Kabanata 25

20 0 0
                                    

Sa kwarto ni Kelly,

Inaayos ni Kelly yung mga damit niyang ipapalaundry at pasiol-sipol pa “Kelly, naayos mo na ba ang mga damit mo?”Ang sabi ni Kevin.
Kelly: Di pa kuya.
Kevin: Papasok na ko.
Kelly: Okay.
Napansin ni Kevin na masaya si Kelly “Good mood at ang baby namin.”Aniya.
Kelly: Lagi naman.
Kevin: Sus...iba eh parang may iba.
Kelly: Anong iba kuya? Tulungan mo na nga lang ako sa mga damit ko.
At tinulungan nga niya si Kelly na mag lagay ng damit sa plastic bag “Napansin ko kasing di ka na nauutal kapag kausap mo si Ethan.”
Kelly: Ha? Ibukas mo naman kuya di kasya oh.
Kevin: Oo na...dami kasing damit eh....Napansin ko nga dati kasi nauutal ka kapag kausap mo sya yung tipong hiyang hiya ka.
Kelly: Hmmm...talaga?
Kevin: Oo kaya di ka nga maka basag pinggan eh parang lumalabas ang version 2.0 mo.
Kelly: Eh? Paano mo naman na sabi?
Kevin: Babysis, matagal na naming alam na crush mo si Ethan.
Napahinto si Kelly at natahimik “See! Natameme ka.”
Kelly: Eh...ka---kasi ku---kuya...
Kevin: Ayan ganyan ka lagi pagkaharap si Ethan ganyan ka rin kapag kinakabahan ka eh.
Naging clingy bigla si Kelly “Kuya...sorry pero promise gang paghanga lang naman yun.”
Kevin: Asus...dalaga na talaga ang baby namin pero paano naman si Patrick?
Bumitaw si Kelly agad kay Kevin “Ano? Anong Patrick? Yung bwiset na yon? Wala akong crush dun noh! At never akong magkakagusto don. NEVER!!!”
Kevin: May kasabihan nga the more you hate the more you love.
Kelly: Kuya don’t me okay?
Kevin: Sus...pero napansin ko di ka na kabado kaharap si Ethan nung dumating sila Patrick at Dave.
Kelly: Oh? Siguro nag enjoy lang akong asarin ang tukmol na yun kaya di ko masyadong napag tuunan ng pansin si Ethan.
Kevin: Maka Ethan ka diyan! Kuya Ethan mas matanda siya sayo kasing edad ko nga yun.
Kelly: Fine! Eh...kuya alangan namang i-kuya ko yung crush ko? Brother zone lang peg?
Sa isip-isip ni Kevin “Sigh...my poor sister kung alam mo lang na sister zone ka na niya.”
“Kelly!!!”Ang sabi ni Kim.
Kelly: Kuya?
Pumasok si Kim “Oh? Andine ka pala aalis na raw kayo Kevin yung damit mo Kelly ayos na ba?
Kevin: Ah? Aalis na? Si Ethan?
Kim: Oo bilisan niyo na nandun sila sa sala nag aantay kanina nga eh mukhang seryoso ang pinaguusapan nila.
Kelly: Ano raw yun bro?
Kim: Abay di ko alam pero tingin ko tungkol sayo.
Kelly: Sakin? Bakit ako?
Kim: Ewan ko baka kinompronta na ni brother si Ethan.
Kelly: Kinum...Kinontrata? Ano?
Kevin: Confront! Luka!
Kelly: Ahhh...confront lalim kasi.
Kim: Ah basta pakiramdam ko ayaw ni kuya kay Ethan para kay Kelly.
Kelly: Ano yun kuya? Anong...ANO KINAUSAP NI KUYA KIAN SI ETHAN???
Pandalas na ng baba si Kelly “Kelly!!!” Pahabol na sambit nung dalawa
Kevin: Sigh...Kuya naman eh alam niya ng alam natin na crush niya si Ethan!
Kim: Ha?
Kevin: Sigh...tara na bilis.

Sa Sala,

“KUYA!!!!” Sambit ni Kelly.
Kian: Ano ga at humahangos ka diyan?
Kelly: Anong...anong sinasabi mo sa kaniya???!!!
Ethan: Babygirl?
Kelly: Sorry!!! Di sinasadya ni kuya Kian ang mga sinabi niya.
Ethan: Ha?
Kian: Kelly! Ano bang pinagsasabi mo?
“Ha----ha---ha...It’s a PRANK!!!” Ang sambit nila Kevin at Kim.
“Ano?”Anila.
Kevin: Sige na Bro.
Kim: Okay.
Binuhat pataas ni Kim si Kelly “Kuya anong ginagawa mo? Ibaba mo ko!”
Ethan: Anong...Anong nangyayare?
Kian: Kevin, ano namang ginagawa niyo????!!!
Kevin: Ha----ha----ha...It’s a PRANK nga bro.
Kian: Anong prank??? Kevin ha! Ano na namang kabalbalan yang sinabi niyo kay Kelly ha?
Kevin: Ah...eh...kasi...
Kian: Sigh...I knew it!
Ethan: Ah...guys? What is happening here?
Kevin: Sandali lang ha?
Hinila ni Kevin si Kian sa isang gilid at bumulong “Ano ba kasing pinaguusapan nyo?”
Kian: Ano? Sandali lang anong ka tsismisan na naman ang sinabi niyo kay Kelly ha?
Kevin: Kasi si kuya Kim nakita raw na naguusap kayo ni Ethan kanina tapos ayun sabi niya kinompronta mo na si Ethan para kay Kelly.
Kian: Ano???
Kevin: Eh ano bang pinagusapan niyo?
Kian: About lang sa case ni daddy.
Kevin: Ha?
Kian: Sigh...ano ang laging sinasabi ni daddy?
Kevin: Wag agad manghusga kung hindi naman inaalam ang buong istorya o pangyayare.
Kian: Hay...sige na ipaliwanag mo kay Kelly lalo na diyan kay Kim jusmiyo! At yung mga ipapalaundry bilisan niyo!
Kevin: O---oo kuya.
At kumaripas ng alis si Kevin “Anong nangyare don?” Ang sabi ni Ethan.
Kian: Ah? Yun ba? Nako na misinterpret lang hayaan mo na masasanay ka rin.
Ethan: O---kay?

Sa kwarto ni Kelly,

Naiyak si Kelly “Kuya Kim palabasin mo na ako dine! Kailangan kong magpaliwanag kay Ethan,
Kim: Sorry babysis, pero hindi pwede.
Kelly: Kuya!!!
“Knock...knock...”
Kevin: Kuya buksan mo.
Kim: Kevin?
Kevin: Sino pa ba?
Binuksan ni Kevin yung pinto at nag pumilit ring lumabas si Kelly pero binuhat ka agad siya ni Kim “Sabi ng di pwede lumabas baby.”Aniya at sinarado ka agad ni Kevin ang pinto at humarang.
Kelly: Kuya Kevin, sige na pangako di na ko mag kakacrush last na talaga si Ethan. Kaya sige na palabasin niyo na ako ayokong mamisinterpret ako ni senior.
Sumensyas si Kevin kay Kim na ibaba na si Kelly “Hep! Sandali lang bago ka lumabas diyan pakinggan mo muna ako.” Ang sabi ni Kevin.
Kelly: Kuya!
Kevin: Anong laging sinasabi ni Dad?
Kelly: Wag mag judge kung di ka naman Judge?
Kevin: Ano? Nako Kelly di ako nagbibiro.
Kim: Pero havey yung sinabi ni baby. Ahahaha...joker ka talaga.
Kelly: Talaga kuya?
Kevin: HEH! Magtigil nga kayo seryoso ako. UPO!
At umupo naman ka agad yung dalawa at pinahid na ni Kelly yung mga luha niya “Una sa lahat kuya wag kang tsismoso lalo’t di mo naman alam ang pinaguusapan.”
Kim: Ay...sorry.
Kelly: Hala kuya lagot ka kay mama yun pa naman ang ayaw niya ang chismakers.
Kevin: Heh! At pangalawa ikaw Kelly wag kang basta susugod kung nasa gera ka at wala kang dalang armas paano ka na?
Kelly: Sorry kuya pero wala naman tayo sa gera eh.
Kevin: KELLY!!!
Kelly: So----sorry kuya.
Kevin: Namimilosopa ka na naman ha?!
Kim: Eh ano ba kasi yung pinagusapan nga nila kuya at Ethan?
Kelly: Oo nga kuya baka kung ano na pinagsasabi ni kuya Kian kay senior nakakahiya wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya.
Kim: Sus...arte!
Kevin: TAHIMEK!!!
“Sorry...”Anila.
Kim: Sandali nga lang! Kanina ko pa napapansin eh bakit parang mas dominant ka kesa sakin eh mas matanda ako sayo?
Kevin: Ha---ha---ha...chill lang kuya ikaw naman kase.
Kim: Tsss...Bilisan mo na ikwento mo na.
Kevin: O---oo kuya.
Kelly: Bleeh...
Kevin: Tsss...gusto mong makatikim diyan? Ha?
Kelly: Kuya Kim si Kuya Kevin oh sasampigahin daw ako.
Kim: KEVIN!!!
Kevin: Ha? Wa---wala naman akong sinasabi.
Kelly: Meron kaya.
Kim: Tama na yan! Ikwento mo na kung ano yung pinagusapan nung dalawa sa baba.
Kevin: O---oo eto na nga sabi kasi ni kuya Kian wala naman siyang binanggit patungkol kay Kelly nag ask lang sya about sa case ni daddy.
Kelly: So? Wala siyang sinabi kay Ethan na masama?
Kim: Oh tapos?
Kevin: Yun na nga tungkol lang naman sa case ni Dad yung pinagusapan nila at di yung tungkol kay Ethan at Kelly kaya kumalma na daw kayo.
Kelly: Sigh...salamat naman.
Kim: Pero ano daw yung tinanong ni kuya kay Ethan about sa case ni Dad? Bakit? Gusto niya ulit i-open yung case ni daddy?
Kevin: Hindi ko na naitanong kasi inutusan niya na akong pumunta dine at ipaliwanag ko raw sa inyo yung mga pinagusapan nila tsaka yung ipapa-laundry natin. Kelly bilisan mo na iiwanan namin yang damit mo.
Kelly: Tsk...oo na!
Habang inaayos ni Kelly ang damit niya pabulong bulong yung dalawang nag-uusap “Sa tingin mo bakit kaya nabanggit ni kuya kay Ethan yung case ni daddy?”Ang sabi ni Kim.
Kevin: Di ko nga rin alam bro pero simula nung nabanggit ni Ethan nung isang araw about sa case ni daddy parang lagi na siyang may hinahanap sa kwarto nila mom at dad.
Kim: Nakita mo?
Kevin: Oo pero sabi niya naman sakin nililinis niya lang daw.
Kim: Hmmm...Something is wrong with Brother.
Kevin: Ano naman kaya yun?
Kim: Yun ang aalamin natin.
“Tapos na ako! Ano bang pinaguusapan niyo dyan?” Ang sabi ni Kelly habang dala-dala yung supot ng mga damit niya.
“Wala ka na don!” Anila.
Kelly: Tsss...edi meow.

Kinagabihan,

Nasa sala si Kelly at nanonood ng horror movie “Ding...Dong...”
Kelly: Kuya, may nag doorbell.
Nasa kusina at nagluluto naman si Kim ng kanilang hapunan “Pakitignan mo muna baka kasi masunog ang niluluto ko.”Aniya.
Kelly: Tsk...Kuya nasa part na akong kakainin na nung monster yung bida eh. Ikaw na!
Kim: 1k!
Kelly: Okay! Papunta na.
Habang hinahalo ang niluluto niya “Si Kelly talaga kailangan may kapalit muna bago sumunod. Ka inaman!”
Samantala sinilip ni Kelly sa butas ng gate nila yung nag doorbell “Hello? Sino po sila?”
Pero walang sumasagot “Bakit parang wala namang tao?”
“Guni-guni ko lang ba yung may nag doorbell? Hays, Ewan!”










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon