Just a Wish

32 0 0
                                    

Uy neng long time no see! Kamusta holidays mo? Di ka man lang nakaalala ah! Nag mongha ka ba? Curious na tanong ni Ching nang makasabay si Isay pagpasok sa gate ng school.

OA kanaman neng! di lang lumabas nagmongha na? Di ba pwedeng tinamad lang?

Nyek! imbyerna overload agad ang peg? Hay naku napakalamig dito sa Baguio pero para kang heater!

Nakakunot noo pang wika ni Ching. Batid nito ang nangyari ngunit mas nais nyang magopen up ang kaibigan. Kahit kasi magbest friend sila hindi nya pinangungunahan ang kaibigan. Hinihintay nya na lamang ito mismo ang magkwdoto ng mga nangyayari sa kanya.

Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ni Isay. Huminto ito sa paglalakad at umupo sa isang bench na gawa sa pinutol ng puno. Sumunod naman si Ching. Nakamasid lang ito habang pinagpuputul-putol ng kaibigan ang hawak nitong hibla ng pine tree. Humugot ulit ito ng malalim na buntung hininga. Matamang nakatitig si Ching. Isang napakahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ni Isay. Hanggang sa isang mahinang hikbi ng narinig ni Ching. Nasundan iyon ng mg patak ng tubig n nagmumula sa mga mata ni Isay. Bago pa man lumakas ang hikbi nito ay inalo na ni Ching ang kaibigan.

Shhh! aga-aga napangit ka na neng. Hinawakan niya ang mga palad ng kaibigan. Hinyanan niyang ilabas nito ang mga sama ng loob.

Ching...bakit ganun?

Wala ba akong karapatang maging masaya?

Napaka babaw ko namang tao!

Mahirap ba talagang ibigay yung hiling ko?

Alam ko libre ang kaligayahan pero bakit pinagdadamot yun sakin?

Di na napigilan ni Isay n ibulalas ang nararamdaman.

Mabuti nalang at maaaga silang pumasok kaya wala pang masyadong tao sa school grounds. Malayo din ang pwesto nila sa mangilan-ngilang estudyante doon.

Kalma ka lang neng. Habang masuyong hinagod ang likod ng kaibigan. Napayakap kasi ito sa kanya ng di na mapigilan ang nararamdaman.

May mga bagay talagang hindi natin makukuha kahit gano pa natin ito naisin. Madalas nga sinusubok tayo kasi yung mga bagay ng gustung gusto nating makuha yun pa ang wala tayo diba? Katulad ko wish ko talaga maging seksi kaso gang wish nalang ata yun!masarap kumain eh!

Loka ka talaga!mahinang wika ni Isay.

Shh!sabay tampal sa likod ng kaibigan na nakayakap padin sa kanyag

Wag ka ngang ano!tapos na yung moment mo kaya ako naman ang mag mo-moment ngayon kaya dapat makinig ka.

Di ko man alam ng buo ang nangyari sa pagitan nyo ni Athan this past holiday vacation, lagi lang ako andito para makinig. Katulad ngayon kung maka atungal ka daig mo pa baka tapos yung sipon mo pinahid mo na ata sa uniform ko, kaderder ka talaga. Anyways neng tandaan mo lagi na madalas nasasaktan tayo pero pagkatapos naman nun nagiging matatag na tayo kahit pano diba? Isa pa dahil may dahilan palagi ang mga bagay-bagay, dapat alamin mo muna kung ano ang dahilan ng drama ng buhay mo ngayon. Si Athan ang salarin diba? Kaya tanungin mo siya. Hindi kasi kayo magkakaintindihan kung di kayo mag-uusap.

Punyemas!inggit na inggit pa naman sana ako sa inyo nung event tapos ngayun nganga agad?! kaloka kayo.

Naramdaman naman ni Ching ang pagtangu-tango ng kaibigan tanda ng pag sang-ayon nito. Humarap ito sa kaibigan at nagpahid ng luha.

OA ka di ko pinahid sipon ko sayo ha!sisinghot singhot na depensa ni Isay. May point ka Ching kaso ilang beses ko na siyang tinext walang reply tapos araw-araw tinatawagan ko siya pero patay phone nya. Maloloka na ata ako kakaisip. Sobrang sakit sakin yung nangyari Ching.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon