Kabanata 123

1 0 0
                                    

Habang nasa biyahe papunta kila Lola Ensay,

Biglang napapatong ang ulo ni Kelly sa balikat ni Mimay "Baby girl?"
"Kelly?" Ang sabi naman ni Aliyah mag kakatabi kasi sila at pinag gigitnaan si Kelly.
"Tulog ba siya?"
"Oo pero bakit? Kanina ang energetic niya eh."
"Sigh...baka dahil ininum niya yung lambanog." Ang sabi ni Patrick.
"Lambanog?" Anila.
"Um...pinatagay kasi ako ng mga kuya at pinsan niya kaso isang baso tapos siya na yung sumalo."
"Anak nang!" Ang sabi ni Vince.
"Bakit?" Anila.
"Samin kasi si Kelly ang mabilis tamaan ng alak kahit nga kalhating baso lang nun tulog yan buti nga naka abante pa kung isang baso pala."
"Pero sabi niya nature niyo na ang uminom I mean ng alak."
"Yeah...pero hindi siya pwede ng marami nako malilintikan tayo niyang pag na gising yan."
"Bakit?" Anila.
"Sigh...basta wag niyo nalang siyang gigisingin parang awa niyo na."
"O—okay?" Anila.
"Ah, manong dito nalang po tayo." Ang sabi ni Harvey.
"Eh? Dito na agad?" Ang sabi ni Dave.
"Oo ayan na yung bahay namin pasensya na kung medyo maliit ha pero yung lola ko naman may sariling receiving area."
"Taray may pa "hello guest room." Ang sabi ni Mimay.
"Buang! Sige guys mauna na muna ako sa inyo tas sunod na kayo ha? Dave sumabay ka na sakin."
"Ah...oo sige dude sabay na ko sa kaniya."
"Yeah...sunod kami." At na una na ngang bumaba yung dalawa.
"Paano si Kelly?" Ang sabi nila Mimay at Aliyah.
"Sige na mauna na kayo ako ng bahala sa kaniya." Ang sabi naman ni Vince.
"Hindi ka sasama?" Ang sabi ni Patrick.
"Oo mahirap pag na gising ang lukaret na ito."
"Pero..."
"Sige na susunod kami pag na himasmasan na toh." At lumipat siya ng upuan pagka baba nila Mimay at Aliyah para bantayan si Kelly.
"Sige tawagin mo kami pag may kailangan si baby girl." Ang sabi ni Mimay.
"Um...sige Aliyah sumunod ka na rin sa kanila."
"Ah? O---oo sige."
"Sige na pre."
"Oo sige."
"Wayne, halika na." Ang sabi ni Aliyah.
"Maiwan nalang din ako dine."
"Ha? Bakit?"
"Ah...eh..."
"Nahihiya ka na naman ano? Sigh....sige ikaw bahala."
"Um..."
"Hindi ka sasama?" Ang sabi ni Vince.
"Samahan ko nalang kayo dine."
Na patingin naman si Patrick kay Wayne "Manong, diyan na muna kayo."
"Sige Sir ako ng bahala dito." Tugon ni Manong Berto.
"Um..." At sumenyas siya kay Manong Berto.
"Okay Sir." At umalis na nga sila Patrick.
"MMm...mmm..." Bigla namang nagigising na si Kelly.
"Ay si'ya!" Ang sabi ni Vince.
"Bakit? Ayos lang ba sya?" Ang sabi ni Wayne.
"Mahirap kasi pag nakakainom ito kaya hindi ito pinapainom ng mga kuya niya."
"Bakit? Ano bang nangyayare?"
"Nagwawala kasi."
"Ha?"
"Oo lakas tama sa kaniya ng alak eh."
"Hala, paano na?"
"Gusto nyo bang iuwi na natin siya Sir?" Ang sabi ni Manong Berto.
"Ho? Di na po baka kaya ko namang i-handle mukhang mahimbing na ulit ang tulog niya tsaka nakakahiya po sa inyo."
"Nako, wala yun para saan pa at naging driver ako ng mahigit ilang dekada?"
"Hehe...sige po sasabihan ko kayo pag kailangan na salamat po."
"Sige."
"Sigurado ka ba ayos lang si Kelly?"
"Um...mukhang nakatulog na uli."
"Sana maging okay lang siya.
"Oo basta wag lang siyang magigising."

Samantala,

"Lola, sila po ang mga sinasabi ko sa inyong mga kaklase. Guys meet my lola Ensay ang pinaka magaling na manghihilot at albularyo sa barrio namin." Ang sabi ni Harvey.
"Hello po sa inyo." Anila.
"Ay napagkaka gandang mga dilag at nag sisiguwapuhan naman pala ang iyong mga panauhin apo. Kinagagalak ko kayong makilala tawagin niyo nalang akong Lola ensay."
At nag mano naman sila at nag pakilala isa-isa  kay Lola Ensay "Kamusta po kayo? Naalala nyo pa ga ako?" Ang sabi ni Mimay pagkatapos niyang mag mano.
"Pasensya na pero na mumukhaan naman kita iha at naalala kong madalas kang kalaro ni Harvey nung kayo ay mga batang paslit pa lamang may kasama pa kayong isa eh."
"Ahh...si Vince po." Anila Harvey at Mimay.
"Ayun...oo iyon nga asan siya?"
"Nako nasa van po kasama si Kelly may tama po eh." Ang sabi ni Mimay.
"Tama?"
"Ah...lola tinamaan po siya sa ininom niyang alak." Ang sabi ni Harvey.
"Ahhhhh...lambanog ga? Ay malakas ang tama niyon."
"Hah----hah...opo..."
"Hi lola my name is  Dave."
"Ay ano gang nangyare sa mga sugat mong iyan at mukhang hindi ka pa makalakad di'yan ng ayos."
"Ah...eh...mahabang explanation ho."
"Opo lola pakihilot niyo nalang din ho siya." Ang sabi ni Harvey.
"Ay siya sige."
"Hello po ako naman po si Aliyah kaibigan rin po nila."
"Kay gandang bata ka puti eh."
"He---he---he...salamat po."
"Lola, baka naman mausog niyo." Ang sabi ni Harvey.
"Ay oo nga nakaligtaan ko'y malakas ang aking usog ay halika iha lalawayan kita."
"Ho? La---laway?" Napalayo naman si Aliyah at nag tago sa likod ni Mimay "Ah...eh...kasi kinagawian na iyon dine sa probinsya wag kang mag alala hindi naman nakakamatay ang laway ni lola pero kasi mahirap na baka ma usog ka niya." Ang sabi ni Harvey.
"Ha? Pe---pero...kasi para ang unhygienic naman."
"Girl, ayos lang yan kesa naman sumama ang pakiramdam mo mamaya sige ka ikaw rin."
"Ha? Pero Mims."
"Ayos lang yan lola sige na ho pwede niyo na siyang lawayan." Tinulak niya si Aliyah "Mi---Mims!!!"
"Iha, wag kang mag alala magiging ayos ka lang."
"Pe---pero po kasi."
At pumikit nalang si Aliyah at nilawayan na siya ni Lola Ensay sa tiyan "Ayos na iha maaari ka ng kumalma."
"O---okay na po?"
"Oo girl halika na umupo na tayo."
"Si---sige."
"La, si Patrick po." Ang sabi ni Harvey.
"Kinagagalak ko po kayong makilala lola Ensay." At nung nag mano siya kay lola Ensay "May dinaramdam ka iho."
"Ho?"
"Lola, siya yung gustong mag pa tawas para sa kaniyang kapatid."
"Sige ilagay mo dine sa papel ang buong pangalan at ang kaniyang kaarawan."
"Ah? O---opo sige po." At sinulat na nga niya sa isang papel.
"Sige patingin iho."
At sinimulan na ni lola Ensay ang pag tatawas pinanood naman siya nila Patrick ng masinsinan at seryoso ang lahat at tahimik "May isang lalaki akong nakikita."
"Lalaki po?" Ang sabi ni Patrick.
"Oo na siyang nag aalaga sa iyong kapatid."
"Lola, yung kapatid niya po ay patay na."
"Patay? Hinde nararamdaman ko pa ang kaniyang presensya."
At bigla namang dumating si Kelly "KELLY!!!" Ang pa sigaw na sabi ni Vince dahil hinahabol niya ito kasama si Wayne.
"Kelly?" Anila maliban kay Lola Ensay na nagulat.
Pa gewang-gewang si Kelly na mag lakad at natumba siya kay Patrick "Kelly!"
"Hey...bakit parang naikot ang mundo ko?"
"Ayos ka lang ba?"
"Kamukha siya ng kapatid mo iho tama?"
"Lola." Ang sabi ni Harvey.
"O----opo."
"Mukhang ang nakikita kong presensya ay hindi sa kapatid mo kung hindi sa babaeng iyan."
"Babae? Lola hindi po ako babae. Ang sabi ni Kelly na biglang lumapit kay Lola Ensay.
"I—iha..."
"Lola!!! Ikaw po ba yung gustong makita nila Patrick na manghuhula?"
"Mang---Manghuhula?"
"Sigh...Kelly!!!" Ang sabi ni Vince at hinila si Kelly "Sorry po lola naka inom po kasi ang pinsan kong lukaret na ito."
"Mukha nga sige ilabas niyo na muna yan at hindi pa ako tapos dine."
"Si---sige po Wayne halika bilis dalhin na natin sa Kelly sa van."
"O---oo sige." At inalis na nga muna nila si Kelly doon at pinag patuloy ni lola Ensay ang pag tatawas niya.
---
.
.
▪︎Author: Ano nga kayang magiging resulta ng pag tatawas ni Lola Ensay kay Patrick? A. Bibili lang ng tawas si Dave? B. Wala na akong maisip. C. Charot lang.hahahaha...Commercial muna intense eh si Kelly kasi. Okay balik na uli sa kwento. Ahahaha...
.
.
Kinagabihan,
Tulog na si Kelly at binuhat na siya ni Vince papasok sa kanilang bahay "Anong nangyare kay Kelly?" Ang bungad ng mga kuya niya.
"Ah---Ahm..."
"Sorry po kasalanan ko." Ang sabi ni Patrick.
"Dude!" Anila Dave.
Kinuha ni Kevin si Kelly kay Vince "Hinde, mukhang na lasing siya sa ininom niyang lambanog kanina tama Vince?"
"Ah? O---opo."
"Nag wala na naman ba siya?" Ang sabi ni Kian.
"Medyo po."
"Sigh..." Ang reaskyon ng mga kuya ni Kelly.
"Sige na mag pahinga na kayo samahan mo na sila Vince sa kanilang tutulugan yung iba niyong kaibigan nasa terrace mukhang na lasing rin."
"Sila Chollo?" Ang sabi nila Aliyah at Wayne at pandalas naman silang nag tungo sa terrace.
"Sige na Vince ihatid mo na sila sa kanilang pwedeng tulugan dito na kayong lahat matulog."
"Ho? Hindi na po nakakahiya naman may matutulugan naman po kami." Ang sabi ni Patrick.
"Pero gabi na rin naman kumain na ba kayo?" Ang sabi ni Kim.
"Opo kuya pinakain kami doon kila Lola Ensay." Ang sabi ni Vince.
"Ohhh...kaya ba kayo ginabi?"
"Nag punta rin po kasi kami sa bahay nila Mimay kaya ngayon lang po kami."
"Ahhh...sige mag pahinga na kayo tulog na rin naman sila lola at lola."
"Um...sige po tara mga pre sumunod kayo sakin."
"Pero pre hindi na nag pa book kasi si Ms. Maricar ng hotel para samin."
"Ohhh...nalimutan ko "ritskid" ka nga pala."
"Hoy grabe nahihiya lang talaga kaming dumayo pa ng tulog di ba Dave? Ha? Dave?"
"Wala tulog na rin baka nasarapan sa hilot kanina sa kaniya ni Lola Ensay ayun sa sofa umawra na ng tulog."
"Anak nang! Hindi na talaga siya na hiya."
"Sige dito na kayo matulog may kwarto pa namang bakante sige na Vince." Ang sabi ni Keith.
"Opo kuya...halika na nga pre pagod na din ako'y."
"Sige na nga . Salamat po sa inyo."
"Sige mauna na rin kami sa inyo."
"Opo." Anila.

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon