Shattered and Broken

7 1 0
                                    

Sir bakit naman po ganyan isang linggo pa lamang po wag naman ho kayong tumigil sa paghahanap.

Kung pumayag kayo nung una pa lang di sana mas malaki yung naging chance na makita pa siya.

Buong pagmamakaawang pagsususmamo ni Caloy sa mga rescue team ng mapagtantong ipinatigil na ang retrieval operation para sa mga naging biktima.

Sir kung kayo naman ang napahamak mas madadag dagan naman ang problema namin. Maraming bangin sa paligid. Maaring nakaligtas man sila ay nahulog sila sa isa sa mga iyon.

Paano nyo nasasabi yan kung tatlo pa sa kanila ang hindi nakikita?

Sir dalawa sa mga biktima ang nakita sa gilid bangin kaya hindi malayong ganoon din ang nangyare sa kaibigan nyo. Kung buhay man siya di niya kakayanin ang lamig dito. Isa pa may mga parte ang lugar na ito na may mababangis na hayop kaya maaring patay nadin siya.

Tang ina naman oh! kung makapagsalita kayo parang ganun lang kadali sa inyo. Isang linggo palang. Buhay pa si Isay, buhay pa siya.

Sir, ginawa napo namin ang lahat. Kahit yung mga mountaineer walang nakita ng kahit anong trace nila.

Caloy......

Halika na......

Hindi.

Halika na.....

Hindi sabi hahanapin ko si Isay.

Hindi mo ba narinig? Hindi na sila pupunta pa doon.

Sila yon.

Caloy...intindihin mo nalang din pagod narin sila. Hindi naman nakita diba.

Ikaw marunong ka din bang umintindi?

Tang ina! Sino bang hindi pagod?
Halos mamatay na ako sa pagod at gutom dito mahanap lang siya may narinig kaba sakin?

Nagreklamo ba ako? Kung pagod kana umuwi kana!

Wala kayong alam, wala kayong pakialam.

Dito lang ako maghihintay.

Caloy, halika na...
Sa pagkakataong iyon tinig na ng ina ni Isay ang kanyang narinig.

Masakit sa akin na hanggang ngayon ay nawawala ang anak ko.

Hayaan mo nalamang na ako ang mag hintay dito habang nagpapagaling din sa ospital ang tita niya.

Bumalik kana sa Baguio anak. May mga bagay kang naiwan doon na dapat mong unahin.

Pero tita....

Alam ko.kung gaano kaimportante sayo ang anak ko at lubos kong. Ipinagpapasalamat iyon sa iyo.
Pero anak tulad ko nag aalala narin marahil sa iyo ang nanang mo.

Huwag kang mag alala anu man ang balita dito aabisuhan agad kita.

Mabigat man sa loob ng binata napilitan siyang bumalik ng Baguio kasama ni Mhimay.

Sa haba ng biyahe walang umimik man lamang sa dalawa. Maka ilang ulit silang tumigil sa mga gas station at bus stop upang kumain ngunit hindi ito magawa ng binata.

Hey elf...

What?

You should eat.

Ayoko.

Aray! Anu ba? Bakit ba nambabatok ka?

Stupid.
Eat.

No.

I said eat.

Tumayo si Caloy at nagsimulang tahakin ang sasakyan.

Agad siyang hinarangan ni Mhimay at isang suntok ang binigay niya dito.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon