Animo'y nakisabay ang panahon sa araw ng paghahatid kay Isay sa huli nitong hantungan.
Napuno ng bulaklak ang kanyang kabaong. Ang kanilang mga dating kamag-aral ay may mga bitbit na lobo. Tangan ng naghihinagpis na Ina ni Isay ang kanyang larawan. Ang lahat ay tahimik na nakidalamhati sa pamilya. Magkatabi sa upuan ang matalik na magkaibigan. Walng salitang namumutawi sa kanilang mga labi. Tahimik na lumuluha si Athan, si Caloy naman ay mnababanaagan ng seryosong pigura ngunit bakas kanyang mukha ang pagtatanong waring tinatanong ang kung sino man. HIndi malinaw sa kanya ang nangyayari. Animo'y nasa ibang dimensiyon siya. Hinfi niya ito lubos na maunawaan. Sa lahat ng mga naroroon siya lamang ang mistulang blangko at nawawala sa sarili.Natapos ang huling pagpupugay sa dalaga. Kasabay lumipad ng mga puting lobo ang mga paru-paro. Umaasa ang lahat na makakarating sa dalaga ang kanilang mga huling halik, panalangin at mensahe. NIyakap ng nanay ni Caloy ang nanang ni Luisa. Magkasabay silang lumakad palayo sa puntod.
Pre......
Pre.....tara na.... aya ni Athan sa kanyang kaibigan.
Ngunit kahit anong aya nito ay matamang nakatitig lamang si Caloy sa puntod ng dalaga na ngayo'y napupuno na ng lupa.
Pre....tara na...wala din namang mangyayari kung tatayo ka diyan habambunhay.
Di na maibabalik pa si Isay.
Ngunit wala paring naririnig si Caloy. Para itong tuod..NI hindi man lang ito umimik.
Tinapik ni Athan ang balikat ng kaibigan at nagsimulang lumakad palayo.
Mauna na ako sayo pre, paalam nito.
Nag uwian na ang lahat ng mga tao sa paligid ngunit nanatiling nakatayo parin ang binata sa puntod ng minamahal.
Nabalot nadin ng dilim ang paligid kayat nagpasya narin siyang lisanin ang lugar.
Lakad siya ng lakad ngunit di naman niya mawari kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa.
Ni hindi niya alintana ang mga bagay o taong nakakasalubong niya sa daan.
Humantong ang kanyang paglalakad sa lugar kung saan pamilyar ang mga ala ala nila ni Isay.
Kinuha niya sa loob nito ang kahong pinakaiingatan.
Nalukuha niyang binuksa ito at kahit maka ilang daang ulit na niyang tiningnan ang laman noon maingat niya paring inisa-isa ang mga ito.
Ang mga ala ala mo na lang ang mayroon ako Isay.
Niyakap ng mahigpit ng binata ang kahong pinakaiingatan.
Di na niya namalayang nakatulog na pala siya.
Marahil dahil. Narin sa ilang araw na kawalan ng tulog at pahinga.
Lumipas ang magdamag sa sobrang kapagalan ng katawan ay hindi na nagawa pang maalintana ni Caloy ang lamig ng paligid.
Wala ng lalamig pa sa kalungkutang bumabalot sa kanyang puso.
Nagising ang binata sa sikat ng araw na humahalik sa kanyang pisngi.
Nagtataka siya ng makitang may nakabalot na blanket sa kanya.
Wala naman akong natatandaang kumuha ako nito.
Bulong niya sa sarili.Muli niyang binuksan ang kahon at maingat na inayos ang mga laman nito.
Uuwi na tayo Isay, iuuwi na kita sa bahay.
Paglabas niya ng kubo ay nagulat siya ng makita ang isang taong natutulog sa mesa.
Naka jacket ito na may hood kayat di niya agad mamukhaan.
Sinipat niya ito sa pamamagitan ng paghawi sa buhok na nakatakip sa mukha nito.
Laking gulat niya ng malamang si Mhimay pala ang taong natutulog sa labas.
Ano kayang ginagawa ng babaeng ito dito? Bakit kaya andito ito ngayon?
Soya ba ang naglagay ng blanket sakin?
Bakit dito siya natulog sa labas?
Kelan pa niya ako sinusundan?
Imbes na gisingin ay kinuha niya ang blanket sa loob ng kubo at ikinumot sa dalaga.
Hinayaan niya itong makapag pahinga pa. Pinagmasdan niya ang dalaga habang natutulog ito.
Ang maamong mukha ng dalaga at himbing ng tulog nito ang nagpagaan sa bigat na nararamdaman ngayon ng binata.
Ngayon niya lamang napag masdan ng malapitan ito.
Mahaba at mapilantik ang pilikmata ng dalaga.
Manipis at mapula ang mga labi nito. Di man kaputian ay makinis naman ang mukha nito.
Hinawi niya ang mga natirang buhok na nakatabing sa mukha nito.
Magandang nilalang pala talaga ang babaeng ito.
Kaya lang malakas ang toyo.
Napapangiting bulong niya sa sarili.
Laking gulat niya ng biglang dumilat ang dalaga.
Sino may toyo??????
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...