Kabanata 27

21 1 0
                                    

Kinabukasan,

Sa Office “Good Morning Jillian.” Ang sabi ni Vince.
Jillian: Morning, Oh? Di mo kasabay si Kelly?
Vince: Ah...oo malelate siya.
Jillian: Ha? Bakit?
Vince: Tumawag sakin yung kuya niya may nangyare sa bahay nila.
Jillian: Ano? Kamusta si Kelly?
Vince: Ayos lang naman siya may umaaligid aligid kasi sa bahay nila kagabi.
Jillian: Magnanakaw?
Vince: Hindi pa nila alam ang motibo nung tao eh pero mukhang pananakot lang raw.
Jillian: Hala! Eh si Kelly? Siguraddo ko takot na takot sya.
Vince: Nako hindi rin mas malakas pa sakin yon.
Jillian: Sira! Syempre babae parin si Kelly.
Vince: Sa tingin ko isa sa mga freak yun na umaaligid sa mga kuya niya.
Jillian: What do you mean?
Vince: Ah...nung mga nakakaraang taon kasi siguro mga 18years old palang si Kelly that time pumunta kaming dalawa nun sa mall tapos inihatid ko siya sa kanto ng subdivision nila tapos.

Dalawang taon ang nakararaan,

Vince: Sigurado ka ba? Dito nalang kita iiwan?
Kelly: Oo nga oa mo umuwi ka na baka ako pa pagalitan ni tita dahil ginabi ka.
Vince: Sige pero...baka ako naman ang pagalitan ng mga kuya mo dahil di kita inihatid door to door.
Kelly: Tsk...di yan andito naman na ko sa subdivision eh. Ayos lang ge na uwi na.
Vince: Sige...text mo ko pag nakauwi ka na ha?
Kelly: Oo na! Ge na babu!
Vince: Ingat!
Kelly: Oo ingat rin sila sayo.
Vince: Luka! Ge na mauna ka na bago ako sumakay.
Kelly: Tsk...arte ge na.
At pumasok na nga si Kelly sa kanilang subdivision “Sigh...bakit kasi wala man lang tricycle dine mag lalakad pa tuloy ako papasok.”
“Hi Ms. Dela Cruz, pauwi na?” Si Mr. Landicho isa sa mga nakatira sa subdivision.
Kelly: Ah...opo kayo po? Nag ja-jogging?
Mr. Landicho: Oo para healthy.
Kelly: He---he---he...sige ho ingat kayo.
Mr.Landicho: Sige kamusta mo ako sa mga kuya mo.
Kelly: Sige po..
Habang naglalakad “Hapon na? Jogging? Mga tanders talaga ngayon ang hirap espelengen.”
“Hmmm...ilang block pa ba bago ako makarating sa bahay namin.”
“Hayyyy...kainis dat kasi nag pasunod nalang ako kila kuya. Tsk...:
“Nako, di nalang pala baka sabihin pakatamad ko maglakad di pa ako payagan mag lagalag nextime.”
“Maka pag soundtrip na nga lang.”
Kinuha ni Kelly ang headset nya at nakinig ng music at habang naglalakad may nakasalubong syang tatlong babae “Bitch.” Anila.
Napahinto si Kelly dahil humarang ang mga ito sa daanan niya “Excuse me po.” Aniya.
Hindi siya pinadaan ng mga ito “Ahm mga manang? Excuse me po?”
“Huh! Manang? Kame?” Sabi nung isang babae.
“Ahahahaha...manang? Bastos ang bibig mo.” Sabi naman nung isang babae.
“Matagal tagal na rin akong di nakakasampal.” Tugon rin naman nung isang babae.
Sa isip-isip ni Kelly “Ano gang pinagsasabi ng mga tanders na ito?”
“Hoy! Anong tinitingin tingin mo diyan?” Sabi nung isang babae.
Tinanggal ni Kelly yung headset niya “Ho? Ano po yung sinasabi niyo?”
“Girls, ako muna.”
“Go Girl.”
Sinampal si Kelly nung isang babae “Ano? Hindi mo parin ba kami naririnig?”
Nagulat si Kelly at hinawakan ang pisnge niya “Di po ako napatol sa mga matatanda eh pero pag pinilit niyo ko masasaktan talaga kayo.”
“Ahahaha...masasaktan raw...ahahaha...”
“Girl, nakikita mo ba tatlo kami isa ka lang.”
Sinampal ulit siya sa kabilang isnge nung isa namang babae “Para yan sa joke mo napatawa mo kami.”
“Girl galing mo diyan.”
“Ahahaha...girl pantay na yung mukha niya pero paano ko? Dapat ako rin may ambag sa mukha niya.”
“Hmm...isahan mo sa ilong girl.”
“Pwede kaya?”
“Go girl.”
“I’m Ready na.”
Susugod na sana yung babae pero pinigilan agad siya ni Kelly “Hoy! Bitawan mo ko.”
“Aba, nalaban.”
“Sige nga let’s see what you’ve got bitch.”
“Girls, ano?”
Kelly: Ginagalit niyo na talaga ako!
“Bitawan mo nga ako.”
Kelly: Bitawan? Huh! Binigyan ko na kayo ng warning pero di kayo nakineg!
Diniin ni Kelly ang pagkakahawak niya sa braso nung babae hanggang sa napaluhod ito “Awww...g---girls tulungan niyo ko.”
Nagulat yung dalawang babae at napaatras “Sinabi ko na di ba? MASAMA AKONG MAGALIT!!!”
“Girls, tulungan niyo ko!!!”
Lumapit yung dalawa at nagtatakang hawakan si Kelly pero nakaikot agad sya at napigilan “Sino kayo? Bakit gusto niyo akong saktan?”
“Bitawan mo kami!”
Kelly: Ah.....di kayo magsasalita?
Diniinan lalo ni Kelly ang pagkakahawak sa dalawa hanggang sa mamilipit sa sakit yung dalawa “KELLY!!!” Sigaw ng mga kuya niya.
“Kuya?”
“KUYA???”Ang sabay-sabay na sambit nung tatlong babae.
Kian: Unice?
Keith: Bethany?
Kevin: Nicole?
Habang hawak parin ni Kelly yung dalawa “Kilala niyo sila kuya?”
Kim: Bitawan mo na sila halika dito.
Kelly: Okay!
Binitawan ni Kelly ng may pwersa yung dalawa “Awww...”Anila.
Kelly: Tsss...bagay lang yan sainyo ang sakit niyo kayang manampal.
“ANO??? SINAMPAL NIYO SI KELLY???” Anila Kian.
Pandalas naman ng luhod yung tatlo sa harap nila “Sorry hindi namin sinasadya.” Si Nicole ang may gusto kay Kevin.
“Oo di naman namin alam na kapatid niyo siya.” At si Bethany ang may gusto naman kay Keith.
“Patawarin niyo kami gusto lang naman namin turuan sya sana ng leksyon kasi nilalande niya kayo.” At ang huli si Unice
Kian: Huh! Lande? BUNSO NAMING KAPATID SI KELLY!!!
“So---sorry talaga.”Anila.
Kevin: Sorry? Sinaktan nyo na sya sorry?
Keith: Tingin niyo magkakagusto pa kami sa inyo? Hindi na! At never ng mangyayare yon.
Habang kinakausap nila Kian yung tatlong bababe sa isip-isip ni Kelly “Sa pagkakalam ko di naman ganyan ang type nila kuya well, sexy sila pero mukha silang hipon.”
Napatingin si Kim kay Kelly at napansin niyang nadugo ang pisnge nito “Tsss...tapon ulo kain katawan...” Ang pabulong-bulong na sambit ni Kelly.
Kim: Baby! Yung pisnge mo.
Kelly: Huh?
Kumuha ka agad ng panyo si Kim at nilagay sa pisnge ni Kelly “Kuya? Anong meron sa pisnge ko?”
Kim: Mga bro, nadugo ang pisnge ni Kelly?
“ANO?”Ang sabay-sabay sambit nila Kian.
Kelly: Dugo?
Kim: Oo nadugo yung pisnge mo.
Kelly: Nadugo lang pala eh...si---siw ya....
At nahimatay si Kelly “KELLY!!!!”Anila.

Sa kasalukuyan,

Jillian: Ahahaha...nahimatay si Kelly dahil sa dugo?
Vince: Di naman mas nahimatay siya sa pagod di kasi talaga yun sanay mag lakad. May katamarang taglay kasi.
Jillian: Si Kelly talaga...Ahahaha...
“Where’s Kelly?” Ang sabi ni Maricar.
Vince: Morning po Miss wala pa po si Kelly may nangyare po kasi sa bahay nila.
Maricar: What happen?
“ANONG NANGYARE KAY KELLY???” Ang bungad ni Patrick.
“Mo---Morning Sir.” Ang sabi ni Maricar.
Patrick: Anong nangyare kay Kelly? Vince?
Vince: Ah...a---ano...
“Magandang buhay...A---anong meron?” Ang bungad naman ni Kelly.
Paglingon ni Patrick niyakap niya si Kelly “Mabuti ayos ka lang.”
Tinulak naman siya kaagad ni Kelly “Pervert!” Aniya.
Vince: Kelly!
Tinulangan ni Maricar si Patrick na tumayo “Si---sir...Ayos ka lang ba?”
Patrick: O---oo..Ms. Dela Cruz! In my office.
Kelly: Ano?!
At umalis na si Patrick “Si----Sir may kailangan po kayong pirmanhan.” Ang pahabol na sambit ni Maricar.
Vince: Jusmiyo Kellang! Concern lang yung tao sayo.
Kelly: Aba, bakit kasi niya ako niyakap agad.
Jillian: Sigh...babygirl narinig kasi ni Mr. GM yung nangyare sayo kaya yun siguro nag-alala.
Kelly: Tsk...
“Ms. Dela Cruz, pinapatawag ka ni Sir....bakit kasi tunulak mo siya?” Ang sambit ni Maricar pagkalabas ng opisina ni Patrick.
Kelly: So---sorry po nagulat lang po kasi ako.
Maricar: Okay sige na baka lalo pang magalit yun pumasok ka na at sa kaniya ka mag sorry.
Kelly: O---opo Ma’am.
At pagpasok ni Kelly wala sa loob si Patrick “Hello? Andito na ako...Pa—Patrick? Ay...mali Sir Mr. GM?”
Luminga-linga si Kelly “Nasan naman kaya ang kumag na yon?”
At biglang may kumulbit sa likuran niya pero paglingon niya walang tao “Sir?”
May kumlbit ulit at paglingon niya “Di na ako natutuwa! Lumabas ka na Patrick!!!”
At nung may kumulbit ulit sa kaniya naging alerto sya at nahawakan niya ang kamay nito “Sabing hindi ako nakikipagbiruan!!!” At napatumba niya si Patrick at dinag-anan.
“A---aaa...aray bitaw ayoko na.” Pagmamakaawa ni Patrick.
Kelly: Alam mo matagal ko ring di nagagamit ang karate skills ko gusto mo 1 on 1?
Patrick: A---aaayoko bitawan mo na ko.
Diniinan pa ni Kelly ang pagkakapilipit kay Patrick “Anong kailangan mo? Bakit mo ko pinatatawag dito?”
Hirap na hirap sa sitwasyon “Gu---gusto ko lang malaman kung anong nangyare sayo kagabi.”
Kelly: Ano naman sayo? Sasabihin mo na naman dahil emleyado mo ako? Alam mo wag kang epal!
Patrick: Bitawan mo muna ako para makapag-usap tayo ng ayos.
Kelly: Bakit kasi lagi kang ganyan?
Natahimik si Patrick “Ano? Bakit di ka magsalita diyan? Bakit sobra kang mag-alala sakin? Tapos lagi mo namang pinamumukha na empleyado mo lang ako.” Dagdag pa ni Kelly.
Patrick: Bakit ano ba sa tingin mo?
Binitawan ni Kelly si Patrick at tumayo “Wala, ang gusto ko lumayo ka sakin! Yung dating di kita kilala kaya please lang wag ka ng umepal!” Ang tugon ni Kelly at umalis.
Patrick: SANDALI LANG!
Pabukas na sana si Kelly ng pinto “Kung hindi tungkol sa trabaho wag ka ng magsalita.”
Patrick: Paano kung sabihin kong may pagtingin na ako sayo?
Walang kibo si Kelly at lumabas ng opisina.










*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon