Kabanata 21

19 0 0
                                    

     Makalipas ang ilang oras,

Kelly: Bye kids.
“Bye ate ganda.”Sagot ng mga bata.
Kelly: Ang kukulit, cute. Hehe...
Mimay: Oh? Paano saan na tayo guys? Tara naman kumain? Gutom na ko eh.
Kelly: G!
Tahimik sila Vince at nakatingin lang kay Kelly “Guys, ano G kayo?”Sabi ni Mimay.
“Bakit ba parang kanina pa kayo wala sa sarili?” Dagdag pa niya.
Busy naman si Kelly sa cp niya “Ha? Hindi naman sige di ba mga brad?” Sagot ni Vince.
“O---oo” Anila.
Dave: Ma---master saan mo gustong kumain?
Hinawi ni Kelly ang buhok niya at napatulala si Dave “Ano yon?” Tugon ni Kelly.
Dave: Ahem...saan mo gusto makipag date?
Kelly: Ha?
Dave: Ahem...I---I mean anong date ngayon?
Kelly: Last time I checked Feb 15 ngayon?
Dave: Ga---ganun ba? Salamat Master.
Kelly: Okay? Mims ano san tayo kakain?
Sa isip-isip ni Dave “Ano bang nangyayare sakin?”
Mimay: Tara mag samgyup?
Kelly: G!!!!
Mimay: Kayo guys?
“Game!”Anila.

Sa Korean Resto,

Ethan: Sayang naman di natin nakasama si Kelly.
Kevin: Hayaan mo na di ga may 1week ka pa naman bago magsimula di ba? Kaya ayos lang yan tsaka ka nalang bumawi.
Keith: Nga naman ayaw mo ba kaiming kasama?
Ethan: Ha---ha---ha...di naman sa ganon.
Kian: Sige na umorder na kayo.
Kim: Teka gusto nga pala ni Kelly ng ramen uwian kaya natin?
Kian: Sige mamaya nalang bago tayo umuwi mag takeout tayo.
Ethan: Sige sagot ko na ramen lang ba gusto niya? Kimchi ba gusto niya?
Nakatinginan sila Kian at yung tatlo “Ha? Nako di na ayaw niya ng lasa ng kimchi.” Sabi ni Kevin.
Ethan: Ah...ganun ba may nakita akong bakeshop malapit dine naalala ko mahilig si Kelly sa eggpie di ba?
Keith: Oo napakahilig nun dun pati sa yema na candy.
Ethan: Oh? Mahilig parin pala si Kelly sa yema?
“Mga Sir? Ano pong order nila?” Sabi nung isang lalaking crew.
Kian: Guys, umorder na muna kayo.

Samantala,

Habang nasa labas ng resto “Wagas...mas malayo pa ang pinag park-an natin eh.”Ang sabi ni Harvey.
Mimay: Kaya nga bakit ba doon tayo binaba ni manong driver?
Vince: Guys, ang reklamo niyo service niyo? Mga toh!
Dave: Tara na pumasok na tayo tom jones na ko.
Patrick: Kelly? Ayos ka lang ba?
Medyo wala sa mood si Kelly “Ha? O—oo ayos lang ako kung lalayo ka sakin.”
Sa isip-isi ni Patrick “Tignan mo yan concern na nga yung tao nakukuha parin niyang mamburaot.”
Mimay: Kelly girl, halika na...
Kelly: Oo andyan na.
Patrick: Tamo iniwan lang ako? Nako!!!
Dave: Dude? May sinasabi ka?
Patrick: WALA!!! Bilisan mo na nga lang diyan.
Dude: Okay! Galit na galit gustong manakit?
Habang papasok sila Kelly “Mag c.r lang ako mga brad.”Ang sabi ni Ethan.
“Sige.”Anila.
Pagtayo ni Ethan nakita niya sila Kelly na naghahanap ng pwedeng maupuan “Eh? Si Kelly ba yon?”Aniya.
Kevin: Sino?
Ethan: Mga brad si Kelly at yung mga kaklase niya andito.
“Ha?” Anila Kian at sabay-sabay silang tumayo sa kinauupuan nila.
Keith: Si Kelly nga.
“Babygirl.” Sabay-sabay nilang bigkas at napalingon naman sila Kelly.
“Kuy’s?” Ang sabi ni Kelly.
Mimay: Wow...andine rin ang mga kuya mo gurl pati na rin si chinito hunky.
Vince: Sinabi mo ba sa kanila na pupunta tayo dine?
Kelly: Hinde busy kasi ako mag edit ng mga picture di ko alam na andine pala sila. Tara na nga lumapit na tayo kakahiya eh...Sigh...sabi ng wag na wag akong tatawagin sa ganung nick name eh...Asar!!!
At nauna na si Kelly “Waahhh...sana ako nalang si Kelly.”Ang sabi ni Mimay at sumunod naman ka agad kay Kelly.
Vince: Sigh...hassle.
Harvey: Bakit naman?
Vince: Basta! Tara na nga lang.
At naiwan sila Dave at Patrick “Dude, ano tutuloy pa ba tayo?” Ang sabi ni Dave.
Patrick: Oo naman!
Dave: Andiyan yung Ethan.
Patrick: Eh ano naman? Alam mo konti nalang sasampigahin na kita.
Dave: Chill dude chill.
Patrick: HEH!
At iniwan siya ni Patrick “Di pa nakain ng maanghang pero ang init init na ng ulo parang babaeng may period eh.” Ang pabulong bulong sa sinabi ni Dave.
Patrick: Ano pa bang ginagawa mo diyan? Bilisan mo!
Dave: Tsk...Oo na!

Sa table nila Ethan,

Kian: Waiter, pwede bang mag dagdag ng upuan at table dito para sa kanila?
Waiter: Sige po Sir sandali lang.
Kian: Salamat.
Ethan: Kellang, ayos ka lang ba bakit parang aputla mo?
Kelly: Ha? Okay lang ako pagod lang siguro.
Mimay: Opo medyo malayo kasi ang pinag park-an ng driver namin.
Kevin: Kellang, halika dito ka muna umupo sa upuan ko.
Kelly: Okay...
Kim: Ikaw maupo ka na rin muna dito Mimay right?
Mimay: Si---sige po salamat.
Ethan: Kelly, anong gusto mo? Kayo guys?
Kelly: Ramen nalang sakin kuya Kevin ikaw na umorder.
Kevin: Oo sige.
Dumating yung waiter “Sir okay na po lumipat nalang po kayo sa kabilang table para mas malaki po ang table niyo.” Aniya.
Kian: Sige...sige salamat sige guys lumipat na muna kayo sa kabilang table.
At lumipat na nga silang lahat sa kabilang table mag kakatabi sa upuan ang magkakapatid pinag gigitnaan nila Kian at Kevin si Kelly “Babysis, ayos ka lang ba? You’re not looking good.” Ang sabi ni Keith.
Kelly: Okay lang ako kuya.
Samantala magkatabi naman sila Ethan, Patrick, Dave, Mimay, Harvey at Vince “Waiter!” Ang sabi ni Kevin.
Bumulong si Kevin kay Kelly “Red days mo?” Aniya.
Kelly: Um...first.
Narinig naman ito ni Kian “Di mo ba dala ang gamot mo? Aniya.
Kelly: Di ko na dala eh.
Kevin: Ano? Kelly naman.
Kian: Kaya mo ba?
Kelly: Oo kaya ko wag na nga kayong maingay nakakahiya.
“Sigh...”Reaksyon ng dalawa.
Waiter: Yes Sir?
Kevin: Warm water please.
Waiter: Okay po Sir.
Kim: Sige Vince umorder na rin kayo.
Vince: Si—sige po.

Makalipas ang 30mins.,

Waiter: Enjoy your meal ladies and gentelemen.
“Thankyou.”Anila.
Nag-uusap sila Mimay “Wow...ang daming food.”Aniya.
Vince: Buti nalang pala andito mga kuya ni Kelly makakalibre pa ko.
Mimay: Wow ha?
Harvey: Sus...kunware ka pa ganun din naman ang iniisip mo.
Mimay: Asa! Sino kaya  satin?
Dave: Shhh...gang dine ba naman nagaaway kayo?
Mimay: Anyways, ayos lang ba si Patrick? Bakit parang di yan kumikibo?
Dave: Malamang katabi niya yung Ethan eh.
Vince: Shhh...baka marinig ka.
Tumayo si Kelly “May kailangan ka?” Ang sabi ni Ethan.
Kelly: Mag cr lang.
Ethan: Ganun ba? Sige.
Sa isip-isip ni Patrick “Epal kasi!”
Kevin: Samahan na kita.
Nagulat ang lahat “Kuya!!!” Ang pagigil na sambit ni Kelly.
Kevin: Ha---ha----ha...Joke!
“Ahhhh....”Reaksyon nila Ethan maliban kila Kelly at sa mga kuya nito.
Mimay: Ako nalang sasama girl.
Kelly: Hindi na kaya ko na kumain ka na muna.
Mimay: Si—ge.
Bago umalis si Kelly bumulong si Kevin “Sigurado ka bang kaya mo? Itext mo ko agad ha?”
Kelly: Oo na kuya kumain ka na nga lang nakakahiya.
Kevin: Walang nakakahiya nurse ako.
Kelly: Sige na!
At umalis na nga si Kelly sumenyas naman si Kevin sa mga kapatid niya “Okay lang daw.” Aniya.
Kian: Sige kain na kayo.
Ethan: Okay lang ba talaga si Kelly?
Kevin: Oo ayos lang sya kumain na kayo.
Ethan: Um.
Keith: Nga pala, lahat ba kayo kaklase ni Kelly?
“Opo.”Anila Mimay.
Vince: Ay...nga po pala si Harvey di niyo siguro siya nakita kanina class pres.namin sa section namin.
Harvey: Hello po sa inyo.
Kevin: Ahhh...oo kilala kita isa ka sa Student council right?
Harvey: Ah, opo auditor po ako sa SC.
Keith: Oh? Naalala ko tuloy nung college days ko naging isa rin ako sa student council noon.
Harvey: Talaga po?
Kian: Sus...parang wala naman akong naalala na sumali ka sa ganyan.
Ethan: Ahaha...oo nga gym is life ka bro.
Sa isip-isip ni Patrick “Tsss...ayan na naman siya.”
Keith: Grabe peace officer kaya ako di ba Kevin?
Kevin: Ewan ko.
Nagtawanan sila maliban kay Patrick “Basta maniwala man kayo’t sa hindi kasali ako noon sa student council tanong niyo pa kay Prof. Dina.” Sabi ni Keith.
Kim: Wag ka nalang mag assume bro kumain ka nalang gutom lang yan.
Keith: Tsk...
Habang kumakain “Nakakatuwa ang mga kuya ni Kelly ano?” Sabi ni Mimay.
Vince: Ahh...oo mahilig talaga sila mag biro.
Harvey: Mukhang masayahin nga sila parang si Kelly pero pupusta ako siya rin ang pinaka mainitin ang ulo sa kanila.
Vince: Yeah...pero kapag naging seryoso na sila mas nakakatakot sila kesa kay Kelly.
Mimay: Eh? Over protective siguro sila ano?
Vince: Sinabi mo pa.
Siniko ni Dave at bumulong kay Patrick “Dude, ano? Kaya pa ba? Bakit yan lang kinakain mo?”Aniya.
Patrick: Nawalan na ako ng gana.
Dave: Kung ako rin naman ang nasa katayuan mo mawawalan din talaga ako ng gana.
Patrick: Wag ka na nga lang magsalita kung ayaw mong umuwi ng may pasa sa mukha.
Dave: Okay...okay...Chill!
Patrick: Bakit wala pa si Kelly?
Walang sagot si Dave “Huy! Bakit ayaw mo magsalita?”
Dave: Sabi mo wag ako magsalita edi wag.
Niyapakan ni Patrick ang paa nya “AHHHH....”
Kim: Ayos ka lang?
Dave: O---opo...Ha---Ha---ha...
“Ka Ching” May nagtext kay Kevin at pagkabasa niya.
Kevin: Bro’s, Red alert!
Ethan: Ano yon?











*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon