Kabanata 14

22 0 0
                                    

      Kinabukasan,

“Ding...dong...”
Keith: Ako na mag bubukas ng gate.
At lumbas nga si Keith at pinagbuksan yung nag doorbell “Oh? Ikaw yung kagabi right?” Aniya.
Mimay: Ah...opo ako po si Mimay magandang umaga po si Kelly po?
Keith: Morning, halika pasok ka nasa kwarto niya eh naliligo na ata.
Mimay: Ah...ganun po ba.
Keith: Maaga ba ang event?
Mimay: Nako di po 9am pa po aayusan ko lang po si Kelly.
Keith: Talaga? Pumayag siya?
Mimay: Ho? Opo?
Keith: Nako di kasi yun pala ayos eh.
Mimay: Ah...opo nga. He---he---he...
Habang papasok “Oh? Mimay...ang aga mo.” Ang sabi ni Kevin.
Keith: Aayusan niya raw si Kelly.
“TALAGA???”Pagulat na reaksyon nung tatlo.
Keith: Oo mga bro nakaka excite di ba?
Mimay: Opo.
Kian: Nag agahan ka na ba iha?
Mimay: Ah...opo kanina pa po bago ako umalis samin.
Keith: Sige halika ihahatid kita sa kwarto ni Kelly.
Mimay: Sige po maiwan ko na po muna kayo.
“Sige.” Tugon ng tatlo.
Kim: Si Kelly? Mag me-make up? Last na inayusan siya noong bday niya nung limang taon siya di ba?
Kevin: Oo si Alice pa nag ayos sa kaniya pero simula rin nun...
Kian: Okay, tama na yan! Kumuha na kayo ng mga pinggan kakain na tayo.
“Sige Bro..”Anila.

Sa kwarto ni Kelly,

Keith: Babygirl?
Kelly: Nasa cr ako kuya.
Keith: Ahhh...andine na kasi ang kaklase mo.
Mimay: Kelly, morning.
Kelly: Eh? Mimay?
Keith: Oo andine na siya kaya bilisan mo diyan.
Kelly: Okay paupuin mo muna siya diyan kuya.
Keith: Sige...oh sige Mimay maupo ka muna patapos na rin naman yun sigurado.
Mimay: Opo salamat.
Keith: Oh siya sige baba na muna ko ha?
Mimay: Okay po.
Keith: Sige.
At lumabas na nga si Keith ng kwarto ni Kelly “Wow...ang cute naman ng kwarto ni Kelly parang siya.”
Lumabas naman na si Kelly ng c.r “Sorry, ngayon lang ako natapos.”Aniya,
Mimay: Ayos lang kararating ko lang din naman. Ang cute ng kwarto mo.
Kelly: Nako! Si Mama kasi ang nag decorate nire eh tamad kasi ako mag ayos kaya pinabayaan ko na.
Mimay: Cute nga eh pink. Hehehe.
Kelly: Anyways, kumain ka na ba?
Mimay: Ah...oo naman bago ako umalis samin. Nga pala ang popogi at ang babait ng mga kuya mo.
Kelly: Sus...ganyan mga yan kapag may bisita ko dine madalas kasi si Vince lang lagi bisita ko.
Mimay: Ohhh...pero lahat ba sila may mga jowa na?
Habang tinatanggal ang towel sa ulo niya “Ahm...si kuya Kim at kuya Kian nalang wala.”
Natulala si Mimay dahil nakalugay ang buhok ni Kelly “A---ayos ka lang ba Mims?”
Mimay: Ha? O---oo bagay pala sayo ang lugay madalas kasi lagi kang naka pony tapos naka hood.
Kelly: Ahhh...dine sa bahay lagi ako naka lugay pag nalabas lang ako naka ponytail at naka hood nakasanayan lang pero mga damit kong pambahay at pajamas ko may mga hood din. Hehehe...
Mimay: Hulaan ko mom mo rin ang bumili?
Kelly: Yung iba pero mas marami ang bili nila kuya.
MImay: Oh? Ang sweet naman nila. Nga pala ang mama niyo nasan?
Kelly: Ah...OFW siya isang caregiver sa Canada.
Mimay: Ohhh...kaya pala kayo lang andine wala ka bang kapatid na babae? Pwedeng mag apply?
Binato siya ni Kelly ng towel “Sira! Sige na ano bang uunahin mo?”
Mimay: Ah....oo sige tuyin muna natin ang buhok mo.
Kelly: Ikaw bahala.

Sa bahay nila Dave,

“Knock...Knock...”
Dave: Dude, gising na tanghali na.
Patrick: Oo andiyan na.
Dave: Bilisan mo aalis na si nanay.
Binuksan ni Patrick ang pinto “Ang ingay!”
Dave: Bumaba na tayo mag aagahan na raw.
Patrick: Oo na!

Sa Hapagkainan,

“Guys, kakain na.” Si Devine ang nanay ni Dave at isang senior staff sa isang bangko.
“Eto na po kami.”Anila.
Patrick: Morning tita.
Devine: Morning, halina kayo kakain na.
Patrick: Salamat po sa pagkain.
Dave: Sus...maka salamat naman magliligit ka noh.
Patrick: Oo na!
Devine: Kumain na nga muna kayo.
“Opo.” Anila.
Devine: Nga pala, Dave sabi ng tatay mo mag oojt ka ba raw?
Dave: Hindi po may event kami sa school.
Devin: Ohhh...Valentines nga pala ngayon.
Patrick: Punta po kayo sa DLRU.
Devine: Nako di pwede may pasok ako mag enjoy nalang kayo.
Dave: Nga pala, Dude nag text sakin ang daddy mo pumunta ka raw ng office.
Patrick: Sabihin mo ayoko.
Dave: Ano? Pero sabi ng daddy mo...
Patrick: Hayaan mo wala ko sa mood mag ojt.
Devine: Rick, wag mong masasamain pero wala ka bang balak umuwi sa inyo?
Dave: Nay!
Devine: Ang akin lang naman magulang mo sila walang magulang na nakakatiis sa anak magkapatawaran na kayo matagal na taon na ang lumipas.
Patrick: Pero ayoko lang po na sa tuwing makikita nila ako makakaramdam sila ng kulang alam ko po na kahit di nila sabihin miss na miss na nila si Paula.
Dave: Pero Dude, matagal na panahon na ang lumipas kaya sigurado akong tanggap na nila.
Devine: Tama si Dave, kung ako nga kahit di kita anak nag aalala ako kapag wala ka pa dito sa bahay sila pa kayang mga magulang mo? Sampung taon ka nang di nauwi sainyo bilang magulang masakit ang mawalan ng anak kaya umuwi ka na kahit magpakita ka lang sa kanila lalo na sa mommy mo.
Patrick: Hindi ko po alam tita pero sa tingin ko di pa ho muna ngayon.
Nagkatinginan sila Devine at Dave “Okay sige pero mag text ka sa daddy mo ha?”
Patrick: Opo tita.
Dave: Tama na po yan kumain na po muna tayo lalamig ang pagkain.
Devin: Sige kain na.
Sa isip-isip ni Patrick “Hinding hindi ako pwedeng umuwi samin hangga’t di ko pa napapatawad ang sarili ko sa pagkawala ni Paula.”

Makalipas ang ilang oras,

Ready na ang lahat at unti-unti na ring nagkakaroon ng mga bisita ang DLRU pero di makali si Harvey “Vince, bakit wala a sila Mimay at Kelly?” Aniya.
Vince: Kumalma ka nga kanina pa ako nahihilo sayo eh dalawa palang naman ang customer natin tsaka nag text na si Kelly malapit na raw sila.
Harvey: Eh kala ko ba isasabay mo?
Vince: Kala ko rin eh... Hehehe...si Papa kasi hinatid lang ako dine may ihahatid kasi siya ngayon sa airport kaya ayun di na namin nadadaanan sila Kelly nag taxi nalang daw kasabay si nurse Kevin.
Harvey: Sigh...pero bakit wala pa 9am ang start mag 10am na kaya.
Vince: Malapit na nga raw mag relax ka nga diyan.
“Vince, Harvey!!!” Ang sigaw ni Mimay habang nasa likod niya si Kelly.
“Wow...si Kelly ba yun?” Ang sabi ng isang lalaking kaklase nila.
“Oo nga si Kelly yun classmates bilis lumabas muna kayo.
Dave: Anong meron sa labas?
“Si Kelly ang ganda.”
Dave: Si Kelly? Dude halika tignan natin si Kelly.
Patrick: Ha? Sandali lang may customer.
Dave: Pero...
Habang nasa labas si Kelly ng love cafe “Wow...Kelly ang cute mo.”
“Ganda mo.”
Kelly: Ha? Ah...eh...
Vince: Ah...Ha---ha---ha...kalma lang kayo mga classmate padaanin muna natin siya ha?
Bumulong si Vince “Tol, halika bilis.”
Hinila siya ni Vince sa loob “Ang ganda ni Kelly noh?” Sabi ni Mimay.
Harvey: Oo nga anong magic ang ginawa mo?
Mimay: Baluga ka!
Vince: Ayan diyan ka muna ano bang ginawa sayo ni Mimay?
Kelly: Ha? E---ewan ko pagdating namin dine sa DLRU dami ng nakatingin samin.
Vince: Sigh...
Nakita na ni Dave si Kelly “Wow...Dude bilis tignan mo si Kelly.”Aniya habang may sinusulat si Patrick na order ng costumer.
Patrick: Oo na sandali nga lang.
Busy pa rin si Patrick “Honey look, ang cute nung girl sa suot niyang maid costume.” Sabi nung babaeng costumer.
“Gusto mo mag pa picture?” Sabi nung laalaking customer.
“Oo honey pwede kaya?”
“Ah...excuse me pwede bang mag papicture sa inyo?”
Patrick: Ho?
Customer: Oo kaklase niyo rin ba siya?
Pagtunghay ni Patrick “Ke---Kelly?” Aniya at natulala siya.
Dave: Kelly!
Kelly: Ha?
Dave: Halika sandale.
Kelly: Okay.
Habang papalapit si Kelly sa mga mata ni Patrick parang naging slow mo ang lahat at biglang parang may hangin effect sa mga buhok nito “Dude, baka pasukan ng langaw yang bibig mo.”Ang sabi ni Dave.
Patrick: Ba---baliw!
Kelly: Oh, Dave bakit? He---hello Patrick.
Siniko ni Dave si Patrick “H---Hi???”Aniya.
Dave: Ah...Kelly gusto sana nila Ma’am at Sir mag papicture ayos lang ba daw?
Kelly: Picture?
“Oo miss pwede ba? Buntis kasi ngayon ang misis eh gusto niya mag papicture sayo.” Sabi nung customer na lalaki.
Kelly: Ho? Pe---pero...
Dave: Ah...opo okay lang po yon kasama po talaga sa service namin yun.
“Talaga? Pewede ikaw rin Mr. Waiter?” Sabi naman nung babaeng customer.
Patrick: A---ako po?
Dave: Okay lang po yun willing na willing po sila mag papicture. Right guys?
“O---oo?”Anila.
Siniko ni Dave si Patrick at bumulong “Dude, pagkakataon mo na yang mag papicture kay Kelly nakita mo yung mga kaklase natin sure akong gusto rin nilang mag papicture kay Kelly kaya dapat mauna ka.”
Patrick: Si---sige.
Dave: Sige po Sir, Ma’am ako na po ang kukuha ng picture sa inyo.
“Talaga? Salamat.” Sabi nung babaeng customer.











*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

Ms. HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon