Girl of my Dreams

58 0 0
                                    

Ng matapos ang klase sabay na umuwi sina Athan at Isay ihahatid nya na sana ito ng humiling si Isay na daanan muna nila si Caloy gusto kasi nitong malaman kung bakit di pumasok ang kaibigan. Ngunit pagdating nila doon wala din naman ito sa bahay.

Baka nasa palengke.

Gusto mo samahan kita?

Huwag na Athan ako nalang pupunta din naman ako sa nanang ko mamaya.

Sige halika ihatid na kita.

Pagdating kina Isay agad na nagpaalam si Athan at agad na nagtungo sa palengke nais din kasi niyang malaman kung bakit hindi ito pumasok. Knowing Caloy alam niyang hindi ito pala liban sa klase kung hindi talaga importante. Madalas kahit na masama ang pakiramdam ay pumapasok padin ito.

Tita andyan po ba si Caloy?tanong ni Athan ng makita si Aling Tina na abalang nagaayos ng mga paninda nito.

Wala anak, di naman nagagawi dito ang batang iyon. Malumanay na sagot nito.

Ganun po ba? Sige po baka andyan lang yun sa tabi tabi at agad din itong nagpaalam.

Ilang saglit pang naglakad si Athan at hindi nagtagal ay narating din niya ang tambayan nilang magkaibigan. Hindi nga siya nagkamali nadatnan niya si Caloy duon na abala sa pagkukumpuni ng kubo. Nakasalansan nadin sa labas ang ilang mga gamit sa loob ng kubo.

Pre andyan ka pala, gulat na tanong ni Caloy habang patuloy padin sa ginagawa.

Hinanap kita kasi di ka pumasok sabi ko na dito kita makikita. Ano namang pumasok sa isip mo at inayos mo ito bigla? Deretso lang sa pagtatanong si Athan habang tinitingnan ang mga gamit na nakasalansan sa lupa ng mapansin nito ang dalawang kahon ng sapatos na may nakasulat sa ibabaw "Bawal buksan". Sa handwriting dito halatang nasa primary grade ang nagsulat nito.

Nandito pa pala ang mga ito nakangiting sabi ni Athan.

Ah yan ba?tinago ko talaga yang mga treasure box kasi dyan nakalagay yung lahat ng mga kayaman natin dati diba? Sagot ni Caloy.

Binuksan ni Athan ang kanyang treasure box. Tawang tawa ito ng isa isahin ang mga laman ng kahon.

Hay napaka babaw talaga ng mga bata puro text, goma tanzan at pogs ang laman ng akin. May mga drawing din at mga krayola. Binuklat niya ang isa sa mga papel naka drawing doon ang stick figure na dalawang batang lalaki at nakasulat sa ibaba ng mga ito ang "Athan at Caloy Bestprens Foreber"

Hay kinder pa ata ako nito ni hindi pa ako magaling sa spelling natatawang sabi ni Athan. Nang matapos siya ay ang treasure box naman ni Caloy ang pinag disketahan niya. Pagbukas niya dito ay bumungad sa kanya ang dalawang paper dolls isang babae na nakasuot ng gown at isang lalaki na nakadamit pang prinsipe. Lalong lumakas ang tawa ni Athan.

Langya ka talaga pre juding ka nga talaga ata umamin kana! pang aasar niya dito.

Ano bang juding na pinagsasabi mo? Inis na sagot ni Caloy. Saka hindi ako juding baka ikaw!

Eh ano to kung di ka juding?

Sabay wasiwas sa mga manikang papel.

Hayup ka pre bitawan mo yan! Halos lundagin niya si Athan. Gago ka akin na nga yan pakialamero kang hayop ka! Sabay hablot ng kahon.

Nakahawak sa tiyan si Athan halos gumulong ito sa kakatawa habang namumula naman si Caloy sa galit.

Langya pre para yun lang bakit ganyan ka?Grabe nakakatakot ka bakit may mga manika dyan sa kahon mo?tawa padin ito ng tawa habang nagsasalita.

Wala kang pakialam!kapag binuksan mo ulit ito papatayin kita!pagbabanta ni Caloy.

Di na di napo sorry sir!maawa po kayo! nakangising sagot ni Athan habang nakataas pa ang dalawang kamay. Aminin mo na kasi di ko naman pagsasabi..nakangisi padin ito.

A Childish WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon