Kabanata 18

17 0 0
                                    

     Kinabukasan,

Pag gising ni Kelly “Umaga na? Hala! Anong oras na late na ko!!!” Pandalas na siya ng baba na hindi man lang nakakasuklay.
“Kuya!!!!” Ang sigaw niya at nag tungo ka agad sa may dining area nila na kasalukuyang nagaagahan naman ang mga kuya niya kasama si Ethan.
Kian: Oh? Bakit? Anong nangyare sayo?
Kelly: Late na ko kuya bakit di niyo ko ginising nakakaasar naman.
Kim: Kumalma ka nga muna Sabado ngayon.
Kelly: Eh? Weekend na?
Ethan: Morning babygirl.
Nagpanting ang mga tenga ni Kelly at paglingon nya “OH MY PINK GOSH!!!”Ang pagulat niyang sambit.
Ethan: Halika ka mag breakfast ka na?
Kelly: NO!!!!
At kumaripas na ng balik sa kwarto niya “Nyare?” Sabi ni Ethan.
“Sigh...”Napabuntong hininga nalang ang mga kuya ni Kelly.
Kevin: Hayaan mo lang yon kumain ka na lang.
Ethan: Okay lang ba si Kelly? Bakit parang nakakita naman siya ng multo?
Keith: Malamang! Kung ako rin naman si Kelly kakaripas talaga ko ng takbo sa hiya kung makikita ako ng crush ko na di man lang nakakasuklay first thing in the morning.
“KEITH!!!” Ang sambit nila Kian at Kim.
Kevin: Kuya!!!
Ethan: Ako? Crush ni Kelly?
Keith: Ha? Ah...eh...a---ano...ano kasi...
Ethan: Ahahahaha...
“Bakit ka na tawa?”Anila.
Ethan: Wala naalala ko lang kasi yung lagi niyang sinasabi nung bata pa siya na gusto niyang magpakasal sa isang pulis gaya ni tito kaya pinilit niya akong mag pulis.
“Kaya ka nga nag pulis?” Anila.
Ethan: Ahahaha...syempre hindi.
“Sigh...buti naman.”Pabulong na reaksyon nung apat.
Ethan: Pero isa si Kelly sa naging rason kung bakit ako nag pulis.
“Ha?”Reaksyon nila.
Ethan: Well, nung bata ako gusto ko naman na talagang mag pulis gaya ni papay at ng daddy niyo pero gaya niyo nag doubt din ako na mag pulis lalo na nung nawala si tito na daddy niyo. Pero naawa ako noon kay Kelly limang taon palang siya nun at kaarawan niya pa ng nawala si tito kaya sabi ko sa sarili ko ipaghihiganti ko kayo nila Kelly bibigyan ko ng justice ang pagkamatay ni tito.
Kian: Na nagawa mo naman kayo ni uncle Mike kaya ang laki ng pasasalamat namin sa inyo nila mama dahil di kayo tumigil hangga’t di niyo nahuhuli yung pumatay kay daddy.
Ethan: Sorry kung natagalan na mabigyan ng justice ang pagkamatay ni Tito Kemwell.
Kevin: Ayos lang, matagal na rin namang panahon yun pero salamat malaking tulong ang ginawa niyo nila uncle Mike at ni uncle Henry.
Kim: Kaya sana lagi parin kayong nandiyan para samin lalo na kay Kelly at kay mama.
Ethan: Oo naman kayo pa ba pamilya na namin kayo.
Keith: Ayos! So? Tara hangout? Game? Treat namin.
Kian: Tumigil ka nga diyan may duty ata si Ethan.
Pabulong bulong si Keith “Sus...nagkukuripot na naman siya.”
Kian: ANO???
Keith: Wala bro...Ha---ha---ha...
Ethan: Pero saglit lang naman ako mag rereport lang ako tapos okay na binigyan naman nila ako ng 1week na pahinga bago magsimula dito sa Manila.
“SA MANILA KA NA???” Anila.
Ethan: Oo ayaw niyo ba?
Kevin: Syempre gusto namin pero kala ko ba mamaya mo pa malalaman?
Ethan: Ahhh...surpresa kasi sana yun sakin pero alam niyo naman ang ugali ni mamay walang nalilihim. Kaya ayon nalaman ko na dine na pala ako madedestino.
Keith: Yun naman pala eh ano hangout tayo?
Ethan: Sige.
Kian: Ano bang oras out mo?
Ethan: Uuwi muna ko samin para magkapagbihis tapos tsaka ako mag rereport. Text ko nalang kayo pag pauwi na ko.
Kim: Bakit uuwi ka pa? Pahihiramin ka nalang muna namin ng damit para di na hassle sayo.
Kevin: Oo nga pahiramin nalang kita ng damit para makadalaw na rin kami kila uncle Mike pagtapos natin mag hangout isama na rin natin si Kelly.
Kian: Ha? Hindi pwede.
Ethan: Bakit? Gusto ko rin sana makasama si Kelly.
“Ding...dong...”
Keith: May bisita kayo?
“Wala.”Anila.
Keith: Eh sino yon?
Kevin: Baka si Kelly may bisita.
Ethan: Sige ako ng magbubukas.
At pagbukas ni Ethan ng gate nakita niya si Patrick, Dave at Vince “Oh? Vince ang aga niyo mga kaklase rin ba sila ni Kelly?”
Nagkatinginan yung tatlo “Ah? O---oo si Patrick at Dave nga pala mga kaklase namin ni Kelly andiyan ba siya?
Ethan: Ahhh...oo nasa kwarto niya hali kayo’t pumasok.
Vince: Si---sige.
At habang papasok pabulong bulong yung tatlo “Bakit nandito yan?”Ang sabi ni Patrick.
Vince: Di ko rin alam baka dine natulog?
Dave: Wow...lakas.
Ethan: Hali kayo.
Pag pasok “Ethan sinong dumating.”Ang sabi ni Kevin.
Vince: Morning mga kuy’s.
Kian: Oh? Ang aga niyo bakit?
Vince: Ah...opo may lakad po kasi kami ni Kelly.
Keith: Ha? Saan? Bakit wala siyang nabanggit samin?
Vince: Ah...eh...biglaan po kami po kasi ang naatasang mag bigay ng donation sa bahay ampunan.
Kevin: Ohhhh...yung donation sa orphanage kayo lang?
Vince: Ah...hindi po may dadaanan pa po kaming mga kaklase namin.
Kian: Ahhh...sige Kevin tawagin mo si Kelly.
Kevin: Sige kuya.
Kian: Nag almusal na ba kayo Vince?
Vince: Ah? Opo.
Kian: Sige maupo na muna kayo sa may sala.
Kim: Kuha ko nalang sila ng kape.
Vince: Salamat po.
Ethan: Samahan ko na sila sa sala.
Keith: Ako na magbihis ka na ako ng bahala sa kanila baka malate ka.
Kian: Oo nga anong oras na.
Ethan: Ah...sige.
Keith: Tara mga pre.
Vince: Opo.

Sa Sala,

Keith: Sige maupo muna kayo diyan feel at home kukuha ko lang kayo ng sandwich.
Vince: Sige po salamat.
Pa linga linga sila Patrick at Dave “Ang laki rin pala ng bahay nila Kelly.” Ang sabi ni Dave.
Vince: Sakto lang mas malaki bahay nila sa Batangas.
Dave: Oh? Taga doon ba sila?
Vince: Oo, kami taga doon ang mga Dela Cruz.
Patrick: Really? Mayaman sila?
“Hinde!” Ang sabi ni Kelly habang pababa ng hagdan at naka pambahay lang pero naka hoodie parin.
Vince: Oh? Bakit di ka pa bihis?
Kelly: Bakit ba kase? Wala ko sa mood umalis ng bahay.
Dave: Woah...master kahit nasa bahay ka naka hood ka parin?
“Master?” Tugon nung dalawa.
Kelly: Ahhh...wala yon nagpapaturo kasi siya ng technique sa pagkuha ng mga litrato ewan ko ba diyan sabi ng wag mo na nga akong tawaging master.
Dave: Okay lang yon master basta ngayon MASTER na kita.
Kelly: Tsss...bahala ka anyways, nag alumusal na ba kayo?
Vince: Oo tapos na kaya bilisan mo na.
Kelly: Oo na! Anyways, oh ikaw? Mr. GENERAL MANAGER anong tinutunganga mo diyan? Tsss...di kami mayaman okay? Kaya wag kang magtaka kung ganre ko sa bahay namin.
Patrick: Ha? Wa---wala naman akong sinasabi ang...ang...
Biglang humina nag boses niya “Ang...cute mo nga eh.”
Kelly: Ano? Sige diyan na nga muna kayo kukunin ko lang yung bag at cp ko.
Vince: Hoy! Ano yan na isusuot mo?
Kelly: Oh eh bakit naman? Di naman tayo mag mo-mall tsaka katatapos ko nga lang mag blower ng buhok kaliligo ko lang. Kaya malamang kapapalit ko lang ng damit. Tsk...ge na mag antay muna kayo diyan.
At umalis na nga si Kelly “Sigh...si Kelly talaga.” Ang sabi ni Kim habang dala-dala ang kape.
Vince: Nako, nag abala ka pa kuya Kim.
Kim: Pag pasensyahan niyo na si Kellang ha? Nga pala Vince sino sila?
Vince: Ah...opo si Patrick at Dave po mga kaklase namin ni Kelly.
Nakipag kamay naman sila kay Kim “Nice to meet you po.” Anila.
Kim: Saan palang orphanage kayo pupunta?
“Matatagal ba kayo?”Ang sabi ni Keith na may dala dalang sandwich.
Vince: Di pa namin alam sabi kasi may hinandang program daw po ang mga bata.
“Oh tara na?” Ang sabi ni Kelly at kumuha ng sandwich.
Keith: Aalis na kayo? Di pa sila nakain.
Kim: Oo nga kumain ka na rin di ka pa nag aagahan.
Namumualan habang nagsasalita “Ayos lang yan baunin nalang namin yan.”
Binigyan naman siya kaagad ni Patrick ng kape “Salamat.” Sabi ni Kelly at uminom.
Kelly: Aw...ang init.
Kim: Ayan kasi sabing wag mag madali eh.
“Aalis na kayo?”Ang sabi ni Ethan na bagong bihis.
Paglingon nila natulala si Kelly at napatingin si Patrick “Aalis ka na rin ba?” Ang sabi ni Kim.
Ethan: Um...kailangan ko na ring umalis eh...Kelly?
Siniko ni Kim si Kelly “A---ano?”
Ethan: Ayos ka lang ba? Bakit parang nakakita ka ng multo? O dahil ba familiar ang damit kong suot?
Kelly: Ha? Hin---hindi si---sige mga ku’y aalis na kami.
At hinila na niya si Vince “Ke—Kelly...”Ang pahabol na sabi ni Ethan.
Dave: Si---sige po alis na rin kami.
Keith: Ah...oo sige ingat kayo pakitignan nalang din si Kelly ha?
Patrick: Opo wag kayong mag alala sige ho.
At umalis na yung dalawa pero nung papaalis na tinignan pa ni Patrick si Ethan at nagkatitigan sila ng panandalian “Eh? Sino yon?”
Kim: Sino? Si Patrick?
Ethan: Patrick? He seems familiar.
Keith: Oh? Baka nakita mo kahapon kaklase siya nila Kelly eh.
Kim: Oo nga, ano ihahatid ka ba ni Kevin?
Ethan: Papahiramin nalang daw niya ako ng motor.
Kim: Sige tumawag ka nalang pag out ka na.
Ethan: Paano pala si Kelly? Di makakasama satin?











*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon