Kabanata 78

8 0 0
                                    

Habang nakain yung mag tita,

Jacob: Tita Kelly!!!
Na nakatingin parin sa brown envelope “Ano yon?” Ani Kelly.
Jacob: Bakit po ba di kayo makali diyan?
Kelly: Ano?
Jacob: Simula po kasi ng dumating yang delivery para kay daddy di na matinag yang tingin niyo dun sa brown envelope.
Kelly: Ah...eh...kasi nga curious ako.
Jacob: Eh di buksan niyo na po.
Kelly: Nako! Yan ang wag na wag mong gagawin okay? Bad ang mangialam ng may gamit ng may gamit. Tandaan mo yan Siopao.
Jacob: Opo, ang akin lang naman po kasi di kasi kayo makale kaya na bo-bother lang po ako.
Kelly: Eh...kasi nga baka yan na yung DNA result niyo.
Bigla namang nalungkot si Jacob “Oh? Bakit nalungkot ka naman diyang bigla?”
Jacob: Eh paano po kung di niyo ako kadugo talaga? Ayoko na pong umalis dine.
Kelly: Sigh...halika nga.
Jacob: Bakit po?
Lumapit si Jacob at niyakap siya ni Kelly “Wag kang mag-alala kadugo ka namin okay? Nanalig ako na ikaw ay anak ni kuya.”
Jacob: Eh paano po kung hindi? Papalayasin niyo na po ako dine?
Kelly: Sigh...hinde! Di yun mangyayare.
Jacob: Pero...
Kelly: Ah...basta hindi ka aalis dito sa bahay kahit anong mangyare.
Naiyak si Jacob “Waahhhh...tita Kelly...”
Kelly: Hala! Wag ka ng umiyak! Okay, sige bubuksan na natin yung envelope para di ka na masad.
Jacob: Pero sabi niyo bad yung mangialam ng gamit ng iba
Kelly: Ayos lang yan ako naman nag receive eh ako ng bahala kay kuya. Sige na bilis tara buksan na natin yung envelope gigil na ggil na rin talaga ako eh.
Jacob: O--po.

Sa Clinic ng DLRU,

“Knock...knock...”
Vince: Nurse Kevin?
Kevin: Vince? Kala ko wala kayong pasok?
Vince: Ahhh...opo wala nga may sinauli lang po ako sa library.
Kevin: Ohhh...I see halika pasok.
Vince: Uhm...si ate Alice po kasi may pinasasabi sakin kaya napadaan ako kala ko nga wala kayo dine kasi sabi ni Kelly na duty kayo sa DLRH.
Kevin: Ahhh...oo kahapon pero ano ba yung gustong sabihin ni Alice?
Vince: Sa Sabado raw po may reunion ang highschool batchmate niyo.
Kevin: Ahhh...ganun ba? Siguro may email siya sakin o chat di pa kasi ako nakakapag bukas busy kasi ako lately.
Vince: Opo kaya pinapunta ako ni ate dine.
Kevin: Salamat sa info.sabihin mo aattend ako sabay nalang kamo kami.
Vince: Sige sasabhin ko kay ate...Ahm...mauuna na po ako.
Kevin: Ah...oo sige...
Vince: Okay.
Kevin: Wait lang.
Vince: Ho?
Kevin: Maaari ba kitanag makausap? Tungkol lang kay Patrick.
Vince: O—Oh sige.
Naupo at naguusap yung dalawa “Jusmiyo naman bakit di mo yan nasabi samin? Hindi ba’t ibinilin namin sayo si Kelly?” Ang sabi ni Kevin.
Vince: Ehhh...sorry naman hindi rin naman nabanggit yon sakin ni Kelly nalaman ko lang din yun sa mismong bibig ni Patrick.
Kevin: So, busted pala si Patrick kay Kelly? Mabuti yon mga bata pa kayo kaya wag muna kayong mag lo-love life.
Sa isip-isip ni Vince “Sakin nga wala atang may gusto.”
Kevin: Pero nabanggit mo na di nabanggit sayo ni Kelly? Imposible naman ata yon bff ka nun eh mas may tiwala pa nga siya sayo kesa saming mga kuya niya.
Vince: Sigh...maniwala kayo’t sa hinde naglilihim rin sakin si Kelly kala niyo lang open kami sa isa’t-isa pero one sided lang yun ako ang di nakakapaglihim sa kaniya lagi niya kasi akong nabibisto.
Kevin: Well...
Vince: Pero wag na kayong mag-alala sa tingin ko wala pa rin naman talaga sa isip ni Kelly ang mga ganung bagay di ba nga sabi niyo hangga’t di kayo nakakapag asawang mga kuya niya hinding-hindi makakapag boyfriend si Kelly.
“ Kawawang Kelly tatanda ng dalaga.” Dagdag niyang sambit pero mahina ang pagkakasabi niya rito.
Kevin: Hoy! Naririnig kita lukong ito! Sumbong kaya kita kay Alice? Lintek na ito!
Vince: Kayo naman di na mabiro. He---he---he....
Kevin: Sa tingin mo malungkot kaya si Kellang?
Vince: Si Kelly? Malungkot? Bakit naman?
Kevin: Dahil sobrang higpit namin?
Vince: Well, kung ako rin naman kayo nag-iisang babaeng kapatid niyo si Kelly tapos bunso pa siguro maghihigpit rin ako sa kaniya kaya okay lang yun pero sana wag niyo siyang sakalin na sa ending baka mag rebelde siya mahirap yon.
Kevin: Sigh...sabagay may point ka siguro kakausapin ko rin sila kuya. Sige salamat maaari ka ng umalis.
Vince: Ahm...narinig niyo naman na yung tungkol kay Patrick anong gagawin niyo sa kaniya?
Kevin: Mmm...nakausap ko siya at nakiusap sya na wag kong babanggitin ang about sa pamilya nila dahil lalayuan na raw niya si Kelly. Anong trip non?
Vince: Sinabi niya yon? Kailan?
Kevin: Kahapon nasa ospital kasi ako di ga? At ako ang naka assign na nurse sa daddy ni Patrick kahapon kaya nalaman ko ang buong kwento.
Vince: Ohhh...ganun pala oh eh anong gagawin niyo?
Kevin: Edi, ang mag lihim nga kay Kelly alam ko namang kahit di mo sabihin at ni Kelly sigurado akong importante si Patrick sa kapatid namin kaya mananahimik nalang ako. Eh kayo?
Vince: Gaya niyo mananahimik nalang muna kaming mga kaibigan niya kilala natin si Kelly ayaw niya ng may umaalis.
Kevin: Pero matanong ko lang ano? Bakit lalayo na si Patrick kay Kelly? Aalis ba sya? Pupunta ng ibang bansa?
Vince: Hinde kala ko ba alam niyo na ang buong kwento?
Kevin: Syempre yung about lang doon sa ospital.
Vince: Ahhh...si Patrick na kasi ang papalit sa daddy niya kaya di na siya papasok magiging busy na siya simula ngayon.
Kevin: Ohhh...yun pala ang ibigsabhin niya sa lalayuan niya na si Kelly. Sandale! IBIGSABIHIN SIYA NA YUNG MAY ARI NG SM????
Vince: Ahm...actually hindi lang SM kung hindi ang buong negosyo ng mga SANTOS.
Kevin: Woah...hindi ba parang ang bata niya pa para maging taga pag mana.
Vince: Di ga nga ho kayo ang naging nurse ng daddy niya malamang sa alamang na alam niyo ang kondisyon nito.
Kevin: Ay...oo nga pala nasa coma parin ang daddy niya. Sigh...ang yaman nga nila tapos di naman sila masaya. Ang komplikado naman!
Vince: Yeah...napaka komplikado nga ng buhay ni Patrick naawa nga kami sa kaniya eh kasi di naman niya gusto ang ganung gawain.
Kevin: Anong ibig mong sabihin?
Vince: Hindi niya kasi gustong i-inherit ang negosyo nila gusto niya lang ng simpleng buhay kaya nga tinago niya sa publiko kung sino talaga sya eh.
Kevin: Oo nga ano I.T course siya at hindi business course.
Vince: Ayaw niya kasing maging taga pag mana pero dahil nga sa nangyare sa daddy nya no choice siya well, matalino naman si Patrick kaya kahit di business course ang kinukuha niya marami siyang alam dahil bata palang daw sila tinuturuan na sila ng mommy at daddy nila patungkol sa mga negosyo nila.
Kevin: Sila?
Vince: Oo may mga kapatid si Patrick kaso sakit sa ulo well, yung kapatid niyang babae may sarili kasing buhay kaya ayun no choice talaga siya tapos yung kuya naman daw nila lulong sa casino kaya. Sigh...ang hirap ikwento ako ang naaburido sa buhay niya.
Kevin: Yeah...sakit sa ulo niyan.
Vince: Kaya nga kung may pagkakataon gusto sana naming iregalo sa kaniya si Kelly.
Kevin: Oo nga para maging masaya siya. Ha? ANO??? Hindi pwede!
Vince: Ahahaha...chill joke lang naman yun what I mean is kamukha kasi ni Kelly ang kapatid niyang bunsong babae.
Kevin: Si Kelly? Kamukha? Yung bunso nilang kapatid? Sandali nga ilan ba silang magkakapatid?
Viince: Ganito kasi yon...
At ikinuwento na nga ni Vince ang mga bagay-bagay tungkol kay Patrick samantala sa magkaparehong oras “I’m home guys.” Ang sabi ni Kian.
“Eh? Nasan yung dalawa?”
“Kelly? Jacob? Nasan kayo?”
Hinanap ni Kian yung dlaawa at nakita niyang bukas yung underground nila “Eh? Bakit bukas ito?” Aniya at pumasok siya at nakita niyang andoon yung dalawa nakaupo at tumitingin ng photo album.
Jacob: Si daddy po yan?
Kelly: Oo sabi nila si kuya Kian yan well, di ko kasi alam syempre malaki ang agwat ng edad ko kila kuya kaya di ko alam kung ano ba talagang itsura nila nung mga kabataan nila.
Jacob: Tita Kelly gusto ko rin po magkaroon ng nakababatang babaeng kapatid.
Kelly: Ha?
Nakikinig naman sa likuran nila si Kian “Opo, gusto ko apat rin kaming magkakapatid na lalaki tapos may bunso rin kaming babaeng kapatid gaya mo po.” Ang sabi ni Jacob.
Kelly: Oh? Pero bakit naman? Di kaya masayang iisang babae ka lang ako nga hirap na hirap na kila kuya masyado silang maghigpit.
Sa isip-isip ni Kian “Lintek na ito! Lagot ka sakin mamaya.”
Kelly: Pero I used to it masaya ring may mga kuya kasi ang cool nun.
“Asus...bumawi naman pala agad.” Ang pabulong bulong na sambit ni Kian.
Jacob: Opo gusto ko ring maging kapatid ang kagaya nyo ang astig niyo kaya.
Kelly: Talaga? Pero ayaw nila kuya kapag kumikilos ako ng kilos lalaki nagiinit ang mga tuktok nila.
Jacob: Pero masaya po yun kasi may pumoprotekta sayo syempre kasama po ako doon.
Kelly: Sabagay, masaya rin naman talagang may mga kuya pero minsan nga lang nakakasakal kaya kung magkakaroon ka ng kapatid na babae in the future pangalagaan mo ha? Gaya ng pag-aalaga sakin nila kuya pero wag naman yung nasasakal na siya. You know what I mean?
Jacob:Opo in a nice way.
Kelly: Ang talino mo talagang bata.
Jacob: Ahm...paano po? Ano pong sasabihin natin sa kanila about sa DNA test?
Kelly: Ah...eh...
“DNA TEST??? Dumating na? Nasaan?” Ang bungad ni Kian.
Sabay lumingon yung dalawa “Ku---kuya???” Ang sabi ni Kelly.
Walang kibo si Jacob “Ano? Nasan na yung result?” Ang sabi ni Kian.
Kelly: A---andoon sa kabinet sa sala.
At pandalas naman ng nagtungo si Kian sa sala na hindi pinapansin si Jacob “Tita Kelly.” Ani Jacob na humawak sa kamay ng tita niya.
Kelly: Wag kang mag-alala everything is under control chill ka lang okay?
Jacob: Pero tita...
Kelly: Makinig ka magiging okay ang lahat kaya wag ka ng mag-alala ha? Ako ng bahala mag explain.
Jacob: Sige po.
At sumunod nga yung dalawa kay Kian sa sala.






*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon