Kabanata 51

16 0 0
                                    

Sabado ng Gabing naulan,

Malakas ang kidlat at ang kulog nasa kwarto sila Kelly “Tita? Are you scared of thunder?” Ang sabi ni Jacob habang nakatalukbong si Kelly ng unan sa kaniyang mukha.
Kelly: Ah...eh...matulog ka nalang.
Nahiga si Jacob sa tabi ni Kelly at niyakap niya ang tiyahin “Wag ka ng mag-alala tita andito lang ako.”
Nagulat si Kelly sa mga sinabi ni Jacob sa isip-isip niya “Bata ba talaga siya? O nagkatawang bata lang? Sigh...kuya Kian mukhang maganda ang pagpapalaki sa kaniya ni ate Rica.”

Makalipas ang isang oras,

Kevin: Tsk...ang lakas ng ulan si Kelly kaya?
Kim: Oo nga takot pa naman yun sa kulog at kidlat.
Keith: Bilisan na natin baka naiyak na yon.
At nag madali silang pumasok ng bahay at nagtungo ka agad sa kwarto ni Kelly “Kelly!!!” Ang bungad nilang sambit pagbukas ng pintuan.
Nakita nilang tulog na tulog yung dalawa ni Kelly at Jacob na magkayakap “Mukhang, nagampanan naman ng bubwet na yan ang pag bantay kay Kelly.” Ang sabi ni Keith.
Kevin: Sira! At si Jacob pa talaga eh noh?
Biglang kumulog at kumidlat at kahit tulog si Kelly wari’y takot na takot ito nagulat sila sa ginawa ni Jacob sa pagtakip ng tenga ni Kelly na kasalukuyang tulog “Mukhang, simula ngayon di nalang tayo ang mag poprotekta sa bunso nating kapatid.” Ang sabi ni Kim.
“Yeah...”Tugon nung dalawa at napangiti.
“Ka Ching...” May nagbukas ng pinto.
Kim: Narinig niyo yon?
“Oo may nagbukas ng pintuan.” Tugon nung dalawa at pandalas na silang tatlo sa pagbaba.
“Brr---Bro...” Ang pagulat nilang sambit.

Kinaumagahan,

Jacob: Tita, gising na!
Kelly: Hmmm...mamaya na ang aga pa.
Jacob: Andiyan na sila daddy at mommy.
Nagmulat agad si Kelly ng mata at bumangon “Sila kuya Kian? At yung mommy mo?”
Jacob: Opo narinig ko kila tito Kim nag uusap usap sila kagabi.
Kelly: Eyyyy...bad ang makinig sa usapan ng iba hindi ba iyan itinuro sayo ng uncle mo?
Jacob: Tinuro po eh di ko naman po sinasadya na makinig nagising po kasi ako kagabi dahil nauuhaw ako at yun nakita ko sila mommy sa baba di na ko uminom bumalik nalang po ako dine ulit.
Kelly: Asus...totoo ba yan?
Jacob: Opo promise di ba po hindi nagsisinungaling ang mga bata.
Sa isip-isip ni Kelly “Kung ikaw ang pag babasehan ng pagiging bata di na ako maniniwala na di nag sisinungaling ang mga bata MATURED KA NA EH.”
Jacob: Tita, gutom na po ako.
Kelly: Gutomin ka eh noh?
Jacob: Halata naman po sa katawan. Hehe.
Kelly: Sabi ko nga.
Biglang nalungkot si Jacob “Oh? Bakit bigla kang na sad?” Ani Kelly.

Sa Kusina,

Sabay ng bumaba si Kian at Rica “Bro, mukhang maganda ang gabi ni kuya Kian.” Ang sabi ni Keith.
Kim: Shhh...
Kian: Mornin’
Rica: Magandang umaga sa inyo.
“Morning...” Anila Keith at Kim.
Rica: San si Jacob? Pwede ko ba syang makita?
Kim: Ahh...sa kwarto ni Kelly kasi siya natulog sige gigisingin ko na.
Rica: Wag na ako nalang pakituro nalang yung kwarto.
Kian: Yung nag-iisang pinto na pink yun ang kwarto ni Kelly.
Rica: Sige.
Pagkaalis ni Rica “Bro, ano? May nangyare sa inyo?” Ang sabi ni Keith.
Kian: Wala!
Kim: Saan mo nga pala siya nakita?
Kian: Sa kaibigan naming matalik sa Cebu.
“CEBU???” Pagulat nilang tugon.
Kian: Oo wag na nga kayo mag tanong.
Nagkatinginan sila Kim at Keith at sabay sinabing “Anong balak niyo kay Jacob?”
Kian: Shhhh...
Kim: Bakit? Wag mong sabihin di mo sasagutin ang reponsibilidad dun sa tabachoy na yon?
Keith: Cute naman yung bata at masunurin alam mo ba kahapon...
Kian: Ayaw ni Rica.
“ANO?” Anila.
Kian: Hindi ko alam kung anong iniisip ni Rica pero di na siya yung Rica na kilala ko noon.
Keith: A---anong ibig mong sabihin?
Kian: May fiancée na siya.
“HALA?” Anila.
Inexplain ni Kian ang mga nangyare “Ibigsabihin ikakasal na siya sa isang linggo?” Tugon nila Kim at Keith.
Kim: Anong gagawin mo?
Keith: Hahayaan mo nalang? Pero nag tabi kayo kagabi hindi ba?
Kian: Sa lapag ako nahiga si Rica sa kama.
“Ang komplekado naman.” Ang bungad na sambit ni Kevin.
Kian: Kanina ka pa ba diyan?
Kevin: Yeah...paano si Jacob?
Kian: Sigh...di ko rin alam mga bro.
“Morning tito’s and da---ddy?” Bungad naman ni Jacob kasama sila Kelly at Rica.
Kelly: Morning kuy’s.
Nilapitan ni Jacob si Kian “Kamusta po?
Kian: Ah? O---okay lang.
Kelly: Ay...sus...baby boy anong sasabihin mo kay daddy?
Jacob: Ngayon na po ba tita?
Kelly: Aha.
Rica: Baby, sige anong sasabihin mo?
Jacob: Ahm...ano...
Kian: Sige, wag kang mahiya sabihin mo di ako magagalit.
Jacob: Gus---gusto ko po...
Kelly: Sigh...baby sige na.
Jacob: DADDY!!! GUSTO KO PO SANA KAYONG MAKA-BONDING.
Nagulat ang lahat at lumapit naman ka agad si Jacob kay Rica “Nako...pasensya na baby busy ang da---...”Ang sabi ni Rica pero hindi niya na tapos ang sinasabi dahil biglang sumingit si Kian.
Kian: Sige!
Jacob: Talaga po? Payag kayo na makasama ako?
Kian: Um...
Rica: Pero...
Kelly: See, I told you baby papayag si daddy malakas ka sa kaniya eh.
Jacob. Um...
Kelly: Anong sasabihin mo?
Lumapit at niyakap ni Jacob si Kian “Salamat po Daddy!”
Napangiti ang lahat at sumagot naman si Kian ng “Walang anuman Anak!”
Kelly: Okay! Tama na yan baka magka iyakan pa kayong mag-ama diyan baby lika may ipapakita ako sayo mukhang di pa naman sila nakakaluto sumama ka muna kay tita okay?
Jacob: Opo.
Rica: Pwede bang sumama?
Kelly: Si—sige po.

Sa Underground,

Jacob: Wow...ang ganda naman po dito tita Kelly.
Kelly: Talaga? Ito ang paborito naming lugar nila kuya dito sa bahay pero recently ko lang din ito na discover.
Rica: Siya ba yung tatay niyo?
Kelly: Um...sabi nila kuya kamuka ko daw po si Daddy eh what do you think baby?
Jacob: Um...pwede na po hawig naman.
Kelly: Anong pwede na? Di ko talaga kamukha ang lolo mo?
Jacob: Ohhh...lolo po ba ang itatawag ko sa kaniya?
Kelly: Di rin ako sigurado kung magugustuhan ni Daddy na ang itawag sa kaniya ay lolo. Hehehe...
Jacob: Nasan po ba siya? Para maitanong ko kung ano ang itatawag ko sa kaniya.
Kelly: Hehe, sana nga pwede mo pang maitanong kaso wala na siya eh.
Lumapit si Kelly sa larawan ng daddy nila “Nako...sorry, Jacob mag sorry ka.” Ani Rica.
Niyakap ni Jacob si Kelly at sinabing “Sorry po.”
Niyakap rin siya ni Kelly “Wala yon pero kung andito si daddy matutuwa yun dahil may apo na siya siguro “Papsie” is good what do you think?”
Jacob: Um...maganda po.
Kelly: Okay, halika.
Bubuhatin ni Kelly si Jacob “Ah...eh...baby ilang kilo ka?” Aniya at di niya mabuhat si Jacob.
Jacob: Di ko po alam eh, mommy?
Rica: Ay sorry last na timbang niyan 25kg ata?
Kelly: Kaya naman pala kalhating kabang bigas ka na baby.
Jacob: Hehe...ang sarap po kasi ng chicken eh.
Kelly: Sige, mag hi kay kay Papsie.
Jacob: Opo...Hello po Pap---sie? Di ko po sigurado kung ayos lang po yun eh pero si tita Kelly po ang may sabi nun.
Nagkatinginan at napangiti sila Kelly at Rica habang nakatingin kay Jacob “Ahm...ako nga po pala si Jacob Ezekiel Basquez sabi ni mommy ang daddy ko raw po ay ang panganay niyong anak na si Mr. Kian Ezekiel Dela Cruz.”
Kelly: Eh? Ezekiel rin nga pala si kuya Kian ikaw ren?
Rica: Ahm...oo ipinanagalan ko siya kay Kian ka birthday niya rin kasi si Jacob.
Kelly: Oh? Ang galing! Pero saan naman galing yung Jacob?
Jacob: Tita! Ang ingay mo naman eh nakikipag usap pa ako kay Papsie.
Kelly: Asus...halika nga dito.
Kiniliti ni Kelly si Jacob habang natatawa naman sa kanila si Rica “Jacob, bakit daw Jacob ang name mo sabi ni tita?”
Kelly: Alam niya?
Jacob: Opo, kasi habang pinagbubuntis po ako ni mommy giliw na giliw siya kay Jacob yung sa Twilight po na movie di ko pa po yun naapanood eh sabi kasi ni mommy pag lumaki na lang daw po ako para ma gets ko.
Kelly: Ohhh...paborito rin ni kuya ang movie na yun hayaan mo di ko parin yon napapanood eh di kasi ako mahilig sa fantasy.
Rica: Ganyan rin ang kuya Kian mo noon hindi siya mahilig manood ng fantasy gusto niya puro history o kaya action pero dahil sa hilig ko nahawa na rin siya.
Jacob: Mom, I want you and daddy together again.

Makalipas ang ilang oras,

Sa isang Playground,

Enjoy na enjoy sila Kelly at Jacob sa slide “Tignan mo yang si Kellang mas nag eenjoy pa ata kesa kay Jacob.” Ang sabi ni Kian habang nakaupo sa isang bench kasama si Rica.
Rica: Una ko palang nakita si Kelly tuwang tuwa na sa kaniya si Jacob kala siguro niya kasing age niya ang tita niya.
Kian: May pagka isip bata rin kasi yang si Kelly kaya siguro magka sundong magka sundo sila ni Jacob.
Rica: Ngayon sigurado na akong may mag-aalaga kay Jacob pag umalis na ko.
Kian: Sigurado ka bang iiwanan mo si Jacob sakin?










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon