Kabanata 12

26 0 0
                                    

     Makalipas ang isang oras,

Nagtatawanan sila Kelly at Dave at napansin ito ni Mimay “Kailan pa naging close sila Kelly at Dave?” Aniya.
Harvey: Selos ka?
Mimay: Hin---hindi noh!
Harvey: Sus...ikaw pa.
Mimay: Heh!
Vince: Manahimik nga kayong dalawa pagbubuhulin ko na kayo eh.
Mimay: Oh...ayun rin si Patrick.

Samantala,

Patrick: Ang saya...naman.
Dave: Du—Dude!
Kelly: Tsss...pumangit na naman ang araw ko. Humph...
Ang sama ng tingin ni Patrick kay Dave “Anong pinaguusapan niyo at ang saya saya niyo naman ata.”
Dave: Ha? Ah...wa---wala naman dude mga bagay bagay lang.Ha---ha---ha...
Patrick: Gaya ng??
Kelly: Eh ano bang pake mo? Halika na nga pre bigay na natin ang flyers kay Harvey.
Ang sama pa rin ng tingin ni Pattrick kay Dave “Ha? A---ano ikaw nalang may gagawin pa nga pala ako...Si---sige alis na ko ha?” Tugon ni Dave na ani mo’y ninenerbyos at kumaripas ng takbo.
Kelly: Hoy!!! Saan ka pupunta?
Hinarangan naman siya ni Patrick “Hep!”
Kelly: Umalis ka nga diyan!
Patrick: Gusto mo samahan kita kay Class Pres?
Kelly: Humph...
At iniwanan siya ni Kelly “Kelly!!!” Pahabol na tugon ni Patrick.

Kinahapunan,

Prof Mina: Tapos na rin tayo sa wakas, sige maaari na kayong umuwi at para makapag pahinga kayong lahat. Wag niyong kakalimutan ang mga costume at ang mga naka assign sa inyo para bukas ha?
“Yes Prof.” Anila.
Mina: Okay, Goodbye Class See you tomorrow.
“Bye Prof.” Anila.
Mimay: Waaahh....excited na ako.
Harvey: Sus...kailan ka ba naman di na excite.
Mimay: Ikaw!!! Kahit kailan ka talaga! Anyways, baby Kelly gusto mo bang daanan kita sa inyo bukas ng umaga para maayusan kita?
Kelly: Ha? Bakit?
Vince: Sigh...sige Mims pumunta ka sakanila dahil sigurado akong di niya alam gagawin niyan.
Kelly: Ano?!
Mimay: Sige mga 6am nandun na ako sainyo 9am naman ang start ng event eh.
Vince: Sige sunduin ko nalang kayo...Ikaw Harvey?
Harvey: Ah? Nako mauuna ako sa inyo may gagawin pa kasi kaming mga SC eh.
Vince: Ohhh...ganun ba.
Kelly: Gutom na ko.
Mimay: Ah! Alam ko na kumain muna tayo dun sa bagong bukas na food park.
Kelly: Eh? Meron? Tara?
Vince: Kow! Basta pagkain ang biles mag paalam ka muna kay kuya Kevin.
Kelly: Tsss...oo na ho!
At kinuha na nga ni Kelly ang telepono niya para itext si Kevin “Oh ikaw dakilang epal sama ka?” Ang sabi ni Mimay.
Harvey: Ako?
Mimay: Eh sino pa ba? Ikaw lang naman ang malaking epal sa buhay ko.
Harvey: Tsss...mamimiss mo ko pag nawala ako sa buhay mo isang beses.
Mimay: Asa!
Harvey: Tsss...Pero di ako makakasama may gagawin pa kasi kaming mga SC eh.
Vince: Kaya ayokong sumali sa mga SC na yan eh daming gawain.
Harvey: Yeah...
Kelly: Sus...eh di ka naman talaga makakasali dahil di ka namin binoto. Tse!
Vince: Ano??? Baka gusto mong itext ko si kuya Kevin para di ka payagan diyan.
Kelly: Sorry...nag reply oo daw. Bleeeh...
Mimay: Oh...yun naman pala eh tara na.
Kelly: Okay!
Vince: Tsss...oh paano bro maiwan ka na namin?
Harvey: Oo sige bawi ako nextime ingat kayo.
Kelly: Bye Class Pres.ingat ka rin pag uwi.
Harvey: Oo.
Mimay: Ge bye ingat sila sayo.
At umalis na yung tatlo “Baliw! Wag mo kong ma-miss ka agad.” Ang pahabol na sagot ni Harvey.
Mimay: Asa ka pa!
Harvey: Silly!
Nilapitan naman siya kaagad nila Dave at Patrick “Class Pres.saan sila pupunta?” Ang sabi ni Patrick.
Harvey: Ahhh...dun sa bagong food park sa may plaza.
Dave: Ohhh...malapit lang para Dude.
Paglingon ni Harvey “Kayo?” Aniya.
Dave: Oh? Bakit parang gulat na gulat ka naman diyan.
Harvey: Tsss...diyan na nga kayo.
At iniwan na nga sila ni Harvey “Class Pres!!! Bakit feeling ko ang bigat ng pakikitungo sakin nun.” Ang sabi ni Dave.
Patrick: Kung ako siya mauuma rin talaga ako sa pag mumukha mo.
At nauna na naglakad si Patrick “Ano??? Hoy...Intayin mo naman ako!! Saan ka ba pupunta?”
Patrick: Bilisan mo pupunta tayo sa food park.
Dave: Food park?
Pandalas naman si Dave “Bakit tayo pupunta doon? Eh di ba ngayon ang dating ng mommy mo di ka ba uuwi?”
Patrick: Bakit pa?
Dave: Sigh...bahala ka nga pero bakit tayo pupunta sa food park?
Patrick: Si Dora ka ba?
Dave: Ano? Bakit?
Patrick: Kase bungol ka! Ano bang ginagawa sa food park?
Dave: Kuma—kain?
Bineltukan siya ni Patrick at sinabing “MALAMANG KAKAIN!!!!”
Dave: Tsk...sus...if I know andoon kasi si Kelly kaya gusto mong pumunta doon.
Patrick: Alam mo minsan gusto na kitang gulpihin eh yung tipong uunahin ko yang bibig mo. Napakadaldal! Diyan ka na nga bwiset!
At kumaripas na ng takbo si Patrick “Dude!!!! Intayin mo ko!!!” Ang pasigaw na sabi ni Dave.
Patrick: BUNGOL!!!

Sa Food Park,

Kababa lang nila Kelly ng Jeep “Wow...ang ganda naman dine.” Aniya.
Vince: Kow! Ganda ba talaga o naaamoy mo na yung mga pagkain?
Kelly: Ewan!
Mimay: Tara, bilis excited na ako.
Sa isip-isip nila Kelly at Vince “Tama nga si Harvey wala atang araw na di siya na excite. Sigh....”
Mimay: Guys! Ano na? Bilisan niyo naman diyan.
“Ha? O—oo andiyan na.” Anila.
Habang nauuna sa paglalakad si Mimay “Hoy Kellang, sigurado ka bang nag reply talaga si kuya Kevin na pumapayag siya?” Sabi ni Vince.
Kelly: Oo nga! Kailan ba ko nagsinungaling sayo?
Vince: Gusto mo sagutin ko yan?
Kelly: Ha---ha---ha...ikaw naman di na mabiro.
Vince: Ewan sayo!
Mimay: Guys! Bilis may litson sila dito oh.
Kelly: Talaga?
Pandalas naman si Kelly ng lapit kung na saan si Mimay “Sigh....nagsama ang dalawang PG!” Ang sabi ni Vince.

Makalipas ang ilang minuto,

Ang daming nabili nila Kelly at Mimay samantala kay Vince ay dalawang klase lang “Kainan na!” Ang sabi nila Mimay at Kelly.
Vince: Mauubos niyo yan?
“Oo naman.” Anila.
Vince: Grabe mas malakas pa kayong kumain sakin? Kababae niyong tao eh.
“Edi wow.” Anila.
Vince: Bahala nga kayo!
“Kumain ka nalang kase!” Anila.

Samantala,

Dave: Dude, ano di ba tayo lalapit sa kanila? Tsaka di mo ba kakainin yang shawarma mo? Pede akin nalang?
Patrick: Bahala ka!
Kinuha naman ka agad ni Dave ang shawarma ni Patrick “Ayos! Di ka ba kakain?”
Patrick: Manahimik ka na nga lang diyan.
Habang nakain “Bakit ba kasi di tayo magpakita sa kanila? Close na kaya kami ni Kelly.”
Napatingin ng masama si Patrick kay Dave “Ha---ha---ha...sabi ko nga dito nalang tayo ang hangin hangin pa dine... Ha---ha---ha...”
Sa isip-isip ni Dave “Kung nakakapatay ang mga tingin kanina pa ako walang buhay sa mga mata ni Patrick...Grabe!”
Patrick: Ang lakas niya namang kumain.
Dave: Sino?
Patrick: Si Kelly!
Dave: Well, kakaiba nga siya pati na rin yang si Mimay mga weirdo sila.
Patrick: Ni hindi niya man lang sinisigurado kung malinis ba ang pagkain dine.
Pabulong-bulong si Dave “Ikaw lang naman kasi itong metikuloso sa pagkain.”
Patrick: Naririnig kita!
Dave: Ha---ha---ha...wala yon Dude gusto mo bilan kita ng tubeg?
Patrick: Hindi na, parang wala naman silang spring water dine.
Sa isip-isip ni Dave “Once a rich kid always a rich kid...Sigh...”

Sa kinauupuan nila Kelly,

Di na naubos ni Kelly ang kinakain niya “Oh ano? Ganyan ka eh takaw tingin lang.” Ang sabi ni Vince.
Mimay: Bakit ayaw mo na?
Kelly: Ummm...
Habang nililipat ni Vince sa plato niya ang mga natirang pagkain ni Kelly “ Ganyang ganyan yan bata palang kami laging takaw tingin pero isa o tatlo sa mga kinuha niya di niya titikman kasi mabilis yang mabusog.”
Kelly: Tsk...
Mimay: Ohhh...now I know pero ba---bakit mo kinukuha mga natira niyang pagkain?
Vince: Ahhh..ito ba? Ganun din ako bata palang kami ako na taga ubos niyan nakasanayana lang...Hehe...
Mimay: Ka---kaya ba dalawang klase lang ang inorder mo?
Vince: Ahhh...oo kasi alam ko na kasing mangyayare ito.
Kelly: Tsss...
Vince: Pa ismid-ismid ka pa diyan! Puro ka aksaya!
Mimay: Ahahahaha...nakakatuwa naman kayo kung di ko nga alam na mag pinsan kayo iisipin ko na mag jowa kayo.
“IWWWW!!!!” Ang reaksyon ng dalawa.
Mimay: Hahahaha...buti nalang talaga mag pinsan kayo.
Kelly: Tsk....Anyways, saan ang c.r dito?
Vince: Bakit na...aano ka na ba?
Kelly: Baboy! Gaya mo ko sayo laging nagbabawas gusto ko lang mag hinaw ng kamay.
Vince: Sus...andoon sa me gilid me nakita ako kanina malapit doon sa unang food stall.
Mimay: Samahan kita?
Kelly: Di na di ka pa naman tapos kumain.
Mimay: Sige ubusin ko lang ito tapos sunod ako sayo.
Kelly: Okay...
Habang naglalakad si Kelly suot-suot niya naman ang hood nito tapos biglang may bumunggo sa kaniyang isang lalaki na may dala-dalang pagkain at nagtapunan ito “Anak nang! Hoy! Bulag ka ba?”
Kelly: Sorry pero ikaw ang bumangga sakin.
“Huh! Ako? Eh ikaw itong di nakatingin sa daan.
Kelly: Sorry pero ayoko ng away. Sige!
Papaalis na sana si Kelly pero pinigilan siya nung lalaki at hawak ang braso niya “Ano? Tatakas ka? Bayaran mo lahat ng binili ko!”
Kelly: Sir, bitawan mo ko kung ayaw mong masaktan.
“Hahahaha...ano yon joke? Bakit superhero ka? Mag bayad ka tsaka kita bibitawan.”
Kelly: Sabing BITAW!!!











*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon