Saan ka galing?
Wala ka na don..
Sus! alam mong may pasok tayo at susunduin kita pero pagdating ko dito wala ka.
Saan ka ba nagpunta?
Bakit ba napaka nagger mo? Wag mo ngang panghimasukan ang buhay ko.
Isa pa wala ako sa mood makipagtalo sayo.
Ehh siraulo ka pala ehh.
Aray!!!!!anu ba? Gusto mo bang patulan na kita? Nakakasakit ka na ah!
Kung kailangan kong paulit-ulit na ihampas sa ulo mo itong mga libro na ito gagawin ko ng matauhan ka!
Langya ka, sana sinabi mo sa akin ng nasamahan kita.
Mhims.....gusto ko mapag-isa....
Please.....
Leave me alone...
No!
Never.
Bakit ba ang kulit mo? can't you see how hurt I am right now?
Nagmamakaawa ako kung mantitrip ka wag ngayon.
Tae ka pala talaga eh no?
Hindi ako magaaksaya ng oras at lakas para lang pagtripan ka.
Eh bakit nga ayaw mo akong iwan mag-isa?
Wala ka na don!
Ehh bakit nga!!!!!!!!!hiyaw ng binata. Bakit ka sulpot ng sulpot dito at ayaw mo akong tantanan! Gusto mo bang ipagtabuyan pa kita?
Caloy.....kasi.....
Kasi ano?
Kasi...
Ano nga!!!!!
KASI MAHAL KITANG ADIK KA!!!!!!!!
Nagtatatakbo palayo ang dalaga bago pa man niya marinig ang sasabihin ni Caloy.
Naiwang tulala ang binata, di nito malaman ang sasabihin.
Sa pagkabigla ay hindi niya nagawang umalis sa kinatatayuan.
Nagbalik lamang ang kanyang malay ng marinig ang tinig ng ina.
Humanagos at puno ng kaba ang mababanaag sa tinig nito.
Patakbong pumasok ang binata.
Bakit po nanang?
Ang ninang mo...nasa kabilang linya...
Kakausapin kadaw.
Agad na kinuha ni CAloy ang telepono.
Hello po ninang? kamusta po.
Anak....
Si Isay....nakita na siya...
Talaga po ninang?
Oo....
Ninang umiiyak po ba kayo?
Basta anak uuwi na kami bukas ha?
Sige anak at marami pa akong aasikasuhin para makauwi na kami.
Si...sige po ninang ingat po kayo.
Hindi maipaliwanag ni Caloy ang damdaming nararamdaman.
Kung dapat ay maging masaya siya sa balitang nakita nadaw si Isay hindi ito ang nararamdaman niya ngayon.
Kinakabahan siya at mabigat sa dibdib.Alam niyang hindi maganda ang nangyari sahil sa tono ng pananalita ng kanyang ninang animo'y hindi maganda ang balitang ipinabatid nito.
Walang nagawa ang binata kindi ang maghintay kinabukasan.
BINABASA MO ANG
A Childish Wish
RomanceLahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. ...