Kabanata 110

7 1 0
                                    

Kinabukasan,
May dalang agahan si Faith para kay Kelly "Rise and shine baby girl."
"Mmm...Ate Faith?"
"Morning, nagising ba kita?"
"He---he...hindi naman po medyo lang, eh? May dala pa kayong foodey?"
"Oo nag luto kasi ako ng tapsilog naalala kita agad nakain na ang mga kuya mo sa baba kaya naisip kong gisingin ka na dito para sabay tayong kumain."
"Ah...sige po wait lang mumog muna ko. Hehehe..."
"Sige papatong ko muna sa mesa mo dito ha?"
"Okay po."
Habang nasa c.r naman si Kelly "Aba, baby girl marami ka palang naruto na collection dito at fairytail?"
"Eh?Mahilig rin po kayo sa anime?"
"Oo otaku fan din ako."
Pag kalabas naman ni  Kelly may dala syang towel at pinupunasan ang mukha niya "May nakita nga po ako eh bag ng kaklase ko ay oo nga pala kikitain ko pala yun mamaya hala hindi ako nakapag paalam kila kuya."
"Saan ba? Ako ng bahala mag paalam sasamahan pa kita."
"Ho? Pero buntis kayo hindi po ba masama yun?"
"Hindi naman mas okay nga yun at matatagtag ang kawatan ko makakapag lakad-lakad ako."
"Pero, nakaktakot po kasi 2mos nalang po at kabuwanan nyo na dito nalang po kayo sa bahay."
"Uhmm...sige na nga baka hindi rin naman ako payagan ng kuya Keith mo ay...oo nga pala sasamahan kami ni Kevin sa OB na ni refer niya kung gusto mo sumabay ka samin."
"Ahm...pwede naman po sige sasabihin ko nalang sa mga kaklase ko na mag kita kita nalang kami sa mall."
"Ah...may kasama ka naman pala."
"Opo sila Vince sa may Komik Alley lang po kami."
"Oh? Suki rin ako dun gusto ko rin pumunta sasabhin ko sa kuya Keith mo dadaan kami."
"Hehehe..sige po may kakilala po kasi ang kaklase ko dun baka maka discount po tayo sasabhin ko bigyan rin kayo. Hehehe.."
"Sige salamat."
"Sige po kain na tayo?"
"Ay oo nga nawili tayo sa kwentuhan."
"Hehehe...opo nga...Uhm...pwede po bang magtanong?"
"Sige ano ba yun? Basta wag math ha?"
"Opo hindi promise. Ehehe.."
"Kasi po may kaibigan ako na may kapatid siyang kamukha ng kaibigan ko gets niyo?"
"Ahahaha..nako sorry baby girl pero mahina ako sa mga ganyang parang bugtong."
"Sige po pero wag niyong sasabihin kila kuya ah?"
"Bakit yung kaibigan mo bang sinasabi ikaw yun noh?"
"Oh, kala ko po ba hindi niyo gets yung ganun ate naman eh."
"Ahahaha...hinuhuli lang kita alam ko kasing parang may pinoprolema ka eh kaya sige feel free to talk to me at promise hindi ko papagsabi sa mga kuya mo kay Mama lang."
"Ate naman!!!"
"Joke lang.Ahahaha...sige na sabihin mo na,"
"Kasi po ganito yun may kamukha raw po akong yumao na at iyon ay kapatid ng kaklase namin na si Patrick."
"Ano? Sino naman yung kamukha mo raw? Nakita mo na ba? Well, I mean sa picture."
Habang nakain sila ng agahan nag kukwento parin si Kelly at nakikinig naman ng mabuti si Faith "So, gusto nilang malaman kung buhay o patay na talaga yung Paula? Ganun ba?"
"Opo pero nagalit ako eh nadala po siguro ako ng emosyon kaya medyo nakakahiya po parang nakapag salita  po ako ng bad."
"Sandali lang, ito bang Patrick na ito eh nanliligaw sayo?"
"A----ano? Hin---hindi po."
"Yung totoo?"
"Sigh...opo pero binusted ko na po."
"Ha? Hindi mo man lang binigyan ng chance yung tao baby?"
"Eh...wala pa rin naman po kasi sa isip ko yun tsaka nung nalaman kong kamukha ko yung kapatid niya medyo nag doubt po ako kung bilang ako ba yung na gustuhan niya o dahil kamukha ko ang kapatid nila?"
"Kaya parang galit ka dun sa Paula? Kaya ayaw mong sumama sa lakad nila bukas?"
"Parang ganun na nga po? Pero kasi naman patay na yung tao bakit pa nila kailangang ungkatin? Kung nakita naman na nila yung mismong corpse di ba po?"
"Well, malay mo naman may nag palabas lang na patay na yung Paula? Pero ang totoo buhay pa naman pala talaga oh eh anong gagawin mo kung ikaw yung nasa kalagayan ni Patrick? Mag le-let go ka nalang ba? O you need to seek for the truth?"
"Ahm..."
"Kung ako sayo wag kang basta-basta mag sasalita ng tapos kung hindi mo pa naman nalalaman ang buong detalye para sa huli hindi ka magsisi."
"Sigh...sige po sasama na ko sa kanila bukas."
"Ang problema payagan ka kaya ng mga kuya mo?"
"Surebol po yun."
"Ha? Paano ka naman nakasigurado? Alam mo naman mga kuya mo over, over sa pag ka over protective sayo."
"You'll see."
"Ding...dong..."
"May bisita kayo?"
"Sila na po yan."
"Sila? Sino?"
"Ang mga attorney ko po."
"May atty,ka na ng ganyan edad?"
"Hehe..halika para malaman niyo."
"Si---sige?"

Kinatanghalian,
"Nice, buti pala at nakapunta na kami doon ni Vince sa inyo baby girl." Ang sabi ni Mimay habang naglalakad sila papasok ng mall.
"Yeah...kung hindi baka hindi rin ako makapunta dito."
"Tsss...at balak mo ba talagang pumunta dito ng walang kasama?" Ang sabi naman ni Vince.
"Sira! Bakit naman ako pupuna dito ng mag isa? Alam ko naman kasing pupunta kayo sa bahay kaya may atty.na ako kaya hindi ako nag worry na hindi ako papayagan nila kuya dito."
"Eh paano bukas?" Ang sabi ni Mimay.
"Kelly!" Ang sigaw naman ni Axel habang nakaway at kumaway rin naman si Kelly.
"Ayoko talaga sa Axel na yan."Ang sabi ni Vince.
"Bakit naman ang oa mo wag ka ngang judgemntal diyan."
"Pero ako rin baby girl para kasing may tinatago siyang something fishy na hindi niya pinapakita."
"Alam niyo kayong dalawa ang oa niyo bilisan niyo na nga baka mainip yung tao."
"Sigh...oo na!" Anila.
"Kanina ka pa ba?"
"Ah...hindi naman kararating rating ko lang din hello sa inyo." Ang sabi ni Axel at ngumiti lang sa kaniya ng pilit yung dalawa.
"Pupunta na ba tayo sa komik alley?"
"Sige tara na nag iintay na rin ang kaibigan ko don." At nung lumapit si Axel kay Kelly pumagitna naman ka agad yung dalawa.
"Ano bang ginawa niyo? Ang laki ng daanan oh maka siksik naman kayo wagas."
"Baby girl masyadong malamig kaya gusto ko katabi kita." At naging clingy naman bigla si Mimay at medyo nilayo niya si Kelly kay Axel at si Vince naman ang tumabi dito  "He---hello." Ang kinakabahang sabi ni Axel.
"Hi sige na mag lakad na tayo." Ang sabi ni Vince.
"Axel, wag kang mag alala hindi naman nangangagat yang si Vince."
"Kelly!"
"Ahahahah...bleeh..."
At nag habulan pa yung dalawa "Sigh...parang lalo atang naging magulo ah." Ang sabi ni Mimay.
"Ang cute nilang tignan noh? Para silang mga bata." Ang bungad naman ni Axel na biglang sumulpot sa likod ni Mimay kaya nagulat ito "Ay bakla!"
"Si---sinong bakla?!!!" Ang medyo pa galit na reaskyon ni Axel.
"Chill bro, reaksyon ko lang yon bakit naman kasi bigla-bigla ka nalang diyan na sulpot."
"A—ah...ganun ba pero wag naman bakla agad baka may makarinig sabihin nga bakla ako. Lalaki ako! Okay?"
"Okay! Kalma."
Sa isip-isip ni Mimay "Maka react naman wagas ano naman ang masama sa bakla? Ang oa naman niya."
"Hoy, sandali intayin niyo naman ako." Ang pahabol na sabi ni Mimay.

Samantala,
Sa bahay nila Patrick
"Ding....dong..."
"Sir Dave, kayo pala yan buti at napadalaw kayo."
"Hello po manong Berto kayo naman Dave nalang po bakit may Sir pa para naman kayong others."
"Hehe...halika pasok ka."
"Si Patrick po pala gising na?"
"Ah...oo nasa swimming pool."
"Nag lalangoy po?"
"Ha? Napakamot bigla sa ulo niya si Berto "Siguro nag lalangoy? Kasi nasa swimming pool si Sir Patrick eh. Hindi naman siguro mag luluto yun di ba Sir?"
"Oo naman po unless na bago na ang kitchen niyo nasa pool na sige po puntahan ko muna siya ah?"
"O---oo sige." At pagka alis ni Dave "Kaya siguro nangungunsume si sir Patrick kay sir Dave kasi minsan ang hirap niyang kausap. Ano ba namang gagawin sa pool matutulog? Sigh...buti nalang hindi ko naging ka henerasyon si Sir Dave ang sakit niya sa ulo."

Sa may Pool,
Naglalangoy nga roon si Patrick at umupo naman si Dave kung saan hihinto ito "Sup dude?" Ang sabi niya pag ahon ni Patrick sa tubig "'Ay gago! Ano ba? Bakit naman basta basta ka nalang diyan sumusulpot?" at binigyan naman siya ng towel ni Dave.
"Bakit naman ang aga mo atang mag swimming?"
"Paki mo ba? Swimming pool mo ba ito?"
"Hindi! Bakit hindi na ba sa inyo ang bahay na to dude? Bakit sino na ang bagong nakabili? Nalulugi na ba ang kumpanya nyo?"
Binato siya ni Patrick ng towel niyang ginamit "Manahimik ka nga! Ang sarap mong kurutin ng nail cutter sa sobrang genius mo nakakainggit ang ka henyohan mong taglay dude. Malamang samin parin itong bahay! GUNG GONG!"
"Eh sabi mo kasi...."
"Heh! Tumigil ka na nga mamumuti ang buhok ko sayong kumag ka! Ano bang kailangan mo? At hindi na umaga tanghali na bungol!"
"Ahhh...oo nga tanghali na nga pala anyways, yung about kasi bukas tutuloy pa ba natin?"
"Oo tuloy yun sabihin mo kay Harvey."
"Sige dude, san pala tayo sasakay?"
"Mag lakad ka bwiset! Saan pa edi sa sasakyan."
"I mean sasakyan niyo gagamitin natin?"
"Oo nga! Kulit, bakit kasya ba tayong lahat sa motor mo? O baka naman gusto mong mag biyahe mag isa?"
"Ba ayoko nga mahal pamasahe."
"Tantanan mo nga ko nga ko baka mahawa pa ko sa ka henyohan mong lintek ka." At tinulak niya sa pool si Dave "Dude!!!"
"Bahala ka diyan."
"Okay, pakikuha na rin ako ng mirienda ha?"
"HEH! GUNG GONG!"

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon