The Note

37 2 0
                                    

Hi po! sorry po sa mga typo error ko yun po ang isa sa mga disadvantage ng lumang phone.

Aminado po akong kinikilig ako sa mga karakter na ito.  Sana kayo rin! Salamat po sa pagbabasa.

~~~~~#~~~~#~~~~#~~~~#~~~~#~~~~

Uber ka naman sa pagkaexcited pareng Athan first time mo?

Haha..siyempre sa harap ng maraming tao maipapakita ko ang pagmamahal ko kay Isay kahit sa play lang.

Weh!yun lang?itapon ko na kaya tong mga bulaklak na to.

Sapakin kita dyan siyempre isa yan sa mga dahilan. At pinaka importante sa lahat. Nasunod ba ang plano?

Oo pre inabot ko pa kay ching yung note para sure.

Mabuti kung ganun.

Isang araw bago ang play...

Neng may nagpapabigay.

Sino daw Ching?

Ewan ko inabot lang..basahin mo kaya para malaman mo.

"Dahil nagsimula ka ng basahin ang sulat na ito...dito magsisimula ang isang maikling tour ng buhay mo. Sana ay wasto ang mga nakalap kong impormasyon para magkita tayo sa dulo. Maligayang paglalakbay Luisa Andrea Lopez Mendoza."

Yay! friend ang sweet naman! kinikilig ako ng todo over over! Sino kaya yan?

Ang lakas ng trip neto ah!

To naman! malay mo totoo..

Nang gabing yun, napuno ang hall ng tao..labis silang nasiyahan at nagandahan sa play. Hindi matawarang papuri ang tinanggap ng lahat lalo na ang mga bidang sina Isay at Athan. Sa backstage isang bulaklak ang nakatawag sa atensiyon ni Isay.

"Congrats Isay, handa ka na ba? Simulan mo na ang iyong paglalakbay.

Trivia#1 Ang pangalan mong Luisa ay mula sa namayapa mong lola at ang Andrea naman ay mula sa paboritong artista ng iyong ina. Kung ito ay tama pumunta ka sa harap ng library at kunin ang kasunod na trivia at piraso ng puzzle."

"Trivia#2 Ipinaglihi ka sa duhat kaya enexpect ng mama mo na negra ka paglabas kaya gulat ng gulat siya nung mala-labanos ka sa puti ng lumabas. Tama ba?punta ka ng clinic kunin mo ang kasunod sa loob ng pulang kahon."

"Trivia#3 Sobrang mahal mo ang papang mo kaya mung mawala siya dalawang linggo kang iyak ng iyak at ayaw kumain hanggang magkasakit at maospital ka. Kung ito ay tama ang kasunod ay nasa dulo ng hallway."

Trivia#4 Ayaw na ayaw mo ng ipis lalo na yung lumilipad kaya nung sumama ka sa camping ng Girl Scout at may pumasok na ipis sa tent mo hinimatay ka sa takot at dina sumaa pa sa camping mula non.

Kung tama ito ay pumunta ka sa Gazebo. Naroon ako at hinihintay ka para iabot sa iyo ang huling piraso ng puzzle at tuluyan ng magpakilala.

Makalipas ang ilang sandali unti-unti ng lumalapit si Isay sa lugar. Pabilis na din ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Samu't saring bagay ang kanyang inisip.

Pano kung trip lang to taz pagdating ko dun may sumigaw bigla ng yari ka!!

...o dikaya rapist yun

...o stalker

...o baka nanay ko lang yun

...o si..si...si...


CALOY!?!?!

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon