Oh bakit ngaun lang kau?
Obvious ba?umulan diba?
Galit agad?nagtatanung lang.
Selos ka naman agad pre
(syempre)
Di noh!
Hatid mo na yang si sunget kanina pa yan hinihintay ng nanang nya.
Bumitaw man sa pagkakahawak ng kamay ang dalawa nakita padin ito ni Caloy bagay na lalong nagpabigat sa nararamdaman nya.
Salamat sa paghatid Athan
Wala yun uwi na ako Isay
Sige ingat ka
Salamat Isay..pwede ba kitang ihatid ulit sa susunod?
Oo naman
Sige goodnight Isay
Goodnight Athan
Athan...
Bakit Isay?
Yung kamay ko pakibalik na sana.
Ay..sorry sige uwi na ako.
Kinikilig na tinanaw ni Isay ang papalayong binata.
Ng gabing yun nagusap sina Caloy at Athan
Pre may itatanong sana ako.
Ano yun pre?
Kayo na ba?
Hindi pa pre nagpapahiwatig palang ako bakit pre?nababagalan ka ba sakin?
(Hindi mo na nga sana dapat ituloy pa)
Hindi naman. Napansin ko kasi na magkahawak ang kamay nyo kanina.
Ah nakita mo pala. Nagaalangan kasi ako na baka pag nagtapat agad ako sa kanya di nya ako tanggapin kasi magkababata kami baka sabihin nya di kami talo diba?
Alam mo pre kung ako sayo wag kana magaksaya ng panahon sa dami ng lalake na humahanga sa kanya (dagdag mo ako dun) baka magulat ka nalang isang araw maunahan kita este maunahan ka ng iba.
Sabagay nga pre pagkatapos ng play magtatapat na ako sa kanya.
Gawin mo nalang
kinabukasan.
Oi Caloy asan si Athan?
Malay ko.
Anung malay mo diba kasama mo yun sa bahay?
Anu ako bodyguard nya?syempre kahit samin yun nakatira di naman ako intrimitido para pakialaman lahat ng walks nya.
Anung walks?
Edi lakad.
Haha kakaatawa! Asan nga siya?Caloy naman eh.
Abat di karin makulet eh noh?
Itanong mo sa buwan di ako yaya nya.
Bakit ba ang sunget mo?
Najejelly beans ka lang ata eh!
Anung jelly beans?
Wala itanong mo din sa buwan!
Gaya gaya ka din nuh?
Antipatiko!(sabay walk out)
Pikon!
Buraot!
Iyakin!
Buset!
Isay pikon!
Panget!
Isay pikon!
Panget!
Isay pikon!
I hate you!
I love you!
Asa kapa!
Humalakhak ng tawa si Caloy nakangisi ito habang tinatanaw ang inis na inis na dalaga. Humugot ito ng isang malalim na buntong hininga sabay bulong sa sariling
Seryoso ako Isay..
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...