Kabanata 7

37 0 0
                                    

     Sa Jeep,

Si Kelly nalang ang laman ng jeep “Miss, hanggang dito nalang ako iikot na kasi ako eh.”Ang sabi nung driver.
Palinga-linga siya “Ho? Di po kayo papasok sa may terminal ng Mall?”
Driver: Ay, hindi na kasi pwede masyadong ma traffic pag ikot ko.
Sa isip-isip ni Kelly “Ang layo pa ng lalakarin ko pusang gala.”
Kelly: Sige ho, salamat.
At bumaba na nga siya ng jeep “Sigh...napaka pangit naman ng araw ko ngayon...Buraot!”
Habang naglalakad “Hoy, yung bag ko!!!”Ang sabi ng babaeng buntis at narinig iyon ni Kelly.
Itinakbo ng magnanakaw yung bag nung babae “Ibalik mo yung bag ko.”
Kelly: Miss, ako na po paki hawak nalang po nireng bag ko.
“Ha? Mi---Miss...”
Kumaripas na ng takbo si Kelly at hinabol niya yung magnanakaw “Pigilan niyo yung natakbo magnanakaw yan..”Aniya.
Tumakbo si Kelly ng matulin hanggang sa naabutan niya ito at sinipa niya kaagad at ginamitan ng karate skills niya “Miss, aaahhhh...awat na...”Sabi nung magnanakaw habang nakalupagi ang mukha sa sahig.
Kelly: Bwiset ka! Pinagod mo ko.
“Woooh...miss ang galing mo.” Sabi ng mga nanonood sa kanila.
At dumating yung babaeng buntis na may kasamang pulis “Yan po Sir siya po yung kumuha ng bag ko.”Aniya.
“Miss, sige bitawan mo na kami ng bahala.”Sabi nung dalawang pulis.
Tumayo si Kelly at pinalakpakan siya ng mga tao “He---he---he...”Pangiti-ngiti sya at wari’y nahihiya
Lumapit si Kelly dun sa babaeng buntis “Miss buntis, ere ho ang bag niyo.”Aniya.
“Salamat...at ere din yung bag mo.”
Kelly: Ay...oho salamat pasensya na ho medyo mabigat.
“Miss, kailangan ho namin kayo kuhanan ng statement maaari po ba kayong sumama sa amin?” Sabi ng isang pulis.
Kelly: Ho? Kaso may pasok pa po ako.
“Sige ako nalang.” Sabi nung buntis.
“Sige po sumunod po kayo samin.”Tugon ng pulis.
Kelly: Sige po kailagan ko na po kasing umalis late na po ako.
“Sige salamag ulit ha? Ay sandali lang.” Sabi nung babaeng buntis.
May kinuha siya sa bag “Ayan, sayo na yang sandwich ko.”
Kelly: Ho? Nako, wag na po.
“Hindi, ayos lang pasasalamat ko sayo at sorry sa abala.”
Kelly: O---Oh...sige po...pero kailangan ko na po kasi talagang umalis.
At nagmadali na si Kelly “Wait, anong pangalan mo?”
Habang natakbo “Kelly Dela Cruz po.” Sigaw niya.
Pero di niya gaano narinig “Ano???Ke---Kelly? Ano daw yung apelyido niya?”
Pulis: Miss, tara na po?
“Ah? Oo sige.”

     Sa Office,

Jillian: Vince, bakit wala pa si Kelly? Late na siya.
Vince: Hindi nga nasagot eh di ko na alam kung nasaan na ang lukang yon.
Jillian: Bakit ba di mo siya kasabay?
Vince: Ewan ko ba dun usapan namin eh susunduin ko siya eh tinakbuhan ako.
Jillian: Eh bakit?
Vince: Ay nako, alam ko na kasi naka van na white kasi kami ng tatay ko baka kala kami yung nababalitang nangunguha ng mga bata.
Jillian: Ah? Hahaha...si Kelly talaga.
Dumating si Maricar “Nasan si Kelly?” Aniya.
Vince: Mi----Miss Maricar wala pa po si Kelly.
Maricar: Bakit? Hindi ba’t lagi kayong sabay non?
Vince: Hindi ko rin po alam eh pero may iuutos po ba kayo sa kaniya? Kami nalang po muna ni Jillian.
Jillian: Opo Miss.
Maricar: Ahhh...di naman si General Manager kasi ang may kailangan sa kaniya.
Vince: Ho?
Maricar: Pakisabi nalang pag dumating siya pumunta siya sa office ni Sir Patrick.
Vince: O---Opo.
Maricar: Sige maiwan ko na kayo.
Jillian: Di ba sabi niyo kaklase niyo yung bago nating GM?
Vince: Oo pero bakit kaya niya pinapatawag si Kelly? Ano na naman kayang ginawa ng bungol na yun kay Patrick? Nako...Kellang!
Jillian: What is Bu---Bungol?
Vince: Ha? Ah...eh...
Hingal na hingal si Kelly ng dumating at gulo gulo rin ang buhok at ang damit “Guys...”
“KELLY!!!” Anila.
Vince: A---anong nangayare sayo?
Jillian: Halika maupo ka muna.
At tinuulngan niyang umupo si Kelly “Ano bang nangyare sayo?” Aniya.
Kumuha naman ka agad ng tubig si Vince “Oh...uminum ka muna.”
Uminom naman si Kelly “Hay...kapagod.”Aniya.
“Ano bang nangyare???”Anila.
Kelly: May magnanakaw kasi.
Vince: Ha? Ano? Anong ginawa sayo?
Chineck naman kaagad siya ni Vince “Pis! Umalis ka nga.”
Vince: Bakit ganyan ang itsura mo? Sinaktan ka ba ng magnanakaw?
Jillian: Oo nga bakit ganyan ang itsura mo? Ano naisumbong mo na ba sa mga pulis?
Vince: Halika, pumunta tayo sa police station.
Kelly: Kumalma ka nga! Hindi ako yung biktima tumulong lang ako.
“ANO???”Anila.
Kelly: Oo, hinabol ko yung magnanakaw naawa kasi ako dun sa buntis.
Vince: ANO??? Jusko naman Kelly!
Jillian: Delikado ang ginawa mo.
Habang inaayos ni Kelly ang sarili niya “Ayos lang yan at least nahuli ko yung magnanakaw.”Aniya.
Vince: KAHIT NA!!!! Delikado ang ginawa mong paghabol sa magnanakaw paano kung na disgrasya ka? Anong sasabihin ko kila kuya mo? Isusumbong kita kay kuya Kian.
Kukunin na sana ni Vince ang telepono niya pero biglang dumating si Patrick “Ano? Ayos ka lang ba Kelly? Saan? Saan ang masakit? Anong ginawa niya sayo??? MAG SALITA KA!!!!” Nagulat yung tatlo lalo na si Kelly.
Kelly: Ah? Eh...a---ayos lang ako tsaka bakit ka ba nasigaw????
Patrick: Ahem...ka---kasi...Syempre! Bilang ako ang nakakataas sa inyo reponsibilidad ko kayo...Ahem...at syempre hindi lang ikaw pati mga co-interns mo.
Kelly: O---okay...
Patrick: Sigh...sige magpahinga ka muna at kung may kailangan ka sabihin mo lang kay Ms. Maricar tapos puntahan mo ako sa office ko mamaya.
Kelly: O---Opo sige...Sa---salamat.
At umalis na nga si Patrick na ang pula ng mukha “Hoy! Anong meron sa inyo ni Patrick ha? Bakit wala kang nababanggit na close na kayo?”Ang sabi ni Vince.
Kelly: Heh! Kalalaki mong tao napaka tsismoso mo.
Jillian: Pero bakit parang sobra naman ata siya kung mag care sayo?
Kelly: Ewan ko sa inyo bahala nga kayo diyan.
Vince: Saan ka pupunta?
Kelly: Sa c.r sama ka?
Vince: Baliw!

     Sa Police Station,

Keith: Sir, nasan po yung babaeng buntis?
Pulis: Si Ms. Faith? Yung nanakawan ba ng bag?
“Keith? Bakit ka nandito?” Si Faith Cuenca ang babaeng nabuntis ni Keith.
Niyakap naman kaagad siya ni Keith “Ano? Nasaktan ka ba? Kamusta yung baby?”
Faith: Ah...eh...a---ayos lang ako may tumulong saking isang babae.
Binitawan niya si Faith “Babae? Bakit di mo kasi ako tinawagan na pupunta ka sa OB mo?”
Faith: Tsss...bakit pa? Hindi ba ikaw na rin ang may sabi na di ka sigurado kung ikaw ang tatay ng dinadala ko kaya para saan pa?
Natameme si Keith “Sir, sige po salamat kayo na pong bahala sa magnanakaw na yon.”
Pulis: Sige Ms. Faith ingat kayo.
At lumabas na nga si Faith hinabol naman siya ni Keith “Sandali lang Faith.”
Faith: Bakit ba kasi ikaw ang nandito si Lino ang tinawagan ko ah.
Keith: Busy kasi siya kaya tinext niya ako tapos nag-alala ako sayo at sa bata.
Faith: Huh! Alala??? Eh nung nalaman mo ngang buntis ako ni hindi mo ko magawang tignan sa mga mata eh tapos sasabihin mong nag-aalala ka? Huh! Wag ako Mr. Dela Cruz.
Umabante si Faith sa paglalakad pero pinigilan siya ni Keith “Bitawan mo ko!” Aniya pero hindi siya binibitawan ni Keith.
Keith: Hinde! Sasama ka sakin.
Faith: Sabing bitawan mo ko ayokong sumama sayo.
Keith: Sumunod ka na nga lang wag kang maligaleg.
Faith: Sabi ng bitaw kung hindi sisigaw ako dito.
Keith: Subukan mo lang.
Faith: Ahhh...TULONG!!! MAY MANYAKIS DITO.
Keith: Tsk...Ano?!
Faith: Manong pulis tulungan niyo po ako parang awa niyo na.
Tinakpan naman ka agad ni Keith ang bibig ni Faith “Mmm...mmm...”
Pulis: Sir, bitawan mo yung babae.
Keith: Ho? Ah...eh..Ano, asawa ko po siya.
Pulis 2: Ahhh...pre, away mag asawa lang hayaan na natin.
Faith: Mmmm...mmm....
Keith: Sige po mga Sir iuuwi ko lang I...TONG....A...SA...WA...KO...
At binuhat niya si Faith “Sige ingat kayo at ingatan mo ang asawa mo buntis pa naman.”
Keith: Sige ho Sir salamat.
At umalis “Mga kabataan talaga ngayon konting away lang mag dedemandahan na agad.” Sabi nung isang pulis.
Pulis 2: Sus..bakit kayo ng misis mo di nag aaway?
Pulis 1: Syempre hinde sa bahay siya ang aking kumander.

     Sa Office ng General Manager,

“Knock...Knock...”
Patrick: Ms. Dela Cruz ikaw na ba yan?
Pabulong-bulong si Kelly “Tsss...Ano kayang kailangan ng tukmol na ire sakin?”
Kelly: Yes Sir.
Patrick: Sige pumasok ka.
Binuksan ni Kelly ang pinto “Halika maupo ka.”
Kelly: Umm...
Nilabas ni Patrick yung isang box ng eggpie “Sige kumuha ka.”
Sa isip-isip ni Kelly “OMG! Ang bango talaga ng eggpie nila ate Maan.”
Kelly: Ahem...no thanks...
Patrick: Sigurado ka?
Kelly: O---Oo naman bakit mo ba ako pinatawag?
Habang hinahati ni Patrick yung eggpie napapalunok naman si Kelly “Sigurado ka bang ayaw mo talaga?”
Kelly: Ahem...kung wala naman kayong ipaguutos sakin aalis na ako.
Patrick: Sandali lang...masyado kang atat eh.
Pabulong bulong si Kelly “Pinapunta lang ata ako ng mokong na are dine para inggitin eh. Sampigahin ko kaya ng isa?
Patrick: Ano kamo?
Kelly: Ha---ha---ha...nako wala ho sabi ko pakabusog kayo...
Bumulong uli “Mabulunan ka sana.” Dagdag pa niya.
Patrick: Anyways, gusto ko sanang i-hire ka pagkatapos ng internship mo dito.
Kelly: A---Ano???










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*🤗

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon