: Silang magpipinsan ay sikat pagdating sa Tai Chi.
Kelly: Eh? They know martial arts?
Student 1: Yes, kaya mas okay ng dine nalang kami sa gilid ayaw naming makatanggap ng isa sa mga sipa nila.
Napatingin si Kelly doon sa lima na kasalukuyang nakaluhod yung apat sa harapan ni Aliyah “Hmmm...” Reaksyon ni Kelly.
Aliyah: Kelly, come here.
Kelly: Si---sino raw?
Student 1: Ikaw raw di ba Kelly name mo?
Kelly: Yun ba yung name ko?
Student 2: Goodluck girl!
Kelly: O—Oh...sige.
Sa isip-isip ni Kelly “Bakit ba natatakot ako? Marunong din naman ako ng ilang martial arts ah.”
Aliyah: Kelly?
Kelly: Ah? O---oo andiyan na.

Sa magkaparehong oras,

Nagkita sila Vince at Patrick habang naghahanap kay Kelly “Oh, nakita mo na?” Sambit ni Vince.
Patrick: Hindi pa ikaw?
Vince: Di parin nga eh...Tsk...ilang minuto nalang mag start na ang exam natin san na kaya si Kelly.
Patrick: Tumawag na kaya tayo ng police?
Vince: Hindi pwede nakakahiya baka magdulot pa tayo ng commotion baka kung nasan lang naman si Kelly. Tsk...
Patrick: Pero...nag-aalala na ko sa kaniya.
Vince: Sino bang hinde?
Patrick: Sigh...nasan na ba kasi siya?
“Narinig mo yon pre? May pinagtitripan na naman daw sila Chollo?” Sabi nung lalaki.
“Oo nga raw isang babae.” Tugon naman nung isang lalaki na napadaan sa harapan nilla Vince at Patrick.
Nagkatinginan yung dalawa kaya hinabol yung dalawang lalaki “Ahm...excuse me?” Sabi ni Patrick.
Vince: Yung babaeng sinasabi niyo? Saan sya dinala?
“Sa HRM department class 3.” Tugon nila at kumaripas na yung dalawa ni Vince ng takbo.
“Anong problema nila?” Tugon nung dalawang lalaki.

Balik tayo kay Kelly,

Wala na sa pagkakatali yung apat “Chollo!” Sambit ni Aliyah.
Chollo: Tsk...OO!
Aliyah: Ano nga?!!! Anong sasabihin mo kay Kelly?
Chollo: Tsk...SORRY!!!!
Kelly: Ay, parang labas sa ilong.
Chollo: Ikaw!!!
Aliyah: POCHOLLO!!!!
Chollo: Sorry your majesty.
Kelly: Apology accepted.
Chollo: Tsk...
Aliyah: Sorry talaga Kelly sa mga ginawa sayo ng mga gung gong na yan.
Pinagtaasan ni Kelly ng kilay yung apat “Tsk..Ahh...wala yon ngayon pwede na ba akong umalis?”
“Kelly!!!” Bungad na sambit nila Patrick at Vince.
Kelly: Eh?
Nilapitan agad siya nung dalawa at niyakap siya ni Patrick “Nag-alala ako sayo.” Aniya at kinagulat iyon ng lahat lalo na ni Kelly.
Kelly: A---ayos lang naman ako.
Tumayo naman kaagad si Chollo at hinila si Patrick “At sino ka naman??? Bakit mo siya niyayakap???” Aniya at wari’y ito ay nanggagalaiti sa galit.
Nagpumiglas si Patrick “Wala kang pakialam kung sino ako at wag na wag mo kong hahawakan!!!” Aniya.
Chollo: Huh! Baka nalilimutan mong nasa teritoryo ka namin.
Kelly: Vince!
Vince: Tsk...abala!
Hinila ni Vince si Patrick “Dude, kumalma ka nga.”
Kelly: Sige Aliyah, aalis na kami.
Aliyah: Ah...eh...si—sige.
Nung paalis na sila Kelly hinarangan siya ni Chollo “Ihahatid na kita.”Aniya.
Hinawakan ni Patrick ang balikat ni Chollo at sinabing “Teritoryo mo nga ito pero wala kang pakialam sa pag mamay-ari ko.”
Binuhat ni Patrick si Kelly “A---anong? Ibaba mo ko.”
Patrick: Pre, sumunod ka nalang.
Vince: Si---sige.
At umalis na nga si Patrick na buhat buhat si Kelly “Ahm...ako nga pala si Vince kung may ginawa si Kelly sa inyo ako nalang kausapin niyo.” Ang sabi ni Vince.
Aliyah: Wa----wala naman ginawa si Kelly sa katunayan...
Naka poker face si Vince “Kung wala naman sige maiwan ko na kayo may exam pa kami. Paalam.” Aniya at umalis.
Aliyah: San----sandali lang.
Siniko ni James si Aliyah “Crush mo?” Aniya.
Namula ang mga tenga niya at pisnge “Hin---hindi noh!”Tugon niyang nauutal.
Chollo: Guys, kilala niyo ba yung lalaking yon?
Daniel: Hinde.
Wayne: Nonsense.
Chollo: Kelly, just who are you?










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon