Kabanata 30

24 0 0
                                    

Sa Hardin,

Nakaupo at nakatulala lang si Kelly “Master?” Sambit ni Dave.
Kelly: Yow?
Naupo malapit kung nasaan si Kelly “Mag start na ang klase bakit nandine ka pa rin.”
Kelly: Ikaw rin naman.
Dave: Oo nga noh? Ahahaha...may meeting pa naman daw mga prof.
Kelly: Bakit ka nandine?
Dave: Ha? Ah...eh...may nakita kasi akong paru-paro sinundan ko dito.
Kelly: Paru-paro?
Dave: Ahhh...oo mahilig ako sa mga insekto pero di naman lahat yung tatay ko kasi mahilig mangulekta ng mga paru-paro.
Kelly: Yung nilalagay ba sa frame? Ano yun business nyo?
Dave: Ahhh...nako hinde hobby lang sa katunayan nga may isang pader sa bahay namin na puro-paro ang mga naka sabit.
Kelly: Oh? Yung kuya Kim ko may alagang tarantula naman
Dave: Astig! Saan siya nabili ng ipis?
Kelly: Yikes...ipis?
Dave: Oo yun ang kinakain ng tarantula.
Kelly: Oh? Di ko alam kasi di naman ako nalapit sa mga alaga ni kuya.
Dave: Samin may ipis baka gusto ng kuya mo.
Kelly: Iwww..ipis gross.
Dave: Ahahaha...Master, may alaga kasi ang tatay ko na iba’t ibang uri ng ipis pinagkakakitaan niya yun bukod sa hobby niyang collection ng mga paru-paro.
Kelly: Eh? Ipis? Gross....paano yun ang business niyo talaga? Ang baho ah.
Dave: Hahahaha...Hindi naman isang quality control si tatay sa isang factory kung saan din ako nag i-intern.
Kelly: Oh...I see but I don’t know kung saan nabili si kuya ng iwie na ipis....yikes.
Dave: Ahahahaha...ayos lang nga pala master may problema ka raw?
Kelly: Ako? Sino naman may sabi?
Dave: Eh....syempre si Mims tsaka sila sila...baka gusto mo ng kausap?
Kelly: Hmmm...well, gusto ko nga ng mapagtatanungan pwede ka?
Dave: Oo naman ikaw pa ba Master?
Kelly: Paano kung makakita ka ng dalawang lalaki sa loob ng isang kwarto? Anong iisipin mo?
Dave: Hmmm...tipikal na mag kaibigan? Kasi kami ni Patrick lagi naman kaming magkasama simula pagkabata at  wala namang kakaiba samin? Sa palagay ko?
Kelly: Eh paano kung makita mong they trying to kiss each other?
Dave: ANO???
Kelly: Sigh...see that’s what I’m thinking shocking di ba? Are they gay? Right?
Dave: Ummm...di ko naman sinasabing yun nga gay pero di dapat natin sila jinajudge di naman kasi tayo perpekto.
Kelly: Well of course ang akin lang sana mag sabi naman di yung ginugulat kami.
Dave: Sandali nga master sino ba yung tinutukoy mo?
Kelly: Just nevermind titiyakin ko na muna sabi mo nga di ba di tayo perpekto kaya sige iimbestigahan ko muna.
Dave: O---okay?
Kelly: Tara na nga baka start na yung class.
Dave: Ay...oo nga bilis master.

Makalipas ang ilang oras,

Mina: Goodbye Class mag review kayo okay? Nextweek na ang midterm exam.
“Yes Prof.” Anila.
At naghahanda ng umuwi sila Kelly “Princess, ano sabay ka ba sakin?” Ang sabi ni Vince kay Kelly.
Kelly: Yeah...may choice ba ko? Tsss...
Mimay: Princess??? Si Kelly?
Vince: Ahhh...oo nung mga bata kami tawag kasi sa kaniya ng mga kuya at ng daddy niya “little princess” or baby girl.
Kelly: Tsss...I’m not little anymore mag kasing tangkad na nga tayo.
Vince: Sus...kahit na mas matanda parin ako sayo ng isang taon.
Kelly: Ano naman? Tara na nga!
Mimay: Sabay na ko.
“Aba ako din.” Ang sabi ni Harvey.
Vince: Sige tara na kumain kaya muna tayo? Game?
“Syempre!” Anila.
“Master!!!” Ang sabi ni Dave at lumapit sila ni Patrick sa mga ito.
Kelly: Bakit?
Dave: Nagtext kasi ako kay tatay yung kanina sabi niya pwede mo daw isama ang kuya mo para makita yung alam mo na.
Kelly: Ahhhh...sige sasabihin ko pag-uwi ko.
Nagkatinginan yung apat at nagtataka kung ano yung pinag-uusapan nung dalawa “Okay, sa Sabado?”
Kelly: Ummm...sige try namin chat kita ge una na kami. Guys, tara.
“O---oo.” Anila.
Siniko ni Patrick si Dave “Ah...eh...Master, pwede ba kaming sumabay? Sabi ni Dave.
Kelly: Umm...okay lang naman pero biyahe kami ayos lang ba diyan sa kasama mo? Tsss...
Inirapan ni Kelly si Patrick “Nako...oo naman wala kaming sasakyan ngayon.”
Kelly: Okay...fine by me how about you guys?
Sumenyas si Vince kay Patrick “Oo naman syempre.”Aniya.
Mimay: Oo the more the merrier.
Harvey: Ayos, daan tayo sa bagong theme park sa kabilang bayan.
Kelly: Meron?
Harvey: Oo nakwento kasi ng kapatid ko.
“Game!” Anila.

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon