Hey where are you?
Papunta napo, maaga pa naman ah diba seven pa start ng party? Alas kwatro palang po ng hapon.
Kahit pa, I need company here. There are still so much to do.
Bossy? Oo na papunta na dyan mukhang paiyak kana.
Di na naituloy pa ng binata ang sasabihin ng maputol na ang linya ng kausap.
Tss....that wicked lady.
Nanang aalis napo ako. Malambing na paalam ng binata sa kanyang ina.
Anak, pakipatay mo na nga yung t.v. naiwan ko atang bukas sa sala.
Inabot ng binata ang remote at akmang papatayin na ito.
Flash news:
Isang grupo ng mga health volunteers na nagsasagawa ng isang medical mission sa isang remote community sa Quezon Province ang naaksidente habang binabaybay ang ilog pabalik ng bayan. Ang nasabing grupo ng mga doktor at medical volunteers ay nagsagawa ng nasabing misyon nitong Sabado ng umaga at pabalik na sana sa kanilang estasyon kaninang alas dies ng umaga araw ng Linggo.
Tinatayang nasa tatlumpu't lima kabilang ang mga guide sa naanod ng rumaragasang ilog ng biglang tumaas ito bunsod ng walang tigil na pag ulan mula pa noong Miyerkules. Labindalawa na ang mga labi na nakuha ng mga rescue team, apat sa mga ito ang nailigtas at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Mt. Carmel hospital. Samantalang pinaghahanap pa ang iba pa sa mga kasama sa grupo. Nasa ibaba ng screen ang mga pangalan ng mga nasawi at nakaligtas maging ang mga nawawala. Maaring makipag ugnayan sa Mt. Carmel Hospital at lokal na bayan ng Sariaya, Quezon ang mga kaanak ng mga biktima. Ito po si Ces Levistre naguulat.Halos sumabog ang dibdib ni Caloy ng makita ang pangalan ni Isay na kabilang sa mga nawawala.
Dagli siyang pumanhik sa kwarto at nagmamadaling kumuha ng ilang damit at gamit at mabilis na nagbihis.
Ipinagbigay alam niya sa ina ang nangyari.
Lumakad ka na anak, ako na ang bahalang magsabi kay mare sa nangyari. Magiingat ka at huwag kang titigil hangga't di mo siya makita.
Tuliro man ang isip, lakas loob si Caloy na lumuwas at bumiyahe pa Quezon.
Damn that idiot!
Nagpupuyos sa galit ang Mhimay.
Halos ibato na niya ang telepono. Ilang beses na siyang tumawag ngunit walang sumasagot sa kanyang mga tawag.Lumipas ang oras at nagsulimula ang kasiyahan. Pinilit itago ng dalaga ang ngit ngit na nararamdaman.
Where is the young man? Nagtatakang tanong ni Lala.
He will be coming late Lala. Don't worry he will come.
Pilit siyang ngumiti habang sinasagot ang tanong na iyon ng kanyang lola.Sa dami ng bisitang dumating, nawili ang matanda sa pag estima sa mga ito kaya't nawaglit narin sa isip niya ang hindi pag punta ng binata.
Nang matapos ang kasiyahan wala ni anino man lamang ni Caloy ang dumating.
Maagang nagpahinga ang matanda dahil narin sa pagod nito.
Pinilit ng dalagang itago ang tunay na nararamdaman. At paulit ulit na nanalanging sana'y hindi hanapin sa kanya ang binata.
Nang matiyak na nagpapahinga na ang kanyang lola, agad kinuha ni Mhimay ang susi ng sasakyan upang magtungo kina Caloy.
Magandang gabi po tita....
Pasensiya napo sa abala....andyan po ba si Caloy?
Nahihiya man ay hindi na nag patumpik tumpik pa ang dalaga.
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...