Kabanata 28

18 1 0
                                    

Pagkalabas ni Kelly ng opisina ni Patrick “Tol, bag ko pahagis!” Aniya.
Vince: Ha?
Kelly: Yung bag ko bilis!
Vince: O---oo.
At inihagis nga ni Vince ang bag niya “Salamat una nako!” Ani Kelly at kumaripas ng takbo.
Vince: Kelly...saan ka pupunta?
Bigla namang sumulpot si Patrick at sinabing “Nasan si Kelly?”
Vince: Ayun kumaripas ng takbo ano bang nangyare?
Patrick: Sige...diyan ka na.
At hinabol ni Patrick si Kelly “Hoy!!!” Ani Vince.
Jillian: Ano bang nangyayare?
Vince: Di ko nga rin alam.
Hinabol ni Patrick si Kelly “Kelly!!! Sandali lang!”
Lumingon si Kelly at lalo pang nagmadali at nung malapit na sya sa entrance “Manog Bernie yung taxi.”
Bernie: Ha? O---oo sige...
At pagkalabas niya “Salamat po una na ko.” Tapos noon sumakay na sya kaagad sa taxi.
Bernie: O---oo sige....
Patrick: KELLY!!!
Bernie: Sir? May kailangan kayo?
Patrick: Manong guard naman bakit di niyo man laang pinigilan?
Bernie: Ho?
Hingal na hingal si Patrick “Sige ho pagbutihan niyo nalang trabaho niyo.
At umalis si Patrick “Sir....”Ani Bernie.
Huminto si Patrick “Tama lang na hinahabol ang mga babae pero kung babagal-bagal kayo baka maunahan kayo ng iba sa finish line.” Dagdag pa ni Bernie.
Patrick: Sige ho tatandaan ko yan.
Umalis na nga ng tuluyan si Patrick “Hayyyy...ang mga kabataan talaga ang bibilis sumuko.” Ani Bernie.

Sa bahay ng mga Dela Cruz,

Habang nakahiga sa kwarto niya si Kim may kausap sya sa telepono “Oo na, uminom ako ng gamot si Kelly ha? Bantayan mo sige na baba ko na ito.”
Kim: Sigh...mukhang tatarangkasuhin pa ata ako.
“Ding...Dong...”
Kim: Sino naman kaya yon?
At binaba ni Kim ang nag doorbell “Ding...Dong...”
Kim: Sandali lang andiyan na.
Pabulong bulong si Kim “Madaling madali may sakit nga yung tao eh. Sino naman kayang tukmol ito.”
Pagbukas niya ng gate may nakita siyang babaeng maiksi ang buhok at naka sumbrero na animo’y isang tomboy  “Ya----yanah?” Ang pagulat na sambit ni Kim.

Makalipas ang 30minuto,

Nakahiga yung Yanah sa kama ni Kim habang siya naman hawak-hawak ang kamay nito “Bitawan mo ako!!!”
Kim: Hindi kita bibitwan hangga’t di mo sinasabing ikaw ang nanakot kay Kelly!!!
“Huh! Baket??? Ilang babae ba ang tinatago mo dito?”
Diniinan pa lalo ni Kim ang pagkakahawak kay Yanah “ Baket? Nagseselos ka?”
“Ako?! Asa! Bakit naman ako magseselos? Pre, di tayo talo.”
Kim: Oh? Eh bakit ka nandito? Bakit ka nagpunta dito?
“Ka---kasi...”
Kim: See, you care for me pero ayaw mo pang umamin.
Natahimik si Yanah at nagkatitigan ang dalawa at unti-unting lumalapit ang mga labi ni Kim dito pero “Ku---kuya???” Ang bungad na sambit ni Kelly.
“Ba---by----si---sis???” Ani Kim habang hawak ang mga kamay ni Yanah.
“Baby---sis???”Ani Yanah...
Kelly: So---sorry si---sige....
At kumaripas na ng takbo si Kelly “Ke---Kelly!!!!”
Binitawan at hinabol ni Kim si Kelly pero nakalabas agad ito “Ka--kapatid mo siya?” Ani Yanah...
Napaupo nalang sa lapag si Kim “Oo bunsong kapatid namin!!! Tsk...paano na yan? Baka kung ano isipin nun!
Yanah: So---Sorry...
Kim: Sigh...Yaina nga! Tara sa loob.
Namula ang mukha ni Yanah “Sa---lo---ob?”
Pinisil ni Kim ang pisnge ni Yanah “Green minded ka na naman! May icecream sa loob mag mirienda ka muna.”
Yanah: Ice cream? Game!
At nauna pa siya pumasok kay Kim “Oh? Bilisan mo naman.”
Kim: Tsk...No one can resist the goodness of icecream.
Yanah: Bilisan mo na!
Kim: Oho!

Samantala,

Kakatakbo ni Kelly nakarating siya sa Chapel ng kanila subdivision “Hay...kapagod na.”
“Eh? May Chapel pala dito?”
Pumasok si Kelly at naupo “Dito nga muna ako nakakastress na ang araw na ito di pa man nagtatanghali.”
“Ahem...excuse me Miss?” Sabi ng isang matandang babae.
Paglingon ni Kelly “He---Hello po?”
“Maaari ba akong tumabi sa iyong pagdarasal?”
Kelly: O---opo naman po.
At tumabi nga sa kaniya yung matandang babae “Alam mo ineng, lagi akong napunta sa Chapel na ito at madalas wala dineng tao.”
Kelly: Ganun po ba? Sorry po naistorbo ko po ba ang inyong pagdarasal?
“Hindi naman nagulat lang ako na may nagpupunta pala ditong gaya mong kabataan.”
Sa isip-isip ni Kelly “Nako, kung alam nyo lang firstime ko ho dine.”
“Nga pala, ako si Mrs. Benedicto tawagin mo nalang akong lola Nena.”
Nagmano si Kelly “Kinagagalak ko po kayong makita at makilala lola Nena ako naman ho si Kelly taga dine din ho ako sa subdivision kayo rin po ba?”
Lola Nena: Oo taga rine rin ako yun nga lang kami nalang ng asawa ko ang nasa bahay kasi ang mga anak namin kahit ang mga apo ay may kani-kaniya ng pamilya at trabaho.
Kelly: Ganoon ho ba? Uhm...paano po kayo? Saan kayo nakuha ng pagkakakitaan? Pinadadalhan po ba kayo ng mga anak ninyo?
Lola Nena: Oo kaso di sapat ang pera para maging maligaya.
Sa isip-isip ni Kelly “Hmmm...sa bagay minsan talaga magandang kausap mga matatanda ang daming leksyon sa buhay na matutunan.”
Kelly: Ahhh...lola, kung gusto niyo po dadalawin ko kayo sa inyo kung ayos lang? Tapos bumisita rin kayo samin papakilala ko kayo sa mga kuya ko.
Lola Nena: Talaga? Ayos lang sayo?
Kelly: Opo maliit na bagay kering-keri lola.
Lola Nena: Hahaha...kakatuwa ka naman sige isasama kita sa bahay namin may niluto akong sopas bibigyan kita.
Kelly: Talaga po? Sakto gutom na rin po ako eh kakatakbo.
Lola Nena: Sige magdasal na muna tayo.
Kelly: Roger that lola!

Sa Opisina ni Patrick,

Vince: Andito na po ako Sir.
Patrick: Sige maupo ka.
Vince: Bakit niyo raw ako pinatawag?
Patrick: Wag mo na akong i-sir o i-po di bagay.
Vince: Tsss...oh eh bakit nga?
Patrick: Si Kelly...
Vince: Nga pala ano bang ginawa mo sa kaniya?
Patrick: Wala, ako pa ng anag naagrabyado napilipit ang kamay  ku’y.
Vince: Well deserve mo naman.
Patrick: Tsss...
Vince: Eh bakit nga?
Patrick: Mukhang lalo pa siyang nagalit sakin.
Vince: Oh eh anong bago ron?
Patrick: Tsk...yun na nga dumoble pa yung galit niya sakin kasi sabi ko may pagtingin na ako sa kaniya.
Vince: Ahahaha...umamin ka na? Pre, dapat sinabi mo muna sakin na magtatapat ka na sa kaniya bungol! Hahaha...
Patric: Ha? At bakit tawang tawa ka naman diyan?
Vince: Sigh...di mo pa talaga kilala si Kelly alam mo may pagka isip bata yon kaya malamang di ka niya sineryoso sa mga sinabi mo. Tungaw!
Patrick: Eh ano bang dapat kong gawin? Sa tingin ko na fall na talaga ako sa kanya eh.
Lumapit at bineltukan niya si Patrick “Ano?! Bakit mo ko bineltukan?”
Vince: Chill dude! Mukhang gising ka naman nasaktan ka eh.
Patrick: Baliw ka ba???
Vince: Ang akin lang dapat dinaan mo sa santong dasalan.
Patrick: What do you mean?
Vince: Sigh...kasi nga NBSB ang lola mo malamang may pagka inusente yun pagdating sa love.
Patrick: Ha?
Vince: Alam mo ikaw rin eh...sigurado ka na ba sa pinsan ko? Bungol yun at malakas ang ketek tsaka kala ko ba pagpapanggapin mong kapatid si Kelly para makauwi ka sa inyo.
Patrick: Oo pero nitong mga nakakaraang araw napansin ko malayong malayo si Kelly kay Paula.
Vince: Malamang! Buhay si Kelly dedbol na si Paula...ay sorry.
Patrick: Tsk...tungkol naman sa pagtingin ko kay Kelly di ko rin alam kung pagmamahal ba dahil mahal ko siya bilang siya o dahil kamukha lang siya ng kapatid kong si Paula.
Vince: Mahirap nga yan, eto ha usapang tino kung ako sayo obserahan mo muna bago ka ulit mag tapat ng feelings mo kay Kelly.
Patrick: Paano?
Vince: Easy man! Ganito kung makikita mo ba si Kelly na may kasamang ibang lalaki anong iisipin mo?
Patrick: Kaibigan? Tropa?
Vince: See! Hindi ka pa talaga totohanang nahuhulog sa kaniya kung sa iba yan isasagot nila “Syempre magseselos!” Eh ikaw? “Kaibigan? Tropa?”
Tahimik lang si Patrick “Alam mo pre kung mahal mo ang isang tao malalaman mo yan kapag talagang siya ang sinisigaw ng puso at isipan mo. Wag kang mag madali dahil sa ngayon wala pa naman talaga syang balak sa mga ganyang relasyon. Pwera nalang kung ligawan siya ng long time crush niya.” Dagdag pa ni Vince.
Patrick: Huh! Sino? Si Ethan?
Vince: Oh! Ayan ganyan ang sagot sa tingin ku’y konting selos pa’t talagang di lang hulog, plakda pa ang iyong pagtingin kay Kelly niyan.
Patrick: Paano nga kung ma-develop ako kay Kelly? Paano naman kung siya’y walang ni singkong pag tingin para sakin?
Vince: Alam mo si Kelly madaling maawain yan.
Patrick: Ano? Anong tingin mo sakin? Pusang naligaw o namamalismo sa daan?
Vince: Ay...hindi ba? Ahahaha...joke lang ni literal mo kasi tungaw! What I mean is mababaw si Kelly kaya sa tingin ko kapag tuluyang na fall ka na nga sa kaniya “The feeling is mutual” naman. Yun lang eh kung hindi ka nga mauunahan ng iba diyan. Malakas rin ang pakiramdam kong may pagtingin na rin si Ethan sa kaniya eh.

Kinagabihan,

“Andito na kami.” Sambit ni Kian kasama sila Keith at Kevin.
Kim: Ahem...andiyan na pala kayo..ahem...
Kevin: Oh? Parang masama ang ubo mo bro.
Keith: Oo nga, si Kelly andiyan na?










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon