This is it pancit...
Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ni Isay matapos ayusin ang sarili.
Stay calm Isay...tandaan mo na dito nakasalalay ang future ng love life mo.
Luisa anak andito na si Athan. Bumaba ka na at naghihintay na siya.
Eto na talaga to Luisa Aja!!!!
Hi....
Bati agad ni Luisa paglabas ng kwarto. Tulala naman at walang nasabi si Athan habang unti-unting lumalapit sa kanya ang dalaga. Animo'y naiputan siya ng ibong adarna dahil matigas pa sa bato ang pakiramdam niya. Ni hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya habang matamang nakatitig lamang siya..
Hoy Athan nausog kaba ng nanang ko ha? Anong nangyari sayo???
Ang ganda.....ahm..you look pretty Luisa.....
Utal na nasambit ni Athan. Sa ningning ng mga mata niya'y mababakas ang isang lalaking nakakita ng napakagandang nilalang. Sino ba naman kasi ang hindi maakit?maganda naman talaga si Isay lalo pa siyang gumandasa suot niya lumutang ang kinis at pantay na kutis nito. Inayos niya lang ng napakasimple ang kanyang buhok medyo kinulot lang niya ang dulo nito. Isang cute na doll shoes naman ang ipinares niya sa kanyang bestida dahil mas kumportable siya dito. Nagmake up lang siya ng simple bagay na lalong nagpa lutang ng natural niyang ganda.
Talaga? yiiiee!!!!!pretty daw ako nakanang!!! Ikaw naman ay gwapo sa suot mo bagay sayo.
Napangiti naman ng ubod tamis ang binata. Gwapong gwapo ito sa puting v-neck shirt na pinatungan ng itim na cardigan. Faded jeans at nice pair of shoes.
Shall we go? nakangiting tanong ni Athan.
Nanang alis napo kami ni Athan.
Sige ingat kayong dalawa Athan ihatid mo ng buo ang anak ko ha?
Mudra OA masyado! ano si Athan cannibal? Ano to pag uwi ko kulang na mga daliri ko ganun?
Sige po mauna napo kami wag po kayo mag-alala iuuwi ko po ng buo at maganda padin ang anak ninyo.
Pasensiya ka na Isay...hindi ako mayaman kaya wala akong wheels na maipagyayabang sayo.
Anu ka ba?saka kahit naman meron di ka naman pwedeng magdrive.
Sabagay.
Andito na tayo. Inalalayan ni Athan si Isay na makalabas ng taxi.
Pagpasok nila sa mall agad pumila si Athan para bumili ng ticket.
Tahimik na nanood ang dalawa. halos nasa kalagitnaan na sila ng pinapanuod ng mapansin ni Athan na parang di mapakali si Luisa.
Are you feeling cold?
Medyo...lakas ng aircon dito eh. Tapos wala naman masyadong nanonood.
Here..
Agad na hinubad ni Athan ang cardigan nito at ibinalabal kay Isay.
Ok ka na?
Medyo..salamat.
Nahihiya man ay umusod si Athan palapit sa dalaga. Inakbayan niya ito at inilapit sa kanya.
Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi man magsalita si Isay, bakas sa mukha nito ang pagkabigla bagay na napansin ni Athan. Hinawakan nito ang baba ng dalaga at malambing na pinisil. Pabulong nitong sinabing.
Huwag kang mag alala Luisa.. I will never harm nor hurt you. Gustuhin ko mang ipangako sa iyo na hindi kita paiiyakin pero hindi ko iyon gagawin dahil ayokong magbitaw ng pangako kung balang araw sisirain ko lang. Pero gagawin ko ang lahat para protektahan ka at pasasayahin kita bawat araw at oras na kasama mo ako.
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...