Halos liparin ni Isay ang pintuan ng classroom ng matapos ang klase. Ni hindi na niya nagawang magpaalam pa kay Ching. Nagmamadali niyang tinahak ang daan papunta sa bahay nila Caloy. Agad siyang kumatok at pinagbuksan naman siya nito.
Ikaw pala Isay...... Pasok ka.
Hindi na nag aksaya pa ng panahon si Isay. Agad siyang pumasok at sumalampak ng upo sa sofa.
Maupo ka. Matipid na wika nito.
Nakakunot man ang noo, walang nagawa si Caloy kundi ang sumunod. Bagaman inaasahan na niyang mangyayari ito nabigla padin siya sa mga ikinilos ni Isay. Animo'y imbestigador ito na humarap sa kanya at humalukipkip.
Anong alam mo Caloyski? Seryosong tanong ng dalaga.
Wala....matipid na sagot ni Caloy.
Oh common Caloyski, hindi ako kahapon lang pinanganak alam kong ikaw ang nakakaalam ng lahat. Alam mo kung anong nangyari samin ni Athan at alam mo din ang dahilan kung bakit. You are aware na magkikita kami dapat diba? Anong alam mo sabihin mo na! May bakas ng awtoridad na wika ni Isay. Pigil ang inis niya gusto niyang pigain si Caloy ngunit pinilit niyang magtimpi. Siya ang may kailangan kaya't dapat siyang maging kalmado kung nais niyang makuha ang impormasyong kailangan.
Teka bahay mo ba to? Makaasta ka para kang si Mike Enriquez!Wala nga akong alam! kung nagpunta ka sana sa usapan niyo eh di sana di mo ako tinatanong ng ganito. Sarkastikong sagot ni Caloy. May punto ang binata kung dumating nga naman sana siya hindi na niya kailangan pang magkaganito.
Oo na mali ako dun at alam ko naman yun pero sana intindihin mo din na mabigat ang pinagdaanan ko kaya di ako nakarating. Ang totoo dumating talaga ako at hinanap ko siya pero......hindi ko na siya inabutan... Pinipigil ni Isay ang sarili nagbabadya ng pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang mga labi habang nagsusumamo kay Caloy.
Caloy please for friendship's sake please naman....at tuluyan ng kumawala ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Dagling napalitan ng awa ang nararamdaman ni Caloy. Ito ang pinakaayaw niya ang makitang lumuluha ang babaeng lihim niyang minamahal. Lumapit siya dito at pinunasan ang mga luha nito.
Wag ka ng umiyak....sige sasabihin ko sayo kung ano ang alam ko.
* flashback
Pre mukhang di na talaga siya dadating...nanlulumong wika ni Athan
Hintay pa tayo pre dadating yun alam mo naman yung babaeng yun may kabagalan.
Pero iba naman ang sitwasyon ngayon habang tumatagal lumalala ang bawat araw. And gusto ko lang naman makita siya sa huling pagkakataon bago ako umalis. Alam kong hindi malinaw sa kanya and lahat gusto ko lang naman na maayos ang kung anong di namin napagkasunduan.
Pero sa tingin ko ito na ang oras na kinatatakutan kong mangyari, halika na pre uwi na tayo. Bakas sa tinig ni Athan ang kabiguan. Sumunod nalamang si Caloy sa likod nito hanggang makauwi sila ng bahay. Tinulungan na lamang niya si Athan na magempake ng mga gamit nito. Sa gitna ng kanilang ginagawa ay di na napigilan pang magtanong ni Caloy sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...