Doing it Right

37 1 0
                                    

Neng may nagpapabigay ulit..

Anu nanamang kalokohan to?Naku Ching sabihin mo sa nagpapabigay sayo wala akong balak buksan yan at wala akong pakialam.

Sure ka?

Oo naman!

Final answer?

Oo nga kulet!

Sige sasabihin ko kay Athan na ayaw mo buksan at wala kang pakialam.

Teka,teka Ching kay Athan galing?

Oo!t

Akin na.

Hep!sabi mo ayaw mo.

Akin na sabi Ching!

Ayoko!

Ang kulit mo talaga akin na!

Ayaw!

Sige sa iba ko nalang ibibigay tong cd ng 1D, super favorite mo pa naman sila..sayang naman.

Eto na po kaw naman madali naman akong kausap di mo agad sinabi. Merry Christmas friend.

"Isay gusto sana kitang makausap...magkita tayo sa park mamayang hapon maghihintay ako.

                                    -Athan"

Ching uwi na ako.

Agad agad?

Oo basta kwentuhan nalang kita.

Mukhang mas excited ka pa ngayon kesa sa akin ah.

Nang hapong iyon di mapakali si Isay. Pagdating nya sa park umupo siya sa spot kung saan madalas silang tumambay ni Ching. Maya-maya pa may isang batang lumapit sa kanya.

Ate may nagpapabigay..

"Patawad Luisa sa nangyari nung gabi ng play hindi man lang ako nakapag paalam."

Maya-maya pa may batang lumapit ulit sa kanya.

Ate may nagpapabigay po.

"Ito yung panyo na pinahiram mo sa akin nung nasugatan ako sa pagbabalat ng mangga mo sabi mo pa nga gagaling ako agad diba kasi hinalikan mo yung panyo"

Sumunod pa ang isang bata iniabot nito ang balat ng chocolate.

"Tanda mo pa ito?nakalagay dito ang petsa kung kelan mo ibinigay sakin to. Nung binigay sayo to ni Caloy kasi dumating ang Papang nya binigay mo ito sakin kasi sabi mo ayaw mo tumaba. Tawa pa nga kami ng tawa kasi Grade 4 lang tayo nun."

Sumunod ang isang batang may dalang larawan.

"Ito ang huling picture na kasama mo ang papang mo. Pina reprint ko ito kasi alam ko kung gano kaimportante ang papang mo sayo."

Sinundan ito ng isang batang may dalang laruang kotse.

"Sa lahat ng regalong natanggap ko tuwing pasko, ito ang pinakapaborito ko. Parehas kami may ganito ni Caloy, regalo ito ng Papang mo sa amin. Siya mismo ang umukit nito."

Mula sa kung saan ay sumulpot si Athan na may dalang bungkos ng rosas.

Sorry Isay...nung gabi ng play ako dapat talaga ang maghihintay sayo sa dulo ng mga clue..Kaso nung matapos ang play nakatanggap ako ng emergency call mula kay mama kaya napilitan akong umalis ng walang paalam. Pinakiusapan ko si Caloy na siya muna ang pumalit sakin para hindi mo isiping pinaasa ka lang kaso mukhang di pa din naging maganda ang resulta.

Sorry talaga....

Halos walang masabi si Isay.

Sa gulat ay siya naman ngayon ang natulala. Bago pa siya makapagsalita ay malambing na hinawakan ni Athan ang kanyang mga kamay.

Hayaan mong sa tamang paraan ko ito gawin....

Luisa Andrea Lopez Mendoza, maaari ba akong pormal na manligaw sayo?

Oo naman. Tinatanggap ko ang iyong panliligaw Jonathan Pugeda Santos.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon