Kabanatq 128

2 0 0
                                    

Kinabukasan,

Nag paalam na sila Kelly sa kanilang kamag anak sa Batangas "Bye lolo, lola ingat kayo po parati dine." Ang sabi ni Kian.

"Ay oo kayo eh mag iingat din doon sa Manila mga apo ingatan niyo ang isa't isa doon lalo na yang kapatid niyong si Kelly."

"Opo lo, ingatan niyo rin po ang sarili niyo dine wag kayong pasaway kila Tiya Vina at tiyo Inoy kayu'y laging iinom ng gamot na inyong maintenance."

Nakayakap naman si Kelly sa lola niya "Oh, sya kayu'y lumakad na at baka tanghaliin pa kayo sa inyong biyahe." Ang sabi ni Inoy.

"Sige po ingat ho kayong lahat dine. Kelly, halika na bitawan mo na si Lola."

"Ehhh...mamaya na."

"Ano? Tatanghaliin na tayo may gagawin pa kaming mga kuya mo absent kami ngayong araw."

"Pero kuya..."

"Kian, sige na sumakay na kayo sa van ako ng bahala dine kay Kelly."

"Sige po la."

At nag mano na nga sila Kian sa mga kamag anak nila at sumakay sa van "Bunso, ika'y umayos aalis na kayo nila kuya mo kaya ika'y kumilos na inaantok ka pa ano?"

"Opo La."

"Ay sabi na eh matulog ka nalaang sa biyahe ng ika'y makabawi ng tulog."

"Um...sige po pero mamimiss ko kayo nila lolo eh."

"Ay kami rin naman kayo'y mamimiss rin namin tumawag nalaang kayo parati yung sa telepono na nakikita yung isa't isa."

"Ahhh...videocall po? Sige po pagawa kayo kay tiya Vina ng fb para maka pag chat at video call tayo."

"Ay, susubukan ko alam mo namang malabo na ang mata ni lola mo."

"Hehehe...opo nga pala papabilhan ko kayo ng bagong salamin kila kuya pati si lolo."

"Hindi na kailangan kaya naman naming bumili dine wag niyo kaming alalahainin dine alalahanin niyo ang sarili niyo malayo kayo sa amin delikado ang Manila kaya kayo ay mag iingat."

"Hehe...lola naman maka delikado wagas okay po sa Manila well, mas okay po dine kasi fresh ang lahat pagkain, hangin at fresh din ang mga feslalu."

"Ano? Fes? Ano yon?"

"Hahahaha...face po yun ibigsabhin mukha. Lola talaga minsan nga tuturuan ko kayo ng salitang millennials."

"Ay sya sige pero ika'y sumakay na ng van baka ika'y maiwanan na ng mga kuya mo."

Niyakap naman ni Kelly ang lola niya at sinabing "Mamimiss ko kayo La, uuwi nalang po kami dine sa bakasyon okay?"

"Um...sige na lumakad na kayo."

"Lakad? Lola, sasakay kami ang layo ng Manila sa Batangas tapos lakad? Ayoko pang hikain La."

"Tung batang ire talaga sige na sumakay ka na."

"Sige po." At nag mano na siya sa lola at sa lolo niya at sa iba nilang kamag anak at nag paaalam "Bye Lola, bye lolo, tiya, tiyo mga kawsin." Dagdag pa niya habang naka dungaw sa bintana ng van.

"Baby princess!!! Yung sinabi ko sayo ha? Ikaw yung flower girl ko." Ang sabi ni Joshua.

"Heh! Hindi na ko bata! At ayoko mag gown."

"Pero!!!  Sige na para naman sa kawsin mong pogi."

"HEH! Ang tugon ng lahat.

"Okay, kalma mga kamag anak ko ba talaga kayo?"

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon